CHAPTER 9

Background color
Font
Font size
Line height

Maagang gumising si Xyria dahil naalala niya na may usapan nga pala silang tatlo nila Gly at Crystal na kakain sila ngayon. Kaya agad niya itong tinawagan dahil baka tulog pa ang mga ito. Alam niyo na busy din ang mga yo'n sa mga work nila.

"Gly? Asan na kayo ni Crystal?" Bungad niya rito.

"Good morning Xyria! Dapat ganyan ang bungad mo sa akin para hindi nakakairita. Pero ang sagot ko sa tanong mo kung asan na kami heto nasa favourite na coffee shop natin hinahantay kang dumating," halata ang sarkastiko nito sa kanyang boses.

"Sorry na. Sige wait papunta na ako diyan just wait a couple of minutes," sabi nito at tuluyan ng ibinaba ang cellphone at nagsimulang mag-drive papunta sa favourite nilang coffee shop.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa itinigil niya ang sasakyan sa parking lot ng na sabing coffee shop. Mula sa labas nakita niya ang dalawang kaibigan na bagot na bagot na sa kakahintay sa kanya. Kaya agad siyang pumasok sa shop para maka-usap ang mga ito.

"Oh my gosh Xy, buti may balak ka pa palang dumating." Sarkastikong bungad sa kanya ni Gly.

Well ganun talaga. Matagal nang negatron yang si Gly kababaeng tao kaya ayun wala pa ring jowa! Iniayawan dahil sa sobrang taray. Ito namang si Crystal wala akong balita kung anong nangyayari sa buhay niya basta ang alam ko lang atat na atat na yang kumain ng cake.

"Sorry I'm late."

"Hay nako buti dumating ka na! Kanina pa ako nagpipigil kumain ng cake na binili ni Gly oh. Tsaka bakit ngayon ka lang?" paguusisa sa kanya ni Crystal.

"Napasarap lang ng tulog kagabi sa sobrang kapaguran," tipid na sabi nito.

"Bakit may ginawa na ba kayo? May nangyari na ba?" interesadong- interesadong sabi ni Crystal sa kanya. Kung makapagtanong ay parang kumikinang na mga bituin sa kanyang mga mata!

"Ano ka ba Crystal. Syempre wala!"

"Ano may nakuha ka na bang sagot sa pinaggagawa mo ha Xy?" masngit na tanong sa kanya ni Gly.

"Meron na."

"Sige na bili kwento ka na! Tsk sabi sayo Gly eh successful ang naisip ko ayaw mo pa kasing maniwala," pang-aasar ni Crystal kay Gly na ngayon ay humihigop na kapeng paborito nito.

"Gusto niya akong ihatid pauwi kagabi...pero hindi ko tinanggap kasi baka mabuko ako."

"Sayang naman Xy bakit hindi mo pinatos agad?" halata ang paghihiniyang sa boses ni Crystal.

"Buti naman at naisip mo yo'n. Kasi kung hindi kagabi ka pa buko ng baby mo," pagmama-asim na sagot ni Gly sa kanya.

"Nako kaya ka walang jowa eh! Lahat na lang kasi tinataboy mo kaya ayan tatandang dalaga ka," pang-aasar ni Crystal kay Gly.

"Hephephep! Tama na yan Crystal. Hayaan na lang muna natin si Gly na makahanap ng lalaking mamahalin niya!" sabi ko sa kanila na agad namang tinanguan ni Crystal.

"Maiba ako, ikaw Crystal anong kwento mo at bakit may pa ganito?" pagtatanong ko rito.

"Wala lang namiss ko lang kayong dalawa. Isang negatron na walang jowa at isang umaasa sa baby niya tapos ako heto walang magawa."

"Walang magawa? Anak ka ng mayaman na gobernador for pete's sake Crystal! Anong walang magawa do'n and in fact yung mom mo may mga ari-arian na iniwan sa iyo bago siya mamatay," sabi ni Gly kay Crystal.

Dahil nabanggit ang mom ni Crystal ay agad akong lumingon sa kanya. Sa lahat kasi nang pwedeg pag-usapan ayaw niyang dinadawit ang ina niya. Kahit ako hindi alam ang nangyari dahil ayaw niyang sabihin ito sa amin.

"Crystal, I'm so sorry kung nabanggit ko ang mommy mo," naguguilty na sabi ni Gly.

"No its okay. Ikaw Xyria anong makwekwento mo?" pagiiba nito ng topic namin.

"Ako bukod sa pagiging busy sa restaurant na yo'n marami akong naging kaibigan."

"Wait don't tell me na ipagpapalit mo na kami ni Gly ha," singit ni Crystal sa kaniya.

"Grabe ka naman mag-isip Crystal syempre hindi noh? Kailangan ko talagang magkaroon ng kaibigan do'n tsaka mababait naman sila," sabi ko rito.

