CHAPTER 06

Background color
Font
Font size
Line height

MUST READ: This story contains typographical errors. I apologize in advance for any spelling, punctuation, or grammatical mistakes you might encounter. Please read with an open mind.


HER POINT OF VIEW

WALA pang ilang minuto, dumating agad si Kieth. Medyo hingal pa siya ng huminto siya sa harap ko, taka ko naman siyang tinignan.

"Xi! Ayos ka lang ba?" Tanong niya agad sa akin.

"Ayos lang ako, bakit hinihingal ka? Tumakbo ka ba?" Taka ko siyang tinignan, kumamot naman siya sa ulo niya.

"Akala ko may nangyare na sa iyo eh," sagot niya sa akin. "Nag-alala lang."

"Wala ah! Sabi ko naman sa iyo may sasabihin lang ako."

"Ano ba ‘yon? Nakakakaba ka naman," natatawang sabi niya sa akin, lumapit naman ako sa kaniya.

"Kieth, ano kasi eh. Birthday mo na bukas ‘diba?"

"Oo, ano meron?" nakangiting sagot niya, napayuko naman ako. nakakaguilty naman ‘to.

"H-hindi kasi kita masasamahan, m-meron kase kaming pupuntahan ni boss." Mababa ang boses na saad ko, hindi siya sumagot kaya tumingin ako sa kaniya.

Tumagilid pa ang ulo ko para tignan kung ano ang reaction niya, wala akong mabasang emosyon dito.

"Linggo bukas, day off mo yon ‘diba? Kaya nagtataka ako bakit ‘di ka pumasok ngayon? haha," sagot niya bahagya pa siyang tumawa pero hindi ko ramdam na masaya siya.

"Si boss kasi eh. May event kasi si boss bukas at  kailangan niya raw ako ro’n, auction kasi iyon. Wala ata siyang makuha na pwede niyang isama kaya ako ang isasama niya." Paliwanag ko, ang totoo okay lang naman sa akin hindi sumama sa auction na ‘yon kahit na may benefits akong makukuha, kung pwede lang sana..

"G-ganun ba," ngumiti siya pero hindi abot sa mata niya ‘yon, kilala ko na ‘tong best friend ko kaya alam ko kung totoo ang mga ngiti niya or hindi.

"I'm sorry, Kieth. Alam ko naman gusto mong makasama ako pero wala kasi akong magawa eh," malungkot na sabi ko.

Totoo naman kase wala akong magawa kahit gustuhin ko pa, hindi pwede kasi baka mawalan ako ng trabaho. Nalulungkot din naman ako kasi birthday niya iyon tapos wala ako.

"Okay lang ‘yon, naiintindihan ko." Sagot niya sa akin, kumamot na naman siya sa ulo niya.

May kuto ba siya? Hayyss

Ngumuso ako habang nakatingin sa kaniya. "Okay lang ba talaga?"

"Oo naman, alam ko namang importante sa ‘yo ang trabaho mong ‘yan kaya naiintindihan ko." Ginulo niya ang buhok ko. "Sige, mauna na ako. Madami pa akong dapat gawin sa office eh," tumalikod na siya agad, hindi pa ako nakakasagot sa sinabi niya.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang makalayo sa akin, aayain ko nalang sana siyang kumain nagyon kasi breaktime naman kaso baka nagmamadali talaga siya.

Hayssss..

NANG MAKAUWI AKO, agad akong nagpahinga saglit bago ko inayos ang mga pinamili ko, nilagay ko na rin sa paper bag iyong mga gift ko kay Kieth.

May bigla namang pumasok sa utak ko habang nag-aayos. Hmm, what if pumunta ako kila Kieth pagtapos ng party? Alam ko naman ang bahay niya eh ang problem lang masyado na ‘yong gabi.

Pero okay lang naman siguro baka malungkot kase ‘yon, ako lang kase ang best friend no’n eh. Isa pa wala ang mommy niya sa bahay nila,  hindi sila magkasama kase may trabaho ‘yon sa ibang bansa, si manang leyla lang kasama niya roon— Yaya niya simula bata siya.

