Ilang minutes and lumipas, noong kumakain sila. Nakaupo si Lady Victoria, katabi si Regina habang si Riana ay nasa kabilang upuan.
Grandma Victoria: Happy Birthday, Riana. I wish you the greatest year. Meron din akong birthday present for you.
Inabot ni Grandma Victoria ang isang medyo malaking envelope. Pagabot kay Riana, nilabas niya ang laman nun. Nagtaka naman siya dahil ang lumabas ay ang picture ng isang lalaking hindi maitatangging kagwapuhan.
Lady Riana: Who is this person?
Lady Victoria: That would be Sir Gerald. Nephew ni Lady Juana, my friend. I would like you to meet him tomorrow. It is best to marry someone I choose for you. He is perfect for you.
Napatingin si Riana kay Regina at nagaalangan dahil ang hindi alam ni Lola nila merong girlfriend si Lady Riana. Pero, she had no choice, kaya nun dito na niya inamin.
Lady Riana: I don't think I can marry this man.
Lady Victoria: Why?
Lady Riana: It's good that you brought up this topic.
Nanlaki ang mga mata ni Regina and shook her head, bilang senyas na wag nang ituloy. But Riana ignored her.
Riana: I also have something to tell you. Meron na akong taong nagmamahal sa akin.
And ito nanaman si oppressor Grandma na bahagyang tumayo at unti-unting nagalit.
Lady Victoria: Who is this person?! Mayaman ba siya?! Mayaman ba family niya?! How is his profile?! How is he better than the one I choose for you?!
Napatingin si Regina sa kanyang lola. Tumingin din si Riana sa mata ng lola niya at dito mas nagimbal ang magaling na oppressor sa sinabi ni Riana sa akala niya.
Riana: Nickname niya ay Ice. And she is a woman. Ang true name niya ay Charice.
Lady Victoria: WHAT?!
Bahagya na ding tumayo si Riana and pinaglaban ang kanyang puso tulad ni Lady Agatha.
Riana: Tama ang narinig mo. Babae ang type ko.
Saka na din napatayo si Regina habang bakas sa kanyang mukha ang pag-aalalang ito na ang huling beses niyang makakasama ang Ate Riana niya.
Riana: Lola, please do not force me to marry the man you choose for me.
Lady Victoria: RIANA!
Dito na din nakita ni Lady Victoria na pinutol ni Riana ang kadenang nakakabit sa kanyang leeg kaya ito kaya lalong nagalit at sinigawan ang apo niyang may karapatang mamili ng sarili niyang path and true love.
Lady Victoria: Have gone insane?! Have you become one of those abnormal homosexuals?! Stop this at once and break up with her!
Riana: I am not breaking up with her. Love is not reserved for the hetero. Bakit ba kailangang isipin ang mga iisipin ng iba?
Lady Victoria: You dare to disobey me?! You dare to let me down tulad ng ate mo?!
LITTLE COMMERCIAL PAUSE
I get it. "Not letting your life be oppressed is disobedience. Unoppressed life lets you down." WHAT A FRICKING JOKE!!!!!!
Yan po ang mga comments ko sa Youtube ng Gap the Series sa mga ganitong eksena. And every time may ganitong eksena akong masusulat, ganito ang magiging konting commercial ko. At kung may mapapasama ang loob sa pagbabasa nitong eksena, balikan niyo na lang itong line na ginawa ko, baka makatulong sa sama ng loob niyo kay Lola Victoria. Or should we call her, "Grandma Victoria the Oppressor?" Comment lang po ng pwedeng palayaw.
Anyway, that is all and let us go back to story.
Riana: Dahil ganito ka. Yan ang dahilan kaya lumayas si Ate Agatha.
Hindi na kinaya, sinampal ni Victoria ng malakas si Riana. Napatingin ang mga tao sa kanila. Tapos inawat ni Regina nang luhang-luha na.
Regina: Lola!
Napahawak si Riana sa kanyang pisnging sinampal ng oppressor and dehumanizer. Saka dito na ginawa ni Riana ang ginawa ng Ate Agatha niya, lumayas. Gustong sundan ni Regina at pigilan, ngunit ang magaling na nasabing dehumanizer ay sinita at pinigilan siya.
Regina: Ate Riana!
Victoria: Regina! Sit down!
Victoria yelled as her left fist was clenched dahil nga sa sinabi ni Riana. She never admits it, pero kahit kailan hindi nagiging masaya ang mga apo niya sa buhay nila. Especially in true love.
Wala nang nagawa nun si Regina kundi pagmasdan ang Ate Riana niyang tumatakbo palabas ng bahay. Habang tumatakbo, nabangga ni Riana ang isa sa mga maids nilang may hawak ng brandy, tapos nasagi sa table at nabasag ang plate na nahulog kasama si Riana.
