Luna's POV
"Dexter.. . Patuloy ang pag lapit niya sakin hanggang ako naman ay wala ng maatrasan pa. "Dexter ano ba ha anong balak mo !? ".
"Chill i just want to ask you kung bakit parang iniiwasan moko ayun lang bakit kaba takot na takot sa akin ha ? May problema ba ? Sakin ? ". Sambit nito.
Ah.. ay nako jusko ka Luna mag tatanong lang pala pero paano ko sasagutin yung tinatanong Niya sakin .
"Kasi narinig ko na may kausap ka sa Cellphone mo at mukang ikaw ang may kinalaman ng mga nangyayari samin ngayon ! ".
"Ano !? Nakikinig ka sa kinakausap ko ! ". Imahinasyon ko lang ito pero mukang hindi okay.
Nako hindi ko naman yan pwede sabihin baka naman may gawin na siya sa amin na matindi.
Dapat iba pero ano !?. Ilang segundo ako na nahimik dahil hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko ng ..
Alam kona !
"Ha !? Eh hindi naman kita iniiwasan ah , bakit sa tingin moba iniiwasan kita ha ?". Ayun ang nasabi ko.
"Ah oo kasi parati kang lumalayo sa akin gusto ko lang naman makipaglapit pa sayo para mas makilala kita ng sobra... Sobra".
"Ano ka ba naman hindi kita iniiwasan wag kang mag alala noh". Tinapik ko ang kaniyang braso.
"Teka may dahilan ba ako para iwasan ka ?". Unti unti ko siyang pinapakagat sa mga pain ko gamit ang aking mga salita.
"Wa.. wala naman ". Sambit nito ay nag pekeng ngiti na ako.
" Ah mabuti naman. Gusto ko nga din kita na mas maging close eh baka akala mo lang kasi medyo matamlay ako pero hindi never ikaw ba naman iiwasan kopa eh ang pogi pogi mo ". He smile and i smile too.
"Ha Ay ganon ba.. si.. sige sorry balik na ako dun ". Inopen na nito ang pinto at Lumabas na.
Pagkalabas na pagkalabas niya ay nag iba agad ang aking espresyon hindi na ako nakangiti nanlilisik na ang aking nga mata sa galit.
Nag mamaang maangan pa siya. Ngayon ang Kailangan ko ay wag na mag pahalata at paaminin siya ng tuloy tuloy.
Huminga ako ng malalim at sinabi na..
SUCCESS.
Athena's POV
Ngayon ako ay nasa Hospital na. Ako ay Kumakain ng baon ko na pagkain na Adobo. Kaganina kasi sa bahay ay nag try ako magluto at masarap naman siya.
Nakaupo ako sa may Upuan malapit kay Renz. Patuloy lang ako sa pagkain kasi gutom narin talaga ako jusko ilang oras rin kasi ang aking nilaan para lang sa adobo na ito.
Andami dami kong mali hays Pero kahit ganon ay masaya parin ako dahil nakaluto ako ng Adobo.
Nang tatayo na sana ako ay may biglang humawak ng aking mga kamay. Si Renz. Nagulat ako at kumuha agad ako ng tubig dahil ako ay nabulunan. "Re.. Renz ! Mabuti naman at nagising kana". Sambit ko ng nakatapos na akong uminom ng tubig.
"O.. okay kana ba ? Anong Nararamdaman mo !? ". Tanong ko.
"Im.. im okay now".
"Mabuti naman sige tatawagin ko lang sila Tita Para malaman nila na gising kana ". Tumango lamang siya.
Agad akong lumabas at hinanap sina Tita. Habang patuloy ko silang hinahanap ay nakita ko sa may Salamin na nakakakita sa labas ay sila ay Nakain sa isang Restaurant. Agad akong bumaba.
Nakita nila agad ako kaya naman ako ay dumiretso na. "Oh bakit Athena nakain lang kami at kaganina naman ay nakita ko na nanduon ka". Si Tita
"Ah okay po may sasabihin po ako sa inyo eh".
"Oh ano bayon ?". Si Tito.