Pagkatapos ko gawin mga ginagawa ko, tinabi ko na lang muna sa isang gilid. Medyo maliit lang kasi ang condo ko kaya hindi rin ganoon kalaki ang kwarto kaya sa gilid nalang ng kama ko nilagay.

10am palang kaya naman balak ko na sana magluto ng pang lunch ng biglang tumunog ang cellphone ko.

San guko calling...

Si boss pala! Haha, oo iniba ko na name niya sa phone ko.

"Hello, boss?" Saad ko pagsagot ko ng tawag.

"Hello, where are you?" Tanong nito.

"Andito sa condo ko, boss." Sagot ko. "Bakit, boss?"

"Maghanda ka pupunta ako riyan," at bigla niyang binaba ang tawag.

Napatitig ako sa cellphone ko dahil sa ginawa niya. Hindi man lang ako inantay sumagot, hmp!

At saka teka? Baket ako maghahanda? Anong meron? Ehhhhh, anong oras na kaya. Paano ako maghahanda? Birthday niya ba? Aishhh, naguguluhan ako kay boss!

Wait wait wait, alam ko na!

Mag pagrab food nalang ako! Okay lang naman no? Huwag na siyang umarte, pabigla-bigla siya. Hindi man lang ako nakapagprepare.

Agad akong nag-order sa grab food ng mga pagkain at wala pang ilang minuto , dumating agad iyon. Nagtaka pa si kuyang rider kung bakit andami, hehe. Binigyan ko nalang ng tip kasi andami ko talagang binili, baka nahirapan siya.

Pag kadating ng mga pagkain, halos mataranta ako sa pag-ayos nito sa mesa.

Pinagmasdan ko ang mga inorder ko, spaghetti, lumpia, pansit, at fried chicken. Hmmm?

Pwede na siguro ‘yan? Ano ba naman ‘yan, pabigla-bigla si boss!

Birthday niya ba? Hays, wala akong cake na naorderrrrrr. Napaupo nalang ako at nasapo ko ang noo ko, halos mangiyak-ngiyak ako sa stress.

"Ay, alam ko na!" Tumayo ako at kinuha sa drawer ang binili kong surprise confetti no’ng nakaraan para sana sa pag surprise ko kay Kieth— Actually may mga balloons dito kaso wala na akong time para magpalobo niyan.

Tignan ko ang inayos ko, okay na siguro iyan no? Kasalanan nia bigla bigla siya.

At least may handa!

MAYAMAYA lang, may nagdoorbell sa condo ko. Andito ako ngayon sa harap ng pinto, hindi ko na siya nilock para si boss ang mag-oopen ng pinto. Para surprise, yieee.

"Pasok!" Sigaw ko, mayamaya lang bumukas ang pinto kaya agad kong hinanda ang sarili ko.

"Surprised!" Masayang sigaw ko pagtapos ko paputukin ang confetti, naestatwa naman siya sa kinakatayuan niya. "Hindi ko kase alam kung birthday niyo ba or ano, bakit kayo nag papahanda, kaya surprised nalang sinabi ko." Paliwanag ko.

Tumingin naman siya sa akin, at saka sa coat niyang punong-puno ng confetti. Pati ulo noya meron, haha!

"What.the.fuck," may diin ang bawat salita niyang ‘yon "Ano bang trip mo, Ms. Sanchez?"

Halata ang inis sa boses niya kaya naman salubong ang kilay ko siyang sinagot, namewang pa ako sa harap niya.

"Eh kayo, boss? Anong trip nyo!? Bakit late niyo na sa akin sinabi na mag handa ako! Tignan mo tuloy, naistress ako kakahanda ng pagkain!Nag-order pa ako sa grab," inis ding sabi ko sa kaniya.

Ginulo niya ang buhok niya dahilan para maglaglagan ang confetti na nasa ulo niya.

