Kabanata 20

Background color
Font
Font size
Line height

Kabanata 20

Solo

Naging usap usapan sa mga block ang pag punta dito ni Vaughn even when almost three days had passed. When I said that he express his emotions very obvious it meams that he express it enough for almost the whole campus to know. Hindi na sikreto kaya talagang kahit kagabi ay marami ang nakatingin sa amin.

Nahihirapan naman ako sa pag sagot sa mga tanong nila dahil wala naman talagang namamagitan samin. Nga lang ay kailangan ko parin sumagot. Ayokong may ibang kwento ang mamuo.

Kahit ang mga pinsan ko ay nakiusyoso na talaga. Tuesday afternoon ay nasa bahay na sina Chloe, Kelsey, Margou at Ayana. Walang pasok sa araw na ito ang block namin kaya nasa bahay lang rin ako. Wala rin pasok ang college at hindi ko alam kung bakit. Inulan nila ako ng tanong tungkol sa pag sama ko kay Vaughn at sa paghatid niya sa amin. Even the boys are asking. Ni hindi ko alam na sobrang controversial pala talaga nang panliligaw ni Vaughn sa akin.

"Live na live sa Atty. Vincent Javier residence. Ms. Jessica Javier, ano na nga ba ang latest update sa relation ninyo ni Mr. Vaughn aguirre?" Hawak ni Deo ang hairbrush ko at pilit itong itinatapat sa mukha ko at tila nag sisilbing mic.

Agad ring tumayo si Kier at umarte na para bang camera man. Inilagay niya ang backpack ko sa kanyang balikat, imagining it as a camera.

Narito kami ngayon sa veranda. Nung una ay puro girls lang pero kalaunan ay sumulpot na rin ang mga pinsan kong lalaki pati na sila kuya at mukhang nakielam pa ng gamit ko sa kwarto.

Nakatawang inilapag ni Kuya Marcus ang tray ng iba't ibang sweets at cookies sa center table. Si Travis ang may dala ng juice at si Kuya Ken naman sa mga baso.

"Ano ba, Deo? Ibalik niyo nga 'yang gamit ko sa kwarto," iniwas ko ang kamay niya na nakatapat sa mukha ko kahit na natatawa na ako.

Humagikgik na rin ang mga pinsan kong babae. Agad namang tumayo si Chloe at sinunggaban na ang pagkain kakalapag lang. Ayana went for the juice.

"Naka abot na po ba sa first base?" pagtatanong ulit ni Deo, acting like those annoying reporters in TV's.

Iniwas ko ulit ang mukha ko sa kanya.

"No comment," sabi ko at umupo sa tabi ni Margou na nakatingin lamang sa amin at nakikinig.

Kahit na inulan nila ako ng tanong, tingin ko ay wala naman silang nakuha na ikaka interes nila. Wala naman kasi talagang nangyari. It didn't even met the first base Deo was trying to say.

"Ang showbiz," umirap si Chloe.

Humagikgik ako. Ayaw talaga nilang maniwala.

Magkatabi ngayong nakaupo si Kuya Marcus at Travis na parehong may tinatanaw sa cellphone. Kung di ako nagkakamali ay kay Deo iyon. Seryoso sila pareho at napansin kong sila lang rin itong di nakikitawa sa ginagawang kalokohan ni kier at Deo.

"Last question, Ms. Javier. May pag asa pp ba talaga si Vaughn?"

Napabaling akong muli kay Deo. Hindi ba ito titigil? Natawa akong muli.

"Mr. Reporter, Imbis na problemahin mo ang lovelife ko bakit di mo kaya unahing isipin yung mga nakikiusyoso sa cellphone mo?" kumindat ako bago ngumuso sa banda ng kapatid at pinsan na parang hindi pa narinig ang sinabi ko.

Napatingin tuloy sila Ayana doon. Bago pa makita ni Deo ay nag react na si Kelsey.

"Huy, ano yan ha?" aniya.

Agad namang nilingon ni Deo sila Kuya Marcus. Dali daliang lumapit si Deo sa dalawa.

"Anong ginagawa niyo?"

