Chapter 25

Background color
Font
Font size
Line height

25 | Captive

THE SOUND of mixed footsteps, followed by the sound of chains hitting the ground woke me up. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

My vision was blurry, so I had to blink a lot of time. At first, it was only the luminous orange light that was visible ti my eyes. Unti-unting naging klaro sa akin ang paligid ko at nang matanto  kung nasaan ako, napasinghap kaagad ako.

I quickly stood up and was about to run nang bigla akong nadapa at nasubsob ang mukha sa lupa dahil sa matitigas na nakatali sa mga paa ko. I groaned in pain. I turned to look at what was tied on my feet at napapikit na lang ako nang makita ang kadenang nakadikit ang kabilang dulo sa pader.

I just noticed, I wasn't wearing my mask when I woke up pero maayos naman akong nakakahinga rito.

“Vesté kumir tempe legum!”

Naimulat ko ang mga mata ko at kaagad na napatingin sa labas nang makarinig ako ng boses. Gumapang ako para makasilip sa maliit na siwang ng bakal na pinto pero hindi gano'n kahaba ang kadenang nakatali sa akin kaya hindi ko pa rin ako makasilip.

“Gestu? Uli hama tempe!”

“Uli kumir deki humi, Papa.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. Anong pinag-uusapan nila? Anong lenggwahe 'yon?

Buntunghininga ang isa sa kanila. “Le. Kuna le. Beru pesto hela kumir, des ani kemu, Kana.”

“Ye. Kumaletum, Papa.”

Nanatili akong nakatitig sa direksyon ng pintuan. Tumalas ang pandinig ko nang marinig ang marahang yabag na papalapit sa pintuan ng silid kung saan ako nakatali. Bahagyang napaawang ang mga labi ko nang marinig na binuksan ang pinto. Nang tuluyang bumukas ang pinto at nakita ko kung sino ang nasa labas, napaawang ang mga labi ko at namilog ang mga mata ko.

“Ayos ka lang ba?” tanong niya na may accent na hindi ko alam.

Napakurap ako. Dahan-dahang umangat-baba ang paningin ko sa kaniyang kabuuan.

What the hell? What the hell is she?!

Her body's shape is like a human's, but her skin color does look weird — it's the same color as the sky during noon time. Her eyes were also completely dark blue. And did I mention the lines on her skin that seem like a snake wrapping her body and arms up to her neck?

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Nesi? Kuna demu uli geruda, feri?”

Nagsalubong din ang mga kilay ko. “What?”

She blinked when realization hit her. “Ah, pasensya na. Nakalimutan kong tao ka nga pala at hindi mo alam ang lenggwahe namin.”

“What are you? Are you some kind of hybrid or a cosplayer?” diretsong tanong ko.

She gave me an awkward smile. “Anong lenggwahe 'yan? Marami pala kayong lenggwahe. Isa lang ang alam ko.”

I pursed my lips. She doesn't understand english, and based on her accent it seems like she's just learned tagalog recently.

Napabuga ako ng hangin. “Ang sabi ko, anong klaseng nilalang ka?”

“Ah!” She nodded. “Halo ang dugo ko. Isa akong kalahating Earthling at Kepleri.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Kepleri?”

Sasagot na sana siya kaso may narinig kaming kalabog mula sa labas na dahilan kaya siya napaigtad at mariing napapikit.

“Kana! Kana, pesto hela!”

Nilingon niya ang direksyon ng nagsalita bago rin siya sumagot. “Y-Ye, Papa!” Nagmamadaling nilapag niya sa lupa ang dala niyang bowl na may pagkain saka siya lumabas at isinara ang pinto.

Napabuga na lang ako ng hangin at napayuko sa bowl na nasa harapan ko. It looked gross, but it smelled good. What the hell is this?

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Mag-isa lang ako rito. Hindi ko alam kung saan nila ikinulong ang mga kaibigan ko.

I closed my eyes and breathe softly, organizing my thoughts.

