KABANATA 8

Background color
Font
Font size
Line height

Nakahiga ako ngayon sa kama. Nasa patatlong kwarto ako. As usual, dito ako dinala dahil kwarto talaga ito ni Nathalia! Ibig sabihin lang nasa Sariaya, Quezon na ako! At pansamantala na dito ako titira.

Nakakabagot naman. Hindi ako makagalaw masyado dahil nilalagnat ako. Maya-maya ay may kumatok. Hinintay kong may pumasok pero walang lumabas sa pinto. Baka akala nito naka locked ang pinto.

"Bukas yan!" Sigaw ko. Nakita ko naman na bumukas ang pinto at inilibas nito si Luningning. May dala siyang towel at maliit na palanggana.

"Señorita Nathalia, kung inyong mamarapatin nais ko po kayong punasan gaya ng bilin ni Donya Celestina" sabi nito at naupo sa tabi ko. Pinigaan naman niya ang towel. Tumango na lang ako dahil wala akong masabi. Hindi ko kayang magreklamo dahil ang sakit ng ulo ko.

"Ikaw nga si Luningning noh?" Pagsisisgurado ko. Curious kasi ako. Maputi ang balat niya, sakto lang ang height, matangos ang ilong at maganda talaga siya.

"Opo, Señorita" magalang na tugon nito. Bakit naman señorita ang tawag sakin, e isang normal at simpleng tao lang naman ako.

"Wag mona akong tawagin ng ganiyan. Thalia na lang" sabi ko. Nagulat naman ito at napatigil sa pagpunas sa braso ko.

"Bakit naman po? Hindi po pwedeng tawagin ko lang po kayo sa mismong pangalan nyo o sa palayaw pagka't isa lang po akong utasan ninyo. Isang utusan ng Mayor Dionisio" paliwanag nito. Napakuno't noo naman ako.

"Ibig sabihin anak ako ng Mayor? At ibigsabhin mayaman ako este kami!"gulat kong tanong. Napanganga naman siya pero kaagad na napatikom ng marealize niyang hinihintay ko ang sagot niya.

"G-ganun na nga po. Bakit tila nakalimutan niyo na po?" Naguguluhang tanong nito at pinagpatuloy ang ginagawa. Oo nga pala ako nga pala si Nathalia kaya expected na nilang alam ko. Bakit ba hindi ako nag-iisip.

"Ah nabagok kasi ang ulo ko kanina pero ayos na naman. Hehe!" Palusot ko na lang.

Bigla namang kuminang ang mata ko ng marealize kong mas maganda ang kwartong ito sa panahon na'to. Puro bago at napakabango. Nakita ko rin ang salamin sa tabi ng kama ko. At may maliit na drawer sa paanan ng kama at sa bandang bintana naman ay may malaking balkonahe.....kung saan nagpakamatay ang totoong Nathalia.

Halos ginto naman ang mga florera. Magkano kaya ito pag naibenta sa panahon ko. Sigurado mayaman na ako! Hays..napailing naman ako sa naisip ko. Hindi pwede dahil may misyon pa ako at kapag hindi ko nagawa at napagtagumpayan ang misyon na yun hindi na ako makakabalik sa panahon ko. At mai-stock ako sa panahon na to forever! Nagulat naman ako ng tumayo si Luningning.

"Tatawagin ko lamang po si Doktor Tolentino upang matingnan na po kayo" paalam nito pero hinawakan ko ang kamay niya. Pinilit kong bumangon.

"Hindi ko naman kailangan ng doktor. Sabihin mo alam mo ba kung san nakatira si Lorenzo?" Seryoso kong tanong. Naupo naman muli ito sa tabi ko. Ngumiti siya.

"Señorita, kailangan niyo pong magpaggamot. At tungkol po kay Ginoong Lorenzo...alam ko po ngunit hindi po kayo puwedeng magtungo doon pagka't kailangan niyo po munang magpaggaling" nakangiting sabi nito. Napanguso naman ako.

So ibigsabihin lang, hindi talaga sila magkikita ngayong araw dahil nakatadhanang lagnatin si Nathalia! Pero kung pupunta ako, pwedeng maiba ang tadhana. At pag nangyari yun...hindi maiinloved si Nathalia kay Lorenzo sa pamamanhikan dahil nakita na niya ito! Tama! Tama! Kailangan kong sumama.

