Chapter 12

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 12:Loving The Ace Player

           _________________________

One day later*

Ichika's POV

Isang araw na ang nakalipas matapos ang paggrupo samin ni coach Anzai ngayon narin ang simula ng elimination games ng men's basketball team kaya nandito kaming lahat sa train station para maghintay ng tren patungo sa lugar kung saan gaganapin ang district meet.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago tuluyang dumating ang tren at makarating sa pupuntahan namin. Pagkaalis na pagkaalis namin sa tren ay dumiretso na kami sa gymnasium kung saan gaganapin ang unang elimination games at pumasok sa magiging kwarto o palitan ng mga players.

"Makinig kayong lahat,ito na ang unang laro natin sa elimination games ngayong taon,pagbutihin niyo ang paglalaro niyo at sikaping manalo sa laban"-sabi ni Captain Miyagi sakanila.

"OK!"-sabay namang sagot ng kateam nila."Para sa first five ito ang magiging jersey no. niyo"-sabi ni coach habang nakatingin sa hawak nitong papel.

"Ryota Miyagi,no. 4"-sabi nito,agad namang naglakad paharap si Captain at inabot ang jersey uniform nito.

"Hisashi Mitsui,no.14"-katulad ni Captain ay inabot niya ito at nagpasalamat kay coach.

"Kaede Rukawa,no. 11"

"Hayato Taichi no. 5,at para sa huling manlalaro na kasama sa first five si Akio Harake no. 7"-sabi ni coach aabutin na sana ni Akio ang jersey nito ng biglang magprotesta si Sakuragi.

"Coach sabihin mo bakit mo ako binangko,ako ang secret weapon ng Shohoku,karapat dapat bang ibangko ang henyong toh"-kumpronta nito kay coach."Tsk tinatanong paba yan?"- nakasimid na sabi ni Rukawa sakanya.

"Shattap!,wag ka ngang magyabang porke kasama ka sa first five para sabihin ko sayo wala pa sa kalingkingan ko ang galing mo nyahahahah"-sabi naman ni Sakuragi napabuntong hininga nalang si Rukawa sa kayabangan nito.

"Wag kang mag-alala Sakuragi,gusto ko lang makitang maglaro si Hayato at Akio sa laro hindi rin magtatagal at ipapasok na kita hohoho,siya nga pala ito ang jersey uniform mo no. 10"-sabi ni coach Anzai saka ibinigay ang jersey uniform ni Sakuragi na inabot naman nito.

"Talaga tatang,baka naman ginogood time mo lang ako—arayyyy ano ba Mitchi ang sakit nun ah"-daing nito ng batukan siya ni Mitsui senpai.

"Tsk gumalang ka nga sa mga nakakatanda sayo lalo na kay coach Anzai"-sabi nito sakanya."Alam mo Mitchi wag kangang sipsip,hindi porke kasama ka sa first five ikaw na ang pinakamagaling eh sa halos lahat ng laban natin nung nakaraang taon natumba ka sa sobrang pagod—arayyy nakakadalawa ka na ah!"- bulyaw nito sa muling pagbatok sakanya ni Mitsui senpai.

"Kazuno Honoka ito ang magiging jersey no. mo ikaw ang numero 8"- sabi ni coach."Maraming salamat po coach"-sabi nito saka inabot ang jersey uniform niya.

"Hiroshi Tatsuki ito naman ang uniporme mo ikaw ang magiging numero nwebe sa taong ito"-sabi ni coach at ibinigay kay Hiroshi ang uniporme niya na agad naman niyang tinanggap ng walang alinlangan.

"Kung ganon,magsi handa na kayo at tutuloy na tayo sa loob ng gym, tandaan niyo na sa oras na pumasok na kayo sa loob ng gym ay doon na magsisimula ang laban sa pagitan ng dalawang kuponan kaya naman galingan ninyong lahat"-sabi ni Coach Anzai sakanila.