Kinuha agad ni Deo ang cellphone niya sa ngayon ay tumatawa nang si Kuya Marcus at Travis. Tinanong pa ni Kuya Ken kung anong ginawa nilankaya bumulong si Travis dito. Kasunod nun ay ang pag hagilap ni Kuya Ken sa cellphone niya. May tinignan siya dito bago humagalpak sa tawa.

"Bakit?" tanong ni Chloe.

Kunot noong sinuyod ni Deo ang phone niya. Naka dungaw rin doon si Kier habang kasalukuyang ibinababa ang backpack ko.

"Facebook," si Kuya Ken na hanggang ngayon ay tumatawa pa.

Sunod-sunod na nagsilabasan ng Cellphone ang mga pinsan ko. Hindi ko dala ang cellphone ko kaya nakidungaw lamang ako kay Margou.

Pinuntahan ni Margou ang facebook at doon unang bumungad sa feed jiya ang bagong post sa account ni Deo. Bago pa man makapag react ang kung sino man ay nauna na si Deo. Isang mariing mura ang ginawa niya bago ibinato kay Kuya Marcus ang hairbrush ko. Natatawa namang sinalo ni Kuya ang hairbrush ko. Kahit si Kier ay tumatawa na ngayon.

Nang makita ni Margou at tumawa na rin siya.

Deogracias Javier IV is feeling happy: I am finally brave enough to face the world and my family. I am proud to say that I am gay and I salute all the other gays in the world. We all deserve to be free and slay.

Humagalpak ako sa tawa ng makita iyon. Kaya naman pala ganon na lamang ang pagkalukot ng mukha ni Deo.

"What the fuck," Chloe cringed her nose as she laughs.

Ganoon rin si Ayana at Kelsey na tumatawa na rin. Ilang mga kaibigan na agad ang nakakita sa post sa account ni Deo. Kahit na sila Jim at mga pi san sa ibang bansa at iilang second cousin ay agad na nag comment.

Jim: Sabi na nga ba.

Aiden Javier: "An enemy has ben SLAYn" Wait 'till tito sees this.

Ysa Jimenez Javier: Oh my gosh, I love you, D.

"Wow. Kung bakla ka talaga baka si Ate Ysa lang ang susuporta," natatawang sambit ni Kuya Ken.

"Shut the fuck up," masungit na sabi ni Deo.

Nagkibit balikat lamang si Kuya Ken sa iritadong si Deo. Habang tumatawa parin ay nabot ni Kuya Marcus gamit ang paa niya si Deo.

"Wag mo munang burahin. I'm enjoying the comment section," aniya at sumulyap sa cellphone.

"Get off," hindi parin sila pinansin ni Deo.

Habang kumakain ng cookies ay mukhang nag eenjoy rin sa pagtanaw sa comment section sila Ayana. Ayos na rin siguro ito kesa naman ako ang inimbestigahan nila.

"Fuck!" Napatingin alang lahat ng nandito sa veranda sa kay Deo.

Kier made an O expression. He giggle as he tries to point out Deo's phome to everyone.

"Si Tito," bulong niya.

"Oh no," napatakip sa bibig niya si Kelsey. Ikinagulat rin iyon ni Ayana pero umiling na lamang si Chloe at humagikgik.

"Hello, dad..."

Agad na sinagot ni Deo iyon. Isang matalim na titig ang ibinaling niya sa mga pinsan kong lalaki bago pumasok sa bahay habang nakalagay ang cellphone sa tainga.

Hinarap ni Travis si Kuya Marcus na ngayon ay nag pipigil na rin ng tawa. Umamba itong makikipag high five nang batuhin ni Margou ng isang throw pillow. Napalingon sa kanya si Travis saglit bago tinuloy ang pakikipag kaladyaan.

"Not a good joke," umirap si Margou.

"Kj..." si Kuya Ken.

Kahit na ganon ang reaction ni Margou ay nagpatuloy parin siya sa pag tingin sa comment section. One girl tagging another girl. Dumadami ng dumadami ang reacts. Most of them were a laughing react from the boys and a crying one from the girls.

Dumadagsa ang mga comments. Hindi pa siguro mabura ni Deo dahil kausap pa si Tito. Kaya ganon na lang rin ang biruan ng mga pinsan kong lalaki.

For the first time in months I felt relieved. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko sa ngayon. Laughing and joking with these people. That is what I am feeling but it didn't last until one of the boys mentioned the name that could always change my mood into many forms.

