Chapter 13

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 13:Loving The Ace Player

            _________________________

Third Person's POV

Tatlong minuto na ang nakakalipas pero nanatiling dalawa ang puntos ng magkabilang kuponan,parehong mahigpit ang depensa nila kaya wala sakanila ang nakapuntos.Hawak ngayon ng kabilang kuponan ang bola samantalang ang team naman namin ay naghihintay sa kabilang bahagi ng court para dumipensa.

"Ah,haruko,sino ba ang mga yan?"-tanong ng dalagang si Ichika habang tinuturo ang kalaban ng team nila.

"Sila ang Shinei High basketball players,si Yoshi Midori ang no. 4,siya ang point guard at team Captain nila kung titignan mo, mas matangkad siya ng two centimiters kesa kay captain Miyagi"

"Si Isamu Toshio naman ang shooting guard nila at ang ace player nila,nasa 188 cm ang height niya at balita ko magaling talaga siya sa pagtira ng tres,siya ang no. 9 ng kanilang kuponan"

"Ang no. 7 naman nila ay si Sadashi Hiroto ang power forward ng Shinei high,mabilis siyang tumakbo at nasa 187 cm na ang height niya"

"Ang center naman nila ay si Asahi Tomoharu ang no. 5 nila,191 centimeters na ang height nito at balita ko siya raw ang natanghal bilang isa sa pinakamagaling na center sa kanagawa nung junior high"

"At ang panghuli ang kanilang no. 6 at small forward si Souma Yoshiaki nasa 186 centimeter na ang height niya,hindi man siya ekspiryesado nagagawa niya namang matapatan ang iba dahil sa angking talino niya"-paliwanag nito sa bawat manlalaro ng Shinei high,sinulat  naman ni Ichika ang detalye tungkol sakanila pagkatapos ay nagpatuloy na sa panonood.

Hawak ngayon ni Yoshi ang bola at kalmadong drinidribol ito,pinasa niya kay Sadashi ang bola na nasalo naman nito.Drinibol niya ang bola  habang nakatutok sa dumidepensa sakanya walang iba kundi si Akio. Tahimik at seryoso naman si Akio sa pagbabantay niya kay Sadashi.

Kumilos na si Sadashi,gumawa siya ng ball handling saka pumosisyon para tumira,agad naman siyang hinarangan ni Akio pero nagulat ito ng ipasa niya sa center nila ang bola na binabantayan naman ni Hayato.

Drinibol nito ng isang beses ang bola saka pumosisyon sa pagtira,naalisto naman si Hayato at tumalon para harangan ang center ng kabilang kuponan sa pagtira pero....

Pasok*

"Hindi ba yan ang fade away shot"-gulat na sabi ni Ohkusu habang nanonood."Oo ibig sabihin lang non hindi lang si Hanagata ng Shoyo basketball team at Rukawa ang magaling sa pagfade away"-sabi naman ng binatang si Mito.Samantala sa Shohoku bench ay rinig na rinig ng karamihan ang pagsisigaw ni Hanamichi Sakuragi sa kanilang upuan.

"Ano ba tatang papasukin mo na kasi ang henyong toh,matatalo na tayo oh!"-pagpupumilit nito sa kanilang coach."Maghintay ka na muna jan Sakuragi masyado pa namang maaga hohoho"-sagot naman sakanya ng coach nila.

"Grrrrr—"

"Inip na inip ka na ba jan Hanamichi whahahaha"-tawa ng lalaking si Takamiya,lalo namang uminit ang ulo ni Sakuragi sa pagsabat ng kaibigan niya."Grrr shattap makikita niyo lalampasuhin ko sila"-inis na sabi nito.

"Talaga ba wahahha baka naman ikaw pa ang malampaso nila,sa kagunggungan mo ba namang yan wahahaha"-sabi ni Ohkusu na katabi ni Mito.Nagtawanan naman ang iba pang kaibigan nito kaya lalo pang nainis si Sakuragi.

