Chapter 14

Background color
Font
Font size
Line height

14 | Go Back

PAGKATAPOS NG lahat ng nangyari, I tried to go back to normal as I could. Mom and I were slowly returning to how we used too and my friends forgot about that fight we had.

Days passed, nagpatuloy ang buhay namin na para bang walang nangyari. Hindi na ako nagpapadala sa kuryusidad ko dahil natatakot na akong iyon pa ang maging dahilan ng ikakasira ng pagkakaibigan namin ng mga kaibigan ko at ang mas malala pa, baka tuluyan na akong iwan ni Mama.

My curiosity was still there, but I tried to keep everything to myself. I took down notes of everything that I want to know and what I found out. Kinakausap ko pa rin si Reivohr tungkol dito dahil sa aming mga kaibigan, siya ang mas open na tulungan ako at paniwalaan dahil siya ang kasama ko noong nakita ko ang labas ng ship.

“Anzie, are you in there?”

When I heard a soft knock on my door, kaagad kong isinara ang notebook ko at itinago sa ilalalim ng drawer bago humarap sa pinto.

I cleared my throat. “Uh, oo, nandito ako. Bakit?”

Hindi siya sumagot. Narinig ko na lang na pumitik ang siradura ng pinto at pumasok si Maria na may dalang tray kung saan nakalagay ang isang baso ng gatas at isang platito ng cookies.

She smiled at me. “You've been studying hard lately,” aniya sabay lapag ng tray sa study table ko. “Gusto mo bang magtrabaho bilang researcher ng Grendan?”

Bahagyang napaawang ang mga labi ko sa bigla pero kaagad ko ring itinikom bago umiling. “Masyado lang madaming kailangan i-review kasi graduating na kami sa highschool.”

She sighed softly, at saka marahang hinaplos ang buhok ko. “Huwag kang masyadong magpuyat. It's bad for your health.”

Mahina akong natawa. “Okay.”

She gave me one last smile bago nagpaalam na babalik na sa baba dahil iniwan niya si Mama ro'n. Nang nakalabas na siya ng kwarto ko, inikot ko ang upuan ko paharap sa study table at saka ko nilabas ulit ang notebook ko na nasa drawer. I flipped it open and scanned what I wrote.

While reading, napabuga na lang ako ng hangin at napahawak sa noo ko. Kung hindi lang talaga nagkaproblema, baka may sagot na ako sa lahat ng ito. I never knew finding an answer to a few questions could be this hard.

A few months back, I found out about the volunteers. I still have a lot of questions about this one and I don't know how and where to find answers.

Next, my Mom's sudden breakdown after telling me what happened to my father. Hindi niya nasabi sa akin nang buo pero may kutob na ako at hanggang ngayon, kating-kati pa rin akong malaman ang buong estorya pero ayaw ko namang tanungin si Mama dahil baka umiyak na naman.

Napabuga ulit ako ng hangin. Inabot ko ang baso ng gatas at lumagok ng ilang beses doon bago binalik sa tray. Kumuha rin akong isang cookie at nilagay lang muna sa pagitan ng mga ngipin ko.

I grabbed my pen and started scribbling out my thoughts on the notebook. This is making my heard hurt, but it's worth the pain.

Halos ilang oras din bago ako napagod kakasulat. Tinapos ko na lang ang gatas bago ako natulog.

--

“ANG BILIS LANG ng panahon. Parang kahapon lang, 701st Anniversary pa lang ng Grand Ships. At ilang araw na lang, ika-702nd anniversary na!”

Nahinto ako sa pagnguya at napaangat ng tingin kay Caesonia. Nagbago na rin siya. She's not that clingy with Reivohr anymore. Although she still hugs and holds his arm, pero hindi na kasing lala dati na halos hindi na hihiwalay.

As usual, nasa cafe kami after class.

“Yeah,” ani Aveyron. “But this year, mukhang hindi ako makakasama sa inyo. Me and my family will go to Daunley to visit ng grandparents.”

Daunley. Iyon ang syudad na nasa Grand Ship No. 2. Aveyron's mom originally lived there. I don't know what happened pero nandito na sila at dito ipinanganak sa Grendan si Aveyron.

I grabbed my cup of coffee and slowly took a sip, savoring the warm and aromatic coffee na nagpapabuhay sa utak kong natuyo na dahil sa kakaaral.