Makalipas ang ilang sandali umalis na sa kwarto ko si Doctor Tolentino na sinasabi nila. Munkhang may.lahing kastila ang lalaking yun dahil napaka tangkad nito at napaka puti at halatang-halata naman sa ilong at pananalita. Hays!

Nagulat naman ako ng bumukas ang pinto. Niluwa nun ang magandang babae. Teka sino nga ba siya?

"Ate Nathalia, aalis na kami nina Ina. Magpagaling ka para tayo ay makapamasyal sa susunod na mga araw habang naririto kapa" nakangiting sabi nito habang nakaupo sa tabi ko. Alam ko na si Juana siya ang bunsong kapatid ni Nathalia!

Maganda ito, maputi, matangkad at mukhang mestiza. May pagkakahawig sila ni Ada. Hays, siyempre magkapatid e natural na may hawig. Tsk! Nagulat naman ako ng may kumatok sa pinto at pumasok.

Dalawang magandang babae naman ang bumungad. Tama! Si Ada ito at kung hindi ako nagkakamali si Clara itong kasunod niya! Ang gaganda naman nila, para silang kasali sa Miss Universe. Pwede silang lumaban sa pageant!

Naupo sila tabi ko. Ano ba yan, nakakahiya naman. Ang akward kasi nakikita ko ang mga kapatid ni Nathalia at medyo creepy dahil alam kong mga patay na sila. Hays!

"Maayos naba ang lagay mo?" Tanong ni Ada habang hinahaplos ang buhok ko. Tumango na lang naman ako.

"Nalulungkot ako kasi hindi ka makakasama sa'min. Hindi mo tuloy makikilala ang lalaking mapapangasawa ko balang araw" kinikilig na sabat naman ni Clara.

Oo nga pala naalala kong nakatakda na siyang ikasal kay Lorenzo Villamonte. Paano kaya ang naganap noon kina Nathalia at Clara...hindi ba sila nagkasira o nagkagalit man lang? Paano ang routine nila sa araw-araw? Mabait at umaasa si Clara na nasa kaniya parin ang puso ni Lorenzo pero ang totoo may lihim na pagtataksil ang kapatid niyang si Nathalia. Ang hirap naman nun. Hays!

"Sus! Ikaw talaga Ate Clara masyado kang excited na makita at makasama na si Ginoong Lorenzo" pang-asar naman ni Juana. Marunong pala sila mag-english?! Natawa naman si Ada. Yung tawang mahinhin. Namula naman si Clara. Hays!

"Hayaan nyo na si Clara dahil... matagal na siyang may pagtingin kay Ginoong Lorenzo. Kaya nga siya ang nag udyok kay Ama na ipagkasundo siya kay Ginoong Lorenzo" pang-asar pa ni Ada.

Whutt? Ibigsabihin si Clara ang nag request na ipakasal siya kay Lorenzo! Pwede ba yun? Hays! Nakakainggit naman masaya silang nag-aasaran habang ako dito na O-OP na sa kanila at hindi alam kung paano magrereact.

Nagulat naman kami pare-parehas ng may kumatok. Si Luningning pala.

"Mga Señorita, aalis na raw po kayo" announced nito at umalis na. Tumingin naman silang lahat sa'kin.

"Sige na Nathalia aalis na kami. Magpaggaling ka aming pasaway na kapatid" sabi ni Ada at hinalikan ako sa noo. Teka! Tinawag niya akong pasaway?!

"Magpaggaling ka Ate Nathalia. Nakakalungkot dahil nawala kaagad ang sigla mo. Hayaan mo gagaling kana" sabi naman ni Juana at hinalikan rin ako sa noo. What the heck bakit ba sila halik ng halik! Ang gara-gara sa pakiradam!

"Sayang talaga hindi ka makakasama. Basta ikukwento ko sa'yo bukas. Magpaggaling ka aming kapatid" tugon naman ni Clara at hinalikan rin ako. Shit naman puro laway na noo ko e! Nakakaasar! Kung hindi lang masama pakiradam ko siguradong na
nagreklamo na ako.

