Kabanata 19

Background color
Font
Font size
Line height

Kabanata 19

Long ride

Walang kumikibo sa sasakyan. The air is very awkward given that there are no background music. Gusto ko sanang magpatugtog na muli pero ayoko nang gumalaw pa dahil ayokong mapansin ni Xander.

Chinky called right after we left the parking lot. Kahit na hindi naka loud speaker ay rinig na rinig ko ang pag rereklamo niya. Casual lamang na sumasagot si Xander na para bang hindi dinidinig ang mga rants ng pinsan bago ito pinatay.

Nakarating kami sa Wup ng walang pag uusap. He pulled up in front of the senior highschool building. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at mabilis na rin bumaba. I closed the door with Xander's eyes as the last thing I saw inside the car. Hindi ko na siya nilingon pa at nag tuloy na akong pumasok sa building.

And like a daily routine, kahit na nasa klase ay lumilipad ang utak ko kay Xander. He used to be so close to Chinky. Lagi silang magkasama nung mga nakaraang buwan. Therr are times people would assume that they are couples. Kaya ang makitang iniiwan ni Xander si Chinky at ako ang kasama.... I don't understand.

Ang suma tutal ng araw ko ay hinintay ko lang rin na mag uwian. Hindi ko gaanong nakasama si Evan sa araw na ito dahil sa spbrang busy niya. 2nd period pa lang ay ipinatawag na siya para sa meeting ng student's council. Hanggang ngayon na huling klase na ay wala pa siya. Malapit nang mag ala sais y media. Hinihintay ko na lamang ang pag dismiss ni ma'am. Napaka bilis na tumakbo ang oras kahit na naubos lang naman ito sa kakaisip ko kay Xander.

"Quiz next meeting. Iaannounce ko na rin ang PeTa ninyo,"

Hindi pa tapos mag salita ang teacher sa harap ay kanya-kanya nang tayo at ayos ng mga gamit ang kaklase ko. Ako lang itong nagmamabagal pa. Kahit wala namang ginawa maghapon ay pagod na pagod ang utak ko.

"Goodbye," nauna nang lumabas si ma'am. The class greeted her goodbye in unison.

Doon lamang ako nagpasyang tumayo at mag ayos ng gamit. May mga lumabas na akong mga kaklase at nagsimula na rin umingay sa labas.

"Vaughn yun diba?"

"Aguirre?"

"College na iyan diba?"

May tatlong babae pa ang natitira sa room kasama ko. Mga nag reretouch at nag aayos. Nakuha nila ang atensyon ko. Malapit sila sa bintana ng classroom at pasimple silang sumisilip roon.

Nagpatuloy ako sa pag aayos ng gamit ko pati na rin ng sarili ko. Ilang sandali kong tinignan amg sarili sa salamin. Nagpatuloy naman sa pag tanaw ang mga babae.

"Bakit nandito?"

"Baka may hinihintay?"

Natahimik sila kaya napatingin ako sa kanila at nakitang nakatingin sila sa akin. Nagtaas ako ng kilay.

"Baka ikaw ang hinihintay ni Vaughn, Jessica." ani ng isa.

Marahan akong ngumiti at tumango sa kanila. Mabilis ko nang inayos ang mga gamit ko. Kahit na hindi ko pinapansin ay may pakiramdam na ako, na ako ang ipinunta ni Vaughn.

Throwing my bag to my back, I bid my goodbye to the three girls and went outside of the room. Naroon si Vaughn suot ang kulay itim na sling bag na may maliit na check sa gilid nito. Nakapamulsang nakatayo at nakasandal sa railings. Nang nakita niya akong lumabas ay agad na tumuwid sa pagkaka tayo.

"Jes," aniya at nilapitan ako.

Ngumiti ako sa kanya.

"Napadaan ka?"

Umiling siya. "I came here to see you,"

Nilingon ko ang kaliwa't kanan na bahagi ng hallway. May iilan pang natitira. Ang iba pa nga ay nakatingin sa amin.

"Bakit?" tanong ko bago iminuwestra sa kanya na maglakad na. Sinabayan niya naman ako.

"Nakita raw kayong dalawa ni Xander sa plaza sabi ni Krisha kaya hindi mo napaunlakan ang pag aya ko kanina,"

I bit my lip. Are we too obvious? Hilaw akong ngumiti bago siya balingan.

"Yeah. Naglunch kami. Naroon na kasi kami nung nagtext ka so I had to decline your offer," sabi ko.

Ngumiti lang siya at yumuko. Poor Vaughn. He's a nice guy kaya lang ay hindi ko talaga masusuklian ang pag tingin niya sa akin.

