Nang makarating sa harap ng locker niya. Nagulat siya na hindi na isang palda ang uniform niya kundi isang black slacks na magtatago sa legs niya.
"Bakit ganito?" Tanong niya sa sarili.
Mas lalo siyang nagtaka ng makitang may nakaipit sa bago niyang uniform at walang iba kundi galing sa magaling niyang boss si Corl.
'I don't want to see you wearing skirt, wear this instead –Nexus'
Naiinis niyang sinara ang pintuan ng kanyang locker. Wala siyang choice kundi ang suotin ang slacks na ibinigay nito. Hindi ba maganda ang legs niya para itago ito? Pagkatapos niyang magbihis agad siyang lumapit sa may counter na ang mukha ay naiinis at para makuha ang mga orders.
"Oh babae, anong meron diyan sa mukha mo at bakit parang inis na inis ka?" pansin sa kanya ni Logan.
"Tignan mo naman itong uniform ko beks?"
"Oh bakit ka nakaganyan?"
"Mukhang simula ngayon ito na ang magiging uniform ko!" naiiritang sabi nito.
"Si sir Corl ba ang may gawa?"
"Sino pa ba?"
"Nako sabi na nga ba at tama ako eh! Nag-aalala lang kasi sayo si Sir kaya ganyan."
"Hayst tigilan mo nga ako sa mga false hope na yan."
"Oh ayan na ang mga order bumalik ka na lang rito."
Agad din naman nila itong tumango bilang sagot at kinuha ang order ng mga costumer at nagsimula nang magtrabaho. Habang nagtratrabaho ay nakasalubong niya si Corl. Ang mukha nito ay parang umaliwalas ng makita niyang suot-suot ng dalaga ang slacks na inilagay niya.
"Starting from now, ayan na ang magiging uniform mo ngayon," sabi nito at tuluyan ng umalis.
Masaya na siya at nagbago ang awra ng mukha nito. Kahit hindi siya sanay ay dapat niya nang sanayin ang sarili sa ganito. Dahil 'yon lang ata ang makapagpapanatag ang loob niya.
Maliksing nagtrabaho si Xyria kahit labag sa loob nito. Kahit papaano, medyo nasanay na siya sa pagiging waitress dito sa restaurant.
"Miss, one red wine here please?" Nakangiting order ng isang amerikanong lalaki.
"Sure, sir. What else do you want?" sabi nito sabay sulat sa notepad niya na binigay ni Logan kanina.
"One glass of white wine for me," sabi naman ng katabing table nito.
"Okay. I'll be right back in a minute," Nakangiting sabi nito at tuluyan ng umalis tuluyan.
Mabilis siyang pumunta sa bar area ng restaurant para maorder na ang order ng mga costumer. "Kuya Leo, isang red wine and one glass of white wine." Sabi niya sa bartender na si Kuya Leo.
"Mukhang iba ang ngiti natin ngayon Xy ah, bago yan kukuha muna ako ng alak." Sabi nito sabay alis at kumuha ng alak.
"Hayst ito talagang si Kuya Leo kung ano-ano ang iniisip." Napabulalas na lang na sabi niya.
"Bakit parang ang lapad ng ngiti mo?" cold na tanong ng baby Corl niya.
Masama na ba ang ngumiti? Dapat bas a lahat ng bagay ay may rason na kailangan?
"Ms. Xy ito na ang order," masayang sabi sa kanya ni Kuya Leo na hindi napansin ang boss na kanina pa nakatayo 'di kalayuan sa kanya.
"Ihatid mo muna yan at bumalik ka rito."
Agad silang nagkatinginan ni Kuya Leo na halatang nagulat sa presensiya ni Corl. Wala siyang nagawa kundi ang ihatid ang order nito at bumalik pagkatapos.
"Here is your order sir," nakangiting sabi niya sa amerikanong costumer.
"And here is your order ma'am," nakangiting anito sabay abot ng one glass of white wine sa babae sa kabilang table.
"I'm Chris Adamson, What's your name miss beautiful waitress?" tanong nito sa kanya.
Dahil nga sadyang mabait siya, she answered. "My name is Xy-"
"Shaira. Her name is Shaira," putol sa kanyang sasabihin ng amo niya.
Naramdaman na lang niya na naka-akbay na pala ito sa kanya. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon sa kanya ng baby Corl niya. Sa pagkakaakbay nito sa kanya mas lalo tuloy niyang naamoy ang mabangong amoy nito at halos magdikit na rin ang mga tagiliran nila dahil do'n. Lihim siyang napalunok at itinago ang kamay niyang kanina pa nanlalamig.
"Her name is Shaira, Mr. Adamson, is there anything you need?" nakangiti ang binata pero halata sa tono ng boses nito ang pagkairita.
