Luna's POV
Tinignan ko ito at bumaba ng kaunti. Ng tumingin ako ay nagulat ako kung sino iyon.
Bigla ako may natabig sa may gilid ko sa Kaliwa. Ito ay Plastic Bottle na may kaunting Tubig.
Third POV
Agad na narinig nung tao kaya naman agad itong tumingin ang kung sino ang nakadali. Binaba na muna niya ang Cellphone na kaniyang hawak sa may Lamesa.
Nalaglag sa Ikatlong palapag ang bote. Kinuha niya ito at tinignan. Binaba niya ito at nag patuloy sa pag lalakad. Una niyang tinignan ang kwarto kung nasan ang mga lalake.
Pagkaopen nito ng dahan dahan ay wala naman itong nahalata. Agad naman na itong dumeretso sa may pambabae kung nasaan ang babae.
Ng ioopen na niya ito ay...
Luna's POV
Ako ngayon ay nag tatago sa may dulo malayo sa aming kwarto. Nakita ko siya na tumingin na sa Kwarto ng pamlalake.
Ibig sabihin sa pambabae na.
Malalaman niya kung sino ang nakadali. Malalaman niya kung sino ang nakalaman nun.
Agad na siyang nag lakad. Ngayon ay kinakabahan na ako. Pinag papawisan. Habang tinitignan ko siya ay may naisip akong paraan.
Kailangan ay may maibato akong gamit sa may hagdan para siya ay bumababa para ito ay tignan. Pag tinignan niya yun ay makakabalik na ako sa Kwarto.
Agad akong nag hanap. Ng ioopen na niya ay may nakita akong isang piraso ng lego.
Agad ko itong binato na nakagawa naman ng Ingay. Napatingin siya dun at tuluyan siyang bumaba.
Successful.
Huminga ako ng sobrang lalim habang napikit bago tuluyang pumunta ron.
Nag umpisa na akong mag lakad ng dahan dahan.
Third POV
Napagtanto nung tao na wala naman ito nung bumaba siya kaya muli siyang umakyat para tignan kung nasan ang mga babae.
Ng inopen niya ito ay wala naman siyang nakitang kabahabahala kaya naman tumuloy na siya sa pag baba.
Luna's POV
Nang sinara na niya ay dumilat na ako. Patuloy ang hinga ko na puno ng kaba dahil muntik na niyang malaman.
At napasabi ako sa aking sarili na.
"Sino ka nga ba talaga ? Mukang hindi pa talaga kita lubusang kilala. DEXTER SANDER".
***
Nagising nalang ako ng naramdaman ko ang lamig sa loob ng kwarto kung san kami natutulog.
Mayroon kasi ritong Aircon kaya naman napakalamig. Kinamot kamot ko muna ang aking mga mata bago tumayo sa kinauupuan ko.
Nakita ko si Bea na natutulog pa at mukang sarap na sarap pa sa pag tulog. Nahilik pa nga eh.
Habang naunat- unat ako ay hindi ko parin malubusang isipin kung Siya ba talaga ang may pakana sa mga nangyayari samin ngayon.
Hays litong lito nako.
Inopen kona ang pinto at ako ay bumaba na agad agad. Nakita ko na mayroon ng nakahanda na pagkain sa may Lamesa na Itlog , Fried Rice , corned beef , At hotdog.
Agad akong napangiti dahil mayroon ng pagkain sakto at ako ay nakakaramdam na ng gutom.
Ng makababa ako ay nakita ko na walang tao. Agad akong umupo sa may Upuan. Kinuha ko agad ang isang plato na mag kakaayos na.
Tinabi ko lang sakin ng kaunti. Kinuha ko agad ang Lalagyan ng Fried rice at nag simula ng mag sandok. Nag lagay narin ako ng Itlog , At Hotdog.
Habang ako ay nakain ay nagulat ako ng may biglang lumabas mula sa banyo. Napagtanto ko na ito ay si Liam.
Ito ay kakahugas lamang ng kamay.
Mukang siya ang nagluto.
"Oh hello Luna gising kana pala. Pasensiya na ah nag luto nako nag kalkal muna ako sa may Ref nila Bea para pagkagising niyo ay may nakahanda ng pagkain sa inyo ". Agad akong napangiti habang nginunguya ang nasa loob ng bibig ko
"Uy Thank you ah masarap sakto nagugutom narin ako eh salamat. Mukang di naman ata magagalit si Bea marami naman silang pambili eh ". Kami ay nag tawanan.
