CHAPTER 21

Background color
Font
Font size
Line height

"Sorry sa lahat ng nagawa at nasabi ko sa iyo noon. Sana mapatawad mo ako..and I hope that I am not that late para makabawi sa'yo, Acacia" Bakas ang sinseridad sa tono ng pananalita niya. Mas lalo akong natigilan

Ano bang pinagsasabi niya? Naglakad ako palapit sa kaniya at kinapa ang noo niya

"Are you sick?" seryoso kong tanong sa kaniya. Eh Kasi naman, bukod sa nag-sorry siya na hindi niya naman gawain ay sinabi niya pa na babawi siya sa akin. Like, ang hirap paniwalaan.

He's Deron Wesley Escoffier, ang lalaking walang pakialam sa nararamdaman ng iba, ang lalaking hindi ako kayang tignan at itinuring bilang babae. Tapos biglang ganito, he's saying his sorry and telling me na babawi siya? Babawi saan? Sa mga nagawa niya noon? Sa pangtataboy at panghihiya niya sa akin? Why?

"I'm not. Seryoso ako" sagot nito saka inalis ang kamay ko na nasa noo niya at hinawakan iyon ng mahigpit. Bumaba ang mga mata ko doon kasabay ng dalawang beses kong paglunok ng aking laway. He never hold my hand like this. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko, kapareho sa kung paano tumibok ang puso ko noon para sa kaniya. Saglit akong nawala sa sarili ko ng biglang bumalik ang ala-ala noong una ko siyang makilala

FLASHBACK

'Sigurado ka ba dito, pinsan?' Nakasimangot kong tanong kay Asi. Nasa mall kami at nakaupo sa mini Garden habang busy sa pag-sagot ng homework at pag-gawa ng assignments ko

'Yeah. Just put a negative sign on your answer' sagot niya ng hindi tumitingin sa akin. He's busy doing my science project about

'I feel like to pee. CR lang muna ako'

'Okay'

Ibinaba ko na muna sa mesa ang cellphone at backpack ko. Hindi kasi ako yung klase ng babae na nagdadala ng bag or kung anong gamit sa loob ng comfort room.

Pagkatapos kong umuhi ay lumabas na rin ako. Saktong pagliko ko sa hallway ng comfort ay siya ring pagbangga ko sa isang napakatigas na bagay. Luckily, Hindi ako bumagsak kagaya ng mga napapnuod ko sa mga drama. Umatras ako ng kaunti para tignan ang poncio pilatong bumangga sa napaka-ganda kong katawan. I am 5'5 in height pero napatingala pa ako dahil mas matangkad ang taong nakabangga ko

I was stunned for a moment. Hindi ko alam ang tamang ire-react. Masiyado akong na-mesmerize sa ganda ng lalaking nasa harapan ko. Kumabog ng pagkalakas-lakas ang dibdib ko, and at this moment, alam kong nahulog na ako kaagad sa kaniya. Maybe the feeling that I am feeling right is what they called 'Love at first sight'

'Look where you are going. Tsk!' asik nito gamit ang malamig nitong tinig bagao ako nilampasan. Imbes na makaramdam ng inis dahil sa pagsu-sungit niya ay namalayan ko na lang ang sarili kong unti-unti ng ngumingiti habang nakatingin sa kaniya na papalayo na

I have a lot of suitor, pero walang nakakuha ng interes ko gaya ng pagka-interes ko ngayon sa lalaking 'yon. He's kind'a different. I think, Mahal ko na siya kaagad

'I will find you and get you as my man, handsome' bulong ko sa hangin

Nakangiting bumalik ako sa pwesto namin ni Asi

'Why are you smiling?' intriga nito. Umiling na lang ako saka umupo at nag-focus na sa ginagawa ko

END OF FLASHBACK

Simula noon ay hindi na siya mawala sa isip ko. Hinanap ko siya sa kung saan hanggang sa mag-transfer kami nila Asi sa school kung saan din siya nag-aaral. Sabi ko nga noon ay baka siya talaga ang para sa akin, dahil si Destiny na mismo ang gumawa ng paraan para mahanap ko siya, pero hindi pala.

"Alam kong hindi pa ako huli, Acacia. You still love me, don't you?" Saad nito na nakapagbalik sa akin sa wisyo. Kumunot ang noo ko. Ano daw?

"Ano?"

"You still love me. Nararamdaman ko 'yon" Saad niya habang nakatitig ng mariin sa mga mata ko.

I still love him? Yeah, but I won't let you know. Hindi sa ma-pride ako. I just want to be happy. Sawa na akong umasa sa kaniya.

"I already moved on. Hindi na kita Mahal. Si Asi na ang Mahal ko" Saad ko saka pilit na binabawi ang kamay ko mula sa pagakakahawak niya, pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagakakahawak. Ayokong magsinungaling, pero ito ang tamang desisyon na alam ko

"Acacia? Why did you lock the door?"

Mabilis na nabaling ang atensiyon ko sa pinto ng marinig ko ang boses ni Asi mula sa labas.

