MUST READ: This story contains typographical errors. I apologize in advance for any spelling, punctuation, or grammatical mistakes you might encounter. Please read with an open mind.
HER POINT OF VIEW
NAGTATAKA akong sinundan ng tingin ang boss ko na nagmamadaling pumuntang cr. Ano kayang nangyare ron? Baket pulang-pulai sya?
Baka may sakit pa siya? Nag-alala naman ako dahil sa naisip ko, napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa pinagkainan ni boss.
Kinuha ko iyon para ilagay sa kitchen pero bago ako tuluyang makalabas sa kwarto, bumukas ang pinto at iniluwa noon si boss.
"Ms.Sanchez, uuwi na ako." Napatingin ako agad sa kaniya, inilapag ko ulit ang hawak ko at bahagyang lumapit sa kaniya.
"Ha? Baket? Okay na ba kayo, boss? Wala bang masakit sa in’yo?" sunod-sunod na tanong ko habang sinusuri siya, hindi na namumula ang mukha niya pero basa naman ang buhok niya. "Anong nangyare sa iyo, boss? bakit basa ka?" Dagdag ko pa.
Baka hindi pa siya okay, mamaya mapano pa siya pauwi eh, aba hindi pa ako nakakasweldo!
"I'm okay, naghilamos lang ako kanina. Don't worry," sagot niya at saka tumingin sa akin. "Thankyou for taking care of me," mahinahong dagdag niya pa.
Napatitig naman ako sakaniya dahilan para magiwas siyang tingin. "Nako, boss. Wala yun, alangan pabayaan ko kayong mategi ‘diba, wala pa kaya akong sahod." Saad ko at ngumuso.
"Seriously?" Inis na sabi nito, nakangiti lang ako habang naka 'peace sign'.
Totoo naman kase no! Kailangan ko pang sumahod syempre.
"Sige na, uuwi na ako. Umaga na pala," sabi niya. "May day off ka na muna ngayon, mukhang kasalanan ko kung bakeit napuyat ka." Dagdag niya pa, agad naman akong napangiti.
"Talaga, boss?"
"Yeah, I'll go first." Sambit niya, nakangiti ko naman siyang hinatid hanggang sa pinto.
"Ingat kayo, boss. Tawagan mo ako kapag may masakit sa iyo." Nakangiting sabi ko, napatitig siya sa akin ng ilang segundo bago siya sumagot.
"Yeah, i will. Thanks," mababang tinig na sagot niya bago siya tumalikod at naglakad palayo, sinara ko naman ang pinto ng condo ko.
Makakapagpahinga na rin, buti nalang hidi niya ako pinapasok, hehe. Medyo napuyat kase ako talaga kakabantay sa kaniya at saka maaga ako nagising para ipagluto rin siya ng makakain.
Hindi ko lang alam bakit need niya umuwi agad, pwede naman dito muna siya eh. Ang tigas ng ulo talaga ni boss pero sana okay lang talaga siya kasi baka mapano pa siya.
Bumalik nalang ako sa loob ng kwarto ko para kunin ang kinainan ni boss, nilagay ko ito sa lababo at saka bumalik sa kwarto ko para ayusin ito.
Habang nag-aayos ako ng bed sheet, may napansin akong wallet kaya naman agad ko itong kinuha at sinipat.
Kanino ba ‘to? Kay boss siguro ‘to..
Bubuksan ko na sana ang wallet para macheck ng biglang sunod-sunod na may nag doorbell sa condo ko.
"Sandali!!" Sigaw ko at saka tumakbo palapit sa pinto dala parin ang wallet.
Bakit ba parang galit na galit itong nag doorbell? hindi naman ako bingi, kainis!
Pagbukas ko ng pinto, mukha ni boss ang bumungad sa akin kaya napalitan ng gulat ang inis ko.
"Ehhhh? Boss? Bakit bumalik kayo?" Takang tanong ko.
Hingal na hingal siyang tumingin sa akin, nakahawak pa siya sa tuhod niya at saka sa dibdib niya.
"Yung..." Huminga siya ng malalim. "Y-yung wallet ko nakita mo ba?"
Napatingin ako sa wallet na hawak ko.
