"Nag-aral naman kayo diba?" Kinakabahang tanong ni Zesha.
"Oo," tipid na sagot ni Freya.
"Ikaw, Raya?" Baling niya sa akin.
"Pinilit ako ni daddy, eh. No choice ako kundi yun nalang ang gawin." Kibit balikat na sagot ko.
Ngayong araw na gaganapin ang Prime Selection. Halos lahat nag-review. Maliban kay Reeve na sigurado ng makakapasok. Tignan nalang natin kung hindi siya paghinalaan sa lagay na yon.
Nakapila na kami sa labas ng auditorium kung saan gaganapin ang test na inimbento nila. Dahil rito, marami tuloy estudyante ang nagiging desperado para lang makapasok sa klase ng Prime.
Nasa entarance naman ang buong Prime na isa isang chinicheck ang mga stamp.
'Tsk!'
"Goodluck sa atin! Fighting!" Habol ni Zesha bago kami pumasok isa-isa.
Tinugunan ko lang yon ng ngiti at tinanguan siya.
Naupo ako sa pinakaunahang upuan kung nasaan ang number ko at kamalas malasang katabi ko pa si Althea.
"Goodluck nalang sa'yo, Raya." Diniinan niya ang pagkakasabi sa pangalan ko.
"Goodluck rin sa'yo, Althea. Sana pumasa ka," balik na sagot ko. Halatang nagpla-plastikan lang kami.
"Kapag pumasa ako rito ay sisiguraduhin ko na paglilinisin ko kayo kaagad ng cr ng mga kaibigan mo," hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong ako ang kausap niya.
Ang myembro ng Prime ay may privilege para utusan ang ibang estudyante dahil nga isa silang 'Prime'. Pinapalabas ng school na 'to na priority talaga ang Prime Class. Walang equality.
"Kapag ako pumasa, hindi lang cr ang ipapalinis ko sa inyo. Idadamay ko pa ang buong ang campus." Kaswal na sagot ko.
Nakita kong nilingon niya ako at inirapan.
"Dream on," nakangising sagot niya.
'Masyadong over confident ang babaeng 'to! Sarap dukutan ng mata!'
Hindi rin nagtagal ay isa-isa pa kaming ininspeksyon ng mga Prime bago magsimula ang test.
'Mga segurista amp,'
"Pwede pang magbago ang isip mo," nakangising bulong sa akin ni Vanessa habang chinicheck ako.
"Bago pa mag-umpisa ang test na 'to, buo na ang desisyon ko." Nakangisi ring sagot ko.
Hindi niya ako sinagot at basta nalang pumunta sa iba pang mga mage-exam hanggang sa matapos sila at pumunta na sa harap si Sir Nics.
Nagsasalita si Sir Nics sa stage at napakalakas ng boses niya dahil sa speaker. Ini-explain niya ang rule. Simple lang naman ang rule ni sir na 'no cheating' pero ini-elaborate niya pa.
Natapos siyang mag-explain ay tsaka lang binigay sa amin ang test question.
'1. Who discovered Math?'
'2. Enumerate 10 branches of biology.'
'3. Who's the mother of Math?'
'4. Who's the father of Science?'
Napangiwi ako sa mga tanong.
'Pati subjects may magulang.'
Bumuntong hininga ako bago magsulat. Ang iba ay alam ko pero may pagdadalawang-isip. So to cut my answers short, lahat yan puro hindi sigurado. Pero at least, may sagot.
Tinignan ko pa ang mga sagot ko sa huling pagkakataon. Napangiwi ako.
'Ambobo ko. Tsk'
Pero kahit ganon ay sigurado akong may isa akong sagot na walang ibang makatutumbas.
Tumayo ako bago mag-pass. Tinignan ko pa ang mga kaibigan ko at nakita kong parang nag-give up na si Zesha. Nakangiwi na eh.
Si Freya naman ay malaki ang ngiti at halatang alam niya ang mga sinasagot niya.
Si Paul naman ay parang tangang nakasubsob na sa papel. Di siguro kinaya ang mga questions.
Tinignan ko ang pwesto ni Reeve at halata namang tapos na siya. Wala na siya sa table niya eh.