Chris chuckled and shook his head like he can't believe what he's seeing. "No, I'm good." Ngitian siya nito. "Nice meeting you, Shai."
Here eyes widen. Mukhang naniwala nga ito sa sinabi ni Corl sa kanya. Pero some how tama naman ang binanggit nitong shai sadyang iba lang ang pronounciation.
"May I know your full name, Shai? Or maybe your number so I can call you?" tanong nito sa kanya habang nakangisi it okay Corl.
Papalit-palit siya nang tingin kay Chris at Corl. Dahil ang parehong lalaki ay nakatingin sa kanya. Si James ay nakangiti at mukhang naghahantay sa sagot niya while Corl Nexus ay nandidilim ang mukha at umiigting ang panga, tanda na naiinis o nagagalit ito.
Ang malaking katanungan na pilit nitong iniintindi sa isip ni Xy ay... bakit naman ito maiinis o magagalit? Wala namang ginagawang masama sa kanya si Chris. Hindi rin naman siya nito binabastos so bakit? Tsaka tinatanong lang naman nito kung anong pangalan niya ah? At mukhang mabait naman ang lalaki hindi lang 'yon gwapo pa.
"My full name is Alyssas---"
"Alyssa Shaira," pagtutuloy ulit ni Corl Nexus sa sasabihin niya. "And her favourite number is nine," sabi nito sabay hila sa kanya palayo sa mesa kung nasaan si Chris.
Tinanaw niya si Chris mula sa mesa nito. Nakita niyang kumaway pa ang lalaki sa kanya na may pilyong ngiti sa labi. Mukhang inaasar nga talaga nito ang baby Corl Nexus niya.
"Bakit mo pinapamigay ang pangalan mo kung kani-kanino lang?" galit na sabi sa kanya ni Corl Nexus na madilim ang mukha. "Pano kung mafia yun? Pano kung killer? Pano kung rapist? Pano kung---"
Hindi niya alam kung bakit niya naririnig ang ganitong mga salita mula sa boss niya. "Grabe ka naman Sir Corl Nexus, grabe naman po kayo. Mukha namang mabait si Sir Chris ah?"
"Huwag mo siyang matawag-tawag na Chris," naiinis na sabi nito. "And how many times do I need to tell you that cut the Sir Corl and just call me Nexus?"
Huminga siya ng malalim bago magsalita. "Nexus, mukhang mabait naman si Sir Chris ah."
"Hindi siya mabait. Mukha ngang manyakis 'yon tsaka babaero."
"Pano mo naman nasabi? Any proof?"
"Siguro sapat na ang proof na regular costumer at marami na siyang nadalang babae ditto at iba-iba," binatawan siya nito at hinarap siya sa isang pader. "So I'm warning you! Stay away from him."
Tinitigan siya nito ng matalim dahil gusto nitong mabasa ang mga emosyon sa mga mata nito. Mukhang naiilang ito sa sa pagtitig na ginagawa niya dahil bigla itong nag-iwas ng mata.
"Bakit ka ba ganyan magkapag-react? Ang OA! Dinaig mo pa ang tatay ko na iitakin lahat ng lalaki manliligaw sa akin no'ng nag-aaral pa ako."
Muli tuloy siya nitong tinitigan dahil sa sinabi. "Well, pakisabi sa tatay mo na nagpapasalamat ako." Iyon lang ang sinabi nito at tuluyan na siyang iniwan.
Sa halip na magtaka, natuwa pa si Xyria sa inasal ni Nexus. Yeah from now on Baby Nexus na ang tawag niya rito. Dahil kung tama ang naiisip niya, nagseselos ito sa gwapong amerikano na nakilala niya. Hindi naman siya bulag para hindi makita 'yon! Pero sana tama nga.
"Oh babae saan ka ba galing? Bakit parang lagi kang nawawala sa tuwing hinahanap kita?" nagtatakang tanong sa kanya ni Logan.
"Nako beks, nagseserve ako kahit sabihan mo pa si Kuya Leo," pagsasabi ko rito.
"Eh bakit parang magkasama kayo ni Sir Corl?"
"Nako beks wag mo akong ginagawan ng chismis. Ano naman kung kasama ko siya? Eh pinagsabihan lang naman ako."
"Nako babae alam ko ang mga galawan ni Sir Corl pag may nagugustuhan. Plus may binulong sa akin kanina si kuya Leo."
"Hayst bahala na nga kayo diyan at magtratrabaho na ako."
Asar talong umalis si Xyria dahil hindi niya na kaya ang pang-aasar sa kaniya nito. Kaya mas minabuti niyang magtrabaho na lang kesa isipin pa ang mga sinasabi ni Logan sa kanya.
You are reading the story above: TeenFic.Net