Habang inaalala ang lahat ng mga nakita niyang pagbabago kay Regina, hindi namalayan ni Narda na merong sasakyan na dadaan at malapit na siyang masagasaan. Kahit na malakas ang busina nito, hindi pa din marinig-rinig dahil nga sa lalim ng iniisip ni Narda habang naglalakad. Bago pa siya natuluyan, may humila sa kanyang braso at dito na nga siya natauhan. Noong paghila sa kanya, siya ay nadikit sa napakagandang Lady Boss na si Regina. Nagkatitigan sila eye-to-eye at hindi man lang inaalis ang kanilang sobrang close na titigan. Hindi nagtagal nagsambit si Regina.
Regina: Are you that shocked?! What's wrong? Did I give you so much work that you wanted to get hit by the car?
Masamang tono niya, pero at the same time nag-aalala din si Regina.
Narda: Medyo lutang lang po kasi ako. Uhmm, salamat po.
Nauutal na sagot ni Narda.
Narda: Kayo po? Hindi pa ba kayo uuwi niyan?
Regina inhaled exhaled.
Regina: I was still on the phone. Then I ended up seeing you, Ms. Custodio, nakikipagchika kela Mara.
Narda nodded while listening closely.
Regina: As I was walking and talking. You seemed to have defended me seriously. Anyway, I think I should call you Narda, babe.
Nakaramdam ng kilig si Narda noong tinawag siyang babe ni Regina.
Narda: Tinawag niyo ba akong "babe"?
Tanong ni Narda, habang nakangiti kay Regina. Dahilan din na nakaramdam siya ng hiya.
Regina: Paano mo nalamang mahilig ako sa mga aso?
Change subject ni Regina.
Narda: Uhm, from interviews.
Regina: But in those interviews, I said I liked cats.
Narda: Then parang nagkamali ako.
Hindi nila inaalis ang kanilang mga mata sa isa't-isa habang nag-uusap. Habang nag-uusap finafamiliarize ni Regina si Narda.
Regina: Umm... have we known each other before?
Noong winika yun, muli nanamang kinilig si Narda sabay lubog ng kanyang puso at muling bumalik sa ala-ala niya ang first meet nila ni Lady Regina. Tapos akmang sasagot na sana siya, but Regina just gestured her.
Regina: No. This can't be it. Ngayon ka lang nagsimulang magwork dito.
Napatango na lang si Narda.
Regina: Anyway, paano ka uuwi niyan?
Narda: Magtataxi po ako.
Regina: Ganitong oras?
Tanong niya habang tiningan si Narda, mula ulo hanggang paa. Above the knees ang kanyang skirt nun, saka long sleeve shirt din.
Regina: Tapos ganitong kapansin-pansin mong suot? Come here.
Saka na sumunod si Narda kay Regina papunta sa green Nissan GTR niya. Pinindot niya ang unlock at tumunog ang sasakyan.
Regina: Here, this is Valentina.
Pagpapakilala niya ng sasakyan, as she opened her door.
Narda: Yan ba ang pangalan ng sasakyan mo?
Regina: Yes, of course.
Manghang-mangha si Narda sa sobrang magandang sasakyan ni Regina. Tapos mamahalin saka Sports Car pa. Habang pinagmamasdan ito, sinara ni Regina ang sasakyan niya, dala ang striped blazer niya. Saka ito sinuot sa magkabilang balikat ni Narda. Muling bumilis ang tibok ng puso ni Narda sa ginawa ng Lady Boss, lalo na noong nagkalapit ang kanilang mukha. At ang kanang kamay ni Regina ay nasa batok ni Narda habang inaayos ang nasabing blazer. Saka muling nagkatitigan sa isa't-isa eye to eye. For the first time din, naramdaman ni Regina ang kanyang tumitibok na puso sa tuwing nakadikit kay Narda.
Regina: Bakit ka nakatitig ng ganyan sa akin? Is there something on my face?
Natauhan si Narda at nakaramdam ng hiya sa kanyang boss. Pero mabuti na lang, hindi nahalata ni Regina na ultimate crush siya ni Narda.
Narda: Uhm, hindi naman po sa ganun.
Nalanghap din ni Regina ang alcoholic drink mula kay Narda.
Regina: You reek of alcohol, by the way. Can you even go to work tomorrow?
