CHAPTER 22

Background color
Font
Font size
Line height

Habang nagpi-fill up ako sa ibinigay na form sa akin ni Dra. Brent ay napapansin ko na parang nakatitig siya sa akin. Actually kanina ko pa nahahalata yung kakaibang pagtitig niya, kahit nung chini-check niya ako kanina. Nag-angat ako sandali ng tingin upang bahagya siyang sulyapan, at hindi nga ako nagkamali

“May problema ho ba, Dra.?” tanong ko sa kaniya. Mabilis naman siyang umiling saka nag-iwas ng tingin sa akin. Nagtatakang ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko

Ng matapos ako sa pag-fill-up ay ibinigay ko na rin iyon sa kaniya. Tumayo na rin ako para maka-uwi na. Tapos na rin kasi ang check up ko kanina at sabi naman niya ay healthy ang baby ko

“Siya nga pala, Miss Dela Paz” Napalingon ako sa kaniya “Yes po?”

“Wala ka bang kasama?”

“Uhm.. meron po. Nasa labas”

“How about your parents?” Bigla akong natigilan.

“Ah eh.. wala po akong parents—I mean, hindi ko po sila kasama. Yung Papa ko nasa America, tapos yung Mama ko naman...I don't know where she is” sagot ko saka tipid na ngumiti sa kaniya. Napansin ko ang biglaang paglungkot ng mga mata niya. Bakit?

“D-do they know about your pregnancy?” tanong pa nito. Alanganin akong umiling

“Hindi ko pa po nasasabi sa Papa ko” sagot ko. Medyo nagtataka ako sa itinatanong niya

“I s-see. Anyway, Take care on your way home, okay?” anito

“I will po. Salamat po ulit, Dra. Brent” Saad ko

“I'll send you off, okay lang ba?” presinta nito na inilingan ko na lang

“Hindi na po. Nandiyan lang naman po sa labas yung kasama ko. ” pag-tanggi ko “Salamat po ulit”

“O-okay. Mag-iingat ka” tipid itong ngumiti sa akin

Naglakad na ako palapit sa pintuan, at bago pa man ako tuluyang lumabas ay nilingon ko pa siya ulit. Ngumiti siya sa akin ng magtama ang mga mata naming dalawa. Ngumiti at kumaway na lang din ako saka ako tuluyang lumabas

Paglabas ko ay bahagya pa akong nagulat ng madatnan ko si Deron sa labas ng pintuan

“How was it? May mga kailangan bang ibinilin ang Doctor para sa baby? Ikaw, may kailangan ka bang vitamins or anything?” tanong nito. Bakas sa ekspresyon ng kaniyang Mukha yung care ng isang Ama. Sasagot na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ng jogging pants na suot ko saka sinagot ang tawag. Lumayo din ako ng kaunti kay Deron

“Hello”

( “Are you done with your check up?” )

“Ah oo” sagot ko saka ko sinulyapan ng tingin si Deron na mariing nakatingin sa akin.

( “Sakto. Nandito na ako sa parking. Hintayin mo na lang ako diyan” ) sagot ni Asi sa kabilang linya

“Sige. Hintayin na lang kita dito sa waiting area”

( “okay” )

Pagbaba ko ng tawag ay bumalik ako sa pwesto ni Deron

“Salamat nga pala sa pagsama sa akin dito” puno ng sensiridad kong wika.

“Uuwi ka na ba? Hatid na kita” offer niya. Medyo naninibago pa rin ako sa ikinikilos niya. Hindi ako sanay na ganito siya makitungo sa akin. Umaatras tuloy pagiging maldita ko. Dapat ay ini-ignore ko siya.

“Hindi na. Nandiyan na si Asi sa labas” mahinang sagot ko.

“Okay. Take care” sagot niya na bahagya ko pang ikinagulat. Tumalikod na siya at naunang naglakad sa akin paalis. Nakatingin lang naman ako sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko

Nagpakawala ako ng isang marahas na buntong hininga saka naglakad palapit sa bench at naupo para hintayin si Asi. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na rin siya.

“Nakasalubong ko si Deron sa labas. Was he with you?” tanong nito ng makalapit siya sa akin.

“Hmm. Sinamahan niya ako sa pagpunta rito” sagot ko saka tumayo. Kinuha niya sa akin ang bitbit kong bag saka kami nagsimulang maglakad palabas ng Hospital

“Hindi ka na ba galit sa kaniya?”