"Aishhh! Ang ibig kong sabihin, mag ready ka. Hindi ko sinabing maghanda ka ng pagkain!" Tuluyan na siyang pumasok sa condo ko.

Sinundan ko naman siya habang nakanguso.

"Eh kayo, boss. Bigla niyong pinatay ang tawag!hindi mo kaya nilinaw sa akin, akala ko birthday mo." Reklamo ko. "Oh, pano na ngayon ‘yan?!" Inis kong tinuro ang mga pagkain.

Medyo madami-dami kase talaga ‘to, nakakainis pang isang baranggay na ‘yan eh.

"Napaka dami naman?" Takang tanong niya, nginusuan ko lang siya.

Nilapitan ko ang mesa ko na puno ng pagkain, seryoso! Ang dami talaga nito, pwede na ‘to ipakain sa buong baryo namin sa probinsya eh.

"Tsk, tara may pupuntahan tayo." Biglang sabi niya.

"Saan naman, boss?"

"Basta, halika na para hindi masayang mga binili mo. Hindi naman natin kaya ubusin ‘yan," sabi niya kaya wala akong nagawa kundi sumunod nalang sa kaniya.

Ano naman kayang pinaplano nito ni boss?

Hmp! Bahala siya d’yan, basta siguraduhin niyang hindi masasayang binili ko!

PAGKALABAS namin ni boss sa condo ko, agad kaming nagtungo sa parking lot. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at tumingin siya sa akin.

"Sakay na," naturo pa ako sa sarili ko. "Tsk, oo!Sumakay ka na," inis na sabi niya.

Masyado namang mainitin ulo nito, hmp!

Agad akong sumakay sa kotse niya, siya naman, umikot at sumakay sa driver seat.

Tinignan niya ako. "Isuot mo ang seatbelt mo," utos niya sa akin napatingin naman ako sa seatbelt at saka sa kaniya.

"Uhmm, paano ito?" Kamot ang kilay na tanong ko, sininghalan naman niya ako kaya napanguso nalang ako.

"Pati pagseatbelt hindi alam," bulong niya pa.

"Eh sa hindi ko alam, anong magagawa mo?!" Hindi na niya ako sinagot at saka siya umusog palapit sa akin.

Nabigla naman ako dahil inabot niya ang seatbelt, sobrang lapit ng mukha niya sakin. Amoy na amoy ko ang pabango niya, palihim akong napalunok.

Ang bango ni boss...

Pigil ko ang hininga ko habang pinapanood siyang ayusin ang seatbelt ko, pag tapos no’n ay bigla siyang lumingon sa akin.

Parehong nanlaki ang mata namin...

"WAAAAAAAHHHHHH" sigaw ko pa ng makabawi sa pagkabigla, agad naman siyang napalayo sa akin na gulat na gulat pa rin.

Pinaghahampas ko siya! Yung first kiss ko!!!!

"Ano ba! Ano ba!" Gulat na tanong niya at pilit akong pinipigilan kakahampas sa kaniya.

"Baliw kayo, boss! Bakit mo ako hinalikan!!!Yung first kiss ko.." Mangiyak-ngiyak na sigaw ko pa, kung wala lang akong seatbelt, baka tuluyan na akong pumatong sa kaniya para sakalin siya.

"Hey! Calm down, please." Pero hindi ako kumalma! Yung first ko, oh noooo.

Iniimagine ko pa naman na ang magiging special ang first kiss ko! Gusto ko pa naman sa first boyfriend ko ibigay ang first kiss ko pero walaa naa!! Walaa naaaaaa.

"WAAAAAH" Sigaw ko ulit.

"Ano ba! Huwag ka sumigaw, hahalikan talaga kita!" Pero imbis na matakot tinignan ko lang siya ng masama at sumigaw ulit ako.

"MANYAK KA, BOSS. MANYAK!!"

Patuloy ko siyang hinampas pero gano’n nalang ang gulat ko ng hawakan niya ang dalawang kamay k  at saka ako hinalikan!!!

