Kabanata 1

Background color
Font
Font size
Line height

Kotseng Itim

''Ano ba 'yan! Bulag ka ba?" Sigaw nang isang magandang babae sakin. Nagsiksikan kami papasok sa gate pero naapakan ko ang paa niya.

"Pasensya na,hindi ko sinasadya." Paumanhin ko dito.

"Anong magagawa ng pasensya mo sa sapatos ko? Hay! Pangit ka na nga ang tanga mo pa! My god! Look at my shoes Elly! It's ew na!"

Nagbulong bulongan ang mga kasama niya na puro babae. Kinabahan ako dahil baka ano ang gawin nila sa akin dahil mukhang galit ang mga tingin nila.

"Oh! Diba siya 'yung nakatira sa lumang bahay? Iyong hunted house!" Sabi ng isa at tinuro-turo ako. Hanggang sa napapatingin na silang lahat sa akin.

"Siya nga iyon! 'Yong may lolang mukhang mangkukulam na matanda? Baka mangkukulam 'yan? Bakit dito siya pumasok?"

Nasasaktan ako sa mga sinabi nila pero pinilit kong tinibayan ang loob ko.

"Pasensya na ulit " Mahinang sabi ko sa kanya at hindi ko na pinansin ang kanilang panlalait.

"Hey! May kasalanan ka sakin kaya dapat mong bayaran! Punasan mo ang sapatos ko,dali!" Sabi ng babaeng naapakan ko ang kumikinang na sapatos. Tiningnan ko ang sapatos ko na maputik dahil sa paglalakad kumpara sa sapatos niyang sobrang makinang at bago.

Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng walang emosyon. Ayokong magpakita ng kahit ano. Kahit na nasasaktan na ako.

Nilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"What?!"sigaw nito.

"Akin na panyo mo." Sabi ko dito. Napatingin siya sa panyo niya.

"At bakit?"

"Pupunasan ko ang sapatos mo. Nagmamadali kasi ako. Kita mo sila?" Tinuro ko ang mga nagmamasid sa amin na mga estudyante.

"Naghihintay sila na matapos ang seremonya natin dito. Kung hindi mo matanggap ang pasensya ko, bigay mo sakin ang panyo mo para punasan ko ang sapatos mong makinang. I am late. Nandito ako para mag-aral hindi iyong mamunas ng sapatos."

Nakanganga ang bibig niya at sumisiklab na sa galit ang mga mata.
"Aba't! Ikaw na itong naka apak ah!"

"I told you , I'm sorry pero ayaw mo di'ba? E' di sana kanina pa tayo nakapasok sa eskwela natin." Tiningnan ko ang relo ko na luma na at tiningnan siya na susunggaban sana ako.

"Karina, tama na! Unang araw ng klase nagpapasikat ka!" May lalaking humila sa kanya at pinigilan siya. Mangiyak-ngiyak na ngayon ang babaeng may pangalan na Karina.

"Seth,can't you see my shoes? It's dirty! Kasalanan ng babaeng iyan! Mangkukulam 'yan!" Sigaw nito na umiiyak.

I closed my eyes with annoyance. Ngumuso ako at yumuko. Grabeng intrada ito ng unang pasok ko sa kolehiyo. I didn't know It could be this worst. Nagmula ako sa pampublikong eskwelahan at nakapasa ng scholarship ni Mayor kaya nagkataon na dito ako nag-aral sa pribadong eskwelahan.

"Okay na miss , ako na dito." Sabi ng lalaking may pangalan na Seth. Unawang ang labi nito ng makatingin sa akin.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Sige, pasensya na."

Bawat hakbang ko parang isa akong alien sa kanila. Mero'ng tumitingin sa bawat galaw ko. Mero'ng nagbubulongan sa 'tuwing malalampasan ko sila.

Inayos ko ng mabuti ang aking salamin sa mata at pumasok sa aming classroom. I am taking BSED. Bago ako pumasok kanina ay nagtinda pa ako ng isda upang may ipambaon. Ang lolo ko ay nangingisda habang si lola naman ay nagtitinda ng mga kuha ni lolo. Si tita Elisa naman ay konti ang kinikita sa pag mamanicure at pedicure.

Kaya gusto ko talagang makapagtapos upang may itulong ako sa kanila. Noon pa man alam ko nang hindi ko sila totoong pamilya. Alam ko din na nakita lang nila ako sa simbahan ng sanggol palang ako.

Kahit 'ganon, hindi ako nagtanim ng galit. Sa katunayan nga ay tinutulungan ko sila upang ibalik ang tulong na pagpapalaki nila sa akin. Sila na iyong tinuring kong pamilya at mahal na mahal ko sila ng sobra.

Nakaraos ako sa unang araw ng 'skwela ng may pumansin sa akin.

"Hello!" Ngumiti siya sa akin at naglahad ng kamay. Napahinto ako at tiningnan siya.

"Magka-klase tayo. Hindi mo'ko napansin dahil nakayuko ka palagi. Ako pala si Kaira! Si Angelica ka di'ba?"

Ngumiti ako dito at 'tsaka tumango.
"Hindi kita napansin kanina 'eh."

Matangkad ako sa kanya. Naka puyod siya at may malaki din na salamin sa mata katulad ko. Ang kaibahan lang namin ay may brace siya.