"Ito ba, boss?" Tinaas ko ang wallet na hawak ko, agad naman niya itong kinuha.
"Uhmm, binuksan mo ba ‘to?" tanong niya pa.
"Ha? Hindi. Wala naman akong kinuha diyan, boss. Pwede niyo icheck ang laman," sagot ko agad.
"No, that's not what i meant." Umiling pa siya at saka binulsa ang wallet niya. "Sige, uuwi na ako."
"Ingat kayo, boss." Sagot ko nalang, tumalikod naman agad siya at may binulong pero mura lang ang narinig ko.
Tsk! Ako ata minumura niya. Nako nako kung hindi lang ikaw ang boss ko.
Sinara ko nalang ulit ang pinto at saka itinuloy ang pag-ayos sa kwarto ko. Nag-ayos lang ulit ako ng bed sheet at ng punda, nagwalis din ako sa loob. After no’n pumunta naman ako sa kitchen para hugasan ang mga nasa lababo, onti lang naman dahil mangkok at baso lang naman ito na ginamit ni boss pati mga kitchen tools na ginamit ko sa pagluto.
Pagkatapos ko ‘yon ayusin lahat ay agad akong naghanda para maligo bago matulog, medyo inaantok kasi ako dahil onti lang ang tulog ko kagabi.
T
HE NEXT DAY...
I'M SITTING HERE IN MY OFFICE, absently glancing at my wallet. A smile slowly crept onto my lips as I stared at the picture tucked inside it. It's a good thing she didn't see it yesterday. I can already imagine what she would have thought if she saw her own face staring back at her from my wallet— She'll definitely think I'm crazy, tsk.
Bigla naman may kumatok kaya agad kong naibaba ang wallet ko bago pa pumasok ang secretary ko.
"Good morning, boss," she greeted me with a warm smile.
"Good morning," I greet her back. "Can you check my schedule for today, Ms. Sanchez?" I asked. She immediately opened the folder she was holding, scanning through it carefully.
"Uhmm, wala naman po kayong masyadong gagawin ngayon, boss. Wala rin po kayong meeting," she replied after a moment, looking up from the folder.
I stood up quickly, feeling a sense of relief wash over me. Thank goodness I don't have much to do today. This could be the perfect opportunity to ask her to grab lunch with me.
"Do you want to eat?" I asked her, napatingin naman siya sa akin.
"Baket ililibre niyo ba ako, boss?" she asked with a playful smile, I immediately nodded. Her smile widened in response, bahagya akong natawa. Mukha talaga siyang libre..
"Saan mo ba gusto?"
"Sa cafe nalang tayo, boss. Para malapit lang, at saka gusto ko kase ang chocolate cake nila roon," nakangiting sabi niya.
"Okay, then." Sagot ko at saka kami naglakad palabas ng office.
Sabay kaming naglalakad, ito ang unang beses na sabay kaming maglakad dahil madalas nasa likod kolang siya.
While we are walking, I notice that some of the employees glanced our way. I turned to look at her, and she seemed unfazed, like it was no big deal at all. Napangiti naman ako dahil sa pagiging kalmado niya— She really didn’t mind the attention.
Sabay kaming pumasok sa elevator, at pagdating namin sa first floor, kung nasaan ang café, agad akong nag-order ng gusto niyang pagkain.
Nag-order siya ng chocolate cake at strawberry smoothie, habang ako naman ay nag-order ng black coffee lang,
Nakaupo na kaming dalawa habang siya busy lang kumain, nakatingin lang ako sa kaniya dahil mukha siyang batang excited kumain.
"Bakit nakatingin kayo, boss?" Takang tanong niya.
"Wala, kumain kalang." I answered as I sipped on my coffee.
"Tss," siniringan niya ako, at saka tumingin sa kape ko. "Boss, bakit pala black coffee lagi inoorder mo?" Curious na tanong niya. "Kaya siguro mainitin ulo ninyo," dagdag niya, tumawa pa siya ng bahagya.
"Tsk, kumain ka nalang. Dami mong sinasabi," singhal ko. Ngumuso naman siya, at saka tinuloy ang pag kain ng chocolate cake na order niya.
Parang bata..
May pasayaw-sayaw pa siya habang kumakain.