Umupo siya sa may tabi ko at nag simula naring kumain. Habang kami ay nag kukuwentuhan ay may narinig kaming yabag sa hagdan na nakakuha agad ng aming atensiyon.
Tinignan namin ito at ito pala ay si Thirdy. Pag kakapogi.
Ng makababa siya ay agad siyang umupo. Siya ay kaharap ko at si Liam naman ay katabi ko.
"Hello Luna Good morning". Sambit ni Thirdy at ngumiti. Ngumiti rin ako.
"Good morning". Sagot ko.
Kami ay patuloy na nakain ay napag desiyunan ko na pumunta muna sa may taas para tawagin na si Bea para kumain.
Ng ioopen Kona ang pinto nito ay Bigla namang bumukas ang pinto kung nasan sila Dexter.
Pagkaopen nito ay nakita ko na ito ay si Dexter. Agad akong Nakaramdam ng kaba. Mukang hindi ko muna siya Kailangan pagkatiwalaan lalo't na siya ang narinig ko na may kausap.
Pwede siya ang may pakana nitong lahat. Ang naiisip ko nalang ay Kailangan kong mag ingat sa kaniya.
"Good morning Luna". Sambit nito. Ngumiti na naman ako pero pilit dahil nga may Trust issue na ako sa kaniya.
Ako ay kumaway lang sa kaniya at pumasok na agad ako sa kwarto kung nasan si Bea.
Pagkapasok ko ay Ramdam ko parin ang kaba. Napaisip tuloy ako na.
Matatapos nato. Malapit na malapit na. Malalaman na namin.
Hays inumpisahan ko ng gisingin si Bea.
Thirdy's POV
Habang kami ay nakain ay bumaba na si Dexter. Kumain narin siya at lahat kami ay tahimik lamang.
Walang kibuan.
Tinry kong mag salita para mawala naman ang katahimikan naming lahat.
"Hello sa inyo. Gusto ko lang naman magtanong kung...
Agad silang napatingin sakin. Ang naiisipan kong sabihin at diretsuhan sila na kung may gusto ba sila kay Luna. Dahil ako.
Dahil ako ay Oo.
"Gusto niyo ba talaga si Luna? ". Sambit ko na ikinagulat nila dahil sa sinabi ko.
"Kasi ako ay Oo. Uumpisahan ko na ang panliligaw kay Luna dahil gusto ko siya na ang maging girlfriend ko". Sa pagkakasalita ko ay tahimik parin sila.
"Oo". Sambit ni Liam na ikinagulat ko.
Mukang gusto niya talaga si Luna.
"Gusto ko siya dahil naging mabait siya sa akin. Pinaalala niya sakin na kahit maraming pinagdadaanan ay kapag kasama mo ang mahal mo ay malalagpasan mo to. I love her". Liam said.
I suddenly laughed.
"Ang Corny mo boy. Ako gusto ko siya. Gustong gusto ko siya". I said.
"Tsk ". Yun lang na sabi niya.
" Eh kayo gusto niyo rin ba si Luna- ". Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng May bumaba na naman.
Si James.
"Ako Gusto ko si Luna. Balak narin akong manligaw sa kaniya". Sambit ni James.
Nakababa na siya at umupo narin. Katabi ko si Liam , James , At ako. Ang nasa kabila naman na kaharap namin ay Sila Luna kung san siya nakaupo.
"Alam niyo lahat tayo ay gusto si Luna. I think. ..I think the best man will win". Dexter said that smile at me.
"The Best man will win and im gonna win". I said with proud Face.
"The Best man will win". Si Liam naman.
"The best man will Win ". Sagot naman ni James.
"Huy grabe naman kayo hindi niyo manlang kami inintay". Luna smile kasama si Bea habang pababa.
Ang Cute Niya talaga.
Luna's POV
"Huy grabe naman kayo hindi niyo manlang kami hinintay".
"Ay pasensya na Luna gutom na kami eh ". Nagtawanan sila na nag patawa rin samin ni Bea.
"Hays nahirapan kasi ako dito kay Bea gising ang tagal tagal sobrang dami pang arte ".
Tinignan ko siya at nakita ko siya na nahikab pa.
Luna's POV FlashBack
"Huy Bea ano gumising kana". Sambit ko habang kinukulit ko pa siya habang siya naman ay naayaw.
"Eh mamaya na inaantok na ako eh mamaya na bala ka jan ". Si Bea
"Huy ano ha ?! birthday mo ngayon ah Ano nakalimutan mona ba ha !?". Sabi ko na ikinagulat niya.