"Magpa-pass ka ba o hindi?" Mataray na tanong sa akin ni Althea na nakasunod pala sa akin.
Akma akong sasagot nang may sumingit sa amin.
"Hindi pa ba malinaw ang rule na bawal mag-usap?" Singit ni Blaise.
Hindi ako kumibo at lumapit nalang ako sa table kung nasaan nandon si Sir.
Nang lumabas ako ay umupo muna ako sa isang upuan sa labas ng auditorium para doon hintayin sila Freya.
Habang nakaupo ako ay naalala ko pa yung offer ni Sir Nics. Akala ko nga eh tatanggi ako pero napapayag niya ako.
Flashback~
"Itong offer ko sa iyo ay para naman sa kaligtasan mo,Grace." Paunang saad ni Sir.
Parehas kaming nasa office niya at ako naman ay nakikinig sa kanya.
"Napahamak nga po ako sa pamimilit niyo, eh," mahina kong singhal.
"I understand that, ayaw mo na ulit mapunta sa ganoong sitwasyon pero I believe that mas lalo kang mapapahamak kung hindi ka sasama sa Prime," sabi niya.
Napangiwi ako.
'Ang pagsama kay Vanessa ng Prime ang pinaka malaking pagkakamali na ginawa ko! Hmmp!'
Bumuntong hininga si Sir.
"Naaalala mo ba noong una mong ma-encounter ang Prime?" Tanong niya.
"Syempre, Sir! Muntik na nga akong patayin ni Kreed!" Sagot ko.
Halatang naiinis na si sir dahil hinilot niya ang sintido niya. Lahat naman kasi ng sinasabi niya ay may sagot ako. Pero kahit ganon ay totoo naman na puro kamalasan at kapahamakan lang ang dala sa akin ng Prime.
"Sige... hindi na kita pipilitin na sumali ng Prime basta rito ka nalang sa school at dito ka mag-dorm kasama ang Prime." Nagpapaintinding sabi niya.
"May bahay naman po kami, Sir," napapaintidi ko ring sagot.
"Nakita ka ng taong umatake nang gabing iyon," sabi ni sir bigla.
Doon ako natigilan at muling kinilabutan nang maalala ko ang mga nangyari noon. Naaalala ko pa kung paano ako sinuri ng ipis man sa rooftop at kung paano ako kausapin noong lalaking nakamaskara.
"K-kinalaban naman ng Prime ang mga lalaking yon, Sir." Hindi siguradong saad ko.
"Mga?" Biglang si sir Nics naman ang nagtaka.
Ang naaalala ko lang na nakita ng Prime ay yung sa rooftop at hindi ko na sigurado kung nakita ba nila ang lalaking tumulak lang sa noo ko at nawalan ako ng malay.
"O-opo..."kamot batok kong saad. "Diba yung ipis man tapos yung nakamaskara?" Saad ko.
Kumunot nag noo niya bago sumeryoso.
"Grace, isang tao lang ang ni-report ng Prime na nakaharap nila at iyon si Alec. Ang lalaking nakita mong nagsu-summon ng insektong ipis." Sabi ni sir.
"E-eh? Kung ganon ay sino yung kumausap sa akin?" Taka kong tanong.
"Ano bang itsura niya ang natatandaan mo?" Tanong ni Sir.
"Nakafull mask po siya kaya hindi ko nakita ang mukha...pero sa pagkaka-alala ko ay naka-suit ata siya?" Napapaisip kong sagot.
Alam kong walang kwenta ang information na sinabi ko kay sir pero anong magagawa ko? Iyon lang ang maide-describe ko. Yun lang naman ang nakita ko eh.
Nag-isip si Sir bago umiling.
"Wala akong kilalang ganyan." Sabi niya.
Tinignan ako sa mata ni sir.
"Kung nakita ka niya ay siguradong mas mapapahamak ka... hindi lang ikaw dahil baka mapahamak pa ang pamilya mo, Grace."
Napaisip ako roon.
"Pero sir, ayoko po ng ginagawa ng Prime," sabi ko.
"Hindi kita pipiliting sumali pa sa mga aktibidad ng Prime," pabuntong hiningang saad niya. "Hayaan mong protektahan ka namin rito sa loob ng school," dagdag niya.