"Makakaasa po kayo Coach!"-sagot nila ng sabay.Nagsipalit na ang mga manlaro pagkatapos ay dumiretso na kami sa loob ng gymnasium pero bago pa kami tuluyang makapasok ay nagpaalam na ako para manood sa audience sit dahil ipinagbabawal ang dalawang manager na pumasok sa loob ng gymnasium.

"Sige kita nalang tayo mamaya"- paalam ko at naglakad palayo pero hindi pa ako nakakaabot ng dalawang hakbang ay nagsalita na si coach Anzai.

"Sumama kana samin sa loob Ichika,huwag kang mag-alala dahil naipagpaalam na kita kaya hindi na nila pakeke-alaman pa ang pagpasok mo sa loob"-sabi ni coach,humarap naman ako sakanya at nagpasalamat.

Pumasok na kami sa loob at bumungad samin ang dami ng taong manonood sa laro.Nandon narin ang manlalaro na makakalaban ng team namin ngayong araw.Dumiretso na kami sa bench at umupo samantala ang mga manlalaro naman ay nagsimula ng magwarm up para sa magaganap na laban.

"Assemble"-matapos ng tatlong minuto ay pumito na ang referee at tumawag na ng assemble ang captain ng magkabilang kuponan.

"Eto ang unang pagkakataon na lalaban tayo sa buong match ng wala si capatin Akagi at ito rin ang unang pagkakataon na maglalaro tayo na ako na ang team captain ng kupunang ito.Hindi man tayo nagkakasundo minsan pero itabi na muna natin ang sama ng loob natin sa bawat isa at ituon ang sarili sa laban. Dapat sa pagsimula ng larong ito ay wala tayong ibang iniisip kundi laban lang na magaganap ngayong araw"- sabi ni captain Miyagi na sinang-ayunan ng lahat.

"Magaling kung ganon,ihanda niyo na ang sarili niyo dahil sisiguraduhin natin na pagkatapos ng larong ito ay tutuloy pa tayo sa susunod na laro tandaan niyo na malakas ang team ng Shohoku meron man oh wala ang pinakamagaling na sentro saatin"

"OK!"-pagkatapos nilang mag-usap ay dumiretso na sila sa gitna ng court at pumosisyon para sa magaganap na jump ball.Sa ngayon ay ang maglalaban sa jump ball ay si Hayato at ang no. 5 ng kabilang kuponan.

Kung titignan mo ay mas matangkad ng dalawa o tatlong sentimetro si Hayato kesa sa kalaban nito pero kahit ganon ay hindi dapat kami makampante.

Third Person's POV

Nanood rin ngayon ang Ryonan high sa unang laban ng Shohoku sa district meet ngayong taon,katulad rin ng Shohoku ay nagkaroon narin sila ng bagong myembro.

"Tignan niyo mukang matatangkad ang bagong myembro ng Shohoku,isa pa bakit hindi nila sinali si Sakuragi sa first five?"-tanong ng lalaking nagngangalang Koshino.

"Tama,siguro may dahilan kung bakit sila binangko katulad noon na siya ang naging secret weapon ng Shohoku,kung ano man ang mangyayare mamaya sinisiguro kong Ichecheck ko yan!"-sagot naman nung lalaking nagngangalang Hikoichi.

"Ang lakas ng boses mo"-napabaling ang lalaking si Sendoh sa dalawang kuponan.Doon niya napansin si Kaede Rukawa ang matagal niya ng kalaban sa paglalaro ng basketball.

'Ngayon tignan natin kung hanggang saan na ang inabot ng galing mo pagkatapos mong maglaro sa interhigh'-tanging nasa isip nito. Matagal tagal narin simula ng huling pagkikita nila kaya sabik na sabik na ang binatang si Sendoh na makita ang pagbabago ni Rukawa sa paglalaro ng basketball.

Pumito*

|Shohoku  | Time | Shinei |
|                  | 19:58 |             |

Nagsimula na ang jumpball at sa kasamaang palad ay nakuha ng Shinei High ang bola at agad na naipasa sa manlalarong medyo malapit sa ring pero dahil mabibilis tumakbo ang mga manlalaro ng Shohoku ay nagawa nilang abutan at pigilan sa paggawa ng puntos ang numero 4 ang nakahawak ng bola.

