Kabanata 5

Background color
Font
Font size
Line height

Deal



"Perfect!" huling sigaw ni Ariel sa akin.

Malapad akong ngumiti sa kaniya bago ako nilapitan ni Lea at inabot ang isang mineral bottle.

This is the second month of my contract. Masasabi ko talagang nai-enjoy ko ang bawat shoot dahil sa iba't-ibang lugar na pinupuntahan namin.

Pero karamihan talaga ay beaches at iisa lang ang nagmamay-ari.

Nalaman ko rin na, most of the resorts na pinag sho-shootan ay pagmamay-ari lahat ng Villaruz.

Kaya naman nag be-benefits din ang resort na ginagamit.

And through advertising their beach business while endorsing the MU products both companies recompense.

I can't believe na gano'n ka madiskarte ang mga CEO. In one model, two companies will be successfully advertising.

"Miss, Missy, you did a great job again," bati ni Mariella.

Ngumiti ako sa kaniya dahil sa tuwing natatapos ang shoot ay palagi niya akong pinupuri.

"Bakit na naman?" tawa ko.

Sa ilang linggo ko na siyang madalas makasama ay napalapit na rin ako.

Kung tutuusin ang sarap nilang kasama dahil hindi sila nauubusan ng kuwento pagkatapos ng trabaho.

"Mr. Villaruz wants to have a dinner with you. He wants to thank you personally because even their beach resorts ay mas lalong dinadagsa ng mga turista," masayang aniya.

Biglang lumukso sa tuwa ang puso ko.

Dahil maliban sa sikat na negosyante ito ay may taglay rin itong kakisigan at kagwapuhan na isa sa mga pantasya ng kababaihan.

Pero ang balita ko ay ikakasal na dapat ito nang bigla na lamang naudlot. Hindi na nalaman kung bakit dahil wala nang lumabas na impormasyon tungkol sa personal niyang buhay.

Hindi rin naman ako interesado, mga naririnig ko lang sa balita kaya kahit paano ay may alam ako.

Ngumiti ako kay Mariella at tumango. "I'll try to come, just inform me when so I can prepare myself."

Her eyes immediately twinkled.

"Are you ready for tonight? Mr. Villaruz is with Sir Luke," imporma nito.

Nakukuryos na talaga ako sa CEO ng MC na inindorso ko. Sa lahat ng photoshoots na ginagawa namin ay hindi siya nagpakita.

He didn't bother to show up. To show his support in the way of his presence. What kind of CEO is he? Wala man lang pagpapakita ng suporta sa modelo nila.

Ganoon ba siya tumuring ng tao? Kaya siguro tinanggihan ng international model ang mag-indorse sa company niya dahil ang sama ng ugali. Tsk.

"Okay, I think it's way better so I won't be alone with Mr. Villaruz," sabi ko.

Kaysa naman dalawa lang kami ng matandang sir Luke na'yon. Mas mabuti na ring kasama namin si Mr. Villaruz para hindi awkward.

"Sige Miss. I will just inform the two CEOs," kinikilig na sabi niya.

Nang makaalis si Mariella. Mabilis kong sinuot ang beach robe ko at naglalakad-lakad sa gilid ng dagat habang nililipad ng hangin ang mahaba at itim kong buhok na bahagyang kulitot ang dulo at tumatama sa mukha ko.

Hanggang sa huminto ako sa paglalakad nang mapansin na para bang napapalayo na ako sa tent na itinayo nila.

Niyakap ko ang sarili habang patuloy na dinadama ang lamig ng simoy ng hangoin.

Hhumarap ako sa asul na dagat habang nakatingala ang ulo at nakapikit.

Ang payapa ng paligid at tanging maririnig lamang ang mga pagspas na alon ng tubig dagat at ang ibang boses na nanggagaling sa 'di kalayuan mula sa puwesto ko.

Bahagya akong napangiti nang maalala ang nangyari kahapon.

Mr. Troa saved me from my ex-boyfriend who cheated on me before, yet is still obsessed with me.

And I realized, after two years of being in love with him I finally moved on because I didn't feel anything when I saw him.

My heart was beating so fast while thinking of him.