"Boss, ang sarap talaga nito." Nakangiting sabi nya. "Gusto mo, boss?" kumuha pa siya ng medyo malaking portion ng cake, at saka isinubo sa akin. "Ahhhh."
Wala naman akong nagawa kundi isubo nalang iyon, medyo matamis at hindi ako fan ng matamis pero matatanggihan ko ba naman ang secretary ko?
"Boss!"
Napatingin naman ako sa kaniya ng bigla niya akong tawagin, tininuro ang gilid ng labi niya.
Napataas ang kilay ko, gusto niya bang halikan ko siya?
"What? Do you want me to kiss you?" Natatawang saad ko, bigla naman siyang umirap.
"Asa!" Singhal niya sa akin. "Meron kayong chocolate sa labi ninyo, hmp! Tanda-tanda na kalat pa rin kumain."
Tsk, agad kong pinunasan ng tissue ang labi ko.
Akala ko naman gusto ng halik...
HER POINT OF VIEW
Assuming talaga itong si boss eh, halik daw?Duh! Para siyang bata kumain, sinubuan ko na nga eh.
Andito pa rin kami ngayon ni boss sa café, ang sarap talaga nitong chocolate cake, hehe. Buti dalawang slice binili ni boss.
Kain lang ako nang kain ng magsalita si boss.
"Sa isang araw na pala ang party," sabi niya. Napatingin naman ako agad sa calendar ng phone ko.
January 10 na? Hala sa isang araw? Ehhh birthday iyon ni Kieth.
"Hala, boss." Tumingin naman siya sa akin habang nakasalubong ang kilay.
"Baket? May problema ba? Himdi ba kasya sa iyo ‘yong dress?" Tuloy-tuloy na tanong niya.
"Hindi, boss. Ano kasi eh," napakamot ako sa kilay ko. Pano ba to? Aish, ano ba iyan? bakit nagsabay pa?
"Kasi?"
"Birthday kase ni Kieth sa isang araw, nangako na ako sa kaniya eh." Nakasimangot na sabi ko.
"Pero, Ms.Sanchez. Kasama pa rin sa trabaho mo ‘yon, kailangan kita roon." Saad niya, malamig ang tinig niya ng sinabi niya iyon, wala ring emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
Napanguso nalang ako kasi alam kong wala akong magagawa, kailangan ko talagang sumama.
"Anong oras ba ‘yon, boss?"
"5pm-8pm, 3hrs ‘yon." Sagot nito, at saka uminom ng kape niya. "Kailangan kita ro’n, Ms. Sanchez." Dagdag niya pa.
Hapon naman pala, ang kaso kailangan ko mag asikaso ng umaga dahil mukhang engrandeng party yung pupuntahan namin. Kakausapin ko nalang siguro si Kieth mamaya, sana maintindihan niya.
Nakasimangot ako hanggang matapos ang pagkain ko, hanggang sa makabalik kami sa office, nakasimangot pa rin ako.
Birthday ng best friend ko pero may gagawin ako, nakakalungkot naman baka magtampo siya sa akin.
Bukas bibili pa akong regalo ko sa kaniya, parang gusto niya pa naman magmall talaga.
Ano ba naman ‘yan..
Hindi ko naman siya pwedeng again bukas kasi may trabaho siya, day off ko rin kasi bukas.
Saturday kasi bukas, usually may pasok talaga ako niyan pero dahil nga linggo ang event na pupuntahan ni boss, sinabi nalang niya na saturday ako mag day off at sa linggo kailangan kasama ako kasi part pa rin daw iyon ng trabaho ko, wala ata siyang ibang makuha na pwede magbid.
Hays..
KINABUKASAN pumunta ako agad ng mall para bumili ng maireregalo ko kay Kieth.
Wig at teddy bear na lang siguro ibibigay ko sa kanya, hehe
Ayun lang kasi ang naiisip ko kasi hilig niyang hawakan ang buhok ko, baka naiinggit siya sa akin at saka hindi naman mahilig sa mamahalin ang best friend ko.
Pagpasok ko sa loob ng miniso, agad akong naglibot para mamili ng pwede kong bilhin. Andaming stuff toys na sobrang cute kaya medyo nahirapan akong pumili.