"Kayo!—"

"Sakuragi pwede ba tumahimik ka nalang jan at panoorin mo kung pano sila maglaro"-sabat ng dalagang si Ichika sa usapan."Pero Ichika pag hindi pa ako pumasok siguradong matatambakan tayo"-inis na sabi ni Sakuragi sakanya.

"Alam mo Sakuragi sa oras na makita mo kung pano sila maglaban,pwede kang maka-isip ng paraan para matalo sila"-sabi ni Ichika rito."Totoo ba yang sinasabi mo?"-tanong pa ni Sakuragi.

"Tama si Ichika Sakuragi, sa oras na malaman mo ang estilo nila sa paglalaro pwede mo yung magamit laban sakanila,malalaman mo rin ang kahinaan ng depensa at opensa nila basta manood ka lang at magkonsentrate"-sabi ni Haruko,agad namang lumambot si Sakuragi sa sinabi nito.

"Talaga Haruko,kung ganon pagbubutihin ng henyong to ang pago-obserba para makagawa ako ng paraan at malampaso sila nyahahaha"-masayang sabi nito.

'Hayy ang babaw talaga ng kaligayan nito'-sa isip ng dalagang si Ichika habang nakatingin sa masayang si Sakuragi.

Court*

Seryoso ang lahat ng mga manlalaro ng kuponan ng Shohoku habang kaharap ang kalaban nila,tahimik na drinibol nitong si Miyagi ang bola habang nag-iisip kung sino ang papasahan nito ng biglang magsalita ang vice captain ng Shohoku na si Mitsui.

"Miyagi dito!"-pinasa sakanya ni Miyagi ang bola na nasalo naman nito.Drinibol nito ang bola pagkatapos ay tumira ng tres pero nagulat ito ng biglang sumulpot sa harapan niya ang kanina pa nitong nalusutan na kalaban at napalpal ang bola na agad namang nasalo ng captain ng kabilang kuponan.

"Kainis!"-sambit nito."Fast break!"- sigaw ng captain ng kabilang kuponan habang mabilis na tumatakbo patungo sa half court, sumabay naman sakanya ang team captain ng shohoku na si Miyagi saka hinarangan ito sa pagtira pero ngumisi lang sakanya si Yoshi saka pinasa sa likod nito ang bola.

Nasalo ito ni Toshio ang no. 9 ng kabilang kuponan,mabilis siyang tumira ng tres mula sa three point area at pumasok nga ito kaya nadagdagan ng tatlong puntos ang score ng kalaban.

         SCORE BOARD
Shohoku|Time|Shinei
      2        |15:18|    7

Lamang na ng limang puntos ang kuponan ng Shinei sa laban, samantala ang team captain naman ng shohoku ay nababahala sa sitwasyon nila ngayon.

'Kailangang makagawa ng paraan para humabol'

"Team"-tawag nito sa kasamahan niya."Masyado pang maaga pero hindi dapat tayo makampante sa limang lamang ng kalaban dahil anumang oras pwede pa itong madagdagan,kumalma kayo at mag-isip kung alam niyong sigurado huwag kayong tumira at maghintay ng pagkakataon,tandaan niyo ang sinabi ko"-paalala nito sakanila.

"OK!"-sabay na sagot nila saka pumosisyon na sa pagdepensa,sa wakas ay medyo naluwagan narin ang pag-iisip nila.Kung titignan sila ngayon ay mas kalmado na sila kaysa kanina.Napangisi naman si Yoshi sa nakita saka nagsalita.

"Tignan natin kung may ibubuga nga ba ang kuponan ng Shohoku sa laban na toh"-nakangisi nitong sabi.

________

"Makinig kayo team pupuntos tayo"- sabi ni Yoshi.Drinibol nito ang bola papunta sa half court na hinarangan naman ni Miyagi.Gumawa ng air pass si Yoshi papunta sa gawi ni Souma pero bago pa umabot sa kamay nito ang bola ay sumulpot agad si Rukawa sa harapan nito.

Pak*

"Ah ang bilis niya"-napasambit si Souma."Papanong nakapunta siya kaagad dito?"