Troa...' I muttered.

It feels like I am always blushing whenever he's around.

Kahit na ang unang engkwentro namin ay hindi maganda dahil nagkasagutan kami.

His physical appearance also was quite familiar.

Parang nakita ko na siya noon pa man kaya lang ay hindi ko lang mawari kung saan nga ba.

Mabilis kong naidilat ang mga mata dahil sa mga naiisip.

No. Hindi mo pa siya nakikita noon. Dahil siguradong hindi ko siya makakalimutan kung nakita ko man siya.

He's handsome, I admit it. But sometimes I don't want him to be quiet and cold when it comes to me.

He was my photographer sometimes if Ariel is not available. He treated all the MC staff nicely, but it's the opposite of me.

He always talks to me with a serious tone. With his unemotional stare and cold treatment.

Hindi ko nga alam kung bakit ganoon siya sa akin. Bilang na lang siguro iyong mga pagkakataon na makikita ko siyang nakangiti... sa iba pa.

I let out a deep breath to calm myself as someone unexpectedly spoke from my behind.

"Why are you alone here?"

Mabilis na pumintig ang puso ko nang marinig ang baritono niyang boses.

Binasa ko ang sariling labi gamit ang dila bago lumingon sa likuran. He just glanced at me quickly before he looked somewhere.

"Nagpapahangin lang, S-Sir-"

"It's Troa," he said.

I chuckled a bit to avoid the awkwardness.

"S-Sige..." I stuttered as I remembered something.

"Do you know, Mr. Luke Manzano?" I suddenly asked out of nowhere.

Hindi naman masamang magtanong. Pero kung hindi siya sasagot, edi huwag.

Nilingon ko siya na nanatiling nakatanaw sa malayo.

Lihim na bumusangot ang mukha ko dahil mukhang hindi naman talaga siya attracted sa ganda ko.

Lagi na lang malayo ang tanaw niya kahit nasa tabi na niya ang magandang imahe.

Napabuntong hininga ako at dismayadong tinanaw ang asul na karagatan.

Nilipad ang buhok ko paharang sa mukha kaya agad ko iyong inipit sa likod ng aking tainga.

"Why? What about him?" seryoso niyang tanong pabalik.

My eyes sighed and traveled back to him but he didn't mind glancing back at me.

Maybe, I was really not attractive to him. I sighed.

"A-Ano kasi... he never showed up during our photo shoot. I was just wondering if he's okay? I mean, is he still strong and can walk properly?"

Napaigtad ako, napabalik-tanaw sa kaniya nang bigla siyang suwabeng humalakhak habang nakatingin na ngayon sa akin.

Napakurap-kurap ako, hindi inaasahan ang kaniyang ginawa.

Sumimangot ako dahil hindi naman nakakatawa ang tanong ko. Pero infairness, ang guwapo niya tumawa. Nakakadala.

But then I still rolled my eyes when he finally stopped laughing. He suddenly gave his full attention to me.

"What do you think about him? Uh, describe him in one word," he said.

Napakagat labi ako habang nag-iisip nang isasagot.

Napakurap-kurap pa ako at hindi na nag dalawang-isip na isaboses ang inaakala.

"Hm, matanda na," I said casually while shrugging my shoulders.

"Shit, what?" I heard him cursing which made me wonder why. I stared at him intently as his jaw clenched.

Tumaas ang kaliwang kilay ko at tumitig sa kaniyang pisikal at doon ko pa lang napansin na naka-topless pala siya at namumutok ang naglalakihang muscles sa katawan pati na rin ang six packs abs na kumikinang dahil sa sikat ng araw.

Napalunok ako habang nakatitig pa rin doon.

Para akong natutuyuan ng laway sa lalamunan habang nakatitig doon. Bakit ngayon ko lang napansin. Ang yummy niya pala.

"You can touch it," he grinned.

Napasinghap ako sa gulat dahil sa sinabi niya kaya agad akong nag-iwas nang tingin sa kaniya at tumingin sa malayo.

Narinig ko pa itong mahinang humalakhak.

"So why are you curious about Mr. Manzano?" he asked instead.

