Chapter 5

Background color
Font
Font size
Line height

Beautiful

I gave him a nod. “Thank you, Sir.” I muttered. Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang masupil ang namumuong ngiti.

Pinamulahan ata ako ng mukha dahil sa sinabi niya. It is normal for me when other people give comments about my cooking skills. But now, it seems like Sir Nicholas gave me a different feeling.  Sinubuan kong muli si Vene, ilang minuto pa ang namayani bago binasag ni Sir Nicholas ang katahimikan.

“I will be working everyday in our company.” Panimula niya kaya nakinig naman ako ng mabuti. “So expect that I will not be at home 24/7. Kayo lang ni Veneza ang maiiwan dito araw-araw. Gagabihin ako kapag uuwi, don't worry because this village is secured.” I nodded to inform him to continue because I'm listening.

“I already told Vene about it and she agreed because she will be with you. She has a small playground near the pool.” He looked at me intently. “She's not allowed to go outside because she's grounded.” Grounded ang five years old. Tumingin ako sa bata. Saan ka ba gumagala, beh? “She has an ipad in her room, at hindi siya pwedeng magbabad ng humigit sa dalawang oras.”

“She's not allowed to eat chocolates everyday, 2 times a week is enough. She drink milk everyday, day and night. She has a chronic asthma and allergic with seafood. Avoid feeding her any kind of seafood. Susumpungin siya ng asthma.” Oh, that makes her a special child pero pinapaiyak iyong bata kanina.

Okay, noted.

“Noted, sir.” I answered.

“Water please.” sambit ni Vene, pinapasuyo ang baso ng tubig sa akin. Kaagad ko itong inabot sa kanya. “Thank you.” She smiled.

“Do you want to eat more?” I asked pero umiling lang ito. “Are you full?”

“Yes, the food is yum. Please cook more food for us, mommy pretty,” she demanded while doing a beautiful eyes.

I laughed a bit. “You're so cute. Do you know that?” I complimented.

“Yeah, Ate Norien always tell me that I'm cute.” She pouted, pero nakangiti pa rin.

Nagtataka man kung sino si Norien ay napangiti nalang din ako dahil sa bata. Lumipat ito ng upo sa aking hita pagkatapos ay humilig sa dibdib ko. Hindi ko na napakinggan pa si Sir Nicholas kaya naman paumanhin akong tumingin sa kanya.

“Can you sing for me, mommy pretty?” she suddenly asked in a sleepy voice.

“I'm not a good singer. But I can sing for you, can you wait? I'll just wash the dishes.” I whispered through her ears.

Baby na baby ang amoy niya. “Bro Nic can do that,” she whispered back. Nahihiya naman kasi ako dahil bago palang ako kaya pakiramdam ko na parang obligasyon kong gawin iyong hindi ko naman trabaho. I know that my only work here is to babysit Vene but I can't help it. I can't imagine the guy in front of us washing the dishes and doing the household chores. Parang napaka-imoral tingnan kung siya ang gagawa ng mga gawaing iyon.

I can't even imagine him raising his lil sis alone. I wonder how hard it is for him to survive all of this each day. He's a good guy.

“Bro Nic, can I go upstairs with mommy pretty? I'm sleepy.” She yawned.

“You haven't drunk your milk yet,” anang kuya.

“Can I drink it tomorrow?” she asked and hang her arms around my neck.

Sir Nicholas shook his head. “Drink a half of glass of milk instead.” Tumayo ito at kumuha ng panibagong baso. May kinuha siyang milk powder na nasa may babasaging lagayan at nagsangkap.

Nang matapos ay lumapit siya sa amin. “Come here,” aniya sa kapatid, ngunit umiling ang bata.

“Drink this milk,” wika ng kuya niya.

Ayaw man ay napipilitang umayos ng upo si Vene at kinuha ang baso sa lamesa. Diretso niya iyong ininom.  “Done, can I sleep now?” she asked and looked up her brother.

“Alright, my kiss?” Her Kuya Nicholas demanded. Yumukod ang kuya niya at pagkatapos ay inabot naman ni Vene ang pisngi nito para mahalikan.

“Goodnight, Bro Nic. I love you.” Vene sweetly said.

“Goodnight, baby. I love you too.” He kissed her forehead before looking at me. Istrikto man siya pero napakamapagmahal niyang kapatid. Sana ganito rin si Kuya William, magkakasundo kami for sure. “Can you bring her upstairs?” he asked.

I beamed a smile. “Of course, Sir.”

“Thanks.” Tumango ako at tumayo na habang buhat si Vene.

Kaagad itong humilig sa balikat ko. Sinilip ko naman ito at nakitang nakapikit na kaagad. “Okay ka lang ba riyan, Sir?” tanong ko.

He looked at me and nodded. “Yeah, I can handle it. Watch your step on the stairs.” Paalala niya.

“Sige Sir, salamat.” Ngumiti ako bago nilisan ang kusina.