Oo hinalikan niya ako! At hindi katulad kanina na dampi lang!

Sobrang laki ng mata ko habang siya, nakapikit pa! Abaaa damang dama, walang hiyaa!

"Tsk, ayaw mo kase manahimik." Sabi niya pa, magsasalita na sana ako ng ilagay niya sa ibabaw ng labi ko ang hintuturo niya.

"Gusto mo bang halikan ulit kita, Ms. Sanchez?" Ngumisi pa ito pero hindi na ako nagsalita.

Yung first kiss ko wala na, pati ‘yong second. Waaaah, nakakainis!

Nakakainis ka, boss!!

Gusto ko pa siya sigawan pero baka halikan niya ako ulit kaya mangiyak-ngiyak na tumingin nalang ako sa bintana habang siya, pinaandar na ang kotse niya...

Bwesit ka, boss.. Bwesit ka talaga...


HUMINTO na ang kotse ni boss pero nakabusangot parin ako, bumaba siya ng kotse habang ako naman, nakacross-arm parin habang nakanguso.

Binusaksan niya ang pinto ng passenger seat at saka siya nagsalita.

"Bumaba kana, mahal na prinsesa." Nakakaasar na sabi niya pa, sininghalan ko nalang siya at saka umiwas ng tingin.

"Star, bumaba ka na. Sorry na," mahinang sabi niya pa tinignan ko naman siya ng masama at saka ko tinanggal ang seatbelt ko at bumaba na.

Nauna akong maglakad kayssa sa kaniya, bahala siya d’yan! Ninakawan niya ako ng halik!

"Hey! Where are you going?" Sigaw nito sa akin.

"Malamang sa pupuntahan!" Sigaw ko pabalik at nilingon pa siya nginisihan naman niya ako.

"Saan ka pupunta? Sa kalsada?" Natatawang tanong nito, tumingin naman ako sa likod ko. Tss, highway..

"Dito tayo pupunta, mahal na prinsesa." Pang-aasar pa rin niya sa akin at saka tinuro ang mall. "Doon tayo pupunta," tinarayan ko naman siya.

"Anong gagawin natin diyan?" Masungit na tanong ko.

"Bibiling plastic container, lalagyan natin ng mga inorder mo." Sagot naman niya.

"Seryoso kayo, boss? Sa mall pa talaga? Pwede namang sa public market nalang!" Tinignan niya naman ako ng may pagtataka.

Huwag mo sabihing hindi pa siya nakakabili sa public market? Tss, yayamanin...

"Para saan pala iyon, boss?" Tanong ko rito.

"Pupunta tayo sa orphanage," simpleng sagot niya, napatitig naman ako sa kaniya at saka ngumiti.

"Magandang idea iyan, boss. Tara na, sa market nalang tayo bumili." Sabi ko.

Inaya ko nalang si boss sa market para bumili ng pangangailangan niya, ayon pala ang plano niya. Mabuti naman kung ganoon, infairness sa boss ko kahit topakin naisip pa ‘yon.

Nang makarating kami sa market, agad akong bumili ng mga containers. Sabi niya damihan ko dahil medyo madaming bata roon. Bumili rin siya ng iba pang pagkain pati mga inuming pangbata, siya pala nagbayad ng lahat ng ‘yon.

Pagtapos namin mamili, nilagay niya iyon lahat sa likod ng kotse niya at saka kami bumalik sa condo.

"Grabe naman, boss. Andami ninyong binili," saad ko. Andito na kami ngayon sa condo ko.

"Okay na iyan kaysa naman kulang ‘diba?" Sagot niya sa akin habang inaayos ang nga pinamili namin.

Tama nga naman siya..

Tinulungan ko nalang isyang mag-ayos ng mga container sa table, nilagyan namin ‘yon lahat ng pagkain.

Tiinignan ko ang boss ko na busy sa paglalagay ng mga container na may pagkain sa isang box, seryosong-seryoso ang mukha niya at hindi mo man lang makikitaan ng pagod kahit na madami kaming ginawa.