Nakarating kami sa lupa at dinakip ng kung sino, at nagising na lang na nasa loob na ng isang kulungan na ang tanging ilaw ay ang torch lang sa labas.

So... Earth was invaded by aliens? And the reason why every volunteer couldn't go back was because they are being kept here as prisoners.

Minulat ko ang mga mata ko at saka inabot ang bowl ng pagkain. Walang kutsarang iniwan, kaya dahan-dahan ko na lang binuhos sa bibig ko ang pagkain. It does taste good, or am I just hungry.

Pagkatapos kong kumain, nilapag ko lang ulit ang bowl sa lupa bago ako tumayo. I looked around again to see if there's any opening where I can see what's outside. Napabuga na lang ako ng hangin dahil tanging ang pinto lang ang meron dito.

Natigilan ako nang makarinig ako ng mahinang beep mula sa leeg ko. Oh, right. They installed something here inside our necks. Was it a GPS tracker or a small audio cam?

Napaigtad ako sa gulat nang bigla na lang bumukas ang pinto sa likuran ko. Kaagad akong humarap doon.

“Gestu kuna, feri,” sabi ng lalaking may malaking katawan at mukhang kriminal dahil sa maraming malalaking peklat sa katawan niya. His skin color was way darker than the girl earlier.

Napakurap ako. “A-Ano?”

Hindi niya ako sinagot. Lumapit siya sa akin at marahas akong hinila. Bahagya siyang yumuko at nagulat ako nang bigla niyang iwinasiwas ang axe na hawak niya para putulin ang kadenang nakatali sa akin. Napapikit pa ako kasi naramdaman ko ang bahagyang pag-uga ng lupa dahil sa lakas ng pagkakahampas niya.

“Gestu!” aniya sa matigas na boses at marahas na naman akong hinila palabas.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga nadadaanan naming pinto. Napasinghap ako nang makitang may dugong dumaloy palabas sa isang pinto.

Underground pala ang ginawa nilang kulungan namin. Kaya noong nakalabas na kami, napasinghap ako at biglang nahirapang huminga.

W-What the fuck?!

“Huh?! Kuna terum pelo?!” sabi ng humihila sa akin pero hindi pa rin siya tumitigil kahit nakikita niya nang nahihirapan ako.

I gasped and held my neck. Damn!

“H-Hesta! Hesta, tengen! Kerukim kuna! Hesta, lengge!”

Napabaling ako sa nagsalita. The girl who was hastily running towards me while holding one of our xygen mask was the same girl I talked to earlier.

Huminto ang lalaking humihila sa akin. Saka ko lang naramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko pero pinilit ko pa ring makatayo nang maayos.

“Huh?! Una tempe uli?!”

She stopped and kneeled in front of me.

“Kuna Earth deli. Kuna kerukim de pestura hengin.”

The guy clicked his tongue. “Le, le! Pesto hela. Vertabime, tsk!”

Napaangat ako ng tingin sa babae. She gave me a small smile before she put on the mask on my face. I quickly grabbed the bag and turned on the tank. Nang may hangin nang dumadaloy sa mask, napasinghap ako ng hangin at marahas na napabuga.

“A-Ayos ka na ba?” tanong niya.

Marahan akong tumango. “S-Salamat...”

“Hestada!” Tinulak siya ng lalaki papalayo gamit ang paa nito, dahilan para mapahiga siya sa sahig. Hinawakan rin nito ang braso ko at saka ako marahas na pinatayo at hinila. “Swaa.”

Habang naglalakad kami, nilibot ko ang paningin ko. Sa tingin ko nasa loob kami ng isang bahay na gawa sa bato. May malalaking bintana sa gilid at nakikita ko ang madilim na langit sa labas, at mukhang may nagsisindi ng apoy sa baba dahil may nakikita rin akoy orange na ilaw at may itim na usok.

Napabaling ako sa harapan nang marinig ang kalabog ng pintong bumubukas. Napaawang ang mga labi ko nang makita ang mahabang dining table sa gitna, at sa dulo ng table ay isang nakakatakot na nilalang na kalmadong sumisimsim sa baso niyang may kulay pulang inumin.