Tumayo na sila sabay-sabay at umalis na sa kwarto ko. Hays! Mabuti naman at wala na sila! Kaagad na tumayo ako dumungaw ng pasimple sa balkonahe. Nakita ko ngang nakaalis na sila kaagad sakay ng kotse. Nagulat naman ako ng may kumatok sa pinto.

Kaagad na nag dive ako papunta sa kama at kunwaring natutulog.

"Señorita, may liham po kayong dumating galing kay Ginoong Gabriel"
Whut?? Sulat galing kay...Gabriel!! Oh! Noes! Paano na'to hindi ako si Nathalia na ex ni Gabriel!

"Señorit---"

"Ilagay mo na lang diyan" walang reaction kong sabi at nagtaklob ako ng unan sa mukha.

Naramdaman ko naman na inilagay na niya sa drawer yung sulat. Sinilip ko naman siya. Pumunta na siya sa tapat ng pinto. Nagulat naman ako ng magsalita siya.

"Señorita alam ko pong lubusan kayong nasaktan ngunit para sa'kin isa talagang kahanga-hanga si Ginoong Gabriel dahil hanggang ngayon ay hindi parin siya sumusuko para makipag-ayos sa inyo" sabi nito. Argh! Sumasakit ang ulo ko kapag binabanggit niya ang pangalang Gabriel!

Naramdaman ko naman ang paglagapak ng pinto. Kaagad na naupo ako sa kama kaso nagulat ako ng makitang nakaupo siya sa sulok malapit sa pinto.

"Bakit po señorita? May masakit po ba sa inyo?" Kaagad na tanong nito at lumapit sa'kin. Umiling naman ako.

Wala akong balak magpahinga kahit mataas ang lagnat ko ngayon dahil kailangan ko ng kumilos para naman matapos na ang misyon ko at makabalik na ako sa panahon ko!

"Hindi ko po muna kayo iniwan pagka't nag-aalala po ako sa inyo. Mas mainam po kung narito lang po ako at binabantayan kayo" dagdag pa nito.

Bigla naman akong nagka bright idea! Tama! Magpapasama na lang ako kay Luningning na pumunta sa Hacienda ng mga Villamonte. Pag nakita ko si Lorenzo sasabihin ko kaagad sa kaniya na wag siyang maiinloved kay Nathalia dahil pwede siyang mamatay!

Tumingin ako kay Luningning. Ngumisii ako sa kaniya. Napakunot noo naman ito na halatang nagtataka sa itsura ko. Binigyan niya ako ng bakit-ganiyan-ang-tingin-mo-look!

"May ibubulong ako sa'yo" sabi ko dito. Nagtataka man, lumapit parin siya sa'kin. Nanlaki naman ang mata niya ng marining niya ang sinabi ko.

"Sigurado po ba ka'yo Señorita?!" Gulat na tanong niya. Tumango naman ako habang nakangisi at binigyan ko siya ng sure-na-sure-ako-look!

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko kay Luningning. Parehas na kaming hinihingal dahil sa kakalakad.

Nilakad na lang namin ang daan papunta kina Lorenzo dahil baka maghinala sa'min ang mga guard na nasa labas ng Mansion nina Nathalia. At isa pa, nagdadalawang isip akong gisingin yung driver ng kotse kasi mukhang malalim na ang tulog at nanaginip na ng maganda.

Saglit namang napatigil ako at hinawakan ang noo ko. Grabe! Ang init ko! Pakiramdam ko pwede na akong pagprituhan ng itlog! Hays!

"Señorita Nathalia, ayos lamang po ba kayo. Kung huwag na lang po kaya tayo tumuloy? Mukhang mas nakakasama po sa inyo ang maglakad ng matagal. May lagnat papo kayo" alalang sabi nito.

Umiling naman ako at sinenyasan siyang ayos lang ako at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Bakit kasi ako nilalagnat! Nakakainis!

"Malayo paba tayo?" Nanghihina kong tanong. Mabuti na lang at may mga ilaw dito sa poste at may iilang sasakyan rin ang dumadaan sa kalsada kaya hindi gasinong nakakatakot. Nakita ko naman na tumigil na si Luningning sa paglalakad at hinarap ako.