Napangiti ako. "Para hindi na ako magulat mamaya kapag nag-dinner na kami."

"Oh, so you're coming?"

Napabalik tingin ako sa kaniya na may pagtataka sa mukha.

How did he know? Ngunit nang muli siyang ngumiti parang nahulog ang panty ko. Literal na makalaglag panty.

It's a genuine smile that showed all his white teeth. At aakalain mo talagang modelo iyon ng toothpaste dahil sa puti at pantay-pantay niyang ngipin.

"O-Oo."

He chuckled. "So, let's have a deal."

"What deal?" taka kong tanong.

"About Mr. Manzano," he brushed his lips. "Since you don't—"

"Huhulaan ko ba?" agad na tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon pero sa tuwing nagsasalita siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Yes."

Natawa ako.

"Deal," I said confidently. "I bet he's an old man."

His jaw moved as his lips formed a small smile. "What if not?"

"Nah, I'll stick to it," proud na sabi ko.

Wala naman kasi ibang dahilan para hindi ko panindigan iyon.

Lalo na at maraming pagkakataon na puwede siyang magpakita pero hindi niya ginawa.

"If that's what you want then," he faced me and stepped on me closer. "Deal..." he whispered to my ear.

And it makes my sexy body react because of a sudden strange feeling in my whole system.

"P-Paano kapag nahulaan ko? Anong bayad mo?"

Muli niyang binasa ang labi habang nakatitig sa mukha ko.

"What if you're wrong?"

Mabilis na kumabog-kabog ang dibdib ko. Oo nga paano kung hindi naman? Napasinghap ako.

"A-Anong kapalit?" nautal kong tanong.

He smirked as he slowly smirked while intently staring at me.

"Just one kiss from you will do..." he immediately answered as my eyes widened.

"No more reason. That's our deal," he quickly added.

I swallowed hard. "Pero-"

"No more buts. See you later, sweetie," mahinang bulong niya na bakas ang ngiti sa labi bago tumalikod at naglakad papalayo sa akin.

Napatitig ako sa kaniyang likuran at bahagyang natulala.

Tama bang tinanggap ko ang dare? Teka paano kapag ako ang tama anong makukuha ko sa kaniya?

Napabalik ako sa ulirat nang maalala iyon.

Gusto ko pa sana siyang habulin upang tanungin kaso malayo na ito sa akin dahil sa malalaki niyang hakbang.

Hindi pa naman ako sanay maghabol. At hinding-hindi ako maghahabol.

Tumalikod na lang din ako pabalik sa tent. Ilang shoot na lang ay matatapos na ulit ang araw.

May oras pa ako para makapaghanda para sa dinner kasama ang dalawang bigating tao.

After a couple of hours, I already fixed myself. I watched myself reflected in the mirror while confidently smiling.

Siguro naman hindi magtatagal ang dinner na iyon.

Nagsuot lamang ako ng simpleng off shoulder dress na kulay lila at hanggang tuhod ang haba.

I put on light makeup and a nude light tint to show my simple beauty.

Habang nakatitig sa salamin ay hindi ko maiwasan ang mapabusangot.

Maganda naman ako. Sexy. Pero bakit kaya hindi man lang ako magawang titigan ni Troa? Kapag nasa shoot hindi tumatagal ang tingin niya sa akin.

Hindi ko na alam kung bakla ba siya at nai-insecure lang sa ganda ko o talagang hindi niya ako type.

Napabuntong hininga ako at umalis na sa tapat ng salamin.

Hinablot ko ang sling bag na nakapatong sa kama at isinabit sa kaliwang balikat.

Bahala na. Pagkatapos makipag-meet sa dalawang negosyante, dideretso na lang ako sa bar. Sakto at wala na akong shoot dahil next month na ulit.

Humakbang na ako at tuluyan nang lumabas ng kuwarto para magtungo sa napag-usapan na restaurant na ikang metro lamang ang layo dahil nasa resort pa kami ngayon at nasa ibaba lang ang restaurant.

I went inside the restaurant with classic posture and full of confidence. When I arrived at the front door of the restaurant, someone immediately assisted me.