"Bitawan mo kamay ko" mahinahon kong utos sa kaniya na kaagad niya ring sinunod. Nag-iwas siya sa akin ng tingin na para siyang nahihiya

"Acacia? Open the door" muling tawag ni Asi sa labas. Tinalikuran ko na si Deron at naglakad ako patungo sa pintuan, ngunit bago ko pa man marating ang pinto ay napatigil na ang mga paa ko ng may mga brasong pumulupot sa beywang ko

"Do not marry him...please Acacia"

Hindi ako makagalaw. Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko. Damang dama ko ang init ng hininga niya na tumatama ngayon sa batok ko

"Gusto kita, Acacia. At gagawa ako ng paraan para mabawi ang pagmamahal mo na dapat ay sa akin lang. I won't let that guy take you and our baby away from me. I will do everything, Acacia" Saad nito, at bago pa man ako makapag-react ay lumayo na siya sa akin at siya na rin ang bumukas ng pinto. Saglit itong tumigil sa hamba ng pintuan  at nakipag-titigan kay Asi na halatang nagulat sa nakita niya, pagkatapos ay naglakad na siya paalis. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin  ko.

“Anong ginawa niya rito? Inaway ka na naman ba?”

Nabaling kay Asi ang atensiyon ko. Umiling ako sa kaniya

“May itinanong lang siya” pagsisinungaling ko saka lumapit sa kaniya para tulungan siya sa tray na hawak niya

“Saluhan mo'ko” Aya ko na tinanguan lang niya.

BUONG gabi akong hindi pinatulog ng mga sinabi ni Deron kanina. Paulit-ulit na rumirihistro sa isip ko ang mga huling sinabi niya

"Gusto kita, Acacia. At gagawa ako ng paraan para mabawi ang pagmamahal mo na dapat ay sa akin lang. I won't let that guy take you and our baby away from me. I will do everything, Acacia"

"Gusto kita, Acacia. At gagawa ako ng paraan para mabawi ang pagmamahal mo na dapat ay sa akin lang. I won't let that guy take you and our baby away from me. I will do everything, Acacia"

Ipinilig ko ang ulo ko at mahinang pinuk-pok ang ulo ko. Hindi ko dapat iniisip ang mga sinabi niyang 'yon.

Pabalik na kami ngayon sa Manila. Dapat ay sa Sunday pa. Napaaga lang dahil may naging emergency daw sa La Union kung saan nakatira ang parents ni Tita Denice. Ang sabi nila ay naisugod daw sa Hospital si Lola Dina na Mommy niya. Lahat kami ay sobrang nag-aalala. Lalo na sina Tita at syempre pati ako. Isang beses ko pa lang naeet si Lola Dina pero ang Gaan na ng loob ko sa kaniya. She treated me like her own grandchild din kasi, at buto rin siya sa akin para kay Deron.

“Diretso na ba tayo sa Ob mo or uuwi muna tayo para makapag-pahinga ka?” tanong ni Asi ng makarating kami sa NAIA. Sina Tita naman ay dumiretso na kaagad sa La Union kasama sina Kuya Dwight at ang kambal

“Uwi na muna siguro tayo” sagot ko kay Asi. Bahagya akong napa-sulyap sa gawi nila Deron ng mapansin kong nakatingin siya sa akin. Inirapan ko na lang siya ng magtama ang mga mata namin saka ako lumingkis sa braso ni Asi

“Uwi na tayo”

“Okay”

Pagkarating namin sa Apartment ko ay umidlip lang ako ng ilang oras. Nakatanggap din kasi ako ng Text messages sa OB ko na ngayon niya daw ipapakilala sa akin ang bagong magiging Ob-gyne ko. I just replied her na after lunch na ako makakapunta

“Aca, Hindi ba pwedeng bukas na lang tayo pumunta ng Hospital?” Ani Asi habang kumakain kami ng pannghalian

“Bakit?”

“Dad called me. Pinapapunta niya ako sa office niya”

“Pumunta ka na. Kaya ko naman mag-isang pumunta sa Hospital. Malapit lang naman eh. Hindi ka naman pinapatawag ni Tito kapag hindi importante, kaya unahin mo na muna 'yon” sagot ko. Minsan lang siya tawagin ng Dad niya, at once na tinawag siya ay siguradong importante. Maybe nagka-problema na naman sa business nila.

Asi is their salvation when it comes to their business. Mas magaling pa siyang mamalakad sa negosyo kesa sa Mommy at Daddy niya. He's just 20, pero yung isip niya sa pagne-negosyo ay para ng nasa 40's

“You sure?”

Tumango na lang ako sa kaniya. Kaya ko naman talaga mag-isa dahil sanay na ako

“Okay. I'll make it quick para masundo kita” Saad niya. Ngumiti na lang ako saka ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Pagka-alis ni Asi ay gumayak na rin ako. I just wear my usual outfit. Oversized black shirt na tinernohan ko ng itim din na jogging pants. Ganito kasi talaga ako manamit ever since. I never wear shorts, sando at kahit na anong sexy outfits. Hindi kasi ako fashionable na babae. Hindi naman kasi sa klase ng pananamit ang batayan ng kagandahan, nasa mukha lang yan, 'di ba? At mas komportable akong kumilos kapag iyon ang isinusuot ko.

