Nico

Background color
Font
Font size
Line height

"Uy, red envelope." Agad na napatingin si Nico kay Adrian na nakatigin na rin sa kanya sa mga oras na iyon. Pumaling ang paningin niya sa isang pamilyar na red envelope.

Napatingin siya sa tatlong babae.

"Kanino galing ito?" Tanong niya.

Bigla namang namula ang bababeng nasa gitna. Kutis porselana, mahaba ang buhok at sakto lang ang tangkad.

"S-sakin." Nauutal nitong sagot.

Agad na binuksan ni Nico ang sulat at sinimulang basahin.

Dear Nico,

Crush kita simula pa nung nagkasabay tayo sa mrt isang araw. Tandang-tanda ko pa nung napadaan ako sa isang bakery kung saan may tinapay kang ibinigay sa isang bata. At nung nalaman ko na break na kayo ni Sarah ay sinunggaban ko na ang pagkakataon na maging next girlfriend mo. Yun ay kung papayag ka.

Anastacia

Tinignan niya ang namumulang si Anastacia ng ilang segundo bago binigyan ng isang tipid na ngiti.

"Pag-iisipan ko." Sagot niya na muntik ng ikatumba ni Anastacia.

You are reading the story above: TeenFic.Net