END OF FLASHBACK
Dumulas ang plate na kukunin ng waiter, since tapos nang kumain si Regina at mga friends niya. Nagsorry naman ang waiter, at sagot nila ay ok lang.
Annie: Ano bang klaseng tao ang nagreregalo ng lalaking irereto as their grandchild's birthday present?
Lin: I really felt sorry for her. Regina, wag ka sanang gagaya kay Lady Riana ah. Hindi namin kakayaning mawala ka sa amin, kapag nangyari ito.
Xandra: And do you think, itigil mo na ang pagreresist mo? Maybe you should close down your company, marry Joaquin and get ready to have kids. Para naman itigil na ni Lola na guluhin ang buhay mo.
Annie: Hoy, Xandra! Hindi ba yan nga ang talagang gustong mangyari ni Lola?!
Naparaise hands na lang si Xandra.
Annie: Lagi nga niyang nakukuha ang mga gusto niya by pressuring Regina. Naalala mo ba yung Lakorn Series kung saan ako pinagguest?
Her friends nodded.
Annie: Kung saan may isang nagreto ng babae sa lalaki ng matchmaking. And once they were married, she had to pamper the husband. Lahat ng gawaing bahay, paglilinis, paghuhugas ng mga plato. Halos lahat babae ang gagawa. Tapos kapag gabi, instead na makapagpahinga s3x ang iaabot sa kanya tapos aanakan. Noong nagkaanak, siya mismo ang mag-aalalaga. Unfair, hindi ba? Nakakasama ng loob talaga itong role ko na ito. Nakakaawa kasi talaga siya.
Regina nodded in understanding.
Regina: Right. Minus the extremely exaggerated plots, I agree. And yes, I don't want to live that life. The company is my only source of happiness.
Lin: Hmm. I think, there is only one solution. Kailangan makasurvive ang company mo. If you can do that, magiging masaya ka pa din. Kahit kasal ka na ay may mga anak.
Xandra: Pero ito naman ang naisip kong paraan. Na pwedeng makatulong sa kanya sa pagtakas niya sa galamay ni Lady Victoria.
Lin: Oh.
Annie: Ano yun?
Nagpraying position si Xandra at pumikit habang sila Annie, Lin saka Regina ay nakafocus sa kanya. At laking gulat nila sa sinabi ni Xandra.
Xandra: Curse her to death.
Annie: Hay, naku naman Xandra! Hindi mo ba alam ang ganyang pamahiin? The more you curse, the longer the life of the person you curse gets!
Naiiritang wika ni Annie.
Xandra: Oh, kaya nga nabubuhay pa siya ng malusog until sa due date niya.
Annie: Sira ka talaga!
Annie gestured her slapping hand on Xandra, pero lalo lang natawa ang kaibigan.
Xandra: Ahh sige ganito ahh.
NAgpraying position muli si Xandra at pumikit.
Xandra: "Please, Lola Victoria, I pray you spend a long life with Regina for 10-100,000 years. Please live forever. Amen."
Napatawa na lang ng konti si Regina habang si Lin ay napailing na lang sa biro ni Xandra.
Lin: Hay naku talaga! Mga sira! Kampay na lang tayo!
All: To Regina! Cheers!
Noong nagcheers sila, napansin nila Annie na si Xandra ay juice ang kanyang iniinom sa halip na red wine.
Lin: Teka! Teka! Teka!
Xandra: Oh?
Lin: Bakit hindi umiinom ang lasinggera ngayon?
Annie: Oo nga naman. NakaFasting ka ba?
Hindi nila inasahan ang sagot ni Xandra na magpapatuwa naman sa kanilang lahat.
Xandra: Ang reason kasi kung bakit hindi ako umiinom ay---
Tumigil si Xandra sa kanyang sinabi.
Regina: Because what?
Regina said in curiosity.
Xandra: Para kay Baby.
Masayang tugon niya, habang iniikot-ikot ang daliri niya sa baso niya.
Annie: Ha?!
Lin: Buntis ka?!
Xandra: Oo!
Lin: Weh di nga?!
Xandra: Oo nga, promise. Buntis talaga ako!
Kaya nun, napatayo si Annie at lumapit kay Xandra at niyakap ito. Tuwang tuwa ang mga friends sa magandang ibinalita ni Xandra.
Annie: Aww! Congrats sayo!
Regina: I am happy for you.
Xandra: Salamat!!
Si Regina, natutuwa man, pero lagi itong nakapoker face and she had not been smiling ever since her sisters were cast out by the oppressor Granny.
Sa sobrang tuwa nagkaroon sila ng group hug maliban kay Regina dahil nga ineexpress pa din niya ang sama ng loob na kanyang nararamdaman kay Lady Victoria.
