Chapter 12

Background color
Font
Font size
Line height

12 | Guinea Pigs

“SHE'S STILL IGNORING you?”

Mula sa hologram, napaangat ako ng tingin kay Maria nang marinig siyang nagsalita. I sighed and closed the hologram before spinning my seat so I could face her.

I pouted. “Oo. Pati si Caes hindi pa rin ako pinapansin.”

She gave me a smile before placing the tray of snacks on top of my study table. “Hayaan mo na muna. Looks like they needed time to process everything. But your Mom... Tinanong niya ako kanina tungkol sa 'yo.”

Natigilan ako at namilog ang mga mata. “Talaga? What did she say?”

“Nagtanong lang kung kumusta ka sa school.”

Bahagyang napaawang ang mga labi ko. I thought Mom forgot about me now! Hearing these made my heart leap in happiness. Sa loob ng ilang araw na hindi niya ako pinapansin, big news talaga 'to para sa akin.

I attentively leaned closer. “Ano pa ang mga sinabi niya? May iba pa ba siyang tinanong?”

She shook her head. “Wala na. But that's a sign. Unti-unti ka na ulit niyang pinapansin.”

My lips stretched into a smile. “Thanks, Maria! Kung wala ka siguro rito, baka nabaliw na ako.”

She chuckled. “Ikaw talaga!” Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. I just giggled. “Ipagpatuloy mo na ang pagre-review mo. Hindi ba't may quiz ulit kayo bukas?”

Tumango ako. “Yeah. Pero mas madali ito ngayon kasi hindi si Mr. Aldemor nagbigay ng quiz!” Inikot ko ang upuan ko paharap sa table. “Thanks again, Maria!”

Hindi ko na siya narinig na nagsalita. I just heard her footsteps and seconds later, I heard the door closing.

I spread my hands in the air to open the hologram again. Dahil sa sinabi ni Maria sa akin, na-motivate akong mag-review lalo.

Caesonia suddenly appeared in my mind. Kapag ganitong may quiz kami kinabukasan, we would review together kahit naka-call lang kami. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako kinakausap. Maybe I should talk to her first tomorrow? Pipilitin ko na magkausap kami. Hindi pwedeng hindi kami magkakasundo ulit.

I was in the middle of memorizing a chemical combination when my phone that was resting beside my lamp suddenly beeped. Napatingin kaagad ako sa phone ko.

106557, Zeigmund Fury Drein
Requesting for a call...

Napakurap ako. Zeig's calling? Bago 'to, ah. Sa ilang taon naming pagkakaibigan, ngayon lang siya naunang tumawag sa akin. Usually, ako ang tumatawag.

I pressed the answer button and in just a split second, Zeig's face appeared in a hologram. “Hey.”

I smiled at him and waved. “Hey! Bakit ka pala napatawag?”

Hindi kaagad siya nakasagot at nakatitig lang sa akin. I thought my phone was broken. I was about to slap my phone when he suddenly sighed.

“Hindi ko rin alam. My guts just told me to call you, so I did.”

I was surprised at first, then I burst into laughter. “Seriously? Your guts told you?”

Nagsalubong ang mga kilay niya. He rolled his eyeballs. “Whatever, Anzaria,” naiinis niyang sabi. “I know your situation right now, you're not in good terms with your mother and Caes is ignoring you either. Just remember you still have other friends who worry and care for you. Good bye.”

I gasped. “W-Wait—”

Nakaawang ang mga labi na napatitig na lang ako sa phone ko na unti-unting humihina ang ilaw hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng power.

Napabuga na lang ako ng hangin sabay iling. He's really impatient... and a tsundre.

Umayos na lang ako sa pagkakaupo at nagpatuloy na lang sa pagre-review.

--

“HOY, ANZARIA! PSST!”

Napalingon kaagad ako kay Trixie nang kinalabit niya ang likod ko. “What? We're in the middle of the quiz, hurry up.”

Mas dumukwang siya papalapit. “Pansin ko lang na hindi ko na kayo nakikita ni Caesonia na magkasama lately. Nag-away ba kayo?” bulong niya.