“Kumalakum.” Bahagyang yumuko ang lalaking kasama ko kasabay ng paglagay ng kanang kamay sa kaliwang bahagi ng dibdib niya.

Napabaling sa kaniya 'yong nakakatakot na lalaki sa dulo ng dining table. Nang makita niya ako, unti-unting gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi.

“Ah, kumaletum,” aniya sabay tayo. Napaaawang na lang ang mga labi ko sa gulat nang makita kung gaano siya katangkad. Hanggang bewang niya lang yata ako. “Wortem kunaya.”

Tumango ang lalaking nagdala sa akin dito bago niya ako binitawan at saka siya lumabas.

Napatitig naman ako sa taong nakatayo sa dulo ng dining table. Tumitig siya pabalik sa akin nang ilang segundo bago siya tumingin sa ibang deriksyon.

“Kana!” dumagundong ang kaniyang boses sa apat na sulok ng silid.

“Y-Ye, Primo!”

Napabaling kaagad ako ng tingin nang makita ang parehong babae na tumatakbo papalapit sa tinawag niyang Primo. Halata sa ekspresyon niya na natatakot siya.

Hinawakan siya nito sa balikat. “Kana, uli terura, humi terendi, ye?”

Mabilis na tumango si Kana. “Y-Ye.”

Ngumiti ang lalaki bago niya binitawan si Kana. May sinabi siya kay Kana na hindi ko masyadong marinig dahil hininaan niya ang kaniyang boses.

“S-Sabi ng mahal na Primo, m-maligayang pagdating sa aming kaharian...” Tumigil siya sandali dahil may binulong na naman ang primo. “... a-at saka... sana maging masaya ang pananatili mo rito.”

“Nasaan ang mga kasama ko?” diretsong tanong ko. “Saab n'yo sila kinulong?”

Bumaling sa kaniya si Kana at isinalin sa kanilang lenggwahe ang tanong ko. May sinabi rin ang primo bago bumaling ulit sa akin si Kana.

“Gusto mo ba raw silang makita ngayon din?”

“Oo,” maagap na sagot ko. “Saan n'yo sila ikinulong?”

May sinabi ulit siya na hindi ko maintindihan, kaya napatingin ako kay Kana at hinihintay ang translation niya.

“S-Sabi ni Primo, bago raw kayo magkita ng mga kasama mo, kumain ka raw muna dahil baka gutom ka na.”

Sasagot na sana ako pero natigil ako nang may tinawag ulit ang primo. Bumukas ang pinto sa likuran ko kaya napalingon na ako.

Namilog ang mga mata ko at napasinghap ako nang makita ang nakalagay sa malaking tray na hawak ng pumasok na butler.

It was a head of some girl with an rotten apple stuffed in her mouth, with fingers around the head as a design. Mukhang dugo na rin ang iniyak nito bago pinatay, may tuyong dugo mula sa mga mata nito pababa sa pisngi. And her eyes were wide open.

Tinakpan ko kaagad ang bibig ko at mariing napapikit dahil nasusuka ako sa pandidiri. My stomach felt like it flipped kaya napahawak ako ro'n.

Diretso lang lumakad ang butler papunta sa gilid ng primo bago niya nilapag ang tray sa harapan nito. Primo picked one finger and he slid it inside his mouth and chewed it as if he was eating the most delicious food. After he gulped down the finger, he looked at me and gave me a smile that sent shivers down my spine.

Fuck!

****

A/N: Random note lang in the middle of the story. I found out people sell our stories on Facebook groups, so I'm here to say that if you're reading this from any Facebook group after paying to get an access to this story, just want to let you know that you got scammed because this story is literally FREE to read on Wattpad, from Prologue to Epilogue. I never gave anyone permission to sell my works, it's ILLEGAL and you wasted money when you could've read this FOR FREE.


You are reading the story above: TeenFic.Net