"Maybe next time. Babawi ako,"

Huminga siya ng malalim at lumapad muli ang ngiti.

"Edi bumawi ka na ngayon. Let me take you home,"

Napabaling ako sa kanya dahil sa sinabi. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. With eyes full of hope na papayag ako. Bahagya kong nilingon ang paligid. Pababa na kami ng hagdan at kahit di ko nililingon ay alam kong pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong at nadadaanan.

Hindi pa ako sumasagot kahit pa nang tuluyan na kaming makababa mula second floor. Wala si Evan at walang maghahatid sa akin. Kung aantayin ko naman ang kung sino man sa dalawa ko'ng kapatid ay baka matagalan pa. Isa pa, ihahatid lang naman niya ako.

Yes, Jessica. You need a distraction. Mabuting tao naman si Vaughn kaya ayos lang rin ito.

"So what do you say? We could eat dinner too but if you'll like ididiretso na kita pauwi," aniya ulit at huminto na sa paglalakad. Ganon rin ako.

Ngumiti ako sa kanya. I was about to give my answer when I heard a voice from my back.

"Good offer but no thanks. I'm taking her home," sabay namin hinarap ni Vaughn si Xander na naglalakad patungo samin.

Napakunot ang noo ko. Why is he here?

"Hey, Xander," si Vaughn.

Xander nodded curtly at Vaughn before turning his gaze on me.

"We'll head home now," aniya at akmang hahawakan na ang pala pulsuhan ko ng isa na namang boses ang nang galing kung saan.

"Home? Sa pagkaka alam ko ay hindi ka kila Jessica nakatira so it is not your home," Nakahalukipkip na dumating si Chinky bitbit ang sling nag niya.

Halatang nalilito, nagtatakang tinignan ni Vaugh si Xander, Chinky tapos ay ako.

Agad ko nang iniwas ang braso sa palad ni Xander na malapit na akong hawakan. Napasulyap siya dun bago bumuntong hininga at binalingan si Chinky.

"Chinky, I told you we'll talk later tonight... or tomorrow," aniya

"Yung kaka "tomorrow" mo umabot na ng ilang linggo, Xander," umirap si Chinky bago ako balingan.

"At ikaw..." Wala pa man din siyang sinasabi ay sinubukan na siyang awatin ni Xander.

"Chinky, stop..." si Xander at humakbang sa harap ko para harangan si Chinky.

"What?" nagtatakang tanong ni Chinky sa ginawa ni Xander.

Mabilis namang hinawakan ni Vaughn ang siko ko at sinubukan akong ilayo. Umiling ako sa kanya at ngumiti.

Sumulyap sakin si Chinky bago ibinalik ang mga matang puno ng pagtataka kay Xander. She then chuckled without humor. Umatras ng bahagya at muling bumagsak ang expression sa mukha.

Kahit na nakaharang si Xander sa akin ay nasulyapan parin ako ni Chinky.

"Hindi mo driver si Xander. You have your brothers and your cousin. Sa kanila ka magpasama," mariin niyang sambit, emphasizing the words "brothers" and "cousins".

"Halika na," si Xander at sinubukang abutin ang kamay ni Chinky.

Napahigpit ang pagkaka hawak ko sa strap ng bag ko. Hindi nakatakas sa paningin ako ang pilit na pag hawak ni Xander sa kamay ng pinsan. Bigla na lamang sumakit ang pag tibok ng puso ko ng di alam ang dahilan.

Iniiwas ni Chinky ang kamay niya pero mabilis rin ni Xander na nahawakan iyon. Nagtagal ang mata ko sa kamay niyang nakahawak rin kay Chinky. Ramdam na ramdam ko na ang pag init ng gilid ng mga mata ko. Fuck! Lagi na lang wrong timing ang mga lecheng luha na 'to.

"Don't go anywhere and wait for me. Iuuwi kita," si Xander habang nakatingin sa akin habang patuloy na hinahatak ang pinsan.

Ang nagpupumiglas na si Chinky ay nahinto sa sinabi ni Xander. Agad niya itong nilingon at tapos ay ako.

I swallowed a bile ni my throat. Nag iwas ako ng tingin. Konti na lang at babagsak na ang luha ko. And I don't wanna cry infront of Xander again. Kahit ba gusto ko ngang siya na lang ang mag uwi sa akin, hindi na lang.

With a deep breath I forced my tears in. Ngumiti ako sa kanila bago umiling.

"Pwede namang si Vaughn na,"

Si Xander naman ngayon ang natigilan.