Narda: Opo naman.
Regina: You don't know your limit.
Napangiti si Narda nun.
Narda: Grabe naman po. Parang kayo si Mama ko na pinagsasabihan ako.
Regina remained serious and sharp.
Regina: Are you calling me old?
Narda: Hindi naman po. Napapansin ko lang na nag-aalala kayo sa akin, tulad ni Mama.
Regina nodded.
Regina: So, how are you going home?
Narda: Nagtawag ako ng taxi, hindi pa dumating. Pero susubukan ko po ulit.
Wika niya habang kinukuha ang cellphone niya. Ngunit, pinigilan siya ni Regina at kinuha niya ang kanyang phone mula sa pocket niya. Tapos tinawagan ang VIP Taxi. At tinuro ang location niya saka pinapunta ang nasabing Taxi. Napangiti si Narda habang pinagmamasdan si Regina. Malaki nga ang pinagbago ni Lady Regina, pero nakikita pa din ni Narda ang kanyang kabaitan. At ang pagmamagandang loob niya sa employee niya.
Ilang minutes ang lumipas, dumating na ang magandang taxi sa kinaroroonan nila Narda and Regina.
Narda: Maraming salamat, Lady Regina.
Inabot ni Regina ang phone niya na ipinagtaka naman ni Narda.
Regina: Your Line ID.
Narda: Ho?
Regina: So, you can text me when you arrive home.
Narda: Ahh sige po. Sure po.
Kinuha ni Narda ang phone ni Regina saka nilagay ang number niya saka messenger niya. Tapos binalik sa kanyang Lady Boss.
Narda: Ito na po.
Saka na lumapit at pumasok si Regina sa green car niya. Tapos hinarurot. Pinagmasdan ni Narda ang papaalis na sasakyan ni Regina at muli nanaman itong nangiti. Lalong hindi siya makapaniwala, dahil sa blazer na ibinigay sa kanya at nalalanghap niya ang pabango ni Regina na kaakit-akit. Sinara niya ang mga kamay niya sa nasabing blazer habang abot tengang ngumiti nun si Narda. Saka na sumakay si Narda ng Taxi na naghihintay sa kanya.
Sa bahay nila Narda, nagpapaalam na si Brian paalis at papunta sa bahay niya sa kabilang compound lang. Noong paalis na siya, nagkasalubong sila ni Narda na kakauwi lang.
Brian: Oh, Narda. Bakit late ka nang umuwi? Susunduin sana kita kanina ehh.
Narda: Ito naman. Parang kay guardian angel na naghihintay na sunduin ako.
Natawa ng bahagya si Brian tapos ang blazer na hindi pa din inaalis ni Narda sa likod niya.
Brian: Oh, kaninong blazer yan? Ngayon ko lang nakitang suot mo yan ahh.
Narda: Ay. Si Lady Regina ang may-ari nito. Napansin niya kasi na thin ang suot ko, kaya niya ito ibinigay sa akin since nagtaxi ako.
Brian: Mmmmm. Parang weird naman ni Lady Boss mo. Kung ako nga dyan, hinatid na sana kita pauwi. Hindi na kita pinagtaxi.
Bahagyang nilapit ni Brian ang konti ang mukha ni Narda tapos nalanghap niya ang alcohol.
Brian: Hoo! Bakit amoy alcohol ka? Wag mong sabihing uminom ka.
Narda: Konti lang naman. Company party kasi kanina.
Brian: Pero malayo pa naman ang pinagtatrabahuhan mo. Hindi ba mas mabuting magquit ka na lang at maghanap ng mas malapit ng company? Para naman may time pa tayo.
Pag-aalalang tugon ni Brian.
Narda: Brian. Alam mo naman kung bakit doon ako nagapply.
Brian: Dahil kay Lady Regina?
Narda nodded.
Brian: Puro na lang tungkol kay Lady Regina. Lahat ginagawa mo para sa kanya. Kung lalaki nga yun, edi nagselos ako.
Pabirong wika ni Brian.
Narda: Hoy! Yan ka nanaman ahh! Wala ka namang karapatang magselos sa akin. Magkaibigan lang tayo no. Ikaw talaga! Talaga!
