Kabanata 2

Background color
Font
Font size
Line height

Patawarin

Nagkulay orange na ang kalangitan hudyat na papalabas na ang haring araw. Nag-inat ako ng katawan sa harap ng aming bintana. Magtitinda na naman kami ng isda ni lola para may ipambaon ako.

"Lola ,ako nalang ang magbebenta." Sabi ko sa kanya ng makitang inuubo siya.

Umiling siya at ngumiti sa akin. "Ayoslang, samahan mo nalang ako. Mas mabuti nga na may ehersisyo ang katawan kaysa wala. Halika na!"

Inagaw ko agad sa kanyang kamay ang bilao ng mga isda. Nilagay ko sa aking ulo ang isang bilao habang ang isa ay sa kamay ko at dinikit sa aking baywang. Naglalakad lang kami patungong talipapa.

"Naiinis na ako sa lolo mo anak! Sabi'ng wa'g nang mangisda at may uulamin naman tayong gulay sa likod bahay pero ang tigas ng ulo."

Huminga nalang ako ng malalim habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya. Nagiginawan man ako sa simoy ng hangin pero binalewala ko iyon.

Sa talipapa marami na ang pumipili kaya mabilisan kong 'pinwesto ang aming mga isda.

"La! Maupo na kayo diyan sa likod ha! Ako na dito!" Sabi ko dito habang nilalagay ang mga isda.

Tulad ng dati may mga ayaw kasing bumili kapag si lola ang bumibenta dahil tanyag itong mangkukulam dito na hindi naman totoo.

Hindi ko na rin pinansin ang mga nakakatusok na tingin ng mga katabing manininda din ng isda namin. Ayoko na silang intindihin pa dahil nandito ako upang magbenta ng isda lalo na malapit na mag umaga!

Sinindihan ko ang moron para magliwanag ang aming pwesto.

"Pasok mga suki! Presyong mura at fresh pa! Bili na kayo!" paulit-ulit na sigaw ko upang makaagaw ng atensyon ng mamimili.

Nakita ko ang papalapit na lalaki na bibili sana ng kalabitin ito ng kasama niyang babae. May binulong ito kaya hindi natuloy ang pagbili. Sa mga sumunod ganon' parin ang nangyayari.

Alas singko na wala paring bumibili. Nakita ko si lola na nakatulog na sa aking likod sa mahabang upuan. Kinuha ko ang dala kong kumot na nasa bag na dala ko. Kinumutan ko si lola at hinawi ang mga buhok niya.

Natutusok ang puso ko na makita ang hirap niyang mukha. Kung 'pwede lang sana na ako nalang ang maghirap. Nang dahil sakin nagtitinda sila ng isda upang may ipambaon ako. Mag hanap nalang kaya ako ng part time job?

Paano naman kasi bakit naiinis ang mga tao sa akin dito? Simula pa yata ng bata ako kinukutya na ako at nilalait. Dahil daw sa mahaba at kulot kong buhok. Dahil na din sa damit kong bistida palagi na sobrang luma.

Minasdan ko ang mga isda namin na sariwa pero walang bumibili. Kaysa doon sa mga katabi namin na halatang kahapon pa iyon pero iyon pa ang naubos. Mga tao nga naman ngayon.

Naupo ako sa upuan at nangalumbaba. Kaya pa ito lola. Magtiis lang tayo.

Ang inaantok ko na mata ay lumaki ng may nakita akong kotse na huminto sa harap ng puwesto namin. Bibili siguro ito!

Nagsimula nang mag ingay ang mga katabi namin pero sa gulat ko dumiretso ang driver ng kotse sa aming pwesto.

"M-Magkano lahat?" Nauutal na tanong nito at hindi man lang makatingin sa akin . Parang natatakot na tumingin.

"Lahat po?" Takang tanong ko. Tumango naman ito.

"Oo lahat. P-Pakibilisan paki'usap naiihi na ako."

Nataranta ako at pinagkikilo ang mga isda dahil bibilhin daw niyang lahat. Ngiting-ngiti ako dahil sa wakas isang bilihan lang ubos na agad ang tinda namin.

"Tatlong libo po kuya! Salamat po!" Ngiti ko dito pero hindi ito sumulyap sa akin. Iniabot niya sa akin ang pera. Halos hindi nagkadikit ang aming palad. Parang ayaw niyang idikit ang balat niya sa balat ko. Weird! Kinuha ko iyon at iniabot sa kanya ang malaking plastik na mga isda ang laman.