Nag-ikot ikot lang ako habang nagtitingin, para tuloy akong bumalik sa pagkabata dahil sa mga nakikita ko ngayon.
Hmm, ano kayang magugustuhan ni Kieth? Tumingin ako sa paligid at na hagip ng mata ko ang isang piggy na stuff toys, agad ko naman iyong kinuha. Sobrang cute at fluffy niya kaya ito nalang ang bibilhin ko, masayang nilagay ko iyon sa maliit na basket kong dala.
Nag-ikot ikot pa ako kasi nag eenjoy ako sa mga nakikita ko, habang nagtitingin ako sa mga keychain, may nakahagip ng attention ko.
Agad ko iyong kinuha at medyo natawa pa ako dahil sa nakalawit sa keychain, isa kasi tong maliit na brown teddy bear at salubong ang kilay nito. Si boss agad ang pumasok sa utak ko, natawa ako sa isiping magkamukha sila, haha!
Nakangiti naman akong isinama ‘yon sa mga bibilhin ko, plano kong ibigay ‘to kay boss hehe para alam niya naman itsura niya pag magkasalubong ang kilay niya.
Tinignan ko lang ang laman ng basket ko at saka pumuntang cashier, pag katapos ko magbayad agad akong lumipat ng ibang store, pumunta naman ako sa bilihan ng mga wig.
Nagtingin-tingin ako sa loob, andaming pwedeng pagpilian.
May mahahaba at maikling buhok, yung iba straight at yung iba naman ay medyo wavy— basta ang dami!
Hmmm, ano naman kayang magugustuhan ni Kieth?
Habang nag-iisip ako ng malalim, biglang may lumapit sa akin na staff. "Hi, ma'am. Good morning, ano pong hinahanap niyo?" nakangiting sabi niya, napanguso naman ako
Baka sapatos..
Pero syempre hindi ko ‘yan sinabi hehe..
"Naghahanap po kase ako ng papangregalo sa best friend ko," nakangiting sabi ko. "Tingin ko kasi gusto niya ng wig." Dagdag ko pa.
"Ito po, ma'am." Pinakita niya sa akin ang isang wig na straight at maiksi, napaisip naman ako. Parang hindi naman niya magugustuhan ‘yan kase mahaba buhok ko.
Feeling ko gusto niya kagaya sa buhok ko kasi madalas niyang hawakan eh.
"Or kaya ito, ma'am. Medyo mas mahaba," turo niya sa medyo kapareho ng buhok ko, mahaba at saka wavy rin.
"Sige po, ayan." Sagot ko. "Tingin niyo po ba magugustuhan iyan ng best friend ko?"
"Nako. Oo naman, ma'am! Panigurado po iyan," napangiti naman ako sa sinabi niya.
Nako kapag ayan hindi nagustuhan ha, lagot ka sakin ate hehe.
Agad ko namang binayaran ang napili kong wig bago lumabas ng store na iyon. Kailangan ko na siguro matawagan si Kieth, malapit lang naman sa mall na ‘to ang company and break time din ngayon.
Kailangan ko na siya makausap para sabihin na hindi ako makakasama bukas sa birthday niya, mas gusto ko kasing sabihin sa personal para mas maipaliwanag ko ng maayos. Nalulungkot pa rin ako kaso wala akong magagawa, hayss.
Napabuntong hininga nalang ako at tinawagan ang number ni Kieth.
"Hello, Xi? Bakit napatawag ka?" agad niyang bungad sa akin.
"Kieth, pwede kabang pumunta rito sa mall?" mababa ang tinig na sabi ko. Medyo kinakabahan kasi ako.
"Ha? bakit? Anong ginagawa mo riyan? Wala ka bang pasok? Okay ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Okay lang ako, day off ko ngayon. May importanteng sasabihin lang ako sa iyo."
"Oh, sige. Pupunta na ako riyan, okay? Antayin mo ako."
"Okay," sagot ko na lang at binaba ang tawag.
Napahinga ako ng malalim, medyo kinakabahan ako talaga pero sana maintindihan niya.
Sana huwag siya magtampo...
PIXIEXWSH.
You are reading the story above: TeenFic.Net