Pagduduro ni Narda kay Brian sabay akmang pagsampal. Tapos kinurot at sinusuntok sa katawan pero hindi malakas na lalong tinawanan ni Brian.
Brian: Aray! Araay! Ito naman ohh!
Napalingon ang mga magulang ni Narda sa labas, sa direction nila Brian and Narda kaya sila ay nagbukas ng sliding door.
Danilo: Oh, Brian. Hindi ka pa ba aalis?
Brian: Paalis pa lang po, Tito. Nakikipagchikahan lang muna ako kay Narda.
Danilo: Ahh ganun ba. Gusto mo, dito ka na lang kumain?
Brian: Okay lang po ako, Tito Danilo. Paalis naman na din ako. Sige po. Una na ako.
Danilo and Leonor nodded and waved at Brian as he left their compound. Narda also waved bye-bye to Brian and was accompanied by her parents into her way in.
Leonor: Late ka nang umuwi, anak ahh.
Narda: Oo nga po. May company party kasi kanina.
Minutes later, dumeretso ligo na si Narda tapos nagbihis. Patuloy niyang pinupunasan ang kanyang basang buhok habang ito ay abala sa ginagawa niyang Vanguardia Diversity Pop. Muli nanamang bumalik sa ala-ala niya ang paghingi ni Regina ng number niya kanina.
Flashback Back Nearby Japanese Restaurant
Inabot ni Regina ang kanyang phone na ipinagtaka ni Narda.
Lady Regina: Your Line ID.
Narda: Ho?
Regina: So, you can text me when you arrive home.
Narda: Ahh sige po. Sure po.
End of Flashback
Nakalimutan ni Narda na itext pala ang kanyang boss.
Narda: Ayy! Oo nga pala! Kailangan kong itext si Lady Regina!
Kinuha ni Narda ang kanyang phone at agad itong nagtype ng kanyang text kay Regina.
Narda (texting): Hello po. Si Narda Custodio po ito. Kakauwi ko lang.
Pero ito ay nagdalawang isip na isend ang text dahil una sa lahat masungit si Lady Boss, dagdag mo pa na halos mag12am na.
Narda: Hindi niya siguro sinadya na sabihan niya akong itext siya kapag nakauwi na ako.
Matapos magdalawang isip hindi na niya itinuloy ang text na yun. Binura niya at saka bumalik na sa kanyang work.
----
Samantalang sa Steak Restaurant, hindi inaalis ni Regina ang kanyang tingin sa phone niya while swirling her glass of red wine. Dahil inaabangan niya ang text ni Narda. Tapos may kamay na pumatong sa kamay ni Regina. At yun ay ang kamay ni Xandra, isa sa mga closest friends niya.
Xandra: Uyy! Hon. Lady Stupidity! Itigil mo nga yan! Pinapasakit mo ulo ko ehh!
Saka tinanggal ni Regina ang glass na yun mula sa pagpatong nito sa table. Kasama din nila ang isa pang lesbian na businesswoman na pangalan naman ay Lin.
Xandra: Lin!
Lin: Oh!
Xandra: Ano kayang problema nito?
Lin: Malay ko ba, Xandra.
Nairita si Xandra sa tinawag sa kanya ni Lin pero pabulong dahil nga may mga tao din.
Xandra: Uyy! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na "Ishna" Ang tawagin mo sa akin kapag nandito tayo sa restaurant!
Lin: At ilang beses ko bang sasabihin sayo na mas bagay sayo ang Xandra?!
Xandra: Hmph! Bahala ka nga dyan!
Pag-aasaran ng dalawa. Gusto talaga ni Xandra na tawagin siyang "Ishna", pero sadyang hindi talaga pinapansin yun ng mga friends nila at ang sagot nga lagi ni Lin na mas bagay sa kanya ang name na tinatawag sa kanya.
Saka na ito bumaling ulit kay Regina.
Xandra: Regina. Ano bang problema mo talaga?
Regina looked at her friends in the eyes.
Regina: Nothing.
Nagtinginan saglit si Xandra at Lin saka sabay na tumugon.
Xandra: Meron.
Lin: Meron.
Regina: I said nothing.
Lin: Nothing means something for sure. Laging mo binabanggit ang kabaliktaran ng pakiramdam mo. Halos laging baliktad mga sinasabi mo.