Marahang hinimas nila Lin ang tiyan ni Xandra dahil nga ito ay buntis. Although, hindi pa naman kalakihan ang tiyan ni Xandra.
Lin: Magkakaroon na pala tayo ng nibling nito.
Xandra: The first nibling!
Annie: Tama! Lumaki ang family natin.
Habang tuwang-tuwang ineexpress ang kanilang excitement for Xandra's will-be baby, Regina checked her phone again but still no text from Narda.
Hindi din nagtagal, nagdecide nang mag-uwian sila Lin, Xandra, Annie and Regina. Muli nanamang nilang cinongratulate ang buntis na Xandra sabay yakapan syempre. Habang hinihimas-himas pa ang kanyang tiyan. Maging si Regina, hinihimas din ang tiyan ng kaibigan.
Xandra: Hindi pa naman siya lumalaki, kaya ipunin niyo na lang ang "Congrats" ninyo kapag lumabas na siya ahh.
Annie: Ay oo nga pala.
Lin: Sobrang excited lang syempre no.
Nagyakapan na sila tapos nagpaalam at nagkanya-kanyang lakad na. Naghesitate si Regina kung siya na ba ang maginitiate ng text kay Narda, but still she was hoping Narda would text her.
----
Back home, nakaupo nun si Narda sa kanyang kama habang kinakalat ang mga printed pictures ni Regina.
Narda: Bakit pakiramdam ko lumalaki ang gap between sa amin ni Lady Regina sa tuwing nagkakalapit kami? One moment napapagaan niya ang loob ko. Tapos tinatakot niya ako. Saka kailan pa ba siya naengaged, hmph?! Bakit hindi mo pinopost sa social media?
Tugon niya habang isa-isang tinitingnan ang mga photos, tila kinakausap isa-isa ang mga pictures ni Regina.
Narda: Meron pa ba akong hindi alam na mga bagay? Haayyss!
Sabay hagis nito sa mga pics ni Regina sa kinauupuan niyang kama. Napakamot na din sa ulo si Narda.
Narda: Hindi niya ba talaga ako naaalala?
Narda sighed as she laid down. Nakaramdam siya ng konting tampo kay Regina dahil nga naghirap siyang iangat ang kanyang sarili mula nung nakilala niya si Regina noong mga kabataan pa niya. Puro Regina ang inspiration ni Narda sa buong buhay niya.
----
Samantalang sa kotse ni Regina, hindi pa bumababa si Regina mula sa kanyang sports car dahil kasalukuyan pa din niyang hinihintay ang text ni Narda. Pero hindi na kinaya ni Regina ang kanyang inis, kaya nun mabilis niya ulit kinuha ang phone niya tapos tinadtaran ng angry stickers si Narda.
Takang-taka nun si Narda kung bakit napakadaming texts. Kaya nun, umupo siya ulit saka kinuha ang kanyang cellphone na dinadaganan ng mga pictures ni Regina. Pagtingin niya, laking gulat niya nang makitang si Lady Regina pala yun.
Narda: Lady Regina?
Lalong nanlaki ang mga mata niya noong makita ang mga angry stickers ni Regina.
Narda: Naku! Hindi kaya nagalit siya nang hindi ko siya tinext?
Tapos muli nanamang tinadtad ni Regina ang kanyang angry stickers. Dahilan na lalong nataranta si Narda, kaya wala na siyang ibang nagawa kundi magreply.
Narda: Sorry po, hindi kita natext kanina. Gabing-gabi na kasi kaya ayaw kitang maistorbo. Nakauwi ako safely. Thanks po.
Napangiti si Narda, habang tinetext ang kanyang napakagandang boss.
Noong natanggap ni Regina ang text ni Narda, ang mukha ni Regina na galit ay napalitan ng ngiti niya. Pero pinigilan niya. Kaya nun itetext sana ni Regina si Narda ng:
Regina: Who's worried?
Hindi niya muna ito sinend. Tapos dinelete na lang ni Regina at pinalitan ng ibang words. Tapos binaba ni Regina ang kanyang phone at bumaba ng kanyang sasakyan nang may bakas ng ngiti sa kanyang mukha. Nawala din ang kanyang stress habang iniisip ang magandang mukha ni Narda.
Si Narda naman, noong natanggap ang text ni Regina kumunot ang kanyang noo sa nasabing text ng boss niya.
Regina: It's late. Have some manner.
Narda: Hala. Siya nga itong unang nagtext sa akin tapos sasabihan pa niya ako. Ano bang klaseng tao ka, Lady Regina? Hmph!
Tugon ni Narda sabay turo niya sa pictures ni Regina. Saka na siya nagset ng contact name ni Regina ng "My Boss". Nandoon na din ang isang magandang picture ni Regina sa contact no. ng boss niya.
----TO BE CONTINUED----
You are reading the story above: TeenFic.Net