" Sinabi niyo na rin sa akin yan, Sir Nics. Pero anong ginawa niyo? Isinabak niyo ako sa lugar ni Reeve."
Tumayo ako at akmang aalis nalang sana dahil baka unting push nalang ni Sir ay bibigay na ako.
"Ms. Valencia. Sagot mo lang sa likod ng test paper ang kailangan ko. Kahit ibagsak mo ang academic question ay ayos lang. Kapag sinagutan mo yon, desidido ka sa gagawin mo."
End~
"WAHHHH! Raya!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Zesha.
"Bakit?" Confused kong tanong.
Kalalabas niya lang ng audi at halos hindi ko pa napansin dahil nga lutang ako.
"Bagsak ako, sis." Sabi niya at halos hindi maipinta ang mukha.
"Ha? May results ba agad?" Gulat kong tanong.
"Wala akong nasagutan!" Patiling sabi niya.
500 items lahat ng questions.
Inakay ko siya papunta sa pader.
"Mag-walling ka muna. Tsaka mo ako kausapin kapag tapos ka na," sabi ko.
Nginusuan niya lang ako.
Nagulat ako nang may biglang lumawit sa braso ko. Si Freya.
"Kumusta?" Masaya niyang tanong.
Siguradong marami siyang nasagutan dahil malaki ang ngiti niya.
"Nagsisisi akong nagbasa pa ako kagabi bago matulog! Na-mental block ako!" Pagrereklamo pa ni Zesha.
Natawa lang kami ni Freya.
"Lahat nasagutan ko," imporma ko sa kanila. "Kaso maraming hindi sure," natatawa kong sagot.
"Nasagutan ko rin lahat at sigurado akong tama yung kalahati," sabi naman ni Freya.
"Bat kayo nagsagot?!" Nagrereklamong sabi ni Zesha.
"SINABIHAN KO si Paul na pumunta," balita ni Zesha.
Ngayong araw ay sabado at walang pasok kaya naisipan naming lumabas na magkakaibigan. Tapos na rin naman ang exam kaya kailangan muna naming mag-unwind dahil request na rin ni Zesha.
"Sama nang sama sa atin si Paul. Hindi kaya bakla iyon?" Tanong ko kay Zesha.
Natawa naman siya at hinampas ako.
"Porket sumama eh ganoon agad?! Di ba pwedeng gusto niya lang?" Natatawang sabi niya.
"Char lang naman! Bawal ba?" Pagdepensa ko.
"Nasaan na ba si Freya? Kanina pa natin hinihintay!" Singhal ni Zesha.
"Baka naman na-traffic lang," sagot ko.
"Nandito na ako. Wag na kayo mainip!" Bungad ni Freya mula sa likod namin.
"Hayy, buti naman! Tara na!" Agad na tumayo si Zesha.
Napataas tuloy ang kilay ko.
"Akala ko ba hihintayin pa natin si Paul?" Tanong ko.
"I-text nalang natin! Kain muna tayo!" Sagot niya.
"Saan niyo ba gustong kumain?" Tanong ni Freya.
"Sa fast food ko gusto!" Patiling sagot naman ni Zesha.
Yon nga at dumeretso kaming pumunta sa isang fastfood restaurant. Maraming tao roon.
"Bakit naman dito pa?" Tanong ko kay Zesha.
"Maraming pagpipilian rito." Dahilan niya.
Parehas na naka-cling ang braso ni Zesha at Freya sa braso ko tuloy ay naiipit ako sa gitna nila.
"Magc-cr lang ako, ha," paalam ni Freya.
Tumango naman kami.
"Hanap na ako ng table!" Imporma ko naman.
Si Zesha ang um-order.
Nakahanap ako ng table malapit sa glasswall at halos makipag-unahan pa sa babaeng nakita rin ang table na yon.
Pasimple akong umupo nang akmang hahawakan niya ang upuan.
Tinignan ko ang babae at kunwaring nagtataka sa presensya niya kahit alam kong siya dapat ang nauna kaya lang mabagal siya.
Hindi naman makapaniwala ang itsura niya at halatang magtataray pa pero sa huli ay inirapan niya lang ako at may binulong na kung ano bago umalis.