"Nasaan ba si Xander?" si Kier na ngayon ay nakaupo na sa center table.

Walamg sumagot. Lahat ay tahimik kaya nagtaas ako ng tingin sa pinsan at halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng makitang sa akin nakatingin si Kier. Napalinga pa ako sa mga kasama namin. Nakatingi sa akin si Kuya Marcus. Ganon rin si Margou.

"Uh-"

"Sabi niya kanina-" naputol ang sinasabi ni Kuya Ken ng tumunog ang cellphone niya.

"Uy, sakto. Si Xander," aniya at agad na sinagot ang tawag.

Ibinaba ko ang mga mata ko sa cellphone ni Margou. She's now scrolling in her feed and I think looking into it is not apropriate but I don't have anything to look at. Kaya nagpanggap na lamang ako na nakikitingin kahit na ang totoo ay nakikinig ako.

"Hey, mf... Nasaan ka... It was a prank..." Kuya Ken said in between laughs. "Nakita mo ba yung mga comments? Karen even commented..." humagalpak sa tawa si Kuya Ken.

Xander.

Ilang araw na mula ang di sadyang pag amin ko sa pagseselos ko sa kanya. It was never really my intention to admit. Sadyang hindi ko lang namalayan na sa mga oras na yun ay binibigkas ko na rin kung anong nasa isip ko.

He tucked me to bed. Inaantok ako ng nasa hapag kami pero nawala iyon dahil sa hindi inaasahang confession. Hindi ko na siya matignan. Kahit isang sulyap ay hindi ko ginawa kahit nakalabas na siya sa pinto.

After that event things became more awkward. Kinabukasan ng araw na iyon ay nasa bahay ulit siya. Pagbaba ko ay naroon na siya at kasama na ni Brent. For some days it's normal but that day wasn't when je greeted me.

Buti na lang ay may pang umagang klase si Kuya Ken kaya sa kanya ako sumabay. Baka king hindi ay kay Xander na naman ang bagsak ko.

"Nasaan ka ba? Andito kami sa bahay- Check up? Sasali ka ba sa leg?"

Ng marinig ko ang mga salitang "Check up ay agad akong napabaling. Napagtanto kk lang na ibanh check up pala ang tinutukoy ng masundan ang mga sinasabi ni Kuya Ken.

"Si Jessica? Wala ata siyang pasok," tumingin sa akin si Kuya Ken habang nakikinig sa cellphone niya.

Muli na namang kumabog ng malakas ang puso ko ng marinig ang pangalan ko mula kay Kuya. And it is not because he just mentioned but because he is talking to Xander. Bakit naman ako mababanggit sa usapan nila? At sa pag uusap nila parang tinatanong pa ni Xander kung nasaan ako. Anong rason? Hindi ko alam. Kaya nga nakaka kaba lalo.

"Sige sasabihin ko..." nakatingin pa rin sa akin si Kuya Ken. Ilang saglit pa siyang nakinig sa kung ano mang sinabi ni Xander bago binaba ang cellphone.

"Tinatanong ni Xander si Jessica? Bago yun ah," si Ayana.

"Mag kaaway kayo? May rematch?" si Kelsey naman.

Sa sobrang kaba at kung anu-anong iniisip ko ay di ko na rin namalayan na nakikinig na rin pala ang mga pinsan ko.

"It's okay. Mas magandang si Jessica na lang ang kasama ni Xander kesa si Chinky," Chloe flipped her hair as she switches position on the couch.

Sa apat na babae ay si Margou lang ang hindi nagsalita. Sinulyapan ko siya. Kasabay ng pag sulyap ko ang pag lipat niya ng mga mata niya sa cellphone niya.

"Jes, mag bihis ka na. Susunduin ka ni Xander dito magpapasama sayo," wala sa sariling sambit ni Kuya Ken.

Nanlaki agad ang mata ko. Hindi ko inaasahan iyon ah. Bakit biglang sa akin magpapasama ang lalaking iyon?

"B-bakit ako?" halos tumayo ako ng tanungin ko iyon.

