Tinext ni Gf si Bf, pero nd nag-reply. Tinawagan niya ito pero nd sinagot, pinapatay. Sure siya na nagdodota na naman 'to at ayaw pa-storbo. Sa totoo lang, mahal na mahal niya ang bf niya pero wala na 'tong time sa kanya, busy ito lagi sa pagdodota, parang nakalimutan na nito na may girlfriend ito. Gusto niyang makipag-cool off para naman bigyan ito ng space at time para makapag-isip, at kung maka-realize ba 'to kung wala na sila. Nd naman niya ito pinagbabawalang maglaro ng dota, pero sa napapansin niya, sobrang na-aadict na 'to sa laro. Nd na pumapasok sa school,nag-escape na para maglaro, inshort napapabayaan na nito ang pag-aaral at wala na 'tong time sa relasyon nila. Kung nd siya maunang mag-text at tumawag, wala lang din. Kaya mas mabuti pang pansamantalang wala muna sila.
-----
Nag-ring ang phone niya at sinagot niya 'to.
Gf: hello babe?
Bf: babe kumusta?
Gf: ok lang. Tungkol pala sa sinabi ko sayo kagabi. Uhmm ----
Bf: ahh yun ba..
Gf: cool off muna tayo ha.
Bf: cool talaga tayo babe. Nga pala, nanalo ako kanina, ang saya lang. Hahaha! Asar na asar yung kalaban.
--------
You are reading the story above: TeenFic.Net