"Sino yon?" Tanong ni Freya na nakakiya sa pag-alis ng babae.
"Hehehe. Inunahan ko rito sa table tapos kinusilapan ako," natatawang sagot ko.
Natawa nalang si Freya.
"Bad ka,"
Pagtaas baba lang ng kilay ang sinagot ko sa kanya.
Muli kong binalingan ang babae kanina pero nagpunta nalang siya sa cr. Iginala ko pa ang tingin ko sa lugar pero natigilan ako nang makita ang ilang miyembro ng Prime na papasok sa restaurant na pinasukan namin.
Kunot-noo ko silang tinignan at napatanong sa sarili ko.
Bumuntong hininga ako bago mag-iwas ng tingin sa kanila at kumalma.
"Nandito ang iba sa Prime, oh," sabi ko kay Freya.
Aligaga naman niyang tinignan ang buong lugar bago makita ang ilan sa Prime. Lima sila. Si Naomi, Zypher, Montrey at ang isang babae at isang lalaki na hindi ko pa alam kung anong pangalan.
"Hala!" Parang natatamemeng sigaw ni Freya.
Parang kinikilig na ewan.
"Baka maglaway ka Freya?" Pagbibiro ko.
"H-Hindi noh!" Sabi niya at nag-iwas ng tingin.
Namumula pa siya.
Hindi nagtagal ay dumating si Zesha. Nakanguso siya at kunot na kunot ang noo. Dala niya pa yung in-order niya.
"Bakit?" Tanong ko.
"May lalaking pinatid ako," biglang sumbong ni Zesha na lumapit sa amin.
"Sino?" Tanong ko agad.
Masamang tingin ang binaling niya sa isang table kaya sumunod roon ang tingin namin ni Freya. Isang grupo ng kalalakihan ang nagtatawanan habang palingon-lingon kay Zesha.
"Mga gagong yon!" Singhal pa niya.
"Hayaan mo na, Zesha" sabi ni Freya.
Tahimik lang naman ako at pinaupo si Zesha. Ayokong sabihin na hayaan niya lang pero kung sasabihin ko naman na sugurin ang ang mga iyon ay halatang wala kaming laban tsaka mga lalaki sila.
"Kumain na tayo?" Yaya ko.
Nakanguso namang tumango si Zesha at kumain na. Hindi rin nagtagal ay dumating si Paul.
"Bakit hindi niyo man lang ako hinintay?" Reklamo niya at umupo sa kaharap kong upuan.
"Kasalanan mo, late ka kasi," sabi ko.
"Anong late?! Sabi ni Zesha 11 am ang meet up pero nag-chat siya sa akin ng 10, tinatanong kung nasaan na raw ako," kamot ulo niyang sagot.
"Sorry na-typo ako kaya eleven pala ang nasabi ko sayo, hehehe. Peace!" Tumatawang sabi ni Zesha.
"Baliw," masamang tingin na sabi ni Paul sa kaibigan namin.
"Kumain nalang kayo," sabi ko sa kanila.
Pasimple pa akong sumulyap sa table ng mga lalaking nagpatid kay Zesha dahil umiingay sila at panay ang lingon sa amin. Pinag-uusapan yata kami.
"Anong problema ng mga yon?" Tanong ni Paul.
Nilingon naman namin ang binanggit niya.
"Malay namin sa mga yan! Mga abnormal!" Singhal ni Zesha dahil yon yung pumatid sa kanya.
"Baka naman gusto ka ng isa sa kanila kaya pinatid ka?" Natatawang biro ko kay Zesha.
Tinulak niya ako dahilan para mahulog ako sa kinauupuan ko.
Tatayo palang sana ako pero natigilan ako dahil may bumati sa akin.
"Uyy! Hello, Grace!" Bati mula sa likod ko.
Nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Zypher ng Prime. Tinignan niya ang mga kasama ko.
"Nandito ka rin pala!" Nakangiting sabi pa niya.
"U-uyy! Ha-ha!" Peke akong tumawa.
Hindi naman kami close pero bakit bumabati siya?
Awkward tuloy akong tumingin sa mga kasama ko at nahihiya.
'Paano ako magpapaliwanag?!'
You are reading the story above: TeenFic.Net