Chapter 6

Background color
Font
Font size
Line height

Girlfriend

Mag-iisang linggo na ako sa Maynila. Unti-unti ay nasasanay na rin ako sa bagong paligid ko. Halos hindi naman ako lumalabas ng subdivision dahil hindi kami pwedeng lumabas ni Vene, iyon lagi ang bilin ni Sir Nicholas.

Hindi ko pa rin kinakalimutan na tawagan si Ella araw-araw sa cellphone ni Thea para kumustahin ang kalagayan nila roon. Mukhang medyo napawi na ang lungkot ni Ella dahil tumatawa na siya sa akin.

Nabalitaan ko sa kanila na nagsara na ng karinderya si Manang Turing. Bakit kaya? Nakakapagtaka, eh bagong bukas palang iyon. Wala na rin daw roon si Manang, palaisipan man ay hinayaan ko nalang.

Minsan ay lumalabas ako ng bahay kapag tulog si Vene, tulad ngayon para diligan ang mga halaman sa labas. Pagkatapos nito ay maglilinis ng kaunti. Hindi ko malinisan ng buo ang bahay nila dahil sobrang laki. I'm wondering now how Sir Nicholas clean this house alone.

Hindi naman na kailangan linisin araw-araw dahil malinis naman pero minsan may namumugad talaga na alikabok na kailangang linisin dahil may kasama kaming may asthma.

May bumusina sa likuran ko kaya napatingin ako roon. I saw Norman inside his car wearing a sunglasses. Tinaas niya ito at kinawayan ako.

“Hi, Bae.” Tawag niya sa aking palayaw. “Kumusta ang pagiging nanny sa makulit kong pinsan?” he asked, pagkatapos ay bumaba ng sasakyan niya.

Pinunasan ko muna ang noo ko bago siya sinagot. “Okay naman, nagsi-siyesta ngayon. Dadalawin mo?” I smiled.

Umiling ito. “Napadaan lang ako because Nicholas asked me to get something in his office.”

“Gano'n ba, sige pasok ka na.” I gestured the open gate.

He nodded immediately before getting inside the house. Ako nama'y tinapos na ang pagdidilig bago pumasok sa loob ng bahay. Sobrang tahimik pero wala akong maramdamang takot kahit gabi na kami lang dalawa ni Vene. Siguro kung wala akong inaalagaan ay makakaramdam ako ng boredom kahit na may malakas silang Wi-Fi.

Nakita ko si Vene pababa ng hagdan habang hawak ang Sleeping Beauty doll niya— nagising na. Nangunot ang noo ko nang namataan kong namamasa ang pisngi niya, patakbo ko itong nilapitan.

“Vene, what happened?” I asked worriedly when I reached her place.

Kinusot nito ang mga mata niyang namumula. “A b-bad dream, m-mommy pretty.” Nakalabi niyang saad habang sinisinok pa.

Marahan ko siyang binuhat. “Shhh, tahan na. I will make you a snack, do you want that?” tanong ko, habang pababa ng hagdan.

“B-Bro Nic l-left me in my dream, m-mommy,” saad niya, hindi naalo sa offer ko.

“Baby that's not true. Bro Nic loves you so he won't leave you. It's just a dream, okay?” alo kong muli at iniupo siya sa sofa sa may living room.

“R-Really?” paninigurado niya habang nakahawak sa kwintas niya, it has a small butterfly pendant. Lumuhod naman ako sa harapan niya. Pulang-pula ang mga mata niya at ilong, mahal na mahal talaga niya ang kanyang kuya.

“Yes,” tugon ko at inayos ang magulo niyang buhok.

My gaze turned to staircase when I heard Norman's footsteps. Kaagad kami nitong nilapitan.

“How's my favorite cousin, huh?” Masayang tanong niya kay Vene, hinalikan niya ito sa ulo.

Tumingala ang bata sa kanya, tumahan na sa pag-iyak pero sumisinok pa rin. Tumayo ako para ikuha siya ng isang baso ng tubig sa kusina. Pagbalik ko ay nasa kandungan na siya ng Kuya Norman niya.

“Kuya, Bro Nic will not leave me, right?” dinig kong tanong ni Vene.

Norman laughed. “Why would he leave you, he loves you so much. Do you know that? He works hard for you,” anito sa bata.

“Yeah, but if he leave me like in my dreams I can't go to the mall anymore.” malungkot nitong saad. Iyon pala ang inaalala niya kung sakaling iiwan siya ng kuya niya, mga bata nga naman.

Norman turned his gaze to me. Inilahad niya ang kamay nang makitang may hawak akong baso ng tubig. I immediately gave it to him pagkatapos ay pinainom niya ito kay Vene.

“He will not leave you, I swear. I will tell him later to go home early. Okay?”

That made Vene smile. “I miss Bro Nic at home.” She pouted. Mula nang magtrabaho ang kuya niya ay hindi na niya ito parating nakakasama o nakikita man lang ng madalas katulad dati. Sobrang late na nito umuwi at kung minsan sa umaga ay hindi na rin niya madatnan dahil maaga itong umaalis. Tulog pa ang bata. He's workaholic no wonder why he's successful.

May mga magazine ako na nabasa rito nang isang araw at naglalaman iyon ng mga impormasyon patungkol sa kanya. It was written on magazine that he achieved all the things he have now at a very young age— twenty years old. The Beltedez Corporation is owned by him— kilala ito sa Asya. Wala siyang minana sa mga magulang niya because it was all the fruit of his hardwork.