"Ito na po ang Hacienda nila. Sa pagpasok po diyan sa loob ay naroroon na po ang Mansion nila kung saan nagaganap ang masayang salo-salo" sabi nito. Nakita ko naman na may nakalagay sa taas na 'Hacienda Villamonte' kaya obvious naman sa kanila na talaga ito!

Nagulat naman kami parehas ng may tumikhim ng malakas at nanlaki ang mata ko ng makita namin ang mga nagbabantay sa labas ng gate. May mga guards!

"Sino kayo?" Tanong ng isa. Whoa! May mahaba siyang baril! Kaagad na umayos ako ng tayo at confident na lumapit. Tumikhim muna ako para kunyari elegante talaga ang datingan ko. Syempre mayaman tayo for today's video.

"A-ako si Nathalia. Anak ako ni....." napatitig ako dito ng matagal. Patay! Ano nga bang pangalan ng tatay ko sa panahon na ito! Nasapo ko na naman ang ulo ko. HINDI KO NGA PALA KILALA ANG AMA NI NATHALIA!

"Siya po ang patatlong anak ni Don Dionisio Enriquez. Naririto po siya upang batiin ng maligayang kaarawan si Ginoong Lorenzo" sabat naman ni Luningning. Mabuti na lang at nariyan siya! Sana lang hindi siya nakahalata na nakalimutan ko. Hays!

Pinapasok naman kami ng malaman nilang ako ang anak nung Don Dinsio? Dunisho? Arghh! Basta! Narito na kami sa loob ng Hacienda.  Sabi ko kay Luningning umikot kami at sa likod kami magtatago. Hindi niya alam kung bakit kailangan namin magtago kaya ipinaliwanag ko na lang na baka malagot ako sa Tatay ni Nathalia kapag nalaman nilang pumunta ako dito kahit may sakit ako! Napaniwala ko naman siya at sumang-ayon sakin.

"Siguraro po ako na matutuwa ang inyong kapatid na si Señorita Clara dahil po sa inyong surpresa" nanlaki naman ang mata ko. Ngumiti ako ng napipilitan at napaiwas ng tingin. Kumagat nga siya sa palusot ko. Naalala ko ang binulong ko sa kaniya bago kami umalis ng bahay.

"Gusto ko surpresahin si Ate Clara. Gusto kong naroroon rin ako para makilala ko si Lorenzo ang mapapangasawa niya" --ako

Hays! Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa ako kumikilos. Paano ba kase ako makakapasok? Napakadaming tao sa labas at siguradong mas marami sa loob at halos ay grupo-grupo sila kung magkwentuhan, siguro ay kilala nila ang isa't-isa.

"Wala bang daan papasok sa loob ng bahay na ito?" Naboboring kong sabi. Nangangalay na kasi ako kakatayo dito sa gilid habang pasimple sumisilip sa harapan.

"Sa mismong harapan lang po talaga ang daan Señorita. Baka po tayo mahuli ni Don Dionisio sasablay po ang surpresa niyo" alalang sabi pa nito. Sumingkit naman ang mata ko at napatingin sa kaniya ng bahagya.

Hindi naman siguro ako kakatayin ni Don Dionisio kung makita niya ako dito di'ba? Napalunok ako. Baka magka-ugali pala si ni Ina'y mahirap na!

Saglit na napatingin naman ako sa taas. May bintana! San naman ang lusot nun kapag umakyat ako? Hmm...Sige na nga hahayaan ko na lang kung san man ako mapadpad pag umakyat!

"Señorita saan po kayo papunta?" Kinakabahan na sabi ni Luningning. Hindi ko na lang siya pinansin at naghanap-hanap ako ng pwedeng tuntungan.

Hindi naman kasi gasinong mataas ang bintana. Nakakita ako ng hagdan sa bandang dulo. Kinuha ko iyun at isinandal na sa wall. Umakyat na ako ng dahan-dahan. Salamat na lang kay Brandon dahil tinuruan niya akong umakyat sa gate at bintana noon sa Maynila! Haha!

"Señorita! Baka malaglag po kayo!" Alalang sabi ni Luningning. Nginitian ko na lang siya at binigyan siya ng chill-ka-lang-look!