"Nakita ko iyong eksena kanina. Ganyan talaga si Karina! Attention seeker iyan 'eh! Mula pa noon'ng high school kami spoiled na iyan! At iyong lalaki na si Seth? Crush niya iyon, campus heart throb iyon."

Lumalakad kami habang nagsasalita siya at tumango tango ako bilang sang ayon sa mga sinabi niya.

"Kanina pa sana kita gustong lapitan kaso kumukuha ako ng tayming, mukha kasing maldita ka. Nakita ko kasi kung paano mo sagutin kanina si Karina! At hindi nga ako nagkakamali! Sobrang ganda mo! Hala,iyong mata mo kulay green! May contact kaba?"

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Wala akong cellphone 'eh."

Humagalpak siya sa tawa at napahampas pa sa balikat ko. Nasa labas na kami ng eskwelahan namin at talak parin siya ng talak.

"Ay! Ang ganda mo pero slow! Joke! I mean, contactlense sa mata! Hindi contact sa cellphone!"

Ngumiwi ako at napakamot sa ulo.
"Ah, iyon ba! Wala! Wala naman akong pambili 'nun."

She gasped with disbelief. "You mean! real na real iyan? 'Yung mata mo? Tsaka' itong kulot mong buhok? Nagpakulay kaba?"

Kinuha ko ang hibla ng buhok ko at tinignan ang medyo makinang na kulay orange nito. "Hindi din 'eh, mula pa ng bata pa ako ito."

"Naku! Alam ko na kung bakit galit si Karina saiyo. Dahil nakakita na siya ng katapat niya! Ang ganda mo! Parang nabuhay na manika ka! Kaya nga gusto kitang maging kaibigan 'eh! Maganda na mabait pa!"

"Naku! Hindi naman. Wa'g mo'kong bolahin wala akong pera dito." Biro ko dito at pareho kaming natawa.

Nakagaanan ko siya ng loob. Nanatili kami ng konting minuto sa waiting shed ng 'skwelahan at nagkwentuhan. Parang nauhaw ako sa isang kaibigan. Sa buong buhay ko wala akong naging kaibigan dahil natatakot sila sa akin. Natatakot sila sa pamilya namin dahil mga mangkukulam daw kami.

May sumundo kay Kaira na isang traysikel.Iyon daw ang sundo niya. Nauna na siyang umuwi kaya naiwan ako sa waiting shed.

Nakaramdam ako ng gutom nang ako nalang mag-isa. Nakita ko ang nagtitinda ng balot sa gilid ng 'skwelahan kaya nilapitan ko iyon.

Nadaanan ko pa ang isang itim na sasakyan at magara. Napatigil ako dahil parang may naramdaman akong kakaiba. Kinakabahan ako. Pero binalewala ko iyon dahil wala naman akong dapat ikakaba.

Nilampasan ko iyon at dumiretso sa nagtitinda ng balot.

"Manong dalawa po!" Masiglang sabi ko dito.

Napawi ang ngiti ko ng makita ang kakaibang tingin sa aking ng lalaking nagtitinda ng balot. Imbes na sa mata ko tumingin,nasa dibdib ko ang tingin nito.

"Kahit ubusin mo na. Basta sumama ka sa akin." Napadila pa ito na tinignan ako. "Gandang dalaga mo talaga."

Napalunok ako. "Ah, dalawa l-lang po manong."

"Hindi! Ubusin mo na! Sumama ka sa akin. Madami akong pagkain sa bahay, tara?"

Hinawakan ako nito sa pulso upang hilahin. Pero umatras ako at hinila ang aking kamay. Napalunok ako at nangilid ang luha. Hindi ako makapagsalita. Sa nanginginig na mga paa ay tumakbo ako.

Namalisbis na sa aking pisngi ang aking luha habang tumatakbo. Medyo madilim na dahil napasarap ang kwentuhan namin kanina ni Kaira kaya wala nang masyadong natitinda at studyante.

Napatigil ako sa pagtakbo ng marinig ang pagkabasag at ingay ng kotse. May narinig rin akong sigawan ng mga tao.

Binalik tanaw ko ang kaninang kinaroroonan ko dahil doon nanggaling ang ingay.

Lumaki ang mata ko ng makitang nakahandusay sa daan ang duguang nagtitinda ng balot na kanina lang akong binastos! Ang mga balot nito ay nagkalat sa daan at yupi ang kariton! Sinagasaan ng itim na kotse iyong bumastos sa akin!

Napanganga ako dahil ang kotseng iyon ang nakaparking malapit sa akin kanina! Iyong itim na kotse.

Natulos ako sa kinatatayuan nang mabilis na umalis ang itim na kotse. Nang dumaan ito sa akin ay bumaba ang salamin nitong itim.

Tumindig ang balahibo ko ng makita ang lalaking hindi ko maklaro ang mukha dahil madilim sa loob nito.Tanging nakita ko lang ang sigarilyo nito. Kahit madilim alam kong sa akin iyon nakatingin lalo na ng humina ang takbo nito ng tumapat na iyon sa akin mismo.

Nakita ko kung paano ngumisi ang isang lalaki sa loob ng mamahaling kotse . Sa kaba ko ay tumakbo ako ng mabilis palayo sa kotseng itim na iyon.


You are reading the story above: TeenFic.Net