Napairap na lang ako. “None of your business.” Binalik ko na ang paningin ko sa aking desk. I typed my answer on the holographic keyboard and the next question popped up after pressing the enter key.

“Hmmp! Ang suplada naman. Nagtatanong lang, eh!”

I was about to say something to her pero napansin siya ng teacher namin at sinita siya kaagad. I just sighed and continued answering the quiz.

Makalipas ang isa't kalahating oras, natapos na ang quiz namin. Ang nakatabong metallic curtain sa buong room ay unti-unting bumubukas kasabay ng paglaho ng holographic keyboard at monitor kung saan kami nagsasagot tuwing quizzes or exams. The light from outside quickly illuminated the whole room after the curtains were opened.

“Alright. The result of your quiz today will be given to you tomorrow. For now, I want you to group yourselves into two for our activity na next week ang deadline.”

Umingay kaagad ang buong classroom dahil naghahanap na ng mga partners. Humarap ako sa likuran ko at kakalabitin na sana si Trixie nang maramdaman kong umuga ang inuupuan ko. Kaagad akong napatingin sa taong tumabi sa akin.

“Partners tayo... as usual,” mataray niyang sabi pero nakatingin sa harapan imbes na sa akin.

Napakurap ako at napakagat na lang sa ibabang labi ko nang makita si Caesonia na tumabi sa akin at nauna pang nagsalita. Stop me, iiyak ako!

I gulped to stop myself from sobbing. “O-Okay...” Can I hug her? I missed her!

“If you already have partners, send me your names,” ani Ma'am. “So what I want you to do is make a research project...”

Hindi na ako makapag-focus sa pakikinig kay Ma'am dahil masysado akong masaya ngayon. Pinagmasdan ko lang si Caesonia na sinusulat ang pangalan naming dalawa sa papel, inuna niya pa ang pangalan ko!

--

SOBRANG BILIS NG ORAS. Uwian na agad. Nakatitig lang ako kay Caesonia habang inaayos niya ang kaniyang buhok at ang uniform niya. Napasunod na lang din ako ng tingin sa kaniya nang tumayo siya at lumakad na palabas ng classroom.

She suddenly halted. “Hindi ka pa ba uuwi?” biglang tanong niya.

Wala siyang hinarap kaya nilibot ko kaagad ang paningin ko para hanapin kung sino ang kinakausap niya.

Humarap siya at magkasalubong ang kilay na tinapunan ako ng tingin. “Ang sabi ko, hindi ka pa ba uuwi?”

Napakurap ako. “S-Sabay tayo?”

Umirap siya. “Obviously? Sino pa ba ang kasabay kong umuwi palagi?”

I bit my lower lip to hold back sobs, pero hindi ko mapigilang maluha. Mabilis akong tumayo at malalaki ang hakbang na tumakbo papalapit sa kaniya at saka siya niyakap. Muntikan pa siyang matumba dahil sa biglaang pagyakap ko.

“O-Oy—”

“I missed you!” garalgal ang boses na sabi ko. I tightened my embrace on her. “Akala ko hindi mo na ako papansinin!”

She clicked her tongue. “Tanga ka ba? Bakit ko naman hindi papansinin ang best friend ko? Tss!”

Napatawa ako pero tumutulo pa rin ang mga luha ko. “Bwiset ka!”

“Nag-alala lang ako sa 'yo kaya ganoon ang inasta ko no'n. I know you. You're the kind of person who will risk everything just for her curiosity to be answered,” aniya. I felt her arms wrap around me. “Just... don't mention anything crazy again, Anzaria. Hindi na talaga kita papansinin habambuhay, sige ka.”

Napatawa ako bago tumango.

I thought she won't really talk to me again. I'm glad we made up now. Ngayon, si Mama na lang ang poproblemahin ko.

Sabay na kaming naglakad palabas ng school. I kept on holding her hand kahit na naiinis na siya dahil ang clingy ko. I just couldn't help it.

She told me na magkikita raw kami sa usual spot na pinagtatambayan namin after school. I missed going to that cafe.

Nang nakarating na kami sa cafe, the four of them we're already there. Zeigmund has his back facing the ocean, and Aveyron was sitting across him. Tas nasa gitna naman nila si Reivohr na unang nakapansin sa amin dahil nakaharap sa direksyon namin.