Xandra: Kanina ko pa napapansin na ang lagkit ng tingin mo sa phone mo. Patingin nga.
Akmang kukunin na ni Xandra ang nasabing phone ni Regina, pero mabilis namang naunahan ni Regina.
Regina: Nosy!
Xandra: Hala! Grabe siya!
Medyo pababy face na tugon ni Xandra. Hindi talaga nakaligtas sa tingin ng mga friends ni Regina ang kanina pang hindi pagaalis niya ng tingin sa phone niya.
Xandra: Anyway, since tinawag mo kaming lahat dito, anong emergency ba ito? Hindi mo ba alam kung ano ang mga pinagdaanan ko, para lang makapunta dito at makipagkita sayo? Kailangan kong maghanap ng paraan para maconvince ko ang asawa ko. But if it is not deadly matter you are dealing with, I am so gonna ream you out.
Pagdadrama ni Xandra sabay explain ng mga bagay kay Regina.
Lin: Hoy. Hintayin na lang natin si Annie na dumating para isang sabi na lang ni Regina. Nagtext siya, kakapark lang daw niya.
Sabay tingin ni Lin sa isang direction at saktong natanaw na niya si Annie.
Lin: Oh, yan na pala siya.
Habang naglalakad ang Annie na sinasabi ni Lin, ito ay nagpoposing sa mga taong nakakakilala sa kanya. Si Annie ay isang famous actress kaya nun kilala siya ng mga tao. Habang naglalakad, pinipicturan siya ng mga tao. Nakasuot siya ng blonde and wavy wig. Black and sexy outfit. Nakasunglass din. Noong makita ang table na nakapwesto sila Regina saka ito dali-dalilng umupo sa tabi ni Regina.
Annie: Ok nandito na ako, mga buddies ko.
Nagorder ng glass of wine si Annie pagkaupo at hindi nakaligtas sa paningin niya ang tawa ni Xandra.
Annie: Hoy, Xandra!
Xandra: Oh! Hahahaha!
Annie: Anong tinatawa-tawa mo dyan?! Nagdrive ako papunta dito noong pagtapos ng taping ko ehh. Hindi na ako nagbihis.
Maging si Lin ay natatawa na din, dahil medyo may pagkafunny din ang custom ni Annie.
Lin: Ehh, ano bang role mo sa taping ngayon?
Annie: Hulaan niyo.
Sabay gun act niya. Nagtinginan si Xandra at Lin. At ginaya ni Lin ang acting ni Annie.
Lin: Transvestite. Hahahaha!
Xandra: Hahahahahaha!
Asar ni Lin. At akmang suntok ni Annie.
Annie: Ikaw, Xandra? Tingin mo?
Sabay hipan ng daliri niyang nakagun sign.
Xandra: I think, Hooker. Hahahahaha!
Annie (mouthing): Sira!
Lalo namang natawa ang magkaibigan na yan.
Annie: Ano ba kayo?! Spy ang sagot no. Hindi ba halata?! O sadyang bulag lang kayo?!
Saka na sila bumaling kay Regina na problemado at hindi mapakali kanina pa.
Annie: Anyway, stupid Hon. Bakit niyo kami pinatawag dito ng biglaan?
Regina: The reason is bakit ko kayo tinawag dito ay... stressed ako kay Lola.
Saka nagapiran ang tatlong magkaibigan.
Xandra: Tama nga hinala ko.
Lin: Ano bang ginawa niya this time?
Regina: She pressured me about my company. If I can't make it successful this year, I will have to marry Joaquin, as she wants. And I'll have to close my company.
Napailing na lang ang tatlong friends sa sagot ni Regina.
Xandra: Pero seryoso, Regina. Dapat siguro matututo ka nang patigasin ang ulo mo. Hindi mo kailangang all the time na sumunod sa kanya.
Annie: Napakadaling sabihin, Xandra. Alam mo naman kung gaano kadrama yang Lola niya. Kapag hindi sinunod ni Regina ang gusto ng lola niya, matutulad siya kay Lady Agatha.
Lin: Shh! Ba't mo naman binring up si Lady Agatha? Kita mong stressed na stressed na si Regina.
Xandra: True. Sa tuwing iniisip ko ang tungkol sa kanya, wala akong ibang nararamdaman kundi sorry para sa kanya.
