Chapter 31

Background color
Font
Font size
Line height


“Nice to see you again...” nakangiti kong sabi rito. Titig na titig ito sa'kin na tila gulat na gulat at hindi makapag salita.

Tumakbo ang bata papunta sa kanya at yumakap sa kanyang binti. Napatingin ako bata.

“Daddy, you know her? She's pretty po, right?” tanong ng bata rito.

Daddy?

Napatingin ako kay Steve na napapalunok na ngayon at tila kinakabahan.

“B-Brianna...” kinakabahan nitong tawag sa pangalan ko.

Hindi ko alam kung paanong ngiti pa ang naipapakita ko. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib nang makita ko kung gaano sila magkahawig.

“H-He's your son?” tanong ko pero hindi siya sumagot kaya ngumiti ako. “M-Malaki na pala. Good for you. Bagay pala sa'yo maging D-Daddy...” medyo nabasag pa ang boses ko kaya tumikhim ako.

“B-Brianna...”

“Magkamukha kayo.” Tumatangong sabi ko habang siya ay parang gusto na akong hawakan. “Sige, comfort room lang ako.” Pagpapaalam ko sa kanya at tinignan ang batang si Orville at nginitian. “Nice to meet you Orville,” ngumiti naman ito pabalik at tinalikuran ko na sila.

Napahawak ako sa aking dibdib pagkapasok sa cubicle. Inihanda ko na ang sarili ko rito, pero, masakit pa rin pala?

Ginawa ko ang dapat gawin bago lumabas ng cubicle at tinitigan ng sarili sa salamin.

“Okay lang 'yan Brianna... Five years na rin naman... Kaya mo na wala siya. Na kaya mo, kaya kakayanin mo rin na magpaubaya.” Pagkausap ko sa sarili. Huminga ko ng malalim at nag retouch ng kaunti bago lumabas.

Hindi ko na ito nakita kaya dumiretso na ako sa table namin ni A.

“Bakit ang tagal mo? Akala ko na flush ka na eh!” bumuntong hininga ako kaya nagtataka itong tumingin sa'kin. “Anong nangyari sa cr?”

“I saw him...”

“Steve?”

“Yeah...”

“Oh? Tapos? Anong nangyari?” tinignan ko siya.

“May kasamang bata... Tawag sa kanya... Daddy...” ngumiti ako. Nagaalala naman ang kanyang tingin sa'kin.

“Okay ka lang?”

“Oo naman, naisip ko rin naman na baka nga anak niya talaga ang pinagbubuntis noon ni Trish. Kaya, kahit medyo nagulat pa ako, tanggap ko na.”

“Anong plano mo?”

“Plano? Wala. Hindi ba sabi ko, magpapaubaya ako para sa bata? Tsaka, wala na rin naman ata yung pangako niya. Mukhang masaya na rin siya ngayon.” ani ko sabay inom sa wine ko. Hindi na rin ito nagsalita pa at nakatingin lamang sa'kin.

Mukhang okay naman na siya. Masaya na rin naman ako sa buhay ko kaya hindi ko kailangan manggulo. Ayokong masira ang buhay ng inosenteng bata.

“Hi, pretty ladies...” napa-angat ang tingin namin ni A sa nagsalita.

“Adriel... Ikaw pala!” sabi ko sa lalaking nagsalita. Ngumiti ito sa'kin. May kasama pa itong isang lalaki.

“Hi Mr. Osman!” nakangiting bati ni A rito, napapailing naman si Adriel.

“Just Adriel, Amirah.” Natatawang sagot nito kay A.

“Ganda ng pangalan ko sa'yo, halatang maganda ang may ari ng pangalan. Tss. Thanks Adriel...”

“Hoy!” saway ko rito. Natawa naman ang dalawang lalaki sa harapan namin.

“Tss.”

“Upo kayo,” saad ko sa dalawang lalaki.

“Oh. I want you girls to meet my best friend and my business partner, Mr. Clarence Hardy Kindell.”

“Buong-buo talaga?” reklamo ng lalaki kay Adriel na tinawanan lamang. “Nice to meet you girls, just call me Rence.”

“Brianna,” nakipag shake hands naman ako rito.

“Amirah,” seryosong pagpapakilala ni A na ipinagtaka ko. Hindi rin ito nakipag kamay.

Nakaupo na ang mga ito sa table namin. Gwapo si Clarence. Matangkad, maputi, mahaba ang buhok nito na naka high lights, matangos ang ilong, chinita ang mata na nagpamukhang koreano. May isang hikaw sa kanang tenga na kulay itim. May pagka bad boy looks, pero para namang mabait.

“Okay ka lang ba?” tanong ko kay A na nakatulala sa mga nagsasayaw ng slow dance sa gitna.

