Chapter 30

Background color
Font
Font size
Line height


“Hmmm... Amoy polluted!” sabi ni A pagsanghap niya ng hangin. Natawa naman ako sa sinabi nito.

“Hoy! Gagi! Daming tao.” Saway ko.

Kalalabas lamang namin ng Airport at naghihintay na lamang sa sundo namin.

“Totoo naman girl! Jusko ka!” sagot nito. “Tagal naman ni Luke, baka nakipag booking pa ang punyeta!” reklamo nito habang nagpapaypay ng sarili.

“Sa Lipa pa siya galing A, grabe ka naman. Baka na traffic lang!”

“Ang init kasi, parang katabi natin ang araw! December naman pero dinaig ang summer. Tss.”

Napapailing na lamang ako sa pagrereklamo ni A sa tabi ko. Maya-maya pa ay dumating na si Luke, ang tanging nakakaalam sa pagdating namin.

“Luke, anong oras ba raw bukas ang ball ng mga business persons na 'yon?” tanong ko habang nakaupo sa likod. Katabi naman nito si Amirah sa harapan.

“Ang alam ko five pm daw,” sagot nito.

“Ah. Okay, salamat.” Tinignan ko naman si A, “A... Punta tayo ng salon bukas ng umaga huh, ipapaayos ko ang buhok ko.”

“Okay...” inaantok na sagot nito kaya hindi ko na muli ito kinausap.

Sa company kami nagpababa ni A dahil walang nakakaalam ng isla nito kung hindi kaming dalawa lamang. Nandito naman ang isa sa sasakyan niya kaya may magagamit kami.

“Thank you Luke huh,” sabi ko.

“No problem, magpahinga na kayo. Masama na ata tama nito oh!” natatawang turo nito sa naka tulalang si Amirah.

“Oo nga, sige. Bye! Salamat ulit!” siya na rin ang naglagay ng mga maleta namin sa compartment.

“Ako na magda-drive A, baka makatulog ka.” Hindi ko na hinintay ang sagot nito at sumakay na sa passenger seat.

Tamad naman itong naupo sa tabi ko at pumikit. Mukhang pagod na pagod ang isang ito.

“B...” tawag nito sa pangalan ko habang nakapikit.

“Hmmm?”

“Ready ka na ba kung makikita mo siya roon bukas sa party?” tanong nito.

“Oo naman, okay na ako A. Don't worry about me. Ikaw? Ready ka na makita siya ulit?” tanong ko pabalik sa kanya at mabilis siyang tinignan. Nakamulat na ito at titig na titigs a harapan.

“Oo. Siguro? Tss. Wala namang dahilan para hindi ako maging handa na makita siya. Five years has passed B. Limot na nila tayo,”

Napaisip naman ako bigla. Limot na nga kaya niya ang ipinangako niya na maghihintay siya kahit gaano katagal? Sabagay, noong kasal nga kami hindi siya nakapaghintay e, ngayon pa na limang taon kaming hindi nagkita. Hindi na rin naman ako umaasa.

“Hayaan na lang natin sila,” sagot ko na lamang sa kaibigan.

Natahimik naman ang aming byahe hanggang sa makarating sa Isla Haven. Nagpahinga lamang kami maghapon sa aming mga kwarto at gabi na lumabas.

“Kain tayo sa labas?” tanong sa'kin ni Amirah pagkapasok nito sa kwarto ko. Sakto naman na katatapos ko lang maligo. Halata rin na bagong ligo ito.

“Sure! Saan?” tanong ko habang nakaharap sa salamin at nagsusuklay ng buhok.

“Kahit saan na lang siguro, may gusto ka bang kainan?”

“Hmmm... Wala naman, ikaw na bahala.”

Kumain lamang kami sa isang malapit na resto at umuwi na rin agad.

Kinabukasan ay nagpunta kami ni A sa mall para magpa salon. Nagpa pedicure at manicure, nagpakulay din ng buhok at pinakulot ko na ang dulo nito ng permanent.

“B! B!” nagmamadaling tono ni A habang nakapikit ako dahil nakababad pa ang buhok namin.

“Oh?” agad akong tumingin dito.

“Si Trish 'yon 'di ba?” tinignan ko naman ang itinuturo nito.

Napatitig ako sa isang maganda at sexy na babae na nakatayo sa tapat ng isang boutique habang may kausap sa phone.

“Si Trish nga...” sagot ko.

“Wow! Sexy na siya ulit!”