Tinignan ko ang relo ko para i-check kung anong oras na.

"Boss, 2pm na pala." Sabi ko rito, tinignan niya rin ang relo niya.

Tss, walang tiwala yarn?

"Okay lang yan para snack nalang nila ito," sabi ni boss at saka niya binuhat ang isang malaking box.

"Uy, boss. Mabigat iyan, gusto mo ba tulungan ko kayo? Malakas ako," niflex ko pa ang muscle ko, hehe kahit wala.

"Tsk, kaya ko ‘to. Tara na," Aya niya sa akin, agad naman akong nauna maglakad.

Binuksan ko ang pinto para sa kaniya, agad naman siyang lumabas. Nilock ko muna ang pinto bago ako sumunod sa kaniya.

Lagdating namin sa parking lot, inilagay niya ang box sa compartment ng kotse niya bago kami sabay pumasok, ngayon ako na ang nagkabit ng seatbelt ko.

Aba! Fast learner ata ‘to.

NANG MAKARATING kami sa orphanage, agad bumungad sa akin ang mga madre. Siguro sila ang nag-aalaga sa mga bata.

"Good afternoon po, Sister." Bati ni boss kaya bumati rin ako syempre, bahagya pa akong yumuko.

"Hala, sir. Good afternoon," bati ng madre na kaharap namin at saka tumingin ito sa akin.

Tumingin ito kay boss "Girlfriend niyo po?" Tanong nito. "Ito ang first time na pumunta kayo rito ng may kasama, sir." Dagdag niya pa.

Hala si sister, iba rin..

"Nako, sister. Hindi po," sagot ko naman, tinignan ko si boss na hindi nagsalita. Hmp, tinatanong siya tapos hindi siya sumasagot, bastos talaga ‘to!

"Sister, asan po ang mga bata?" Tanong ni boss, agad namang itinuro ni sister kung nasaan ang mga bata kaya pumunta kami roon.

Pagkalagay ni boss ng box sa isang mesa, tinawag naman ni sister yung mga bata at agad itong nagsilapitan samin.

"Good afternoon, boss sir." Bati ng isang batang lalaki, natawa naman ako rito. Ang cute lang..

"Nako ka talaga, Theo. Sabi ko kuya na itawag mo sa akin," sagot ni boss at saka ginulo ang buhok nito, napatitig naman ako sa mukha ni boss.

Ang saya niya tignan, ang aliwalas ng mukha niya habang nakatingin sa batang kausap niya.

"Yieee, kuya. Girlfriend mo?" Sabi naman ng isang bata habang nakatingin pa sa akin, natawa na naman ako. Ang bata bata pa nila, alam na nila ang bagay na ‘yon.

"Nako hin—" Pinutol ni boss ang sasabihin ko.

"No, pero soon." Maikling sabi nito at napapalakpak naman ang mga bata, sumigaw pa sila ng 'ayiee'  habang ako, nakatitig lang kay boss na masayang nakatingin sa mga bata.

Ngumuso naman ako, soon mata niya. Pati mga bata tinuturuan niya ng kalokohan niya.

"Oh, sige na. May mga dinala kami ni ate star niyo para sa inyo," sambit ni boss at pumunta sa harapan ng mesa, halata namang natuwa ang mga bata.

Inassist ko naman sila sa pagpila nila, pupunta na sana ako kay boss para tulungan siya mabigay ng biglang may humawak sa kamay ko.

Agad akong napatingin doon, nakatingin sa akin ang batang lalaki na tinawag na Theo ni boss.

"Hi, ate. Ang ganda mo po," nakangiting sabi nito. "Bagay kayo ni, boss sir." Tumawa pa ito.

Napatingin naman ako kay boss na kinakausap ang bawat bata na inaabutan niya ng pagkain.

Bagay kami ni boss? Tss, tao kaya kami..

PIXIEXWSH.


You are reading the story above: TeenFic.Net