"Gising napo si Renz". Agad silang napatayo dahil sa gulat. "Ano ?! Sige sige tara na pumunta ma tayo sa kaniya".
Tumango lang ako. Ng makarating na agad kami ay niyakap agad nila Tita at Tito si Renz na nagpalambot ng puso ko dahil kahit hindi nila totoong anak si Renz ay kitang kita ko parin sa kanila , sa mga mata nila na mahal na mahal nila si Renz.
Luna's POV
Natapos na ang pagtulong namin sa pag dedesign at dumating narin naman kasi ang mga designer kaya naman di na kami pa Umepal don.
Kami ay nasa ikalawang palapag. Nag iikot ikot kami dahil Gusto lang namin makita uli ang paligid. Nakita ko ang isa sa mga kwarto kaya naman ako ay pumasok nadon. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko ang isang malawak na kama.
Pumasok ako at umupo sa may kama. Pumikit ako para kumalma muna. habang ako ay patuloy sa pagkalma dahil sa mga nalalaman ko ngayon ay Nagulat ako ng may biglang sumigaw sa labas. Lumabas agad ako at nakita ko na nakahandusay si Thirdy.
Agad akong nagulat at tumakbo papunta sa kaniya. Nanginginig ako habang patuloy sa pag alog sa kaniya para siya ay magising.
"Huy ! Thirdy! Tulong! Bea nasan kayo !? ". Paulit ulit akong nag sisisigaw.
Narinig ko na may mga tumakbo narin ang mga nag dedesign. " BOO !". Nagulat ako ng bigla nalang nag salita si Thirdy at tumawa lumabas narin sila Bea na nagtatago kaganina. Napagtanto ko na lang na...
"Sh*t ! Thirdy that's not funny okay ! All of you ! Alam niyo naman na pwede talaga yon mangyari satin !". Nanahimik silang lahat.
Bumaba na muli ang mga nag dedesign.
"Paano kung totoo talaga yon ha ! Please guys umayos naman kayo Hindi siya nakakatawa ! Hinding hindi ! ". Lumapit sila sa akin habang ako ay nakatingin lang sa may sahig at nakabusangot.
"Uy Sorry na Luna". Tumingin ako kay Bea. "Idea ko yun ako nag sabi sorry , sorry dahil naisip ko pa na iprank ka sorry talaga". Bumuntong hininga ako bago mag salita.
"Hays oo na halika nga dito ". Niyakap niya ako. Sila naman ay nagulat ako ng yumakap narin.
Athena's POV
Ako ngayon ay nag lalakad. Pinagmamasdan ko ang lugar kung saan nasaksak si Renz. Sinusubukan ko kasing makakita ng Cctv dahil gusto ko talagang malaman kung magnanakaw lang ba talaga siya o siya ang nagawa samin dati pa.
Ng medyo nakadulo na ako ay nagulat ako ng may nakita akong cctv. Tinignan ko ito at sinusubukan kong itest kung abot ba dun sa pwesto kung saan nakalaban ni Renz yung magnanakaw.
Agad akong nagtanong tanong kung saan ba pwede makita ang cctv hanggang sa may nakita akong Matandang lalaki parang Mga 35 years old narin siya. Agad naman na akong lumapit para tanungin siya.
"Uhm hello po kuya". sambit ko habang siya ay nginunguya ang burger na dala niya. " Uhm alam niyo po ba kung saan po pwede mapanood yung mga cctv po". Pagkasabi na pagsabi ko ay muka siyang nagulat.
Uminom kaagad siya ng tubig. "Teka teka bawal yan ah". Sabi ni Kuya.
"Uhm please napo kuya may sumusubok po kasi na pumatay sa mga kaibigan ko at Kailangan ko silang mapagtanggol kung malalaman po namin kung sino ang gumawa non ay maaari napo siyang makulong kaya nakikiusap po ako".
Tumingin lang muna siya sa akin. "Alam mo swerte ka dahil ako ang tagabantay ng mga cctv dito". Pagkasabi na pagkasabi palang ni Kuya ay napangiti na agad ako.
"Ta.. talaga po edi tutulungan niyo po ako ?".
"Hays oo na oh siya halika na". Tinignan ko muna ang cctv sa may itaas ko.