"Just wait for me-"

"Hindi na. Tama si Chinky at hindi naman kita driver. I have my brothers with me. May klase lang sila ngayong oras na ito kaya hindi ko sila matawagan. Vaughn can take me home," I collected all the energy I can get to say those words withput breaking out. I need to get away.

Hindi nakapag salita si Xander. I took that as a signal na umalis na. Nilingon ko si Vaughn na nakatanaw din sa akin. I smiled at him.

"Let's go," sabi ko at tumalikod na. Hindi ko alam kung saan nakapark ang sasakyan ni Vaughn pero kailangan ko nang umalis doon.

Hindi naman nagsalita si Vaughn at naka abot kami sa sasakyan niya. Nakayuko lamang ako na nag lalakad at pilit na pinipigilan ang luha. I don't know why I'm crying right now. Wala namang masakit na nasabi si Chinky.

Pinag buksan ako ni Vaughn ng pintuan. Ngumiti lang ako sa kanya at sumakay na sa front seat. Mabilis rin siyang sumakay sa driver's seat.

Kinalma ko ang sarili ko. I'm sure Vaughn will ask questions. Ayokong sagutin yun ng nauutal o naluluha. He doesn't have to see me like this.

"So it's your cousin Chinky?"

Tumuwid na ako sa pagkakaupo nang marinig na ang inaasahan na tanong ni Vaughn.

"Oo," sagot ko.

"Selos na selos, ah?" natatawa syang umiling.

Nagulat ako roon. Is that how he interprets the situation where in earlier? Selos? Ni... Chinky?

"Hindi naman sa ganon," depensa ko hindi para sa tingin niya pero para sa kung anong pwedeng maging konklusyon ko.

"Then what is that? Hindi lang talaga kayo magkasundo?" nilingon niya ako.

"You could say that," Tumingin ako sa harap.

Iba ang dinaanan namin kumpara sa usual na dinadaanan ko pauwi. Mas malayo ang ruta na ito. I want to ask Vaughn why he went to this way but maybe he just wants more time. His actions are very bulgar and expressing his emotions about liking me is very obvious.

"Why? I mean you grew up together," pagpapahaba niya sa usapan.

Yes we grew up together that is why she hates me more.

"I don't know but I'm used to it so it doesn't bother me that much," kahit na kasinungalingan ay iyon na lang ang sinabi ko.

Of course it bothers me. Yes I'm used to her harsh words but it still bothers me.

Mabigat parin ang pag tibok ng puso ko pero mas kalmado naman na ako ngayon. Pero aminado ako na atat na akong umuwi. Gusto ko nang mapag isa. Kahit na kalmado ay nagbabadya parin ang luha ko. Paulit ulit ang pag himas ko sa hita papuntang tuhod ko. Ang layo kasi talaga ng inikutan nu Vaughn. Nung una ay ayos pa pero ngayon ay gusto ko nang umuwi.

Vaughn kept asking questions for a coversation. Sumasagot naman ako pero hindi ko maiwasan maging tipid.

Mayroong panahon na nahihinto kami dahil sa traffic. Pabalik balik ang tingin ko sa wrist watch ko. Nasa 30 minutes na kaming nasa byahe. Kung idinaan lang niya sa mas malapit na ruta ay baka 15 minutes lang nasa bahay na ako.

Nakahinto kami ngayon sa traffic at salitan kami sa pag sasalita ni Vaughn. Bahagya lang akong napahinto ng maramdaman ang pag vibratr ng cellphone ko sa bag. Kinuha ko iyon at tinignan.

Incoming call: Xander

"I wanna enter slalom racing too pero mukhang kailangan ko pang kumbinsihin si mommy. What do you think?" napabaling sa akin si Vaughn.

Pinatay ko agad ang tawag para hindi niya makita. Napansin nga lang niya ang pag tago ko sa phone ko. Nawala ang ngiti niya sa mukha.

"Tinatawagan ka na?"

Umiling ako. "Ayos lang,"

"Sino ba iyon? Kuya mo? Is it Ken? Marcus?" sunod sunod niyang tanong. I bit my lip, umiling.

Humarap na siya sa harap. Akala ko ay di na siya mag tatanong kaya muli kong sinulyapan ang phone.

"Is it Xander?"

"H-huh?" napabaling ako sa kanya.

"Mas protective pa si Xander sayo kaysa sa dalawa mong kuya. I have never seen Marcus so strict of you like how Xander is. Kahit si Travis o Yeshua kay Margou..."

Dug dug.

What is he pointing out?

"Ayaw ni Xander sa akin para sa'yo?" sinulyapan niya ako. Halata ang pagka iritado sa mukha.

Mabilis naman akong umiling.