FLASHBACK YEARS AGO
Kasalukuyang inuutos ni Lola Victoria sa mga maids niya ang mga paintings na pinahirapan ni Lady Agatha na panganay sa magkakapatid na si Regina at Riana. Sa madaling sabi, si Agatha ay panganay tapos si Riana ang sumunod and then si Regina ang bunso.
Ang mga paintings na yun ay ang mga babaeng mga angels. Tapos may iba na mga taong nakikipaglaban sa mga creatures. Meron ding Greek Mythology. Sobrang kamangha-mangha talaga.
Victoria: How many times do I have to repeat myself?! You do not have permission to be a starving artist!
Galit niyang tugon habang hawak-hawak ni Regina at Riana ang kanilang ate. Masakit man sa loob nila, pero ginagawa nila ito bilang respect sa kanilang Lola. Iyak ng iyak si Agatha nun. Matapos nga namang naghirap sa sobrang magandang paintings niya, mauuwi lang pala yan sa sunog. Kahit na sobrang magaganda ang mga paintings niya, sadyang walang pakialam talaga si Lady Victoria.
Lady Victoria: How could you embarrass me?!
Lady Agatha: Pero, Lola! Pangarap ko po talagang maging drawing artist! Yun po ang nagpapasaya sa akin!
Hagulgol niyang iyak.
Lady Victoria: Are you mental?!
Lady Agatha: Kayo ang mental! Hindi ako!
Galit niyang tugon at lalo namang nagalit ang napakagaling na oppressor Lola.
Lady Victoria: Agatha!
Lady Agatha: Parang awa mo na! Akin na ang mga paintings ko!
Pero sinunog na lang ni Victoria ang mga basa ng gas ang mga paintings. Lalong humagulgol si Agatha. Sinusubukan niyang pumiglas pero hindi hinayaan nila Regina at Riana yun. Naawa talaga sila sa kanilang Ate, pero sadyang nakakadena at hawak sila sa leeg ni Lady Victoria ng parang mga aso. O mas maiging sabihing, alipin na walang karapatan, kalayaang mamili ng kanilang sariling buhay.
Lady Victoria: You disgraceful of a grandchild! Siguraduhin niyong masunog ang lahat at walang matitira!
Lady Agatha: Wag po! Waaaaagggg!
Patuloy niyang hagulgol habang pinagmamasdan ang mga nasusunog niyang mga paintings. Hindi na kinaya ni Agatha, kaya dito na niya ipinagtanggol ang kanyang sarili.
Lady Agatha: Kung ayaw mong bigyan ako ng karapatang maghanap ng sarili kong path, lalayas na ako!
Lady Victoria: Leave then. Get out of my house!
Saka na tuluyang pumiglas si Agatha mula sa paghawak sa kanya ni Riana at Regina na naiiyak na din at tuluyan nang lumayas si Agatha. Akmang susundan sana nila ang kanilang Ate para pigilan, ngunit pinigilan sila ng kanilang life-oppressing lola. Tapos nilingon ni Riana and Regina ang paintings ni Agatha na unti-unti nang umiitim habang nagaapoy.
END OF FLASHBACK
Dito na dumating ang order nila Regina na masarap na steak.
Annie: Nakakatakot talagang isipin ang mga ganitong bagay. Kung ako ang nasa pwesto ni Lady Agatha, hindi ko din kakayanin ang ganung buhay. Wala kong pakialam kung lola ko din ba yun.
Lin: Anong gagawin mo?
Annie: Gagawin ko ang ginawa ni Lady Agatha.
Xandra: It's enough to share the same planet, not the same roof. And just when you thought that Lady Agatha's case was bad. Well, mas matimbang pa ang case ni Lady Riana.
Lin: Ano ka ba? Hindi ba sapat na ang pagbring up mo kay Lady Agatha, kita mong nasestress na si Regina. Bakti kailangan mo pang ibring up si Lady Riana?
FLASHBACK YEARS AGO, DURING LADY RIANA'S BIRTHDAY
Masayang kinakantahan si Lady Riana ng birthday. Bukod kay Lady Regina, Lola kasama din nila ang iilan sa mga relatives nila. Inangat ni Regina ang birthday cake saka nilapit kay Lady Riana at saka na siya nagblow ng candle na
You are reading the story above: TeenFic.Net