"So kami hindi?"

"Mabait naman kayo. Hayst bakit ba napunta sa akin ang spotlight? Bakit ayaw niyong tanongin yang si Gly!" sabi ko sabay turo kay Gly na umiinom na naman ng paborito nitong kape.

"Hayst wala naman kasing bago diyan kay Gly."

"Edi ako na lang ang magtatanong. Gly totoo ba yo'ng narinig ko kamakailan about do'n sa isang sikat na playboy na umaaligid sayo?" tanong ko rito. Agad naman nitong ibinaba ang kapeng iniinom at tinitigan siya ng seryoso.

"Ayon ba? Wala lang yo'n. Nangungulit lang dahil ayaw ma-ban sa app ko," walang ganang sabi nito.

"Ay bakit hindi ko alam yan ikaw ha Gly nagtatago ka na sa akin! Tsaka kanina mo pa ako kasama rito tapos hindi ka man lang nagsasabi," pang-aasar naman ni Crystal.

"Eh wala naman kasi yo'n tsaka wala naman tayong mahuhothot do'n sa playboy na yo'n. Maiba ako Xy, miss ka na raw ng manager mo! And ito pa ha hinahanap ka rin ni Michael na katrabaho mo!" pang-uusisa sa akin ni Gly.

"Michael Lopez? Yung bida sa bagong teleserye ngayon?" nagtatakang tanong ko.

"Tama ka Xy siya nga."

"Bakit naman daw? Sa pagkakaalala ko wala naman kaming dapat pag-usapan tsaka duh! Babaero yo'n! Halos sa lahat ng taping iba't iba ang kasama no'ng babae. Ew!" pangdidiri ko rito.

"At ito pa gustong-gusto yo'n nila mommy. I don't know why? Pero malaki ang tiwala talaga nila do'n sa lalaking yo'n."

"Nako alam mo na sis. Wag kang papalinlang do'n playboy yo'n."

"Wait bakit kayong dalawa napapaligiran ng playboy? Tas ako puro ********* lang," malungkot na sabi nito.

"Anong sinabi mo Crystal?"

"Wala."

"Ikaw Crystal anong ginagawa mo sa mga araw na lumilipas?" pagtatanong ko.

"Shopping lang. Yup I'm just spending my whole week by shopping!" naiiritang sabi nito.

"Sana all! Sa bagay ang yaman yaman niyo kasi!"

"Parang kayo naman hindi?" pagbabalik nito sa amin.

"Well medyo lang naman. Teka teka anong oras na?" pagtatanong ko sa kanila.

"1:35 pm?" nagtatakang sabi ni Gly.

"Oh my gosh! Sige na babye mga sissy next time na lang ulit may pasok pa pala ako sa restaurant ni Baby Corl ko!" sabi ko sabay ayos ng gamit at dali-daling umalis.

"Babye Xy! Next time na lang ulit," excited na sabi sa kanya ni Crystal. Si Gly naman ay kumaway lang sa kanya. Well sanay naman na siya kay Gly.

Tsaka hindi naman ibig sabihin na ganun yo'n wala nang pakialam yun sa amin! Sadyang mahigpit lang talaga siya sa amin ni Crystal parang nanay ganun. Pero balita ko may umaaligid daw sa kanya na lalaki well dapat lang kasi baka maunahan ko pa siyang magka-jowa. Chos! Asa naman ako kung sasagutin ako ni Corl! Pero hindi natin sure malay mo bumigay rin siya sa akin.

Napailing- iling siya sa naisip. Hindi niya namalayan na malapit na siya sa pinagtratrabahohan. Kaya Masaya niyang ipinarada ang mamahalin niyang sasakyan hindi kalayuan sa restaurant ng baby Corl niya. Nami-miss na niya ang pagmamaneho ng mga baby cars niya tsaka hindi niya na yo'n naisip kanina kasi nga late na siya sa napag-usapan nilang tatlo. Tsaka sinigurado naman niyang hindi ito makikita ni baby Corl niya.

Mula sa paboritong coffee shop nila, tumuloy siya rito. Pagkatapos kasi nilang magkwentuhan sa nasabing coffee shop ay niyaya pa sila ni Crystal na magshopping sa pagmamay-aring mall nito. Hindi lang yo'n nanlibre pa ito ng hapunan nila. Sobrang saya na nga sana ng pag-uusap nila kaso naalala niya na may pasok nga pala siya at ayaw na ayaw ng boss niya na nalalate siya! Kibago-bago ay nasuway niya na agad ang rules nito.

Pagkapasok na pagkapasok niya sa restaurant, agad na sumalubong sa kanya ang hindi maipintang mukha ni Corl. Madilim ang aura nito at halatang galit na galit ang binata. Hindi lang yo'n pati ang buong restaurant ay parang nahigop din ang galit ng binata.

