CHAPTER 7

Background color
Font
Font size
Line height

#Unedited

READ AT YOUR OWN RISK

Paper bag

"Kung sino ang mag champion dito sa school natin sya ang ilalaban para sa gaganapin na City meet sa susunod na buwan. Kaya dapat galingan nyo dahil may malaking prize ang mamanalo." Anunsyo ng Couch namin.

"Ano kaya yung prize?" Rinig kong sabi ng babaeng katabi ko.

"Baka Trip to  Korea!" Biro ng isa pang babaeng katabi nito.

Tahimik lang ako habang nag uusap-usap sila.

"Pwede rin!" Sagot naman ng isa pang  babae at nagtawanan sila.

"Ang tahimik mo naman." Pansin sa'kin ng isang babaeng maikli ang buhok na kulot.

"Ah, tahimik talaga ako." Palusot ko kahit ang totoo nahihiya lang ako dahil wala naman ako ni isang kilala sa kanila.

"Ah, kaya pala hindi ka nakikisali sa kanila, I'm Gail by the way." Nakangiting naglahad ito ng kamay sa'kin.

"Lesya." Maikling sagot ko.

"Matagal ka na bang naglalaro?" Tanong nya, umiling ka agad ako.

"Ako since elementary marunong na ako Family Chess kami eh." Tumawa sya sa sinabi nagulat naman ako.

"Talaga? Edi magaling ka." Naka ngiting papuri ko.

"Hindi naman sakto lang." nakangiting nitong sagot.

Tumingin ito sa bandang nasa gilid kung saan ang mga lalaking chess player ay naglalaro.

"Magkakilala pala kayo ni Cupid."

Tumingin naman ako sa mga boys at nakita si Cupid na seryusong naglalaro. Mula ng maglaro kami ay hindi na ako nito nilapitan, masyado yata akong nag assume na may magiging kaibigan ako dito.

"Hindi naman masyado nakilala ko lang sya nung first day na mag practice tayo." sagot ko.

"Ah, ganun ba akala ko magkakilala kayo ikaw kasi yung nilapitan nya nung first day ng practice." Kagat labing sagot nito.

Nahalata ko ang kakaibang tingin nito kay Cupid. Tss. Pustahan may gusto ito kay sa lalaking kulot na 'yon.

"Alam mo ba na magaling iyang si Cupid?" anito habang hindi inaalis ang tingin kay sa lalaki.

Hindi naman ako nagsalita at nakinig sa mga sasabihin nya.

"Marami na syang nasalihang tournament at hindi sya umuuwi ng hindi sya panalo." Kita ko ang paghanga ni Gail habang sinasabi ang mga iyon.

Ngayon sigurado na ako na nagpatalo lang talaga sya sa'kin nung maglaro kami. Tss.

"Tapos natalo mo nung maglaro kayo." Baling nito sa'kin.

"Hindi ko sya natalo, nagpatalo talaga sya." Siguradong sagot ko.

Hindi sya sumagot kaya naman.

"Sige mauna na mauna na muna ako sa'yo."

Akmang tatalikod ako ng pigilan ako nito sa braso.

"Alam kong mabait ka Lesya pero akin si Cupid ako ang nauna kaya sa iba ka nalang." Seryusong sabi nito na halata pa ang kaba sa mukha.

Hindi na ako nagulat ng sabihin nito ang mga iyon. Hindi pa man kasi sinasabi nakikita ko na sa mga mata nya. Ito yung sinasabi nila Jeca na kakaiba kung tumingin nahalata ko iyon kay Gail ngayon.

"Huwag kang mag-alala iyong iyo si Cupid." Ngumiti ako ng tipid.

Sinuklian nya rin ako ng ngiti pero malungkot iyon.
Tinapik ko sya sa braso.

"Mauna na talaga ako gutom na naman ako eh." Kumalam ang tiyan ko kaya nagkatinginan kami bago sabay na tumawa.

"Sige na baka magka ulcer ka pa." sabi nya ngumiti nalang ako bago naglakad palabas ng Library.

"I bought a food."

Palabas na ako ng pinto ng makasalubong ko ang students teacher, tumaas kaagad ang isang kilay ko ng ilahad nya ang isang malaking paper bag sa harapan ko.

"Ano yan?" kunot noong tanong ko.

"food." Maikling sagot nya.

Hindi naman sya mukhang galit pero hindi rin naman sya nakangiti.

"Alam kong pagkain yan Mr. Ledezma pero Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Anong bakit? Malamang kasi nagugutom ka kaya binilhan kita." Preskong sinabi nya. Hindi mukhang napilitan.

Parang nagkaroon ng kung anong elemento sa loob ng tiyan ko. Para bang may nagwawala doon na kung ano.

"Just get this and eat ang dami mong sinasabi kaya ka ginugutom."

Nanlalaki ang mga mata ko ng bigla nya akong nginisihan bago kinuha ang isang kamay ko at nilagay doon ang hawak nyang paper bag.

Napigil ang paghinga ko habang hawak nya ang kamay ko. Shit! Ano bang nangyayari sakin!

Bigla nyang nilapit ang mukha sa'kin at buong akala ko talaga hahalikan nya ako kaya pumikit pa ako.

"Breath, Ally." Bulong nya sa tainga ko bago ako nilagpasan papasok ng Library.

Tinawag nya ako sa second name ko na ayaw ko! Wala pang tumatawag sa'kin nun kasi ayaw ko ng pangalang yun tapos tinawag nya ako nun! Paano nya nalaman!