"Maraming salamat kuya! Sa uulitin!" Sigaw ko dito pero umalis na iyon ng walang lingon.

Pa ngiti-ngiti pa ako habang minamasdan ang magarang sasakyan ng may maalala ako. Iyong kulay , iyong plate number , iyong pagbangga sa mamang balot kahapon at ang lalaking nakangisi.

Natutop ko ang labi ko nang maalala na iyon yung kotse kahapon! Tiningnan ko ang pera sa palad ko at nakitang sobra sa tatlong libo ito. Napasinghap ako at binilang ito.

"Oh my god! Ten thousand?" Impit na sigaw ko. Hindi ko na narinig ang mga pasaring na kalapit manininda namin.

"Naku ,lalaki ang bumili! I'm sure kinulam niya iyan!"

"Kayo mga lalaki! Huwag kayong magpauto sa mag lola na iyan!"

"Oo nga! Wa'g kayong bumili diyan! Baka may lason iyan!"

Natulala lang ako hawak ang pera habang lamang ang kalabog ng aking puso.

Kahit sa klase ay lutang ang aking isip. Pero mabuti na rin dahil nakakasagot ako ng maayos sa mga tanong ng guro namin sa akin.

Isa nga pala sa mga kaklase ko si Seth at si Karina kasama ang mga alipores niya. Palagi ko silang nakikita nakatingin sa akin at umiirap. Palagi ko ding nakikita si Seth na nakatingin at kung nahuhuli ko ay umiiwas at namumula.

Bakit kaya siya namumula? Gumagamit kaya siya ng maxi peel?

May binigay sa amin na isang exam na hanggang fifty. Seryoso ko iyong sinasagutan ng may bumato sa akin ng papel.

Tiningnan ko iyon at nakitang isa sa mga kaibigan ni Karina.

"Huwag mo nalang pansinin." Bulong ng katabi ko na si Kaira.

I closed my eyes and took a deep breath. Pasensya pa Angelica. Nagsagot ulit ako sa aking papel ng may bumato na naman ulit. Sa inis ko pinulot ko iyon.

"Miss Batungbakal cheating is not allowed inside my class!" nagulat ako sa sigaw ni Ma'am Ruiz sa akin.

Kinuha ko ang papel at tinignan. Nag lalaman iyon ng mga sagot mula sa pangalan ni Karina?

"I - I'm not cheating miss!"

"It's obviously obvious! Now get out in my class! Zero ka sa quiz natin ngayon! And for punishments you'll clean the whole room!"

Nag halakhakan sila ni Karina at nakita kong masama ang tingin ni Seth dito.

" I didn't cheat miss Ruiz." Mahinahon kong sabi dito.

Tumaas ang kilay nito at pinag krus ang kamay sa dibdib. "Base on your face you're not telling the truth miss Batungbakal."

I chewed my lips and answered her.
"Okay miss,lilinisan ko ang room pero may kundisyon ako. Bilang isang biktima ng mga walang magawa sa buhay. " Tiningnan ko sila ni Karina at nagtaas ng kilay.

"May karapatan akong patunayan na hindi ako nagsisinungaling. Sige, lilinisan ko ang buong room pero sana bigyan niyo ako ng pagkakataon na kumuha ng exam ulit. Papatunayan ko na hindi ako nag cheat miss. At sana rin maparusahan ang may pakana nito sa akin. Naghirap ako sa pagtinda ng isda upang may ipambaon kaya sobrang unfair ito sa akin miss.Excuse me po."

Nangingilid ang aking luha ng lumabas ng classroom. Tumingala ako para hindi iyon bumagsak. They don't deserve my tears.

Naiinis ako dahil may exam ako na hindi nakuha. Naiinis ako dahil bilang inosente wala akong hustiyang nakuha.Naiinis ako dahil gustong gusto kong makapag tapos tulad ng pangarap ni lolo at lola na sa pribadong eskwelahan ako makapagtapos pero ang hirap. Hindi naman pwedeng mag transfer dahil sayang ang budget ko na three thousand buwan buwan bilang scholar ni Mayor.

"Sabi ko naman saiyo e. Huwag' mo akong kalabanin." Nakangiting sabi sa akin ni Karina habang nagwawalis ako ng sahig nang classroom.