Nagtaas lang ng tingin sa akin si Kuya Ken. Ni hindi ako nilingon ni Travis at Kier. Kahit ang mga babaeng katabi ko ay wala rin pake. Nga lang ay nakatingin na sa akin ngayon si Kuya Marcus. Si Margou naman ay sumusulyap ng kaunti.

"Hindi ko alam. Tsaka ayokong umalis ng bahay kaya mas magandang ikaw ang inaya," aniya.

"E' nasaan ba si Chinky? Bffs sila nun ha? Bakit di yun ang ayain niya?" masungit na tanong ni Chinky.

"Text mo si Chinky para malaman mo kung nasan," agad na binato ng throw pillow ni Chloe si Kier na sinalo na lang iyon habang tumatawa.

"Asshole.." bulong ni Chloe.

Tumawa rin si Kuya Ken bago ako balingan ulit.

"Bihis na. 30 minutes nandito na yun," aniya.

Wala akong nagawa kundi sundin iyon. Pumasok ako sa kwarto dala ang hairbrush at backpack ko na ginalaw ni Deo at Kier. Bago ako umalis sa veranda kanina ay dumating si Deo na nakasambakol. Mukhang pinagalitan ni Tito dahil sa kagagawan ni Kuya Marcus at Travis.

Simpleng shorts at shirt lang ang suot ko. Sneakers lang rin ang suot ko. Ang totoo ay kabado ako sa pag dating ni Xander mamaya. Hindi kami gaanong nag usal pagkatapo ng gabi na iyon. O hindi ko siya gaanong kinakausao dahil siya nga itong pilit na nagpapapansin sa akin.

Pagkatapos kong mag bihis at lumabas sa walk-in closet ay naroon na si Margou. Nakaupo siya sa swivel chair ng study table ko at nag titingin ng kung anu-ano.

"Nasan sila?" nakuha ko ang atensyon niya. Umikot siya para harapin ako.

"Nandoon pa," sagot niya.

Naglakad ako para kunin ang hairbrush at nag simulang mag suklay.

"Lumabas ba sila kagabi?"

I glance at Margou. Her cat-like eyes are starring at me. Tungkol ito sa pagtakas ng mga lalaki tuwing gabi. Their latest sneak out was last night. Narinig kong papalabas ng kwarto si Kuya Ken at Kuya Marcus ng mga bandang alas dos pero hindi ako lumabas.

Tumango ako.

"Around 2 am," sabi ko.

Tumikhim si Margou at humilig sa swivel chair.

"I still wonder where they go everytime na umaalis sila. Nagtanong ako sa iilang barkada nila Kuya. Wala naman daw silang gala sa mga araw na nakikita kong umaalis sila," napatingin sa kawalan si Margou.

Iyon din ang iniisip ko. Napapadalas na kasi ang pag alis nila and I'm surprise na hindi pa nagtatanong si Chloe o Chantal. Jim is not here so Ayana is not asking either.

Pareho kaming lunod sa pag iisip ni Margou nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Sumungaw si Mommy doon at nilibot ang buong kwarto. Ng makitang si Margou lang ay pumasok siya.

"Aalis ka?" aniya ng makitang nakabihis ako.

"Opo. Nagpapasama po si..."

"Xander?" Nakangiti niyang tanong.

Tumango ako.

"That's good then. Aayain sana kitang sukatin ang gown mo pero ikaw na lang kung aalis kayo ni Xander," aniya.

Binuksan niya ang wallet na dala niya at nag labas ng iilang kulay asul na pera mula roon.

"Down Payment to sa gown. Harold is expecting you so be sure na ha?" aniya at tumalikod na.

"Margou, naghanda ako ng merienda sa dining. Pababain mo ang mga pinsan mo," dagdag oa ni mommy at lumabas na.

"Opo, tita." si Margou.

Naiwan ulit kaming dalawa ni Margou sa kwarto ng makalabas si mommy. Di kalaunan ay tumayo din siya.

"Try asking Xander. Madalas kayong nagkakasama ngayon. Maybe he'll say something because it's you," makahulugan niyang sinabi bago lumabas.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon o tama nga ang nararamdaman kong hindi lang simpleng pabor ni Margou iyon.

Bumaba na ako nang makitang wala na ang mga pinsan at kapatid ko sa veranda. Maingat na rin sa baba bunga ng kaladyaan at biruan. At katulad ng inaasahan ay naroon na si Xander.