“Hey guys!” bati ko kaagad sabay hila kay Caesonia para lumapit sa table nila.

Reivohr smiled at us. “Mabuti naman at nagkaayos na kayo.”

Caes rolled her eyeballs. “Hindi ko sana kakausapin 'to kung hindi dahil sa 'yo.”

I chuckled and pinched her cheek. “Na-miss mo lang ako, eh!”

She slapped my hand away before she sat in front of Reivohr. Humila ako ng upuan at tumabi ako sa kaniya.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. We never talked about what happened days ago and I'm glad none of us brought it up. Ayaw kong magkagulo na naman kami. Kakaayos lang namin ni Caesonia.

“Excuse me. CR lang,” paalam ko sabay tayo. Nang tumango sila sa akin, kaagad akong naglakad papunta sa Comfort Room ng cafe.

Pagkapasok ko sa CR ay diretso na kaagad ako sa cubicle. I sat there and closed my eyes. I heard hast footsteps nearing me, but I never bothered to look who it was.

“Grace, natatakot ako,” I heard a girl whisper. Fear was evident in her voice. “Baka ano ang gawin nila kay Mama!”

“Alexa, just calm down, okay?” the other girl said. “We'll figure out how to get your mom back.”

“We can't get her back! She's sent as a volunteer!”

Naimulat ko ang nga mata ko nang marinig ko ang huling salita na nabanggit niya. My ears suddenly became attentive.

“Alam mo kung ano ang mangyayari kapag ginawang volunteer! You know that because your grandma was also sent as a volunteer and it's been five years already but she haven't come back!”

“Lower down your voice, Alexa!” sita sa kaniya ng kasama. “Baka may makarinig sa 'yo.”

Alexa's sobbed became more shaky. “Grace, natatakot ako. Si Mommy na lang ang nag-iisang pamilya ko. You know that people who are chosen to be volunteers are actually guinea pigs that those f*cking researchers in Grendan's Lab for their experiments outside of the boundaries!”

Namilog ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ko. My heartbeat started to race.

Volunteers are sent as guinea pigs?

Naitakip ko ang isang kamay sa bibig ko. I couldn't believe what I just heard!

Grace sighed. “Calm down, okay? For now, let's go back to our table. Professor Smith is waiting for us.”

“Pero Grace, he's—”

“Tara na.”

Lumakad na sila palabas ng comfort room. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto, inayos ko kaagad ang sarili ko bago lumabas ng cubicle.

Nanghihina ako. My legs wobbled and i quickly grabbed the sink so I won't fall on the floor.

Nakaawang pa rin ang mga labi ko. Nanginginig ang mga kamay ko kaya hinigpitan ko ang pagkakakapit ko sa sink.

Volunteers are actually guinea pigs sent by the researchers from the lab for their experiment outside the boundaries? What experiment? And why do they need to do an experiment outside the boundaries?

So I wasn't just being crazy... they're really hiding something from us!

“Anzaria?”

Napaigtad ako at kaagad napaharap sa nagsalita. Aveyron stared back at me with the same expression as mine.

I blinked twice and cleared my throat. “B-Bakit?”

“They're worried about you dahil ang tagal mo raw sa comfort room,” sagot niya habang ang mga mata niya ay inuusisa ako. “Are you okay? You looked... troubled.”

I faked a confused reaction. “H-Huh? Anong ibig mong sabihin? Ayos lang ako, ano ka ba!” I laughed to convince her.

Her eyebrows furrowed. “Anzaria, you know you can tell us when there's something bothering you.”

I smiled at her. “Thanks, Ave, but ayos lang talaga ako! Medyo malaki kasi ang nilabas ko kaya ayon. Masakit.” I scratched my head and laughed.

She sighed in defeat, but her eyes tells me she's not convinced. “Fine. Basta bumalik ka na sa table. Nag-aalala na sila sa 'yo.”

Tumango ako. “Oh, sure! Susunod ako.”

She nodded at me, gave me one last glance, before she turned around and left. Napabuga naman ako ng hangin.

She's sharp as always. Nakakatakot din minsan ang mga matataas ang IQ.


You are reading the story above: TeenFic.Net