Umakyat kami sa ikalawang palapag sa gilid kung saan kami nag usap. Pagkapasok na pagkapasok namin ay umupo na agad siya sa may upuan at nag salita na.
Nasa gilid niya ako habang siya ay tinitignan ang mga cctv video mula sa labas.
"Ano ba kasing nangyari ?". Tanong agad sakin ni kuya. " Uhm yung Bo.. boyfriend kopo ay nasaksak hindi po ako sure kung mag nanakaw lang poba siya o plano lang ng Nagawa samin ang gumawa non.
"Kailan ba yun nangyari ha ?".
" Kagahapon lang po siya nangyari". Sagot ko.
"Sa tingin mo mga anong oras to nangyari ?". Nag isip muna ako bago mag salita.
"Uhm siguro po mga 11 napo yun ng gabi kakatapos lang po kasi namin kumain". Sabi ko habang siya ay hinahanap na.
Habang hinahanap niya ay nakita ko na ang pangyayari na naganap nung nanakawan ako. Nakita ko na may suot ang magnanakaw ng black na jacker at black na parang maskara at ang nakikita lang ang mata pero itoy tela.
"Ayan po ! ". Agad kong turo. "Kami po yan. Paki fast forward nga po". Agad naman itong sinunod ni kuya. Nakita kona ang magnanakaw na nakatakbo na. Nagulat ako ng umistop siya bigla.
"Yan kuya wait yung original speed lang po". Habang pinapanood namin ay siya ay nahinga at may biglang tinawagan.
"Kuya stop mopo. Paki zoom nga po". Na Zoom na niya. "Oh bakit ba para san?".
"Uhm Kuya nakita niyo po ba hindi... Hindi panglalake ang katawan niya kundi pambabae. Pero magaling siya makipag laban eh babae lang siya pero magaling siya".
"Oo nga noh. Ano play kona ". Tumango naman ako ng sinabi niya ito. Patuloy kami sa panonood ng binaba na niya ang call nagulat ako ng...
"Kuya ayan na ! Aalisin niya yung suot niyang black na mask ! ". Habang sa unti unti niyang pag alis ay nakakaramdam na ako ng paunti unting kaba dahil malalaman na namin ito.
Ng malapit na niyang maalis ay nagulat nalang ako ng bigla itong nag lag. "Ku.. kuya ano.. ano pong nangyayari ?".
"Nag lag kasi diyan sa time ata nayan eh nako pasensya na Bata ". Tumango na lamang ako.
Ng nakalabas na ako ah patuloy ako sa pagsasabi ko sa sarili ko naa..
"Malapit na eh malapit ko ng malaman kung sino yun. Malalaman ko na dapat kung sino ! ". Habang ako ay nakatingin lang sa sahig ay nagulat ako ng may bigla akong naka bangga.
Ako ay natapilok pero siya ay tuloy tuloy lang sa paglalakad siya ay nakapang trabaho na suot pero mukang kaedaran lang namin siya. Di kona ito napansin. Ng tatayo na ako ay bigla kong nakita ang isang wallet.
Pagkaopen na pagkaopen ko ay nakita ko ang mukha ng babae. Ang nakabangga ko kaganina. Agad akong naglakad ng mabilis para habulin siya. Nakita ko siya na pumasok sa isang Cake store.
Pagkapasok ko ay nakita ko na maraming tao sa loob nito at nakita ko rin siya na nasa may cashier, siya ay nagaayos ng mga pera. Wala namang customer na nakapila kaya nag lakad nako para ibigay sa kaniya ang wallet niya.
"Uhm hello po". Tumingin siya sakin ng nag salita ako. "Hello din po what's your order po ?".
"Ay hindi ako bibili nalaglag kasi yung wallet mo kaganina. Ako yung nakabangga mo - ". Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na niya ito kinuha mula sa nga kamay ko.
"Ayun akala ko ay nawala kona. Thank you ah". Ngumiti lang ako.
"Your welcome". Napagpasiyahan ko ng umalis.
Luna's POV
Ngayon ay hapon na. Ang mga lalake ay umuwi na. Ako naman ay kasama pa si Bea sa Bahay nila.