I hummed a lullaby song while walking upstairs. Nang makarating sa taas ay napanganga ako ng ilang saglit dahil sa lawak ng living room nila rito sa taas. May malaking TV din na nakasabit sa dingding at upuan na sa tingin ko'y gawa sa narra. The marble tiled floor is very lustrous, pwede ka ng magsalamin dahil sa kintab.

Grabe ang yaman talaga. Ang ipinagtataka ko lang e kahit mayaman si Sir Nicholas ay hindi siya palangiti. Hindi siya nakasamingot at hindi rin malungkot, laging poker face lang. Ang seryoso niya sa buhay. Kung ako siya siguro pati gilagid ko makikita na dahil sa pagkakangiti.

Napaka-mapanuya ng mundo. Kami na mahirap, malungkot kasi walang maraming pera. Sila na mayaman— pumuputok na ang bulsa sa dami ng pera pero hindi masaya. Kung ako kaya ang nasa posisyon niya. . . sasaya ba talaga ako katulad ng lagi kong iniisip? Maybe not, siguro nakasanayan ko nalang talaga na tingnan lagi ang halaga ng pera at doon umikot ang mundo ko para sumaya at may maibigay sa pamilya. Ang pera ang nagmulat sa akin sa realidad na ang buhay ay hindi laging positibo. Masisisi mo ba ako kung ang pera lang ang nagbibigay lakas sa akin dahil sa hirap ng buhay?

Gumalaw si Vene kaya naman tiningnan ko na ang mga pinto. May limang pinto pero hindi ko alam kung nasaan ang kwarto ni Vene. Dumapo ang tingin ko sa may door knob na may nakasabit na disney princess Belle toy.

Agad akong lumapit doon. Pinihit ko ang seradura at hindi nga ako nagkamali dahil mga disney princess ang disenyo ng kwarto. Mukhang ipinagawa talaga ito para kay Vene.

Mula sa aparador, bedsheet, pillow, ceiling, curtain, bedside table, lampshade, cute little sofa set, and a vanity mirror lahat ay customized sa tema ng kwarto.

Marahan ko siyang inilagay sa kanyang kama at tinapik nang gumalaw. Binuksan ko ang aircon niya na customized din pagkatapos ay tinabihan siyang muli.

“Sing a song for me, mommy pretty,” bulong niya habang nakapikit. Akala ko tulog na, gising pa pala. Inilibot ko ang tingin sa kwarto niya at may nakita akong ukulele na naka customized din ng isa sa mga disney princess— si Snow White.

Tumayo ako, bigla namang nagsalita muli si Vene. “Don't leave yet, mommy pretty. I'm not asleep.” Napatingin ako sakanya. She's hugging her hotdog pillow while her eyes are still close.

“I'm not, baby. I'm just going to get something.” Hindi na ito nagsalita kaya nilapitan ko na ang ukulele niya pagkatapos ay binalikan siya sa kama.

Hinaplos ko ang malambot na buhok nito pagkatapos ay inumpisahan ko ng patunugin ang ukulele. Medyo tanda ko pa naman ang mga chords, madalas itong kantahin ni Ella noon sa akin. She always say to me that I'm her sunshine. Mas marunong siyang kumanta sa akin at magplay ng mga instrumento. Siya nga lang ang nagturo sa akin.

[Song Playing: You are my Sunshine by Christina Perri]

“The other night, dear. As I lay sleeping.” Umpisa ko, bigla namang pumalakpak ang katabi ko na ikinatawa ko.

Susmiyo ka Vene, matulog ka na. Ani ko sa aking isip. Akala ko kanina ay tulog na, tulog-tulogan lang pala.

“I dreamed I held you, in my arms”

“When I awoke, dear”

“I was mistaken”

“So I hung my head and I cried”

“My only sunshine, you make me happy”

“When skies are gray”

“You'll never know, dear”

“How much I love you”

“Please don't take my sunshine away”

“I'll always love you, and make you happy”

“And nothing else could come between”

“But if you leave me to allow another”

“You'll have shattered all of my dreams”

“You are my sunshine, my only sunshine”

“You make me happy, when skies are gray”

“You'll never know, dear”

“How much I love you”

“Please don't take my sunshine away” Pagtatapos ko sa huling linya ng kanta. Pinakiramdaman ko naman si Vene, narinig ko ang mahina niyang hilik patunay na tulog na siya at hindi na nagtutulog-tulogan.

“Beautiful voice.” I jolted on my seat because of that sudden voice.

Napatingin agad ako sa may pintuan.

I saw Sir Nicholas leaning on side of the door.

Napatungo naman ako sa hiya. “Tulog na po siya, Sir.” Ani ko nalang na para bang hindi niya nakikita.

“Yeah, thanks. You can have a rest now.” He said and walked towards Vene's bed kaya agad na rin akong tumayo at binalik ang ukulele kung saan ito nakasabit at nagpaalam na bababa na.

───────────
@mari_dyanis


You are reading the story above: TeenFic.Net