GALIT NA GALIT ANG LANGIT PART 2

Background color
Font
Font size
Line height

GALIT NA GALIT ANG LANGIT PART 2.

I. https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1737866949714238/

*SUKOB SA BUWAN*

Hello guys, namiss ko kayo. Si FAith po from Pampanga. 2 days din
akong di nakapag-send ng story, busy kasi pag weekends. Eto na ang part 2 na pinangako ko sa inyo. BTW, hello kina Ms. Gemma Mc Eachren Aguirre, Ms. Midori Murasaki, Ms. Camille Joyce and Ms. Leila Ronquillo Santos. Kay Ms. Angie Apales Ramirez, hindi po si  Fatima ang sender. Siya po ang nasa kuwento. Shout out kay Ms. Fatima Botin Velasquez na palaging nakasubaybay sa mga stories ko, pasensiya na girl kung kapangalan mo yung babae sa kwento kong Babaeng Pinaanak Ang Sarili. Hello rin kay Rona Alvarina na kapanngalan ng Bff ko. Lastly kay Gretch, na miss ko ang comments mo sa mga stories ko. Siyempre sa aking mga CABALEN, na walang sawang magbasa sa mga kwento ko, salamat kekayu neh.

O eto na ang kuwento.

Tumuloy na kaming umuwi ni Sam, (ng baby ko) sa Angeles City ng makapagpalit kami ng damit, humiram na lang kami. Kasi pati damit sa loob ng bag namin nabasa ang laman. Palabas na kami ng pinto nun ng tinawag ako ni Ate Donna at niyakap ako, nagpasalamat siya sa akin. Ang sabi nya ay pasyalan ko daw siya minsan. Sabi ko naman oo.

Ng gabing yun ay malungkot ang lahat,(magkatext kami ni Sarah)yung iba kong mga kapatid at pamangkin dun na natulog, pati si Sarah. Ganun talaga sa isang pamilya, pag may nawala yung mga naiwan parang ayaw maghiwa-hiwalay. Para bang gusto nilang bigyan ng lakas at tapang ang isa't-isa.

Bigla nalang daw nangamoy ng kandila at ang mga bata ay natakot. Tapos nakasindi ang ilaw sa kwarto ni ate, nakahiga na siya nun at masakit ang ulo. Nainis siya ang akala nya may naglalaro sa switch ng ilaw, pinapatay sindi. Nairita na daw siya nun pero sabi ng mga kasama nya walang gumagalaw sa switch. Walang anu-ano ay bigla na lang umihip ang hangin sa kuwarto nya at pumasok sa kaibuturan ng kanyang laman.  Bigla siyang nanginginig na parang giniginaw  (gagalunggong sa kapampangan), hindi naman siya nilalagnat at wala namang bukas na bentilador. Napaiyak ang ate ko at nagsalita siya, sabi nya,

Papa alam mo naman na duwag ako noon pa man, huwag mo sana akong tinatakot na ganito kung ikaw man yan 😢. Iniwan mo ako ng biglaan at hindi pa ako handa sa lahat ng ito. Kung may mangyayari sa akin at mawawala ako paano na ang mga anak natin? Ang bata pa ni Brent" Bigla daw nawala yung lamig hanggang sa nakatulog si ate.

Kinabukasan madilim pa ay naalimpungatan si ate at may naririnig na kalansing ng sandok na parang nagluluto. Tapos may naghuhugas sa lababo. Pinakinggan nya ito ng husto may nagpatay ng stove. Panaginip ba ito sabi nya, naalala nya 4am yun usually gising ng kuya Jester dahil nagluluto ng almusal at ihahatid si Brent sa school nya sa Basa Air Base. Sabi ng ate ko imahinasyon lang to, ayaw nyang matakot kasi nerbyosa talaga siya. Kaya palagi siyang nagpe-pray. Ng mag-umaga tinanong nya ang mga kasama kung may nagutom ba at nagluto ng maaga, wala daw.

Lumipas ang mga araw malungkot pa rin sila but life must go on. Si Ate palagi pa rin nyang nararamdaman ang mga gesture ni kuya. Minsan nanonood ng tv si ate at nakatulog sa sofa, naramdaman nyang may humahaplos sa kanyang buhok at may humalik daw sa kanyang pisngi. At minsan naliligo siya sa banyo, magbubuhos nalang siya ng may kumalabit sa kanyang pigi. Kwento ni ate madalas daw kasi sabay sila maligo dati, baka daw biniro siya.