"Bea dali na. Pakita na ng Dress mo !". Pag pipilit ko sa kaniya habang ngininginig ko siya.
"Eh ayaw ko mamaya na para surprise". Ngumiti siya.
"Ay nako ano ba naman yan sige na nga".
Naisip ko bigla kung sasabihin ko naba sa kaniya ang narinig ko kay Dexter. Kailangan niya rin siguro malaman.
"Uhm Bea ".
"Oh bakit ?".
"Wa.. wala ". Ngumiti lang siya. Sa tingin ko ay hindi na niya kailangan pang malaman dahil baka hindi pa maging maayos ang birthday niya.
Masaya pa naman siya ngayon ayaw ko naman yun sirain. Hindi na muna. Hindi pa pag may sapat na akong Ebidensya. Kay Athena ko nalang din muna sasabihin mamaya sa party na magaganap.
Bumuntong hininga muna ako bago lumabas ng kwarto ni Bea. Pagkababa ko ay nakita ko na agad na niyakap ni Bea ang nanay tatay niya.
Nakita nila ako at ako ay nakangiti lang. " Uhm sure ba kayong dadating ang mga inimbita niyo ? ". Si Tita.
"Opo ma chinat kona rin po sila sabi naman po nila ay makakapunta silang Lahat".
Ako ngayon ay nakababa na.
"Gusto mo bang puntahan sila Athena sa hospital". Sabi bigla ni Bea na napangiti napangiti sa akin.
Tumango agad ako ng may ngiti sa aking mga labi.
***
"Uy Athena nasa ka ngayon ? " Ngayon ay magka video call kami. Si Bea at ako ay nag pahatid na sa may hospital dahil nga Syempre bibisitahin namin sila. Kami ay nasa kotse at patuloy lang sa Pag drive ang driver ni Bea.
"Ay ano papunta na ako ng hospital sinabi ko narin naman sa mga magulang ko na ayun may binabantayan ako ngayon". Tumango lang kami ni Bea.
"Ah okay sige punta narin kami jan tagal na natin di nakakasamang tatlo eh". Tinignan ko si Bea.
"Oh tignan mo tuloy si Bea oh ang lungkot na". Agad kaming tatlo nagtawanan. " Ay sorry Bea huwag ka mag alala dahil lilibre kita - ay ikaw pala mayaman kanaman eh". Nag tawanan muli kami.
"Oh sige na mag kita nalang tayo sa pinaka harap ng hospital nayan. Teka ano ba pangalan niyang hospital nayan uli ? ". Sambit ni Bea.
May bigla tuloy akong napaisip na kamusta na kaya ngayon ang Bail Hospital. Kamusta na kaya si Ace. " Sa ano to Apex Hospital". Agad na sabi ni Athena na nagpatigil sakin sa pag iisip.
"Sige Babye na".
Pagkababa ko sa tawag ay biglang may nag chat sakin.
Papa: Anak. Nakulong na yung muntik gumahasa sayo marami naman daw kasing nakakita kaya natapos na agad nakulong na. Sige na nak gusto ko lang sabihin sayo. Mag iingat ka diyan.
Nung makita ko yun ay napanhinga na ako ng maluwag dahil natapos na ang kaso nayon.
Kuya's POV
Nung umalis na ang babae na nag makiusap sakin na ipakita ko ang cctv . Kinuha ko agad ang Cellphone ko at tumawag na agad agad ako.
"Nagawa moba yung pinapagawa ko ?".
"Oo nagawa ko. Hindi naman niya nakita kung sino ka talaga".
"Very good. Ibibigay kona ang bayad sa iyo galing sa savings ko".
"Mabuti naman sige sige salamat".
Binaba ko na ang tawag.
"Hoo .. easy money'. Ang dali namang nauto ng babaeng yon tsk kala niya talaga eh inedit ko na naman yun incase na may dumating Ha ! Dumating nga talaga tsk !.
Author :
Dont Forget to vote this chapter and Comment a Review of this Chapter. If you do that im more encourage to continue this story until the end. Thank you very much.
You are reading the story above: TeenFic.Net