Malakas ang kabog ng dibdib ko sa sobrang lakas parang luluwa na ang puso ko.

Ano yun?! Anong ginagawa ni Sir?! Bakit may pag ganun bakit....Argghhh! Bakit ako kinakabahan sa kanya! Oo dati kinakabahan naman talaga ako sa kanya pero iba yung kaba ko ngayon! Kaba na nakakatameme.

Shit! May sakit na yata ako kailangan ko  ng magpasama kay Jeca sa Doctor baka malala na ang sa'kit ko hindi ko lang napapansin.

Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko sa paper bag na hawak ko ngayon. Ano dapat ko ba itong kainin o hindi? Arrrgh!

Nagpapadyak ako dahil sa hindi ko mapangalanang nararamdaman. Kinakabahan ako pero parang may mga alitaptap sa loob ng tiyan ko na nagliliparan!

Ito na kaya yung sinasabi nilang nagkakaroon ng mga butterflies sa stomach kapag kinililig? Pero hindi ako kinikilig! Bakit ako kikiligin eh hindi ko naman crush ang student teacher na 'yon.

Tumakbo ako papunta sa room at buti nalang nasaktuhan kong nandoon si Jeca at Yurkie. Kakatapos lang yata nilang mag practice ng volleyball.

"Hala ano yan Anteh!" Napansin ka agad ni Yurkie ang paper bag na dala dala ko.

Kinuha nya ito sa'kin kaya wala akong nagawa kung hindi ang ibigay sa kanya. Akin yun sa'kin ibinigay baka kainin nya---

Hindi ka naman madamot Lesya bakit pinagdadamutan mo ang mga kaibigan mo ngayon?

Napailing ako sa pumasok na iyon sa isip ko.

"Take out sa--sabihin mong hindi ikaw ang bumili nito sabihin mo!" Nag hi-hysterical na sabi nya.

Umiling iling ako at inagaw sa kanya ang paper bag.

"Hindi naman talaga ako bumili nyan." nakasimangot na sagot ko.

"Eh, SINO?!" sabay na  sigaw nila.

Napatakip naman ako sa sobrang lakas ng boses, maging ang mang ilan-ilang kaklase namin na nasa room ay napatingin talaga sa'min.

"Ang OA nyo." Nasabi ko na lamang.

Umupo ako sa upuan ko at hindi sila pinansin. Binuksan ko ang paper bag at halos ayaw ko nalang kainin yun dahil tingin ko palang ang mahal nun.

"Ang dami mo ng  secret sa'min Lesya." Nagtatampong kunwari na sabi ni Jeca.

"Nung una yung kung bakit magkasabay kayo ni Sir Ace pumasok sa Cafeteria tapos kanina may nakakita sa inyo na kaklase natin nasa labas kayo ng library at binulungan ka nya sa tainga  tapos ngayon may bumili pa sayo ng pagkain!" Nagmamaktol na sinabi nya.

"Nakakatampo kana Sis, nagkakasama na nga lang tayo tuwing lunch tapos naglilihim ka pa sa'min." si Yurkie naman.

"Ano ba kayo hindi naman sa ganun tsaka yung kanina wala yun may sinabi lang sya."

Kasalanan ito ni Sir Ace eh! Baka sa susunod ma issue na talaga kami. Bakit pa kasi palagi syang nasa library wala ba syang ginagawa? Hindi ba sya busy? Bakit kailangan pang nandon sya palagi eh hindi naman sya Couch.

"Hindi na ako magtataka kung sa kanya galing yan." mahinang sabi ni Jeca.

Nanlalaki naman ang mata kong tumingin sa kanya. Paano nya nalaman.

"Oh huwag mo ako tingnan ng ganyan, nakita ni Janina na may inabot si Sir Ace yun na paper Bag." Natahimik ako sa sinabi nya.

"Kung ano man yang iniisip nyo tigilan nyo na, hindi ganyan player nya ako sa chess kaya naman ganun." Palusot ko.

Hindi sila sumagot at tinitigan lang ako na para bang may kinukumpirma sila sa itsura ko ngayon.

"Bakit?" Naiilang na tanong ko.

"Wala." Sabay pa na sagot nila.

Naweirduhan talaga ako. Ano bang nangyayari sa dalawang 'to.

"Sana lang huwag kang masaktan sa ginagawa mo." Makahulugang sabi ni Jeca bago ako nginitian.

Hindi ko magawang suklian ang ngiti nga dahil nabagabag ako sa sinabi nya.

Ano bang ibig sabihin nya na  huwag akong masaktan ano ba ang ginagawa ko? Wala naman ah.

Magsasalita pa sana ako ng maunahan ako ni Yurkie.

"Ang sweet naman pala ni Sir Ace kung ganun pero bigyan mo kami nyan huwag kang madamot ah!" Pabiro nya akong inirapan wala naman na akong nagawa ng kumuha na sya sa mga pagkain na nakalatag sa lamesa.

Masarap ang mga pagkain pero hindi ko naman na enjoy dahil sa dami ng tanong na pumapasok sa isip ko.

Binilhan lang naman ako ng student teacher na iyon ng pagkain galing sa mamahaling restuarant pero bakit big deal na big deal sa'kin. Bakit pakiramdam ko may rason kaya nya iyon ginawa.

Wala eh nararamdaman ko na may kakaiba talaga hindi ko nga lang alam kung ano iyon. O baka naman delulu lang ako. Ah, basta hindi ako sigurado.


You are reading the story above: TeenFic.Net