Sa bahay naman ng parents namin, kwento ni Kuya Norbert (si kuya Norbert at Kuya Jester ay sobrang close) gabi daw nagsha-shot sila sa gilid ng bahay. Apat sila. Gusto daw nyang jumingle nun at dahil una madatnan ang puno ng saging kaysa sa cr, tapos may tao din nun sa cr, dun siya pumwesto. May tumabi daw sa kanya, na iihi din katabi nya. Tapos sabi ni Kuya Norbert una na ako nyan baka magalit si lalabz ko pag umuwi ako ng lasing. masasabon na naman ako. Tiyak outside de kulambo  ako pag nagkataon  Pakisabi nalang sa kanila ah dito nako sa likod dadaan(may gate sa likod). Sabay tapik sa balikat. Ngeng ng isasara na daw ni Kuya ang zipper, dun nya naisip kung sino ang kausap nya. Nakaramdam siya ng kakaiba.Kinilabutan siya mula ulo hanggang paa kasi ng paglingon ay wala na ang tinapik. Muntik pa daw naipit sa zipper 😂. Kilalang-kilala nya ang aurang yun. Lalaking matangkad, maskulado at long hair... Kinabukasan kinwento nya yun sa mga kasama nya at sabi, ng mga kainuman nya, yan kasi iniwan mo kami hahaha.

Ako naman tinupad ko ang pangako ko kay ate Donna na papasyal ako.  Niyaya ko rin si Sarah nun magkita kami sa bayan. Natuwa naman ang ate ko ng makita  kami. Kwentuhan. Lamon haha. Sabi ni ate galit na galit ang mga anak nya kay Bukol, gusto nila itong idemanda dahil kung hindi sa kanya hindi sila nawalan ng ama. Nakiusap daw ang mga kamag-anak ni Kuya Jester na patawarin na nagsisisi na naman daw ito. Btw, sa compound sila nakatira. Mga kamag-anak ni Kuya Jester ang nakapaligid sa kanila. Ang hirap ng lagay ng mga pamangkin ko kundi lang sa mama nila ayaw na nilang umuwi sa bahay nila. Dahil kumukulo ang dugo nila pag nakikita si Bukol o kahit na bubong lang ng bahay ni Bukol ang makita. Lalo na ang ate ko na kahit na galit na galit ay di nya maipakita. Hindi siya naglalalabas nun para makipag-usap sa side ni Kuya Jester. Nakwento din ni Ate ko binigyan sila ng 50% discount ni Mayor sa service, second cousin namin si Mayor sa mother side.

Tapos minsan daw isang gabi may naririnig siyang nagbubukas ng pinto. Hindi yun multo, isang tao. Ramdam ni ate na tao ang mqy gawa nun. Binuksan nya ang mga ilaw at binulyawan daw. Kaya nagwo-worry na rin ang mga pamangkin ko para sa ate ko.

Nagbalik na sa work si John. Si Mitch ay nag-resigned na sa pagiging TL sa call center. Katulad ng sabi ko sa part 1 naka-plano na ang kasal ni Mitch bago pa man biglaang mamatay ang Papa nila. Groom nalang ang hinihintay and in a few days ay darating na siya. Okay na ang lahat. Church, reception, mga damit at abay.

Three days before the wedding dumating ang fiance ni Mitch mula sa Japan. Ang Scottish bf nya for 3 years. Si Kurt. Napakabait nito sa Ate ko at sobrang magalang.

Ang kasal ay August 25, 2018 @ 5pm.

Ayon sa PAG-ASA ay maganda ang panahon sa araw na yun.

Araw na ng kasal. Nagtext sakin si Ate Donna see you daw. Umaga palang nasa hotel na sila kung san nag check in si Kurt para dun na rin sila mag photo shoot. BTW, isa sa mga abay nun ang anak ni Ruth, si Jireh. Yung sa kwento ko na kinalmot at sinakmal ng mga halimaw mula sa librong binabasa ni Ruth. Dalagita na siya dito, at lumaking napakaganda. Ka-ilong nya yung sa paboritong iguhit na halimaw ni Ruth.

Malapit lang kami sa Church kung san gagawin ang wedding 4pm na kami umalis ng bahay ni Sam. Halos nandoon na sila ng dumating kami. Ang kasal ay ginanap sa Clark yung Baptist Church dun malapit sa Johnson College. Kaharap ng Astro Park.

Nakita ko ang mga pamangkin kong mga abay naka-gold sila ng gown. Ang gaganda nila. Ang ate ko ay mukhang napakasaya nya. Umuwi pa ang pangalawa kong  panganay na kapatid na si Kuya Eli para samahan nyang maghatid sa altar si ate. Taga-Bulacan pa sila at Kasama nyang dumating ang anak nyang panganay. Nakita kong nagbabasa sa Spookify Haha ang pamangkin kong yun. Malamang mabasa to. Wag kang magta-tag sa mga pinsan mo. Nakita ko ang mga bisita ay naka-black naman, pati mga ate ko naka-gown. Out of place ako huhu kasi ako naka- blue.

Nag start na ang ceremony. Nakalakad na halos lahat ng abay at ang groom ay nakangiti at matyagang naghihintay na sa harap. Ang Ate Donna ko at Kuya Eli ay naghihintay sa likod, sa dulo ng mga upuan.

Pagpasok ng bride sinara ang pinto nagpalakpakan ang lahat.