"H-hindi naman sa ganon," sabi ko.

"Hmm.." aniya.

Nag hihintay pa ako ng isasagot niya ng muling umilaw at nag vibrate ang cellphone ko sa kamay. Muling tumatawag si Xander kaya agad ko rin pinatay. Nakaka anim na missed call na siya. Ang apat ay paniguradong hindi ko napansin. Ang dalawa ay sadyang pinatay.

Nakita iyon ni Vaughn. Bahagya ring nag igting ang panga.

Kasunod ng tawag ay may text na dumating.

Xander: Nasaan ka na? Nasaan kayo?

Pinatay ko na ang cellphone ko at ipinasok na sa bahay. Malapit na kami kaya okay na rin. Nang lumiko na kami sa street ng bahay ko ay naginhawahan na ako. Nga lang ay nawala ang panandaliang pag didiwang ng makita ang pick up ni Xander na nakapark sa harap ng gate namin. Naroon din siya at nakatayo habang kunot noong nakatingin sa cellphone niya. Agad siyang nagtaas ng tingin nang naaninagan ang sasakyan ni Vaughn.

"Baka siya talaga ang kuya mo at hindi sila Marcus?" ani Vaughn ng nakita na si Xander na mariin nakatingin sa sasakyan.

Pilit akong tumawa ng bahagya. It's a joke so I should atleast laugh.

The car went to a full stop. Hawak ang bag ko ay nilingon ko si Vaughn kahit na natanaw ko na sa gilid ng mata ko ang pag lapit ni Xander sa sasakyan ni Vaughn.

"Thank you for the long ride, Vaughn." I smiled.

He chuckled. "Did it on purpose," kumindat siya. Lalo akong nangiti. He's really not a bad guy.

Ambang bubuksan ko na ang pintuan ko ng unahan na ako ni Xander na halatang galit na galit na. Nag hintay siya na bumaba ako. Hawak ng isang kamay ang pinto, ang isa namay nasa baywang nakahawak.

Nilingon ko siya pero hindi siya nakatingin sa akin. Isang ngiti ulit ang iginawad ko kay Vaughn.

"Thank you ulit," at tsaka ako bumaba.

"Welcome. Hoping for a next time-" hindi pa man din tapos ang pag papaalam ni Vaughn ay sinarado na iyon ni Xander.

"Xander-"

"Pasok," aniya at hinawakan ako sa likod at marahang itinulak.

Vaughn beeped his horn before leaving. Wala na akong chance na lingunin pa iyon dahil sa pag tulak ni Xander. Pumasok kami sa gate. Mabilis na isinara ni Xander ang gate bago sumunod sa akin. Wala pa ang sasakyan nila kuya. Ganon din ang kay daddy.

Nang pumasok kami sa bahay ay tahimik rin. Tingin ko kahit si mommy ay wala. Lumabas si Manang mula sa kusina nang narinig ang pinto.

"Nariyan na ba si Jessica, Xander?" si Manang at nang matanawan ako ay bahagyang nangiti.

"Kumain na kayo," dagdag pa ni Manang.

Nilingon ko si Xander na nakasimangot paring nakatingin kay manang.

"Sige po, manang. Susunod na po kami. Magpahinga na po kayo," aniya.

"O sige. Iwanan niyo na lamang ang mga plato sa lababo at ako na ang maghuhugas kinabukasan," aniya at pumasok na muli sa kusina papunta siguro sa kwarto niya.

"Magbihis ka na tapos kumain na tayo," aniya.

"H-hindi naman ako gutom," pag sisinungaling ko. Gutom ako. Ayoko lang na sumabay sa kanya.

"Bilisan mo. Gutom na ako,"aniya at iniwan na ako. Naglakad na siya papunta sa dining area.

Umakyat ako at naligo. Kahit na pilit sinasabi ng utak ko na hayaan na lang si Xander na kumain mag isa at matutulog na lang ako, parang may kung ano naman sa puso ko na naaawa habang naiimagine si Xander na hindi parin kumakain at hinihintay ako.

Mabigat man sa kalooban ko ay wala akong nagawa kundi bilisang maligo at magbihis. Bibilisan ko na lang sigurong kumain at aakyat na rin ako.

Ganoon nga ang ginawa ko. Naka shirt at shorts lang ako nang bumaba ako. Sobrang tahimik ng bahay na rinig na rinig ang bawat pag tapak ko. Nang nasa kalagitnaan na ng hagdan ay narinig ko'ng may kausap si Xander.

"Wala akong kinalaman dun. I only met her twice. Nasa party pa pareho," aniya sa cellphone.

