2 PAANO MAKIPAG-USAP SA DIYOS

Background color
Font
Font size
Line height



Lahat ng nagnanais na mamuhay na may katagumpayan ay kailangang matutong manangan sa Diyos sa pamamagitan ng araw-araw na pananalangin. Ang pananalangin ay ang oportunidad na ibinigay ng Diyos upang tayo ay makipag-usap sa Kaniya. Pinakadakila sa lahat, pinaka makapangyarihan sa lahat, at sa Kanya walang imposible. Ang panatilihang panalangin ang nagbibigay sa atin ng kalakasang mapagtagumpayan ang lahat ng bagay.

Ang panalangin ay mabisa. Napakaraming bagay ang maaring dumating sa buhay ng mga nananalangin. Kaya naman dapat nating gawing bahagi ng ating buhay, tulad ng pagkain sa araw-araw, pagtulog, at pagsisipilyo ng ngipin. Nakagawian ni Hesus ang pananalangin. Siya'y humahanap ng lugar kung saan Niya makakaniig ang Ama. Ang sabi ng Mark 1:35

"Madaling araw pay bumabangon na si Hesus at Nagtungo sa ilang pook at nanalangin."

Ang kahalagahan ng pananalangin

Bilang mga mananampalataya kay Kristo, kinakailangan nating sundin ang mga yapak ng ating Guro. Ito ay nanganahulugang maglaan tayo ng panahon upang makaniig ang Diyos, higit na mainam kung sa umaga. Dito natin maririnig ang Kaniyang Direksyon, matataggap ang proteksiyon at tulong sa ibat-ibang sitwasyon ating kahaharapin sa araw na iyon.

Para sa epektibong pananlangin magtakda ng oras na maginhawa para sa iyo sa umaga man o sa gabi. Manalanging nag-iisa upang maging malapit sa Diyos, at upang maibuhos mo ang nilalaman ng iyong puso ng walang pagpipigil. Ang panalangin na kasama ang ibang mananampalataya ay mainam sa pasimula ng iyong buhay sa Diyos. Subalit napakaraming bentahe ang panalanging nag-iisa.

Mateo 6:6

v6Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.

Ang isang bentahe ng panalanging nag-iisa, ay walang nakaririnig sa iyo maliban sa Diyos. Masasabi natin sa Kaniya ang lahat ng ating nararamdaman, ninanais, o mga bagay kung saan tayo'y nagugulumihanan. Makakalapit tayo sa Kaniya at maihahayag natin ang ating mga kasalanan. Nalalaman Niya ang ating pag-iisip at hangarin bago pa natin ito sambitin. Nasisiyahan ang Diyos na tayo ay pakinggan at hangad NIyang tulungan at gabayan tayo sa pamamagitan ng panalangin, Kaniyang salita.

Magkaroon ng tiyak na oras at lugar upang makatagpo ang Diyos. Ito'y mahalaga upang malinang ang pananalangin. Kung sa anumang kadahilanan ay hindi ka nakaganap nito, huwag kang mahulog sa legalismo, ni kondenahin ang sarili. Kundi, pagsikapang makatagpo ang Panginoon sa susunod. Hindi Siya kailanman sumira sa tipanan, at tiyak na hinihintay ka Niya upang maibuhos Niya ang Kaniyang pag-ibig, pagpapala at alisin Niya ang iyong mga bigatin.

Sa Mateo 11:28

v28"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.

Ang paanyaya ay para sa mga "nabibigtan", samakatuwid, ang mga dumaranas ng tribulasyon, karamdaman, at mga emosyonal o pisikal mang sugat. Ibigay mo sa Kaniya ang bawat pasaning matagal mong nang tinitiis.

Nalalaman ng Diyos ang iyong kalagayan. Gaya ng nasusulat sa Isaias 63:9

v9sa kapahamakan at kahirapan.Hindi isang anghel,kung hindi si Yahweh mismo ang nagligtas sa kanila;

iniligtas sila dahil sa pag-ibig niya't habag, na sa simula pa ay kanya nang ipinakita. Siya ang nakikiisa sa sakit na iyong nararamdaman."Kaya sinasabi Niya lumapit kayong may mga dinadalang problema: sa pamilya, sa emosyonal na pangangailangan, sa iyong pag-aaral, sa iyong trabaho, at kayo'y aking pagpapahingahin.

Ang panalangin ay hindi lamang pagbibigkas ng mga salita habang ang iyong isip ay naglalakbay sa ibang lugar. Ito ay pagbubuhos ng nilalaman ng iyong puso. Ang panalangin ay pagsasalita ng may pag-unawa, at kamalayang tayo ay nakikipag-usap sa isang Diyos na nakakaalam ng lahat ng bagay. Bagamat Siyay hindi natin nakikita, ang kaniyang presensiya ay nasa bawat nilalang na nagpapasyang hanapin Siya ng buong puso. Ang sabi ng Panginoon "hindi ko itataboy ang sinumang lalapit sa akin."

John 6:37

v37Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko itataboy kailanman ang sinumang lumalapit sa akin.

Paano maging epektibo sa pananalangin?

Simulan ang pananalangin sa pagkilalang ikaw ay nasa presensiya ng Diyos.