"Hindi ba sinabi ko na sayo na ayokong nang late at tsaka nasa rules natin yo'n diba? Saan ka galing?" galit na tanong nito sa kanya na ikinagulat niya?

"Ha?" Wala sa sariling tinignan niya ang orasan na kanya ng suot. Isa iyong simple ngunit magandang relo na ineregalo sa kanya noong College siya. Hindi iyon signature watch na nakasanayan niya pero bumagay naman ito sa suot niya kaya isinuot niya. "Afternoon shift pa naman ako so I'm thirty-five minutes late."

"Mas lalong sumama ang tingin nito sa kanya. "Kung mala-late ka, magsabi ka. Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala---" Nanlaki ang mga mata nito na parang may nasabing hindi naman dapat sabihin. Huminga muna ito ng malalim bago tuluyang magsalita ulit. "Este alam mo bang nag-aalala ako na baka absent ka. Kulang ang waitress dahil wala nang gustong mag-apply at may sakit naman si Cheska."

Na-dissapoint siya sa sinabi ng binata. Akala niya nag-aalala na ito sa kanya yo'n pala nag-aalala lang ito dahil kulang ang waitress sa restaurant nito. Well sino nga ba naman siya hindi ba? Isang 'di hamak na model na kahit ano gagawin para mapansin ng baby niya.

"Sorry na po. Hindi na mauulit pa." Sabi niya sa mahinang boses.

Ang kanina nitong masamang aura ay napalitan ng pagiging cold. "Siguraduhin mo lang ha? Pero it's okay. Just do your job," iyon lang at iniwan siya nito.

Minsan talaga binibigyan siya ni Corl ng hope kaso agad din nitong binabawi! So unfair!

Bagsak ang balikat nitong pumunta sa locker room. Nakita niya si Logan na nakasandal sa pintuan ng locker nito habang may sinusulat sa isang maliit na papel.

"Good evening, beks." Walang buhay na bati niya sa bakla na manager nila.

Nagtaas ito ng tingin. "Anong nangyari sayo?"

"Wala naman beks."

Maarte siya nitong tinignan. "Dahil ba nasigawan ka ng Sir Corl kanina? Nako, di ka pa nasanay 'don ganun talaga yo'n. Nag-aalala lang 'yon sayo."

"Anong nag-aalala sa akin? Baka sa trabaho hindi sa akin! Tsaka beks wag mo akong bigyan ng hope kasi alam mo naman ako certified marupok!"

Maarte siya nito inirapan. "Nako babae kung alam mo lang! Trust me. Kanina pa nga ako kinukulit kung alam ko ba raw ang number mo kasi baka na-kidnap ka na raw"

Biglang nanlaki ang mata niya sa gulat kung anong iniisip ng baby Corl niya. "K-kidnap?"

"Oo babae. Tamang- tama namang dumating ka kaya nakita mong ganun si Sir kasi nga nag-aalala 'yon sayo. Alam mo ba babae na hindi na ako magtataka kung sakaling tumawag na 'yon ng pulis kung late ka pa dumating."

Inirapan niya lang ang bakla at tuluyan nang pumunta sa locker nito para makapaglagay ng gamit at pumunta sa cr para makapag-palit ng uniform. Habang papunta sa locker ay hindi maalis sa isip niya ang sinabi sa kanya ni Logan. Totoo kaya 'yon?

Hayst! Wag nang umasa Xyria. Masakit yan!

Pero kung totoo man napaka-OA niya. Pero at some point nakakakilig kasi yes! I'm making progress konti na lang mapapasakin na siya! Kaso kung totoo 'yon.

"Tigil- tigilan mo ako Logan ha! Siya umalis ka na at baka magalit pa si Sir Corl at sabihing tumatambay lang tayo rito." Sabi niya.

"Edi wag! Basta ako nafe-feel ng aking ninth sense na may gusto yang si Sir Corl sayo. Grabe kung mag-alala eh! Todo na toh!" sabi nito sabay gaya sa boses ni Ruffa Mae Quinto.

Hindi man niya gustong maniwala, pero ang totoo ay napangiti siya sa sinabi nito. Sumaya ang puso niya at nawala ang lungkot dahil sa panghihinayang na sinabi nito kanina.

Yes! Gusto rin siya ng lalaking gusto niya.

Agad niya itong niyakap. "Omg sa sinabi mo beks ginaganahan na akong magtrabaho ngayon at hindi lang 'yon feel ko rin na ang haba ng buhok ko."

"Loka!" Tinampal siya nito sa braso. "Magtrabaho muna tayo, mamaya na magchikahan at mapagalitan pa ni Sir Corl. Sobrang dami na ng costumer."

"Sige. Mauna ka na at magbibihis muna ako rito kaya chooo!"

You are reading the story above: TeenFic.Net