Mukang nakalimutan niya na kaarawan niya ngayon hays Bea.
"Ay Birthday koba ngayon?!".
"Abay oo Bea. 18th Birthday mona ngayon ah".
"Ay Oo nga noh hays tara na nga para mamaya ay puntahan na natin yung Mansion kung saan magaganap Birthday ko. Ay Teka Luna pwede ba tayo tumulong don maganda kasi kung tutulong tayo. Para diba bonding narin natin he". Ngumiti siya na parang pipilitin niya pa ako.
Wala na akong nagawa kaya umoo nalang agad ako para makababa narin kami.
"Hays Sige na nga ". Sambit ko at Bigla naman niya akong niyakap.
"Yiee thank you". Si Bea.
"Anything for our Birthday girl". She smile that make me smile too.
Agad namang nag ring ang cellphone ni Bea. Kinuha niya ito agad at nalaman na ito ay Si Tita.
Sinagot niya ito at Nag salita agad sila tita. " Happy Birthday Anak ". Rinig ko. Si Tita at si Tito.
"Thank you po ma , pa". Agad siyang tumabi sa akin para makita rin ako sa camera.
"Pa , ma si Luna po oh".
"Ay hello po Tita , Tito ". Ngumiti naman sila At kumaway agad sila sa akin.
"Ay Teka nasan na ang mga iba niyong kaibigan ? ". Tanong ni Tita.
"Ay nandun napo nakain napo sila tinawag ko lang po ito natutulog papo kasi ". Sagot ko.
"Ah okay sige mamaya naman ay uuwi narin naman kami ng papa mo Bea. Yung mga na invite mo okay naba ha ? ". Tanong ni Tito
"Ay opo chinat kona po sila makakapunta na daw po sila".
"Ok ok sige babye anak Happy birthday ".
"Thank you po. Ingat po kayo ".
"Oh ayan tapos na tara na at bumaba na tayo ".
"Oo na bababa na".
Luna's POV Back in present
"Happy Birthday Bea". Bati nila.
"1 2 3. HAPPY BIRTHDAY TO YOU , HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU! ". Kanta namin na ikinangiti ni Bea.
Ngayon ay napaka espesyal dahil kaarawan na ni Bea ngayon dahil isa rin siya sa pinakamahalaga sa akin hindi ko lang siya basta kaibigan. Naging kapatid kona rin siya.
"Mamaya ah pupunta tayo kung saan gaganapin ang party ko okay ". Tumango lang sila kay Bea
Ng bumaba na kami mula sa hagdan at nag simula ng kumain ay nakita ko si Dexter na nakatingin sa akin.
Pinunta ko agad ang tingin ko sa aking kinakain dahil Pwede nga na siya ang mastermind.
Pero hindi pa kulang ang mga narinig ko. Kailangan ko ng sapat na Ebidensya.
Kailangan ko rin siyang iwasan.
Wala na kaming ligo ligo at pinakuha na ni Bea ang sasakyan para kami ay makapunta na sa Mansion
Habang inaandar na ang kotse para makasakay na kami ay napagpasiyahan ko na tawagan na si Athena. Wala narin kasi kaming contact kagabi.
Athena's POV
Nagising nalang ako ng bigla ng nagriring ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at nalaman ko na ito pala ay si Luna.
Umupo na muna ako sa aking kama bago tuluyang sagutin ang tawag. Ng sinagot ko ito agad akong nag salita
"Oh hello Luna. Kamusta na ? ". Sabi ko na medyo may pagkatamlay
"Ikaw kamusta ka ? ". Tanong sakin ni Luna.
"Uy hello Athena this day is my Birthday! ". Sambit ni Bea na napangiti sa akin. Ngayon kolang naalala na kaarawan niya pala ngayon.
Sa sobrang dami kasi na kinakaharap namin parang hindi ko na ata kaya talaga mag saya pa.
Wala ba kaming karapatan na sumaya manlang?.
"Happy Birthday sayo Bea. Miss ko na kayo ". Ako.
"Alam mo miss na miss ka narin namin Athena diba Bea".
"Oo naman sobra". Ang mga salitang yun ang nag Pangiti sa akin. Napatunayan ko lang talaga na sila ay mga totoo kong kaibigan.
Kaibigan ko na maaasahan , hindi ako iniwan.
"Uy Athena. Makakapunta kaba ha ? Kasi kung hindi mag tatampo ako sayo ". Rinig ko na sabi ni Bea
Alam ko sa sarili ko na ayaw ko munang mag saya. Ayaw ko muna maging masaya. Ngayon ay sinisisi ko ang sarili ko kasi dahil sa akin kaya napahamak si Renz.