“Ewan. Naiinis ako sa pagmumukha niya pero...hindi ako sigurado kung galit pa ako sa kaniya” Saad ko “Sabi niya babawi daw siya sa akin at sa baby ko” Dagdag ko. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin na nakakunot ang noo

“Babawi? Is he serious? Did you believe him?”

“Ewan ko” Kibit balikat kong sagot. Nalilito na ako. Nasa proseso ako ng paglimot sa kaniya, pero heto siya ngayon, umaakto na parang—ah ewan!

“Just don't forget what he did to you before. Ayoko ng maulit 'yon” anito. Tipid akong ngumiti sa kaniya


“Hindi na ulit 'yon mangyayari. Once is enough. Natuto na ako” sagot ko. Ngumiti naman siya and based on his reaction, alam kong proud siya sa akin. Lumingkis ako sa braso niya saka kami nagpatuloy sa paglalakad

DERON'S POV

I couldn't help but feel jealous while looking at them, Looking at her smiling at him. She looks very happy every she was with him.

Ngayon kaya ko ng aminin sa sarili kong nagseselos ako. Ilang taon ko ring niloko ang sarili ko na wala akong feelings para sa kaniya, ilang taon akong nagbulag-bulagan just because of my f*cking ego. That guy opened my eyes. And now, I'm regretting it. Pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa ko sa kaniya noon. I shouldn't have done those to her in the first place. She's right. I am a j*rk, I am a d*mb, I am an id*ot

I still remember what Dash told me last time

FLASHBACK

“Masakit bang nakikita na yung babaeng noon ay naka-buntot sa'yo at naghahabol ay masaya na sa iba”

Natigil ako sa pagtitig sa dalawang taong masayang naghaharutan sa dalampasigan at hinarap ang nagsalita. He sat beside me, took one of my beers and drank it straight

“What are you talking about?” maang kong tanong sa kaniya. He smirked

“You can fool everyone but not yourself, bro. Not me either 'cause I am your twin, nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman mo dahil makarugtong tayong tatlo ni Dimitri”

“Stop your nonsense—” he cut me off

“You should be the one to stop, bro. Stop pretending, stop your foolishness. Kahit hindi mo amainin, alam kong Mahal mo si Aca, at nagseselos ka sa kanila” Saad niya. Natigilan ako. Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawang tao at agad na kumuyom ang mga kamao ko ng makita ko kung paanong naglapit ang mga Mukha nila

“I'm not” pagmamatigas ko kahit na alam kong tama ang sinasabi niya.

“Yes you are. If I were you, gagawin ko ang dapat kong gawin. Huwag mong pairalin ang ego mo. Do not make the same mistake that Dad and Drace did before. Do you want to lose her just like how they lose their first love?”

I witnessed how much Drace suffered because of the mistake he made with Fierre before.

“But I already did. I lose her. Look how happy she is with him now. At malapit na rin silang ikasal” I said while looking at them. Acacia and Asiai

She looks so happy with him. Anong laban ko na nanakit sa damdamin niya?

“Not yet. Hindi ka pa huli dahil may laban ka pa.....Your child”

Binalingan ko siya ng tingin.

“You knew?” gulat kong tanong. How did he know?

“Yeah. Remember noong nag camping tayo sa Baguio. I accidentally heard it from them. Kaya kung ako sa'yo make a move now. Huwag mong hayaan na mawala sa'yo ang mag-ina mo. And one more thing...huwag mo ng gagawin ang ginawa mong pagkulong sa kaniya kanina. If you want to get her, do it in a right way. Stop acting like a real j*rk. Court her” Saad nito saka tinapik ang balikat ko bago siya tumayo at naglakad paalis. Kung makapag-salita akala mo hindi j*rk Tsk!

Muli kong ibinalik ang tingin ko kina Acacia. He's right. Hindi ko gagawin ang kaparehong pagkakamaling ginawa nila Dad. At hindi ko hahayaang mawala sa akin ang mag-ina ko. I won't let that happen

END OF FLASHBACK

Kung kinakailangang gawin ko ang ginawa niya sa akin noon, ang paghahabol, gagawin ko. I will do everything to make her fall in love with me again.

Hinintay ko silang makaalis saka ako tuluyang umalis ng Hospital. I followed them hanggang sa makarating sila sa Apartment niya.