Ang ipinagtataka ko lang ay walang impormasyon patungkol sa mga magulang niya. Maybe his parents are very confidential to be not included with his achievements. That's very rare because a young business tycoon like him should have the guide of his parents. Is that how smart and powerful he is? That he needs no one but himself to be this high?

No wonder I'm infatuated with my boss because of how good-looking and hard-working he was. Yes, I admit that I'm infatuated with him sa loob ng isang linggo na pamamalagi ko rito. Hindi naman siguro masama ang humanga sa gaya niya. I know my limits, I'm a nanny of his sister and I'm very sure that I can't reach him gaya ng mga babae na naging girlfriend niya na nakalagay sa magazine. Kahit gaano ako kaganda hanggang talampakan lang nila ako kung pagbabasehan ang estado ng buhay. I promised myself na hanggang infatuation lang at hindi na iyon pwedeng lumalim pa.

“Bae, I think I need to go. Nic badly needs these papers later in his meeting.” ani Norman kaya natigil ako sa pag-iisip.

“Hindi ka muna magme-meryenda?” I asked na kaagad niyang inilingan. “Sige sige, ingat ka.”

Nagpaalam ito kay Vene bago tuluyang umalis. “Vene, what do you want to eat? Are you hungry?” tanong ko pero umiling lang ito. “What do you want to do, then?”

“I want to play.”

“Let's play, then.”

Kinuha naman niya ang isa sa paborito niyang paglaruan— jenga.

Inayos ko ang mga ito at nang maayos ay nag-umpisa na kami. Ilang minuto ang itinagal nang mahila niya ang maling blocks at natumba lahat ito.

“I lost,” she muttered and giggled.

Cute.

“Let's build it again, mommy pretty!” she said happily.

Sa isang linggo kong pag-aalaga sa kanya napansin ko na masayahin talaga siya. Small things make her happy. Hindi siya mahirap bantayan dahil hindi ganoon katigas ang ulo. Pero may pagkakataon na sinumpong siya ng asthma at nataranta ako at kinabahan. I was really shocked because that was my first time seeing someone who's having a difficulty in breathing and worst bata pa. Hindi ko naihanda ang sarili para roon. Mabuti at narito si Norman at tinuruan ako. Napatanong pa ako kung bakit hindi nurse ang kinuha para sa bata dahil special child nga ito pero takot daw ang bata sa nurse.

Kinuha ko namang muli ang mga blocks at inayos. Ilalagay ko na sana ang pinakadulo na blocks ng paulit-ulit na tumunog ang doorbell. Nangunot ang noo ko. Sino naman ‘to, excited lang? Hindi makahintay.

“Wait me here, Vene, okay?” Tumango ito kaagad kaya tumayo muna ako upang tingnan kung sino ang mapangahas na pindutin ng paulit-ulit ang doorbell. Hayop na ‘yan, hindi ako bingi!

Sisigawan ko na sana ang kinginang doorbell nang doorbell pero naumid ang dila ko nang makita kung gaano ka-sopistikada at elegante ang babae na nakatayo sa labas. She's wearing an aviator and a very sexy red dress na hapit sa kanyang katawan. Pinaresan pa ito ng mataas na kulay puting stiletto. May hawak din siyang silver na clutch. Ang mukha niya ay maliit kaya bagay na bagay ang maliit niyang buhok na kinulot ng kaunti sa baba. Ang labi niya ay sobrang pula dahil sa lipstick.

Nalipat ang tingin ko sa sasakyan niya. Fling siguro ‘to ni Sir Nicholas.

“What are you staring at, lady?! Open the gate!” sigaw niya sa akin.

Wow ah, makautos naman ‘to. Ikaw ba ang boss ko? Naglakad ako palapit sa gate at binuksan ito. Muntik pa akong matumba nang itulak niya ito. Anak ng, gaga ‘to ah. Mabuti nalang na-balanse ko ang katawan ko.

“Where's Nicholas?!” Humarap ito sa akin at tinanggal ang suot niyang salamin.

Tumikhim naman ako. “Sino po sila, ma'am?” tanong ko, hindi muna sinagot ang tanong niya. Malay ko ba kung magnanakaw ‘to na nakadamit pang-mayaman.

“You don't have to know who I am! Just answer my damn question!”

Ano bang kinain nito? Singer ba siya o sadyang lumunok lang siya ng mikropono? Hindi uso ang kalma ah, mapaos ka sana.

“Ma'am kindly tone down your voice. Sir Nicholas is not here, he's at work. Pwede po kayong bumalik sa Linggo. Kindly tell me what's your name so I can tell him when he gets home.” Marahan kong saad, nagpapaintidi.

Tinaasan niya ako ng kilay. Aba, huwag niyang sabihing maganda siya at mayaman hindi ko siya sasantuhin. “Do you know who I am?” inis niyang tanong, tanga.

“No ma'am, that's why I'm asking your name.” I smiled, nang-aasar.

Napapikit siya dahil sa sinagot ko halatang nagalit. Maganda nga may pagka-bobita naman. Hindi ata makaintindi e. Hirap talaga kapag minsan puro ganda lang. Sa sobrang ganda iyong utak waley na, hindi na pinapa-gana.

Malinaw naman ang pagkaka-construct ng sentence sadyang malabo lang siyang umintindi. O ayaw lang intindihin? Tapos gagalit-galit sa harapan ko. Hayop na ‘yan. Nag-iinit ang ulo ko sakanya.

Napapadyak pa siya. “Argh, idiot! I'm his girlfriend!” she hissed.

───────────
@mari_dyanis


You are reading the story above: TeenFic.Net