Pero dahil kaarawan naman ni Bea ay i want to be with her. "Oo sige pupunta ako ". Sinalita ko.
Agad naman siyang natuwa. " Oh sige mamaya nalang ah pupuntahan lang namin ang mansion kung saan gaganapin".
"Oo sige pupunta rin naman ako eh kay Renz - ". Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may biglang sinabi si Luna na parang bulong para ako lang ang makarinig
Nang narinig ko ang sinabi niya ay nagulat ako sa kaniyang mga sinabi.
"Athena.. mukang alam kona kung sino ang mastermind sa mga nangyayari satin ".
"A.. ano ?! Si.. sino !? ". Ako ay napatayo na sa may sahig dahil sa gulat.
"Pag nasa party na tayo sasabihin ko lahat sayo ".
Gusto ko sana na malaman na ngayon pero mas maganda kung sa personal ko siya malalaman.
"O.. oo sige sige mamaya nalang". Ng binaba ko na ang Tawag ay Ramdam na ramdam ko na papalapit na ang pagtatapos dahil malalaman na namin kung sino ba talaga ang mastermind nito.
***
Habang naandar na ang Trycycle kung saan ako nakasakay papunta sa hospital ay hindi ko maiwasang isipin kung sino ba talaga yun.
Bat kasi di niya pa sinabi sa akin eh.
Ng makarating na ako ay agad agad na akong pumunta sa hospital para tignan si Renz. Ngayon ay may kwarto na siya. Siya ngayon ay natutulog.
Pumasok agad ako at umupo sa may tabi ni Renz. Tinitignan ko lang siya ng matagal.
Umalis na muna ako para pumunta muli sa 7-11 para dun nalang bumili di pa kasi ako kumakainbmg tanghalian ko eh.
Patuloy ako sa pamimili sa mga juice ng may bigla akong naisip. Pinag sunod sunod ko ang mga nangyari sa amin at ako ay may nasabi nalang na hindi ko pinagsisisihan dahil mukang tama ang aking mga sinabi .
"Teka.. hindi ba masyado namang coincidence ang nangyari ?! Baka maaaring ang nangyari kay Renz ay planado lang nila !? Baka ito ay pakana lang nila para mag kagulo-gulo kami !? ".
Luna's POV
Ng nakababa na kami ay napagtanto ko nalang na napakalaki ng Mansion na ito. Pumasok agad kami at nakita namin na mayroon pa lamang mga lobo sa may itaas
Napagpasiyahan nga kasi namin na kami ay tutulong kaya naman nag simula na kaming mag palobo at itali at idikit ito sa mga pader.
Wala ang mga nag aayos. Mukang umuwi. Habang ako ay nag didikit ng mga lobo ay Nararamdaman ko na parang dumidikit ng dumikit sa akin si Dexter.
Ako naman na iwas ng iwas sa kaniya. Bawat urong ko siya ay nasunod parin. Pinag papawisan na ako dahil sa kaba.
Ng ilang beses parin siya sa pag sunod ay binitawan ko na agad ang lobo na ididikit ko palang.
"Bea.. punta muna ako sa.. sa kusina ah iinom lang ako ng tubig ". Sambit ko na may pagkautal habang si Bea ay naka upo sa sahig habang nagpapalobo.
"Ah ok sige ayan oh diyan ka pumasok". Tumango naman ako at dumiretso na.
Pag kaopen ko ng pintuan ay Kumuha muna ako ng baso pagkatapos non inopen ko agad ang ref at kumuha agad ako ng pitsel.
Ng matapos na ako uminom ay balak ko na sanang lumabas ng pagkaharap ko ay Napansin ko na nilock ito ni Dexter.
Ngayon ay kasama ko siya dito sa may kusina. Tinignan ko ang kaniyang mga mata na parang nanlilisik na nagpakaba sa akin ng sobra
Nanatili lang ako sa pwesto ko maliban lang sa kaniya na lapit ng lapit sa akin.
"De.. Dexter.. a.. anong balak mong gawin sakin !? ". Patuloy ang Pag lapit Niya.
"I just want to ask you one Thing".
"Dexter ano yun !? ".
"DEXTER !"
Author :
Dont Forget to vote this chapter and Comment a Review of this Chapter. If you do that im more encourage to continue this story until the end. Thank you very much.
You are reading the story above: TeenFic.Net