"Miss Aviola?" the waiter asked.

Tumango at ngumiti.

"This way, Miss," anito at inilahad ang kamay sa gilid.

Nagpatiuna siyang naglakad kaya sumunod na lang din ako. At kung hindi ko nagkakamali ay second floor ang tatahakin niya.

Puno ng customer ang restaurant dahil dinner time.

May Mga napapalingon din sa gawi ko at ang iba ay kumukuha pa ng litrato.

Nasanay na rin ako dahil simula nang mag-endorso ako ng produkto ng MC ay bumangon ang pangalan ko at tuluyang nakilala.

Pero dahil maganda ako. Down to earth pa rin. Dahil ang kasikatan ay temporary lamang.

Makalipas ang ilang minuto, hindi ko napansing huminto na ang waiter sa tapat ng bakanteng upuan.

"Here's the reservation table for three, Miss," imporma ng waiter.

Tumango ako sa kaniya at sunod na siyang tumalikod. Napasimangot akong pinagmasdan ang nakareserbang lamesa.

Paghihintay pa nila ako? Ang ganda-ganda ko tapos paghihintayin lang nila ako? My goodness—

"Miss?"

Naputol ang pagmamaktol ko sa isipan nang makarinig nang baritonong tinig mula sa likuran.

Napalunok ako at dahan-dahang lumingon sa pinanggalingan ng boses at tumambad sa akin ang kayumangging mga mata.

Imbis na ngiti ang magawa ko ay napangiwi ako sa pagkapahiya dahil napanganga ako.

"Hi?"

I blinked. "Hello?"

I felt a bit nervous.

He laughed. "You look so nervous, Miss Aviola?"

Tumango ako.

"Yes, Mr. Villaruz..." sambit ko nang makilala siya.

Lumapad ang ngiti niya sa akin at tumango-tango ang ulo. I stared at him for a moment and he looked so formal wearing his black tuxedo.

Sunod niyang nilahad ang kamay sa harapan ko.

"Good evening, Miss Aviola. It's my pleasure to finally meet you. I'm Trevious Villaruz," pagpapakilla niya.

I immediately got back my posture.

"Nice to meet you, Sir. I'm Missy Aviola, MC model," pakilala ko at tinanggap ang kaniyang kamay.

We shake our hands for a moment. Binawi ko na agad iyon dahil sa kabang nararamdaman.

His aura was calm but it's yelling power and a bit intimidating. Kung hindi siya ngumiti ay baka nanginig na ako sa kinaroroonan.

"Oh, let's sit first," aniya.

Bumaling siya sa lamesa at hinila niya ang isang silya. Nilahad niya iyon sa akin kaya umupo na rin ako.

Para akong naging maamong tupa at takot makagawa ng mali.

Inabot niya sa akin ang menu.

"Let's take an order first while waiting for Luke. He will be here in a minute," he said.

Tamango na lang din ako dahil wala akong masabi.

Bumaling ako sa kaniya na tumitingin sa menu kaya ginaya ko na lang siya.

Yumuko ako at tinitingnan ang mga bestseller ng restaurant pero mukhang lahat naman ng dish ay masarap.

Habang patuloy na tumitingin sa menu ay saktong lumitaw ang isang pamilyar na tinig.

"Am I late?"

"Not so, dude. I just arrived in a few minutes," Mr. Villaruz responded.

Agad na umangat ang ulo ko.

Napaawang ang labi ko at dahan-dahang lumingon sa aking likuran kasabay nang panlalaki ng mga mata.

"I-Ikaw?"

He smirked. "Yes..."

I swallowed. "How?"

He cleared his throat as soon as he smirked widely while staring at me triumphantly.

He licked his lips as his brows furrowed. Gumapang ang kamay sa dulo ng kaniyang suot na tuxedo at inayos ito. Sunod na lumipad ang kaniyang kamay sa suot na necktie, inayos niya rin ito habang nakatitig sa akin.

Napanganga ako lalo.

"I am Luke Troa Manzano. And nice meeting you again, Miss Missy Kaye Aviola..." he said and made me gasp in surprise.

You are reading the story above: TeenFic.Net