Kaunting tiis lang Deron. Mababawi mo rin si Acacia. At kapag nangyari 'yon. Hinding hindi ko na siya pakawalan pa

ACACIA'S POV

Pagpasok ko sa gate ng University ay nagulat ako ng bigla na lang may nag-appear na isang bouquet ng red tulips sa harapan ko

“Good morning”

Nagtataka akong napatingin sa nakangiti niyang mukha. Malayong-malayo sa pokerface nitong Mukha noon sa tuwing kaharap ako o sa tuwing nakikita niya ako. His mood is quite different now.

“Ano 'yan?” tanong ko sabay turo sa hawak niyang bouquet ng tulips.

“Flowers?” patanong din niyang sagot “For you” Dagdag niya pa. Napataas ang kilay ko

“Bakit? At para saan?” pagtataray ko. Wala ako sa mood para maging mabait sa kaniya ngayon. Masama ang gising ko dahil sa morning sickness ko. Idagdag pang nagkasagutan kami ni Asi kaninang umaga. Galit tuloy ako sa kaniya ngayon

“Liligawan kita” walang pag-aalinlangan nitong sagot na siyang ikinatigil ko at pati na ang ilang estudyante na nakarinig sa amin. Saglit kong hinarap ang mga chismosang palaka na talagang tumigil sa gilid namin para lang maki-usyuso. I gave them my d*ath glare. Mukhang natakot naman ang mga haliparot dahil nagsialisan sila agad. Hinarap ko ulit si Deron

“May Fiancé na ako. Hindi na ako nagpapaligaw” Irap kong sagot sa kaniya saka siya nilampasan

“Acacia! Wait,”

Napatigil ako sa paglalakad ng hablutin niya ang kamay ko. Iritado ko siyang hinarap. Ano bang gusto ng lalaking 'to!

“Ano ba! Wala akong panahon para sa kalokohang 'to, Deron” Singhal ko sa kaniya. Naiirita ako sa kaniya. Naiirita ako sa pagmumukha niya!

“Sino bang nagsabi na kalokohan 'to! Seryoso ako, Acacia. I want to court you” sagot nito. Tinaasan ko siya ng kilay

“Hindi mo ako gusto 'di ba? Kaya bakit mo ako liligawan, ha?” Singhal ko ulit. Anong akala niya sa akin, uto-uto gaya noon. Nagawa niya na ito sa akin noon, noong time na gustong-gusto ko pa siya. Akala ko totoo, yun pala pinagtripan niya lang ako, nilang tatlong magkakapatid. Nagsabwatan pa sila para lang saktan at paasahin ako.


“Gusto kit—No, Mahal kita. Mahal kita, Acacia” Saad nito na siyang ikinatigil ko. Napanganga pa ang bibig ko dahil sa pagka-bigla

What did he say?

Tama ba ang narinig ko? Is he serious?

“I'm sorry kung nito ko lang na-realize ang totoong nararamdaman ko para sa'yo. Believe me, Acacia. Nagsasabi ako ng totoo. Seryoso ako. Mahal kita” puno ng sensiridad nitong wika

Para akong nawiwindang sa mga pinagsasabi niya. How could he say those words?

“Pumayag ka man o hindi. Liligawan kita” muling saad niya. Nagulat ako ng Kunin niya ang kamay ko at sapilitang inilagay doon ang bouquet na hawak niya saka siya naglakad paalis. Mas lalo pang napaawang ang bibig ko

Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita

Parang sirang plaka na nagpa-pa-ulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang mga katagang binitawan ni Deron kaninang umaga. Buong maghapong hindi nilubayan ng lalaking 'yon ang isip ko

Argh nakakainis! Kung kailan malapit na siyang mawala sa sisitema ko saka pa siya gumagano'n!

“Aren't you going home?”

Napatingin ako sa katabi ko ng magsalita siya. Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Galit ako sa kaniya

“Are you still mad?” muling tanong niya. Hindi ko ulit siya pinansin. Iniligpit ko na lang ang mga gamit ko dahil dismissal na

Balak ko na sanang maglakad palabas ng room ng bigla nitong hablutin ang braso ko. Iritado ko siyang hinarap

“Nagtatampo ka pa rin ba dahil inubos ko yung niluto mong bacon kanina?”

