CHAPTER 14: NEW SIGHT

Background color
Font
Font size
Line height

*nang nasa kusina na silang lahat...

Jade: Frankie, gagi ka. Napaka-insensitive mo talaga. Alam mo naman na hindi yan interesado yang bestfriend natin sa lovelife² na yan. Alam mo naman na para na yang santo sa kakafocus sa pag-aaral nya. Mag-isip ka nga.

Frankie: Alam nyo kasi guys, meron na sya kasing napupusu...

*di na naipagpatuloy ni Frankie ang sasabihin nya nang takpan ni Kyle ang bibig nito...

Jade: Talaga? May napupusan ka na?

Kiera: For real, tol? For real?

Jed: Hayst nakakainggit naman yung girl.

Klint: Hayst sino naman kaya ang nakabingwit ng mamahaling puso ni Kyle? Chicks kaya?

Nicko: O baka naman santa din hahaha. Mala-santo yang ugali nya eh hahaha.

Mimay: Pakilala mo naman sa amin Kyle. Sigurado akong matutuwa talaga kami kapag nakilala na namin sya hihihi.

Kyle: No. Hindi pa naman official na kami eh.

Klint: Bakit naman tol? Hindi ka pa nya sinasagot ha? O baka hindi ka pa nanliligaw sa kanya?

Aya: Hayst kahit kailan talaga ay napakatorpe mo Kyle.

Kyle: Hindi eh. Baka kasi wala akong pag-asa sa kanya.

Klint: Bakit? May iba na ba sya? Aba hindi pwede yan.

Nicko: Tol sayawan mo nalang kasi. Malay mo maglaway pa yan kapag nakita ka pa nyang sumayaw.

Jade: Yuck kadiri ka. Nasa kusina na tayo eh.

"Eto na po yung pagkain."

*saka naman nagsidatingan ang dalawang bodyguard dala ang isang buffet ng pagkain na nakalagay sa trolley na magara. Napanganga naman ang lahat sa dami ng pagkain habang papalapit ito ng papalapit sa kanila. Nang dumating na ang dalawang bodyguard sa hapagkainan at isa-isa nang inilagay ang mga pagkain sa mesa...

Klint: Ang unfair naman nyan, Mimay. Ang taba-taba ko na nga tapos ganito pa kadami ang ipapakain mo sa amin.

Jade: Oo nga Mimay. Woah diet pa naman ako ngayon.

Kiera: Ako nga din Mimay eh.

Mimay: Sige lang. Mas mabuti na nga yung sobra kaysa sa kulang eh. Tara na at kumain na tayo.

Lahat: Sige.

Kyle: Maupo na kayo, sir.

Aya: Sir? Kyle, seriously, gusto mo silang paupuin dito kasama natin?

Mimay: Hayaan mo na, Aya. Treat ko na rin yun sa kanila kasi napaka attentive nila sa atin dito. Kaya deserve na din naman nila yan. Boys, maupo na kayo. Kumain na tayo.

Bodyguard #1: Wag na po, ma'am. Masaya na po kami na napagsisilbihan po namin kayo dito.

Bodyguard #2: Maraming salamat po, sir Kyle. Pero mamaya na po kami kakain. Hindi naman po namin gusto na makaisturbo po kami sa inyong magkakaibigan. Lalabas lang po kami saglit.

Kyle: Sigurado ba kayo? Wag na kayong mahiya. Sumama na po kayo sa amin na kumain. Sige kayo. Uubusan ko kayo kapag di pa kayo sumabay dito sa amin na kumain.

Bodyguard #1: Ok lang po talaga, sir Kyle. Sige po. Aalis po kami saglit.

Mimay: Sige. Thank you ha?

Bodyguard #2: Sige po ma'am. Sabihin nyo lang po sa amin kapag may kailangan kayo at magbabantay lang po kami dyan sa labas.

Mimay: Sure. Thanks a lot.

Bodyguards: Aalis na po kami.

Mimay: Sige.

*umalis na ang dalawang bodyguard upang magbantay sa labas. Habang kumakain ang lahat...

Jade: Waah para akong maiiyak sa sarap ng mga pagkain nyo dito. Waah sarap siguro na maasawa ang mga bodyguards mo, Mimay. Para palagi akong healthy at busog.

Mimay: But please, don't forget our saying that:

Girls: Don't settle for less.

Frankie/Nicko/Klint: Wow. Hiyang-hiya...

Girls: Inggit lang kayo.

*nagsitawanan ang mga magkakaibigan habang tahimik naman na kumakain si Kyle...

Nicko: Ano ba kayo. Ang iingay nyo eh. Buti pa si Kyle, seryosong-seryoso kahit sa pagkain. Di gumagawa ng ingay.

Jed: Aba tol. Mukhang kinakayod mo na talaga ang pagkain mo dyan ah. Tirhan mo naman kami oh.

Kyle: Wala. Wala lang talaga akong masabi ngayon.

Nicko: Bakit? Dahil ba sa iniisip mo ngayon ang napupusuan mo?

Lahat: Ayiee...

Jade: Hayst sabik na sabik na talaga ako na makilala yang napupusuan mo, Kyle. Bwiset nakakainggit.

Klint: Oh tol oh. Nakakainggit daw. Kiss mo nga sya.

Jade: Bwiset ka. Solohin mo yang kiss mo.

*nagtawanan ulit sila...

Mimay: Oo nga pala. Since na-open up na natin ngayon ang tungkol sa "napupusuan" ni Kyle, why don't we have a spin-the-bottle game tonight?

Klint: Oo nga. Masaya yun, diba guys?

Kyle: Spin-the-bottle? Teka. Bakit ako ang tinatopic nyo ngayon eh kahit ano naman ang gawin nyo sa akin eh hindi nyo talaga malalaman kung sino ang napupusuan ko eh noh?

Mimay: But with a twist...

Jade: With a twist? What do you mean, Mimay?

Kyle: Tatagay tayo habang naglalaro tayo ng spin-the-bottle hahaha. Para mapapaamin ang isang tao nang walang pag-aalinlangan habang naglalaro sila.

Kiera: Woah. I like what you're thinking, Mimay.

Frankie: Payag na ako dun ah. Count me in.

Klint: Me too.

Jade/Jed/Nicko/Aya: Kami rin.

Mimay: So ano Kyle? Deal?

Kyle: Hayst para di na rin akong magmukhang kj sa inyo. Sige. Payag na ako.

Lahat: Yes!!! Walwal hanggang umaga.

*natawa nalang silang lahat sa kanilang plano habang panay pa rin ang tingin ni Mimay kay Kyle na masaya...

(MIMAY POV: Plan A revealed hihihi...)

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.


You are reading the story above: TeenFic.Net