Mr_pluma_wp
Takipsilim

Takipsilim

62 9 5

Madalas mo sa akin sabihin ang tungkol sa dapithapon,Bakas sa iyong mukha ang ligaya sa tuwing inilalarawan ang mga ito. Kung gaano kakulay at nakabibighani,Ang dagtum na kulay ng alapaap.Takipsilim na pala,Hindi ko namalayan.Maya-maya pa'y sisilip na ang buwan sa kalangitan,Nakaupo Tayo sa labas walang problema't puro lang tawanan.Dakong takipsilim nang biglang dumatingAng oras natin na palaging may taningSa pagbunga ng mga mabangong lilaNakita ang liwanag ng iyong lamparaTumagos sa puso't isip ang bawat kataga,Dahilan upang magising ang aking diwa.Bigla akong napa-isip at tumingala,Kay ganda pagmasdan ng buwan at mga tala.Hindi ko maiwasan na maihambing kita sa buwan,Dahil tulad ng buwan ang ganda mong pagmasdan.Tulad ng buwan ikaw ang aking kapayapaan,Tulad ng buwan di ako magsasawang ibigin ka sa kawalan.Palagi akong makukuntento sa iyong presensya,Takpan ka man ng ulap hahanap-hanapin ka pa rin ng aking mga mata.Palaging sisilip sa bintana makita lang ang 'yong ganda,Palihim na kukunan ng litrato na sana'y maangkin ka.Pagkat ikaw ang araw buwan at takipsilim,Na sa diwa't puso'y di napaparam.Sa mundo'y liham na di ililihim,Na tila tesoro kong ipagyayabang.~"Ang ganda ng mga tala diba?""Oo, parang ikaw.""Anong sinabi mo?""Wala, sabi ko oo maganda."Ako'y nanahimik na lamang at pinagmasdan ang kanyang mukhang na tila animo'y yari sa mga tala't buwan.…