"Dali sundan si Rukawa!"-sigaw ni Miyagi habang tumatakbo. Tumatakbo narin ang iba pang manlalaro sa half court para habulin si Rukawa.

"Hanggang diyan ka nalang"-sabi ni Yoshi at akmang papalpalin ang bola mula sa ilalim ng biglang nag-over head pass siya patungo sa gawi ni Mitsui na mabilis namang tumira ng tres matapos saluhin ang bola.

"Magaling Mitsui Nice Shot!"-puri sakanya ng team caotain nila."Nice pass Rukawa"-puri naman sakanya ni Mitsui pero binalewala niya lang ito saka sila iniwan.

"Ang bilis ng pangyayaring yun,para bang hindi nahawakan ni Mitsui ang bola sa sobrang bilis ng pasa at pagtira"-manghang sabi ng binatang si Hikoichi sa nakita nito.

"Mukhang natuto naring magpasa ng bola yang si Rukawa"-nakangiti namang sabi ni Sendoh."Tama ka sa hindi katulad nung nakaraang taon, nagawa narin niyang magtiwala sa kasamahan niya"-sabi naman ng kanilang coach na si Coach Taoka.

Shohoku Bench*

"Lalo pang bumilis ang kilos ni Rukawa ngayon,malaki na talaga ang pinagbago niyang si Rukawa hohoho"-sambit ng coach ng Shohoku habang nakatuon ang pansin sa court.

"Grrr nagpapasikat ka nanamang Rukawa ka,ubod ng yabang"-inis namang sabi ni Sakuragi sa sarili niya matapos marinig ang sinabi ng kanilang coach.

"Kumalma ka lang diyan Sakuragi maghintay ka dahil ipapasok ka narin naman mayamaya"-sabi sakanya nitong si Ichika.

"Paaano naman ako kakalma kung nagyayabang nanaman yang pasikat na sorong yan"-nanggagalaiting sabi nito."Hayy nako Sakuragi wala kang magagawa magaling na talaga siya nung una,kung gusto mong magpasikat magpraktis ka ng magpraktis para gumaling ka"-sabi nito sakanya.

"Grrrrr makikita mo Rukawa!"-saad nito habang nagngingitngit na ang ngipin sa tindi ng galit nito.

Samantala sa pasukan ng loob gymanasium ay nanonood pala ang dalawang miyembro ng Kainan, walang iba kundi sila Soichiro Jin at Nobunaga Kiyota.

"Nagbago na talaga yang si Rukawa pree pero hinding hindi parin ako magpaoatalo sakanya dahil ako si Nobunaga Kiyota ang ace pkayer ng Kainan na nagchampion sa loob ng labing pitong taon nyahahahaha"-sabi nito saka tumawa.

"Wala ka paring pinagbago Kiyota"- napalingon ang dalawa sa tabi nila at laking gulat nila ng makita ang dating team captain ng Kainan na si Shinichi Maki."Maki preee ikaw pala yan"- masayang bati ni Kiyota sakanya.

"Kamusta naman ang basketball club ng Kainan?"-tanong nito kay Jin."Ok lang naman,maraming bagong gustong sumali pero iilan lang ang pinili ni coach Takato,kilala mo naman siya"-sagot nito sakanya.

"Ganon ba"-sabi nito."Siya nga pala Maki kanina ka pa rito?"-tanong sakanya ni Kiyota."Oo nandito na ako simula ng magsimula ang laro"-sagot nito.

"Ganon ba"-napatingin si Kiyota sa court."Tignan niyo mukang malaki na talaga ang pinagbago ng Shohoku"-sabi pa nito.

"Tama,simula ng magyari ang labanan sa interhigh nung nakaraang taon ay nagbago na talaga sila"-sabi naman ni Maki.

Hindi na sila nagusap pa at itinuon nalang ang pansin sa larong nagaganap ngayon.Habang ang magkabilang kuponan naman ay patuloy na nakipagkitaan ng galing sa paglalaro ng basketball.


****

Title:Loving The Ace Player

Genre:Fanfic

Author:Daishen_blue

———

You are reading the story above: TeenFic.Net