Nag tuloy tuloy ako sa pag baba. Habang papalapit ako ay naririnig ko ang pakikipag usap ni Xander.

"Humahanap na lang ang gago na 'yan ng excuse para makipag away... Alam ko..."

Nakatayo si Xander at tinatanaw ang bintana habang may kausap sa cellphone. Nang nakita ako ay agad na nag paalam sa kausap at ibinulsa ang cellphone.

"Kain na," malamig niyang sambit at lumapit na sa upuan.

Dalawang ulam ang nakahain. Dalawang plato, baso, pares ng kutsara at tinidor pati kanin. Hinatak niya ang upuan sa harap ko tapos at umupo sa katabi nito. Tahimik naman akong umupo.

Nag upisa siyang lagyan ng kanin ang plato ko. I thought he's mad?

"A-ako na,"sabi ko.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalagay. Mas marami pa iyon sa binabalak kong kainin.

"Okay na 'yan. Masyadong madami," sabi ko
Tumigil siya sa pag lalagay at sinulyapan ako bago niya lagyan ang plato niya.

Ibinaba niya ang kanin.

"Anong gusto mo?"

"I can manage," sabi ko at inabot ang adobo dahil mas malapit sa akin iyon.

Alam kong nakatitig siya sa akin kaya hindi ko siya tinitignan pabalik. Nag umpisa kaming kumain. Napaka tahimik sa bahay na ang nga kubyertos lang namin ang maingay.

Hindi nag tagal ay tapos na akong kumain. Ilamg subo lamang ang nagawa ko at busog na ako. Siguro at wala lang talaga akong gana ngayon. Nilingon ni Xander ang plato ko ag nakitang kalahati lang halos ang nabawas.

"Ubusin mo," aniya at sumubo sa kutsara niya.

"Busog na ko,"

Hindi na siya sumagot. Tapos na ako at hinintay ko na matapos siya kahit mukhang matagal tagal pa. Ayoko naman na kumain lamang siya mag isa.

"Anong oras ka uuwi? Gabi na..." Ilang sandali ko rin pinag isipan kung tatanungin ko ba iyan. Napaka tahimik lang kasi ng bahay. Kahit siya.

Hindi siya sumagot. Kahit na nung uminom siya ng tubig saglit. Sumubo lamang siya pagkatapos nun at talaga umasta na parang mag isa nga siya. Something in my chest stings from the way how he ignores me. Pero siguro galit siya at sumama ako kay Vaughn. The thought of hus anger because I came with Vaughn gives a bit of relaxation to me. Pero ang ganitong hindi niya ako pinapansin ay masakit.

Inaantok na ako. Araw araw na ata akong ganito. Pagod hindu dahil sa mga physical activities kundi sa pag iisip sa mga kung anu-anong bagay. Kahit ang pag hihigab ay di ko na mapigilan. Hindi pa siya tapos pero nag cecellphone na siya. Gusto ko man umalis ay di ko magawa. Ako na rin ang mag huhugas ng mga plato.

Sumandal na lamang ako sa backrest ng upuan. Isinandal ko ang ulo ko dahil medyo napipikit na rin ako. Konti na lang naman ang nasa plato niya kaya matatapos na rin siguro siya.

At sa pag hihintay ay di ko na namalayan na nakakatulog na ako. Nagigising ako sa tuwing nararamdaman kong malapit na akong mahulog. Naaantabayanan ko naman ang sarili ko. Nagising lang muli ang diwa ko nang marinig ko ang pag atras ng upuan ni Xander. Nakatayo na siya nang pag dilat ko.

"Pumunta ka na sa kwarto mo," aniya.

Sinulyapan ko ang plato niya at nakitang tapos na siya kaya tumayo na ako. Nag umpisa na akong mag ligpit ng pinag kainan.

"Umakyat ka na at matulog. Ako na ang gagawa niyan," aniya.

"Ako na. Umuwi ka na. Gabi na," sabi ko at kinuha ang mga plato pero hindi ko iyon nadala sa lababk ng kunin niya iyon.

"Can you please do what you are told?"

Nilingon ko siya. Kung kanina ay galit at inis lang, ngayon ay may ibang emosyon na rin ang dinadala ng mga mata niya.

"I can do this," pagod kong sagot at sinubukan ulit kunin ang mga plato pero kinuha niya ang magkabilanf pala pulsuhan ko.

"Pero sabi ko ako na," aniya.

Nanatili ang mata ko sa mga kamay niyang nakahawak sa akin. A memory flashed in my mind. Muli kong narandaman ang nag iinit na parte ng

You are reading the story above: TeenFic.Net