After kong gumayak ay lumabas na rin ako ng Apartment ko. In-lock ko muna ang mga pinto bago ako tuluyang umalis. Paglabas ko ng gate ay halos atakihin ako dahil sa gulat ng madatnan ko si J*rk na nasa labas. Nakasandal sa kotse niya na kasing gwapo niya rin. Ng makita niya ako ay umalis siya sa pagkakasandal at naglakad palapit sa akin

Pinangunotan ko siya ng noo “Anong ginagawa mo dito?”

“I just want to check on you. May lakad ka?” sagot niya saka pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko na ikainataas ng kilay ko. Yung sobrang taas talaga na umabot na yata sa hairline ko

Check on me? What for?

“Meron. At bakit mo ako chine-check aber?” pagtataray ko sa kaniya.

“If you got home safe” sagot niya. Saglit akong natigilan. Concern ba siya?

“Oh? Safe na ako, pwede ka ng umalis at may lakad din ako” Saad ko saka tuluyang isnara ang gate ng apartment ko

“Where you off to?” muling tanong niya. Bumuntong hininga ako saka sumagot.

“Sa Hospital. Weekly check-up ko sa Ob-gyne ko” Mahinahong sagot ko

“Samahan na k-kita” presinta niya na parang nahihiya pa. Mabilis kasi siyang nag-iwas ng tingin matapos niya yung sabihin. Tinignan ko ang kotse niyang nakaparada sa kabilang side ng kalsada

“Sige” sagot ko saka naunang ng naglakad palapit sa kotse niya. Napatigil ako ng mapansin kong hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Napakunot ang noo ko. Akala ko ba sasamahan niya ako?

“Hoy!” Pantawag pansin ko sa kaniya. Mabilis naman siyang lumingon sa akin

“Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Akala ko ba sasamahan mo ako?” pagtataray ko. Para naman siyang natauhan at mabilis na naglakad palapit sa akin

“P-payag ka?” tanong niya. Parang Hindi pa siya makapaniwala na pumayag ako.

“Oo. Tinatamad akong mag-commute eh” sagot ko saka binuksan ang front seat dahil doon ko balak na umupo. Pagpasok ko ay isinara ko na rin ang pinto. Umikot na rin siya at sumakay sa Driver's seat. Saglit pa siyang sumulyap sa akin saka nagsimulang magmaneho.

Pagkarating namin sa Hospital ay bumaba kaagad ako. Hinintay ko siyang makababa at ng makalapit na siya sa akin ay “ Salamat sa pagsama at paghatid. Pwede ka ng umalis” Saad ko saka ko siya tinalikuran. Akmang maglalakad na ako ng hawakan niya ang braso ko

“I'll go with you inside”

Hindi na ako naka-angal pa ng hawakan nito ang kamay ko at siya na Ang humila sa akin papasok sa loob ng hospital

“Hindi mo na ako kailangan samahan pa sa loob” Saad ko sa kaniya ng marating namin ang clinic ni Dra. Cahver. Baka kasi magtaka si Dra. dahil ibang lalaki na naman ang kasama ko.

“Okay. I'll wait you here” sagot nito saka naglakad palapit sa isang bench at naupo.

Kumatok muna ako ng maka-ilang beses sa pinto. Ng marinig ko ang boses ni Dra. mula sa loob ay saka pa lang ako pumasok. Pagpasok ko ay nadatnan ko siyang may kausap na isa pang Doctor. Hindi ko makita yung Mukha dahil nakaharap siya kay Dra. Cahver at nakatalikod naman siya sa akin.

“Take a sit, Hija” itinuro ni Dra. ang isa pang visitor seat sa harap ng table niya. Naglakad at umupo na rin ako. Saglit akong natigilan ng humarap sa akin yung isa pang Doctor. She looks familiar. Binalingan ko ng tingin si Dra. Cahver ng magsalita siya

“Siya nga pala Ms. Dela Paz, this is Dra. Anarra Brent, siya na ang hahawak sa'yo simula ngayon” saad nito patukoy sa isang Dra

Ngumiti ako kay Dra. Brent na ngumiti din naman sa akin pabalik.

“Nice meeting you po, Dra” I said then extended my hand for a shake hands. Magkaharap lang naman kasi kaming dalawa. Naghintay ako na abutin niya ang kamay ko, pero hindi niya ginawa, sa halip ay tinitigan niya lamang iyon. Dahan dahan ko na lang ibinaba ang kamay ko saka nahihiyang ngumiti.

“Nice to meet you rin, Miss Dela Paz” Saad nito saka tumingin sa akin. Tipid din siyang ngumiti. Saglit akong natigilan ng mapansin ko ang kulay ng mga mata niya. Hazelnut brown. Ang ganda. I stared at her face. Why do I feel na parang kilala ko siya?

______
Long time no update guys. Pasensya na. Medyo na-busy lang😔


You are reading the story above: TeenFic.Net