Imbes na sumagot ay inirapan ko na lang ulit siya. How could he mentioned his sin again tsk!

“Sorry. Ipagluluto na lang kita bukas ng maraming bacon. Bati na tayo. Kanina mo pa ako Hindi pinapansin e” anito na parang nagpapagawa effect pa. Bumuntong hininga ako. Pasalamat siya at hindi ko siya matiis

“Sige na nga. Bati na tayo. Basta promise mo na lulutuan mo ako ng marami bukas?” saad ko. Ngiting tagumpay naman ang isinukli nito

“I will. Halika na”

Gaya ng nakagawian ay lumingkis ako sa braso niya. Siya na rin ang nagbitbit ng bag ko. Wala nga pala sina Mac at Broc dahil parehong may lagnat. Ganun Kasi yung dalawa na yun. Kapag may lagnat yung isa, meron din yung isa. Mabuti nga at hindi ako nagawa sa kanila

Paglabas namin ng classroom ni Asi ay nagulat pa kami ng madatnan namin si Deron sa labas na tila naghihintay. Ng makita niya kami ay mabilis siyang naglakad palapit sa amin. May hawak na naman siyang bouquet ng rose naman na puti

“For you” inilahad niya iyon sa harapan ko. Imbes na abutin ay tinitigan ko lamang iyon. Nakita ko na naman siya. Bumalik na naman tuloy sa isip ko lahat ng sinabi niya kanina. But no! Hindi dapat ako magpadala sa mga sinabi niya. Ang hirap umasa. Ayoko na!

“She can't accept that” ani Asi saka niya ako hinila palayo kay Deron. Hindi pa man kami nakakalayo ng hablutin ni Deron ang isang braso ko

“You are not her, so how would you know?” balik naman ni Deron sa kaniya saka sapilitang inilagay sa kamay ko yung bouquet of roses

“Stop bothering my fiancee, will you?” si Asi

“Ayoko” matigas na sagot ni Deron. Nagulat ako ng marahas akong hinatak ni Asi at inilagay sa likuran niya

“Ano bang problema mo, bro? Tinigilan ka na ni Acacia, why would you not do the same?” Singhal ni Asi sa kaniya.

“Ano bang pakialam mo? Fiancee ka lang, hindi ka Tatay tsk!” Singhal pabalik ni Deron. Napailing na lang ako

“Right! I am the Fiancee here kaya may pakialam ako. Stop bothering us. Leave us alone!” muling sagot ni Asi. This time, hinawakan ko na ang kamay niya para patigilin na siya. Walang mangyayari kung papatulan niya ang j*rk na lalaking 'to

“Fiancee ka lang. Tatay ako ng baby niya. Kung tutuusin, mas may karapatan ako sa kanilang dalawa unlike you. At huwag kang magpapakasiguro na matatali si Acacia sa'yo. I won't let that happen” sagot ni Deron. Naramdaman kong natigilan si Asi. Napababa ang mga mata ko sa mga kamao niyang bigla na lang Kumuyom.

“Huwag mo na lang siyang pansinin, Asi. Halika na” ako na ang humila sa kaniya palayo kay Deron. Ramdam kong sumunod sa amin si Deron, Hindi ko na lamang pinansin.

Pagdating namin sa gate ay nagtaka ako dahil maraming estudyante ang tila may pinagkakaguluhan sa labas

Hindi pa sila umuwi?

“Ano kayang meron?” tanong ko kay Asi. Hindi naman siya umimik.

Dumiretso na lang kami palabas ng gate at hindi na lang pinansin ang pinagkakaguluhan nila sa labas. Baka Kasi may Artista or sikat na model diyan sa labas kaya alerto na naman ang mga m*landing nilalang.

Di-diretso na sana kami ni Asi sa Car park kung saan nakaparada ang kotse niya ng matigilan kami ng biglang may tumawag sa pangalan ko

“Maria Acacia!”

Sabay kaming napalingon ni Asi sa taong tumawag sa pangalan ko. Agad na napakunot ang noo ko ng makita ko ang isang lalaking maputi at kulay pula ang buhok na mukhang galing doon sa kumpulan. Naglakad siya palapit sa kinaroroonan namin ni Asi at halos mapatingala pa ako ng tumigil siya sa harapan ko

“Im glalad that I finally met you”


You are reading the story above: TeenFic.Net