Kalmado nalang niyang drinibol ang bola at naghanap ng pagkakataong maipasa ang bola sa kasamahan niya. Ilang segundo ang lumipas at pimasa na nito sa kasamahan niyang si numero 9 ang bola na siyang binabantayan ng binatang si Akio. Hinigpitan nito ang pagbabantay para masigurong hindi makakalusot sakanya si number 9 pero nakagawa parin ng paraan si no. 9 at kumilos para tumira ng jump shot malayo sa ring.

Ginawa nitong pain ang pagdedepensa ni Akio para mapasunod siya sa patibong nito pagkatapos ay drinibol niya ang bola ng isang beses saka niya ito tinira at pumasok nga sa ring ang bola. Dalawang puntos para sa kuponan ng Shinei High.

"Pasensiya na nagkamali ako ng hula"-pagpapa-umanhin nito."Ok lang hindi ko rin naman inaasahan yun, basta mag-ingat nalang sa susunod wag kayong kabahan at huminahon lang kayo"-paalala sakanila ng kanilang team captain.Tumango tango naman ang binata at pumosisyon na para umatake.

Sa totoo lang ay hindi pa nasisiguro ang teamwork ng kuponan ng Shohoku dahil hindi pa nagsama ang freshmens sa mga senpai nila sa iisang grupo kaya medyo malabo talaga sa oras na ito ang pagtutulungan ng grupo pero dahil determinado silang manalo, hinahanapan nila ng paaraan para masulosyunan ang kanilang pagkukulang.

Balik sa laro*

Sa ngayon ay hawak ng kanilang team captain na si Ryota Miyagi ang bola at tahimik na pinagmamasdan ang paligid nito.Agad niyang pinasa kay Rukawa ang bola matapos makitang may pag-asa itong makagawa ng puntos.Naalerto naman ang kuponan ng Ryonan ng makitang pinasa ni Miyagi kay Rukawa ang bola.Pareho nilang gustong malaman kung paano na ito maglaro pagkatapos niyang maglaro sa interhigh.

Kalmado niyang drinibol ang bola at naghihintay ng pagkakataon para pumuntos.Pagkatapos ng ilang segundo ay nagsimula na itong gumalaw.Drinibol niya ang bola sa kanang kamay niya at naglakad ng isang beses patungo sa kaliwa na agad sinundan ni no. 6 na nagbabantay sakanya.Pagkatapos ay drinibol niya ang bola patungo sa kaliwa nitong kamay at mabilis siyang umikot patungo sa kanan ng hindi nabibitawan ang bola, tumalon ito saka tumira ng walang kamay na humarang sakanya kaya naman tagumpay niyang naipasok ang bola at nakapuntos ng dalawa para sa kuponan ng Shohoku.

Nagulat pa ang kalaban nito sa bilis ng kilos niya ngunit kalaunan ay nabalik rin sa ulirat at pumunta na sa ka team nito ngunit hindi niya maiwasang mainis dahil hindi niya nagawang bantayan ang galaw nito.

"Ang bilis ng kilos niya"-manghang sabi ng binatang si Hikoichi samantala ang team captain ng  Ryonan na si Sendoh ay napangiti sa nakita nito."Hindi parin siya nagbabago"-tanging nasabi niya matapos makita ang estilo nito sa paglalaro.

'Mukang nasisiyahan ngayon si Captain sa nakita niya,kung sabagay si Rukawa ang matagal niya ng karibal sa basketball,hindi na tuloy ako makapaghintay na makita ang muling paghaharap ng dalawang ace player,Ichecheck ko yan'

****

Title:Loving The Ace Player

Genre:Fanfic

Author:Daishen_blue

———
PS:Ang istoryang ito ay kathang isip lamang at gawa gawa ng malawak kong imahinasyon.

You are reading the story above: TeenFic.Net