“Alangan namang hindi na 'yan manganak e five years na!” sagot ko kay A. Tinignan ako nito ng masama.

“Minsan hindi ka masarap kausap!”

“Buti nga ako minsan lang, ikaw araw-araw. Sa'yo kaya ako nagmana!” natatawa kong sagot at pabiro ako nitong inirapan at tumingin muli kay Trish.

“Ayan paalis na!” tinignan ko naman din ito. Paalis na nga ito habang may kausap pa rin sa phone niya.

“Chismosa ka! Hayaan mo na siya!” pimiiit na lamang muli ako.

“Hmmm... Iba ang kutob ko sa babaeng 'yon, sino kaya kasama niya?”

“Hoy! Kutob kutob ka d'yan! Gusto mo lang ng chismis. Manahamik ka na. Hindi na naman tayo ginugulo no'n e.”

“Siguro kaso nakuha na niya ang gusto niya,” natigilan naman ako at napatingin sa kanya. Siya naman ngayon ang pumikit.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko pero nag kibit balikat lamang ito at hindi na nagsalita pa ulit.

Hanggang sa matapos kami ay naiisip ko pa rin ang sinabi ni A. Nawala lamang 'yon nang papunta na kami sa hotel na paggaganapan ng party. It's a Christmas ball party for business persons here in Lipa.

Wearing our silk fitted dress above the knee, and three inches cross straps wedge. I'm wearing the black dress while Amirah wear the red one. Kitang-kita ang likod namin dito kaya may baon kaming coat na iniwan muna namin sa kotse ni A.

*For reference only*

Pagpasok namin sa loob ay bumungad ang napakaraming mga bigating tao na nakatayo at may hawak na baso ng wine. May kanya-kanya itong grupo habang nakikipag kwentuhan. Malamang ay usapang business ito, kung paano sila makikipag combine or merged sa mga ito. Tss.

“Doon tayo,” turo nito sa isang table na bakante.

Dim na ang lights sa loob, may malawak na bakante na dance floor sa gitna habang sa paligid nito ang napakaraming tao.

“Nakakahiya naman dito B, parang ang tataas nila 'no?” sabi no A sa tabi ko.

“Oo nga eh. Nakakahiya i-approach. Tss.” Biglang tinawag ni A ang isang waiter para humingi rin ng wine.

“Sinabi mo pa. Tsaka hindi naman natin kailangan ng business partner kaya okay lang na hindi tayo maki-chika sa kanila.”

“Sabagay nga, kontento naman na tayo sa company natin.”

Ilang minuto na kaming puro wine lamang ang iniinom nang magpaalam ako kay na pupunta sa cr.

“A. Comfort room lang ako ah. Balik ako agad,”

“Sige sige,”

Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang comfort room nila rito. Nang may makita akong hallway na hindi naman kahabaan ay nakita ko na agad doon ang cr.

Bago pa man ako makarating sa cr ng mga babae ay may mabilis na lumabas sa cr ng mga lalaki.

“Shit!” naibulalas ko dahil muntik nang matumba ang bata na tumama sa binti ko.

“Hey... I'm sorry... Are you okay?” tanong ko at umupo para magpantay ang aming tingin. Nakahawak ito sa kanyang noo kaya nag-aalala akong nakatingin sa kanya.

Maya-maya pa ay tinanggal nito ang kanyang kamay at bigla na lamang ngumiti. Natigilan ako dahil sa ka-gwapuhan nito. Naka tuxedo ito na white, naka-ayos ang buhok at may dimple sa kaliwang pisngi. Kulay brown din ang mata nito.

“I'm sorry po, I'm on rush po 'coz my daddy will be mad if I take here so long.” Napakurap-kurap ako dahil sa nakakatuwa nitong pagsasalita. English pero hindi nakakalimutan ang gumalang.

“It's okay, does your forehead okay?” tinignan ko ang noo nito at wala naman kahit anong bakas.

“Yes po—”

“Orville, what took you so long in the comfort room?” baritonong boses ng isang lalaki sa bandang likod ko.

“Oh. Oh...” bulong ng bata.

Kinabahan naman ako sa hindi malamang kadahilanan. Dahan-dahan akong tumayo at mabagal na nilingon ang lalaki sa aking likuran, na mabagal din naglalakad papunta sa gawi namin ng bata. Sa aking pagharap ay unti-unti naman siyang napatigil sa paglalakad. Gulat man sa aking nakita ay pinilit ko pa rin ang ngumiti.


“Nice to see you again...”

_______________________

You are reading the story above: TeenFic.Net