PrinxeKeith
M.O.L.P

M.O.L.P

246 8 13

Simple at Madali lang ang pamumuhay ng isang Kipp Armund Miles Cabello. Mayaman, Gwapo, Maunawain, Mabait ng kaibigan, Mapagbigay, Talentado, Matalino at masasabi mong perpekto ang kanyang buhay. Kilala bilang Campus Crush ng kanilang eskwelahan. Kukulangin ang bilang ng buhok mo sa ulo sa dami ng babaeng nagkakadarapa sa kanya. Mapa nakaharap na babae o nakatalikod ay nagsisigawan pag nakita siya. Sikat siya sa eskwelahan na pagmamay-ari nila di lang dahil Campus Crush siya, kundi Campus Number One Bully. Mapabagong enroll na estudyante o matagal nang nag aaral sa kanilang eskwelahan ay kanyang binubully, pag gusto niyang pag trippan, pag tritrippan niya. Pero pinangako niya sa sarili niyang titigil siya sa pagiging bully, di para sa kanyang sarili, kundi para sa kanyang pamilya at barkada.Ngunit sa pagpasok ng huling taon niya bilang pagiging Junior High School ay nagawa niyang sirain ang kanyang pangako sa sarili. Darating sa buhay niya ang isang babae na sisira na kanyang pangako. Ang babaeng may lakas ng loob na higitan pa ang kanyang pagiging bully. Ang nagiisang babaeng papatol sa lahat ng kanyang trip. At ang nag iisang babae na magpapatunay sa kanya na di lahat ng gusto niya ay mapapasakanya.…