Nakita ko naman na naglinga-linga ito sa paligid, natatakot siguro na baka may makakita. Sa bagay, medyo kinakabahan rin ako kasi firsttime kong maging akyat-bahay ng mag-isa! Wala kasi si Brandon e! Nakakaasar.

Pagdating ko sa tapat ng bintana, itinulak ko kaagad iyun at ang swerte ko naman dahil bukas ito. Bago ako tuluyang pumasok, sinilip ko muna si Luningning sa baba na nakatingin sa'kin at mukhang paiyak na! Binigyan ko siya ng thumbs-up para sabihing okay lang ako.

Hindi siguro normal ang ganitong gawain. Sa bagay sabi nga nila masyadong conservative ang mga tao dito at hindi talaga gawain ito ng mga babae. Pwes hindi ako nabibilang sa dalagang Filipina na ang kilos ay kagaya ng kay Maria Clara.

Pagkababa ko nakita kong may pinto na nakasara. Teka! Kwarto na ba ito? Bakit medyo maliit? Hindi naman ganito ang kwarto ng mayaman. Nilibot ko ito. Laking gulat ko ng makitang....

Nasa CR pala ako!!! Whutt!!

Nagulat naman ako ng may marinig akong boses ng mga babae. May papasok yata! Lagot! Kaagad na nagtago ako sa gilid malapit sa bathtub! Ang angas, may bathtub na pala sa panahon na ito. Ngayon lang ako nakakita nito. Sa bahay kasi timba at tabo lang ang gamit namin. At poso lang ang gamit na may malansang amoy na nilalabas na tubig at masasabi ko swerte ako sa tiempo ko dahil walang tumatae dito! Hays!

Makailang saglit pa wala namang pumasok, nag effort pa ako sa pagtatago! Pasimple kong sinilip sa pinto ang mga taong dumaraan. Mukhang wala namang makakakilala sa'kin, kaya ok siguro kung lumabas ako.

Lumabas ako ng parang wala lang. Dumeretso ako sa Sala. May mga malalaking puting kurtina na nakasabit sa pintuan nito. Napatago naman ako sa gilid ng sofa ng may marinig ako. Pumasok at naupo sa kabilang sofa ang mga babaeng nasa edad 40's. Kumakain sila habang nagchichikahan.

"El hijo de don Feliciano es un joven apuesto, amigo. (Ang anak ni Don Feliciano ay isang gwapong binata, kaibigan)" Chika pa ng isa habang kumakain ng pancit.

"Sinabi mo pa, Amigo. Did you know that my niece Cecelia loves him? Le dije que se diera prisa para que las otras chicas no lo agarraran. (Sinabihan ko nga siya na bilisan ang kilos para di mahuli ng ibang babae)" Tugon naman ng isa habang umiinom ng juice.

Gustuhin ko man sumingit sa usapan para magtanong kung nasan si Lorenzo ang kaso hindi ko naman maintindihan ang mga lengwahe at baka ma-nose bleed lang ako.

"Margarita, Amigo. Si fuera una niña, definitivamente lo elegiría para que fuera mi esposa. Saan kapa? Galing sa mayaman na pamilya ang binatang iyon at gwapo pa!" Tumatawa na sabat naman ng isa pa at tumango sila at nakitawa narin.

Hindi ko sila maintindihan pero mukhang malalanding usapan ang kwentuhan nila. Hindi ko na lang inintindi kasi nga ang hirap intindihin. Hindi naman nila ako napansin kasi nga magaling akong magtago at umaktong wala lang. Mukhang mas mahahalata kasi ako kapag nagtago kaya tumayo ako at umaktong invited talaga ako sa party na'to. Dumaan ako sa gilid nila.

Ang bango naman ng kinakain nila! Nagugutom tuloy ako! Pede kaya ako kumuha kahit kaunti lang? Iniling ko na naman ang ulo ko.

Wala pa akong karapatang kumain hanggat hindi ko pa nakikita si Lorenzo. Natanaw ko naman sa may bandang dulo ang hagdan. I think, nasa taas ang kwarto ni Lorenzo! Tama!










You are reading the story above: TeenFic.Net