Hebrew 11:6

v6Kung hindi tayo sumasampalataya sa Diyos, hindi natin siya mabibigyang kaluguran, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos na nagbibigay ng gantimpala sa mga nananalig sa kanya.

Pagkatapos ay ipahayag sa Diyos ang anumang nagawang kasalanan

Sa isip, sa salita, o sa gawa. Upang ang iyong mga panalangin ay hindi mahadlangan. Ang sabi ng Awit 66:18 "Kung sa kasalanan ako'y magpapatuloy 'di ako didinggin nitong Panginoon".

Ilapit sa kanya ang mga pangangailangan: "Bigyan mo kami ng pagkain sa araw-araw."Mateo 6:11

Samakatuwid samantalahin ang oportunidad na ikaw ay humiling sa pangalan ni Hesus.

Ang sabi sa Juan 16:24" v24Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihingi sa kanya sa aking pangalan. Humingi kayo, at kayo'y tatanggap upang malubos ang inyong kagalakan."

Tiyaking ibigay sa Diyos ang pinakamagandang panahon, hindi lamang ang tira-tirang oras.

Kailangan mong mapaniwalang sa ganitong paraan ay namumuhunan ka ng pinakamainam sa iyong buhay.

May babala sa Mateo 26:41 "Magpuyat kayo ay manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu ay handa ngunit mahina ang laman."

Habang lalo mong nakikilala ang Diyos sa Panalangin, magagawa mong isama ang ibang tao sa iyong panalangin. Hayaan mong ang DIyos ang manguna sa iyo sa panalangin, at maniwalang natanggap mo na ang kasagutan wakasan mo ang iyong panahon sa pagdedebosyon sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa Diyos sa mga pagpapala at sa lahat Niyang ginawa sa iyong buhay.

Kailangan mong matanto na ang Diyos ay laging nasa tabi mo, at nakakausap mo Siya hanggat nais mo. Nasisiyahan Siya sa iyo at nararamdaman mong Siya ay bahagi ng Iyong buhay.

Bago matulog siyasatin mo ang Iyong buhay. Itanong sa Diyos kung anong mga bagay(pag-iisip, pag-uugali, pananalita o gawa) ang hindi nagbibigay lugod sa Kaniya. Pagkatapos ay iyong ipahayag at ihingi ng tawad ang mga kasalanang ito.

Ang sabi ng Diyos sa Kawikaan 28:13

v13Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.

Pagkatapos, hingin sa Banal na Espiritu na pagkalooban ka ng kalakasang magpatuloy at mamuhay ayon sa Kaniyang kalooban. Pasalamatan Siya sa katagumpayang Kaniyang ipinagkaloob.

John 6:37

v37Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko itataboy kailanman ang sinumang lumalapit sa akin.

MGA PAGSASANAY

PAANO MAKIPAG-USAP SA DIYOS

1.Sinumang naghahangad ng magkaroon ng matagumpay na pamumuhay ay nangangailangang matutong manangan sa Diyos..(Piliin ang tamang sagot)

Tuwing Linggo at ang mga araw sa linggong iyon

Sa araw ng pagtitipon "cell group"

Araw-araw

Tuwing ikaw ay may suliranin

2.Piliin ang tamang sagot. Ang panalangin ay isang...

Obligasyon

Bagay na sapilitang ipinagagawa

Oportunidad

3.Sapagkat ang panalangin ay may mga kamangha-manghang resulta paano natin ito dapat tingnan?

4.Bakit higit na magandang makipag-usap sa DIyos na nag-iisa, kaysa manalangin kasama ang ibang tao?

5.Ayon sa Mateo 6:6

a.Tuwing mananalangin dapat tayong?

b.Tuwing ako'y mananalangin ng lihim, ang Diyos

TANDAAN:Ang Diyos ay nalulugod na marinig ka. Hangad Niyang matulungan ka. Maglaan ng panahon upang Siya'y makaniig.

6.Kung ikaw ay nabigong gampanan ang iyong pakikipag niig sa Diyos(Ang panahon mo sa Diyos) dapat na.

a.kondenahin ang sarili

b.Huwag ng manalangin dahil galit ang Diyos.

c.Pabayaan na lamang dahil hindi naman mahalaga.

d.Matuto ng aral at tiyaking hindi na malimutan ang tipan sa Kaniya.

7.Ayon sa Mateo 11:28, ano ang dapat nating gawin kapag tayo ay nabibigatan at nasasaktan?

8.Ano ang dapat nating gawin upang maging maganda at makabuluhan ang ating pananalangin?

9.Ayon sa Juan 6:37, kung tayo ay lalapit sa Panginoon...

10.Sapagkat ang panalangin ay dapat na mula sa puso, ano ang dapat na nilalaman ng ating panalangin ayong sa mga sumusunod na talata:

a.Hebreo 11:6

b.Awit 66:18

c.Juan 16:24

TANDAAN:Ang Diyos ay lagi mong kasama sa bawat araw. Kausapin mo Siya tuwina, sa lahat ng iyong gagawin at kahit sa iyong pagtulog, Ipasiyasat sa kaniya ang iyong puso at magpatulong upang mapanatili ang relasyon sa Kanya.

You are reading the story above: TeenFic.Net