“Oo naman, bakit?” ang tono ng kanyang pananalita ay iba kumpara kanina. Nawala na ang sigla niya bigla.

“Wala,” sagot ko na lamang dahil baka bigla siyang nawala sa mood.

“Can I have this dance?” tanong bigla sa'kin ni Adriel habang nakalahad ang kamay sa harapan ko. Napatingala ako rito at wala sa sariling tinanggap ang kanyang kamay.

“You look stunning tonight.” Sabi nito habang nasa bewang ko ang kanyang mga kamay at nasa batok niya naman ang kamay ko.

“Thank you,” nahihiya kong sabi rito at ibinaling ang tingin sa paligid.

Sa pagdaan ng ilaw sa isang mesa ay doon ko nakita ang isang pares ng mata na nakatingin sa'kin. Seryosong-seryoso itong nakatitig sa'kin habang may nilalarong baso ng alak sa kanyang kamay. Kahit sa kanyang pag-inom ay nakatingin pa rin ito. Nakaramdam ako ng kaba.

“Are you okay?” napatingin ako bigla kay Adriel.

“H-Huh? Yeah, I-I'm okay. Why?” ngumiti pa ako.

“Wala lang. Babalik pa ba kayo sa New York? Or dito na kayo for good?”

“Hindi ko pa sure. Hindi pa kasi namin napapag-usapan ni Amirah ang tungkol d'yan.”

“Gano'n ba. Uhm. Pwede ba kita yayain bukas?” napataas ang dalawa kong kilay.

“Saan?”

“For a date? Wala naman sigurong magagalit 'di ba?” natigilan ako sa paggalaw at napatitig sa kanya. Bago napatingin sa kanyang likuran. Nakatingin pa rin ito sa'kin.

Pagtingin ko sa mga kasama niya sa mesa. Doon ko pa lang nakita na kasama niya roon si Trish, si Orville, ang parents ni Steve pati na rin si Ash na nakatingin kung saan. Tinignan ko ang tinitignan nito, nakatingin na ito sa pwesto ng kaibigan ko na busy naman sa pakikipag-usap kay Clarence.

Wow! Complete family pala sila...

“So, okay lang ba?” rinig kong tanong ulit ni Adriel kaya napabalik ang tingin ko sa kanya.

“Sure!” sagot ko agad sabay ngiti. Ngumiti naman ito pabalik dahilan para makita ko na naman ang napaka cute nitong dimple.

“Yes! Thank you Czes,” wika pa nito.

“No problem...”

Wala naman nang dahilan para hindi ako makipag date. Ngayong nakita ko na siyang buo kasama ang sarili niyang pamilya, masaya na ako para sa kanya. Sana gano'n din siya sa'kin.

Bumalik kami sa table namin habang nakahawak sa bewang ko si Adriel. Inalalayan pa ako nito paupo sa katabi ng kanyang upuan dahil magkatabi na sina A at Rence ngayon.

Akala ko close na sila, nagkamali ata ako. Lumalabas na naman pagka maldita ni Amirah.

“Tigilan mo ako Rence dahil baka hindi kita matantya!” nagkatinginan kami ni Adriel. Nasa sandalan ng upuan ni A ang kamay ni Rence.

“Grabe ka! Wala pa nga tayong ginagawa ayaw mo na agad?” nanlaki naman ang mga mata ni Amirah at hinampas ito sa kanyang tyan. Urgh!” daing ni Rence. Pigil naman ang tawa namin ni Adriel.

“Ang sarap paduguin ng nguso mo! Napakarumi!” inis na sabi ni A.

“What? Utak mo marumi d'yan. Wala namang masama sa sinabi ko. Grabe! Ang bigat ng kamay pre!” sumbong ni Rence kay Adriel.

Magtitino ka siguro d'yan. Puro ka kalokohan eh!” sagot lamang sa kanya ni Adriel.

“Kaya siguro hindi nagkaka boyfriend 'tong kaibigan mo, barako masyado—shit!” napahawak ito sa kanyang ulo dahil sa pagbatok ni Amirah.

“Ang dami mong alam!”

Napapailing na lamang ako dahil sa kaibigan ko. Kapag hindi niya talaga gusto ang isang lalaki, nagmamaldita talaga ito. Choosy!

“Can we talk?”

Natigilan kaming lahat dahil sa nagsalita. Nakatayo na ito sa harapan naming lahat at seryosong nakatingin sa mga mata ko. Lahat sila ay bumaling sa'kin at naghihintay ng aking sagot.


___________________

Next na ang Epilogue. Kung nabitin pa rin kayo, wala na akong magagawa.

You are reading the story above: TeenFic.Net