"Walang gustong kalabanin ka Karina. You're making your own illusions." sabi ko dito ng hindi tiningtignan.

Ginawa ko ang maglinis kahit na wala akong kasalanan tinanggap ko basta kukuha ulit ako ng exam at papatunayan ko na hindi ako nagdadaya.

"Umalis ka na kasi Karina. Ano pa ba ang gusto mong ipakita? Na maganda ka? E' di ikaw na! Na mayaman ka?! E' di ikaw na! Pero kung pinipilit mong maging si Angelica sorry iyon ang hindi mo makukuha dahil masama ka siya naman maganda na mabait pa! Pwe! Insecure! Aray!-"

Hinablot ni Karina ang buhok ni Kaira. Sinabunutan niya ito.

"E' kung saktan kaya kita?!" gigil na sigaw dito ni Karina.

"Sinasaktan mo nga na ako! Pangit na ugali,bobo pa! Bigti kana- Aray!-"

"Ano ba,tama na!" pinigilan ko sila at padarag na binitawan ni Karina ang buhok ni Kaira. Halos masira ang salamin nito at sabog ang buhok. Hinawakan ko siya sa balikat.

"Kaira enough!Maglinis nalang tayo."

"May araw ka rin saki'ng aso ka!" sigaw ni Karina kay Kaira.

"Oo aso ako! Inaamin kong mukha akong aso kaysa naman saiyo na aso na nga pinipilit pang maging tao!"

"Kaira." natatawa na saway ko dito. Nangingitngit naman sa galit na umalis si Karina. Inayos ni Kaira iyong itsura niya na sira.

"Nakakainis na kasi iyong insecure na iyon! Naiinis ako sa ginawa niya saiyo!"

Huminga ako ng malalim at pinulot ang walis at kinuha ko din ang walis ni Kaira at binigay ito sa kanya.

"Hayaan mo na iyon. Importante pagkatapos natin dito makakuha na ako ng exam."

"Naaawa na ako saiyo Angelica. You know what? You don't deserve this. Naiinis ako."

"Mas naaawa ako sa kanila. Iyong mga tao na 'ganon.Kulang sa atensyon at unawa iyon kaya mas nakakaawa sila."

Alas sais na ako nakauwi. Dahil na kumuha pa ako ng exam at maraming tanong ang mga guro na nasa faculty kung bakit ako na parusahan. Sinabi ko ang totoo. Sinabi ko na wala akong kasalanan. Marami rin ang nag pangaral kay ma'am Ruiz.

Nakikita ko na ang mga bituin nang papababa na ako ng traysikel. Gabi na baka magalit na sila ni lola sa akin sa sobrang alala.

Napatigil ako ng may makita akong kotse sa hindi kalayuan. Kumalabog ang aking puso. Mabilis akong pumasok sa bahay namin na luma at malaki. Bahay ito nila lola at lolo ng kapanahunan pa nila noon. Hindi man ito ganon ka ganda tulad ng dati nitong anyo. Inaalagaan naman ito namin upang hindi masira.

Nagtaka pa kanina si lola kung bakit labis ang pera na binigay ko. Sabi ko nalang na iyon lahat ang kita namin sa isda. Kumuha lang ako ng five hundred pesos doon.

"Angelica, ba't ngayon kalang?" Alalang-alala sa akin ni tita Elisa. Nagmano muna ako sa kanya .

"Pasensya tita kumuba pa po ako ng exam at naglinis. Si lola at lolo po?"

"Naku iyon na nga! Dinala sa hospital si itay! Samahan mo'ko doon Angelica si inay lang ang nandoon!"

"Po?" Nataranta ako at hindi ko makuhang magbihis. Umalis kami agad ng bahay patungo sa hospital. Todo dalangin ako na sana okay lang si lolo.

"A-Angelica." Tawag sa akin ni tita Elisa. Lulan na kami ng traysikel.

"Wa'g kayong mag alala tita. Magiging maayos ang lahat."

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti siya sa akin . Nakita ko ang pagpatak ng luha niya.

"Anuman ang mangyari kay Itay patawarin mo siya Angel. Patawarin mo siya. Doon lang mananahimik si itay."

Umawang ang labi ko dahil kumalabog ang aking puso. Hindi ko makuha ang sinabi niya pero kinabahan ako.


You are reading the story above: TeenFic.Net