“It's fine!” sagot ni Caes sabay ngiti. “Magiging third wheeler ka lang din naman sa amin dahil sasama si Reivohr sa akin, si Zeigmund naman kay Anza.”

I suddenly choked on my coffee. Naibuga ko pabalik sa cup ang kape ko at nasabuyan pa ng kaunting kape ang daliri ko kaya nilapag ko ulit sa lamesa ang baso.

“Are you okay?” tanong ni Zeig sabay abot sa akin mg tissue.

Hindi na ako sumagot at tinanggap na lang ang tissue para punasan ang bibig ko pati ang nasabuyan ng kape kong mga daliri.

“I-I'm fine,” sagot ko pagkatapos.

“Well... It's fine kung hindi tayo magkasama this year. Pwedeng hiwa-hiwalay na lang muna para ma-enjoy nating gumala. What do you think?” suhestiyon ni Caesonia.

“I'm fine with it,” ani Reivohr sabay higop sa kape niya. “At least we could have some "Me" Time habang naglilibot sa buong ship.”

“Oh, no.” Kumapit si Caesonia sa braso ni Reivohr at saka isinandal ang ulo sa balikat nito. “You're coming with me.”

Namilog ang mga mata ni Reivohr. “What?!”

Napabaling ako ng tingin kay Aveyron nang tumayo siya. She grabbed her bag and took a one step backwards.

“I'll leave now,” aniya sa monotonong boses. “I still have some private lessons with Mom.”

“Okay,” sagot ni Caesonia.

Hindi na niya hinintay pa ang iba naming sasabihin. Umalis na kaagad siya at pagkalabas niya pa lang ng cafe, may naka-black suit na lalaking humanoid ang lumapit sa kaniya at sinundo siya pasakay sa kotse nila.

Napapadalas na ang pagiging maagang umuwi ni Aveyron at may sumusundo sa kaniya palagi. I know she's rich and they have drivers. Pero dati naman sumasabay siya sa aming umuwi kahit gabihin na kami.

--

PAGKAUWI KO SA BAHAY, nagbihis kaagad ako ng pambahay na damit. Simpleng puting t-shirt lang at shorts na hanggang hita ko.

Pagkatapos kong magbihis, umupo kaagad ako sa tapat ng study table ko. I activated my holographic computer and tried connecting it with my phone so I could call Reivohr and talk to him while he's on the holographic monitor.

“106570, Reivohr Dan Dawson,” I whispered on my phone. It lit up for a few seconds before showing Reivohr's profile. Lumipas ang ilang segundo ba, nag-flash na agad sa monitor ang mukha ni Reivohr.

“What's up?” tanong niya kaagad. Mukhang kakatapos niya lang maligo at magbihis dahil tinutuyo niya ang buhok niya.

“I want you to come with me sa anniversary ng Grand Ships next week,” diretsahang sabi ko.

It made him stop from what he's doing. Nakaawang ang mga labing napatingin siya sa akin. “What? What do you mean? Paano si Caes?”

“No. This is about the boundary, Reivohr,” mariing sabi ko.

Nagsalubong ang mga kilay niya. “It's been a while since the last time we talked about the boundary. Why? Anong meron this time?”

“Okay. Remember last year, when we went to Grand Ship 99?” I asked and he nodded. “Well... may nakausap akong matanda ro'n and it seems like he also knows a thing or two about the boundary.”

He tilted his head to the side in confusion. “Really? Paano mo naman nasabi? Sinabi niya ba sa 'yo mismo?”

I shook my head. “No, but he told me something that made me eve more curious. He talked about what's beyond the boundary that time. Sinabi niya kung gaano raw kadelikado malaman ang nasa kabilang dulo ng lubid,” I explained. He continued staring at me kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. “I am going back there to ask him about the boundary again. And you're coming with me, Reivohr.”

He suddenly chuckled and held his forehead. “Bakit ba sa tuwing may delikado kang gustong gawin, ako palagi ang nakakasama mo?”

I smirked and shrugged. “Dahil ikaw lang ang naniniwala sa kabaliwan ko?”

He chuckled again before sighing. “Yeah, right.”

“So?” I raised a brow at him. “Are you coming with me or not? It's fine if you won't, though. May nauna kang plano with Caesonia.”

“Who said I am not coming with you?” He grinned and brushed his hair up. “Of course I'm coming with you.”

My lips slowly curved into a smile.

I hope this time I could finally get an answer.


You are reading the story above: TeenFic.Net