Occupied ang lahat ng sofa sa salas. Naroon si Xander sa gitna ni Deo na nakabusangot at ni Ayana na kumakain ng Grilled cheese sandwich. Galing sa pag ngisi mula sa asaran ay nilingon niya ako. He eyed me from head-to-toe and then smiled at me. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi kaya nag iwas ako ng tingin.

"Jes, o," isang platito na may grilled cheese sandwich ang inabot sa akin ni Kelsey.

Kinuha ko naman iyon at lumapit sa mga sofa. Punuan na kaya sa gilid na lamang ako ni Kuya Marcus umupo. Nasa akin parin ang mata ni Xander kaya kahit sa pagkagat sa sandwich ay naiilang ako.

"Hindi pa ba kayo aalis, Xander?" si Travis at nilingon si Xander.

Umiling siya at ngumuso.

"Hindi pa ubos ni Jessica yung sandwich niya," pareho sila ni Travis na nilingon ako.

Nabitin tuloy ang susunod na kagat ko sana sa sandwich ko. Napatingin tuloy ako sa hawak ko. Nagkibit balikat na lamang si Travis. Nanatili naman ang mata sa akin ni Xander. Kumunot ang noo ko sa kanya. Bakit ba siya tingin ng tingin. He raised an eyebrow at me. Umirap ako at ibinalik ang mata sa kanya. Baka mamaya ay makita pa nila ang paninitig ni Xander e.

Isang kagat sa sandwich ko ay ibinaba ko na iyon. Tumayo ako at inayos ang gusto sa shirt. Nawala naman ang ngisi ni Xander sa mukha niya ng lingunan ko siya.

"Tara na," sabi ko.

"Hindi mo pa ubos," aniya at ngumuso sa sandwich ko.

Umiling ako. "Wag na. Bilisan na natin at fitting ko rin ng gown," sabi ko at nauna ng lumakad.

"Really? Sama ako!" si Ayana. Nagpresenta rin si Kelsey at Chloe ngayon. Nakatayo na si Ayana ng balingan ko siya.

E' kung um-oo na lang ako? In that way hindi lang kami ni Xander ang magkasama. I'm scared that we'll see Chinky again. Ayokong mag hinala siya lalo.

Hinala? Bakit? Ano bang mali sa ginagawa mo, Jessica? Wala naman diba? Huminga ako ng malalim. Para naman kasing hindi ko rin gusto sa kaloob-looban ko na maiwan kami ni Xander.

Sasagot na sana ako nang tumayo na si Xander at siya na ang sumagot.

"Wag na. Maingay kayo sa sasakyan e'. Tsaka yung Type R ang gamit ko," aniya at binato pa ng throw pillow si Ayana.

Ngumiwi si Ayana sa ginawa ni Xander pero tumawa lang siya at naglakad na rin patungo sa akin.

"Ipagdadrive kami ni kuya-"

"Inaantok ako," pag putol ni Kier sa kapatid.

"Si Kuya Ken na lang-"

"Kaya nga si Xander na sasama sayo e'. Tinatamad rin si Ken. Don't ask me too," si Kuya Marcus. Tumawa lang si Kuya Ken.

Mga tamad!

Chloe groaned in iritation. Xander then chuckled as he opened the door. Minuwestra niya ang pintuan kaya lumabas ako habang sinusubukan parin silipin ang mga pinsan na ngayon at naghahabaan ang mga nguso.

Xander completely block my view from my cousins. He closed the door behind him.

"Pwede naman silang sumama," sabi ko kaya bumaba ang tingin sa akin ni Xander.

"Not a chance. Ngayon na lang ulit kita maso-solo so it's a no," aniya at ngumisi.

Napa awang ang labi ko sa sinabi niya at agad ba nag iwas ng tingin. Wala pa man din ay may ganito na siya. How could I even last an hour with him. Maybe I should just barge in. Hahatakin ko na lang ang mga pinsan ko'ng babae.

Habang iniisio kung paano ako mag dadahilan para isa ang mga nagpupulimit na pinsan ay hinawakan na ni Xander ang palapulsuhan ko at hinatak na papunta sa gate. Pumikit ako at huminga na lamang ng malalim. I cab do this.

You are reading the story above: TeenFic.Net