Naka-red siya ng gown at veil. Napaka-ganda nya. Habang lumalakad siya pagpasok pa lang ay biglang umusok. Bawat hakbang lalong dumarami ang usok. Hanggang makarating na siya sa malapit sa upuan at  nagpunta na sa magkabila nya si Kuya at Ate. Sa paglakad nila sa aisle ay umuusok pa rin. Nakita ko pang naubo si Kuya. Tapos natapilok si Ate kasi nabu-blurred daw ang nakikita nya. Nakasunod sa kanila ang usok pero nawala iyon nang maibigay na ang kamay ni Mitch kay Kurt. Ng magsimula na at magsalita na si Pastor, walang sounds ang mic, nagtry sila ng iba pero  wala pa rin. Ang sabi  ng assistant ni Pastor ay okay ang mga yun kanina ng nag-practice ng umaga ang mga youth. Sobrang Weird...

Sabi ni Kurt never mind Pastor, kahit wala na daw mic. Wala daw magiging hadlang sa matagal na nilang araw na pinaka-hihintay. Ng magpalitan sila ng vows pareho silang umiiyak. Pati si ate ay naiiyak kahit nanonood lang. Hanggang sa matapos. Masaya ang lahat tapos picture taking na. Yan ang pinaka-matagal sa kasal e haha.

Mga 8:30 yun natapos ang kasal palabas na kami nun biglang kumidlat at kumulog, umulan na naman ng pagkalakas-lakas. Hindi kami makalabas sa Church. Nasa bungad kami ng pinto nakikita namin ang pag guhit ng mga kidlat  sa kalangitan, napakalakas ng kulog na tila ba parang lilindol na. At yung hangin na malakas nandiyan na naman. Nakaka-kilabot. Sobrang nakakapagtaka bakit ganito na naman ang nangyari. 10pm na nandooon pa kami, gusto ng umuwi ng iba kasi malayo pa ang uuwian. 10:48 humina ang ulan at nagsisakay na kami sa service. Yung mga sasakyan ay pinwesto na sa pintuan ng Church para makasakay kami. Grabe sakto pagsakay namin yan na naman ang malakas na kulog at kidlat kasama ang ulan. May nadaanan pa kaming banggaan sa labasan, sa may hiway. May isang patay yung nasa front seat na nasa kabila ng driver.

Yung reception ay sa hiway ang location kumuha sila ng fine dining resto dun. Lahat kami basa ng makapasok sa loob. Tapos ang lakas ng aircon kaya ginaw na ginaw kami. Dami pang seremonyas kaya kinausap ni Ate ko ang mga staffs na kung pwede kain na kami habang ginagawa ang mga naka-ugalian. Tapos eto na, magbibigay ng message or advice kay Mitch ang mga married woman especially mga aunties ang ninangs. Napaiyak ang lahat ng si Ate Donna na ang magsalita. Kaya lumapit si Mitch at nag-iyakan silang dalawa. Tapos lumapit na din si Kurt sabi nya, pls Mom don't cry. I promised you, i will take good care of your daughter.

Tapos nag-interrupt ang host para mailayo na sa drama ang mga bisita.

Ff: natapos kami ng 2am. Ako nagrent nalang nun ng trike from there. Sila ng pauwi daw ay nasiraan pa sa may Porac ng dalawang beses.

200 ang invited sa kasal pero wala mang 100 sa dumating. Marami pa rin ang naniniwala sa pamahiin, dahil sukob sa buwan. 16 days lang ang pagitan.

Naging masaya naman ang bagong kasal and after few months sumunod siya kay Kurt sa Japan. Hindi naging mahirap para sa kanya ang makakita ng work.

Si John nanganak na ang gf nya at napakalusog ng baby. Kailan lang nag-celebrate ng 1st bday ang baby. Siya ang nagpapasaya kay Ate. Si Brent naman ay gumraduate na ng grade 12. Ang Ate ko nalulungkot pa din minsan kasi di mo maiaalis yun, ang tagal nya nakasama ang asawa nya. Pero masaya siya kasi okay na ang mga anak nya. July 9 na siya nag-celebrate ng bday nya mula ng mamatay ang asawa nya sa araw ng birrhday nya. Kaya magkasunod na kami. July 8 ako, 9 siya. Yung August 9 ang death anniv ni Kuya.

Pagkatapos mag first death anniv ni Kuya isang araw ay nakita sa kuwarto nya si Bukol. Wala ng buhay at dilat ang mata. Sabi ng iba lasing daw siya ng gabi na yun at binangungot. Mukha siyang takot na takot base sa kanyang mga mata.

Si Mitch ay nakabili na ng lupa na pagtatayuan nila ng bahay, kung san magsisimula ang kapatid nya at mama nya. Malayo sa lugar kung san sila ipinanganak at lumaki. Ayaw na nila sa dati nilang bahay. Kahit wala na si Bukol ay nandoon pa rin yung kirot at ang masakit na alaala. Hindi pa naghilom ang sugat sa kanilang mga puso. Tsaka para hindi na rin nag-iintindi ang ate ko sa mga sangkatutak nyang in laws na nakapaligid sa kanila. Na parang nakatuntong sa numero.

Lesson: Hindi maiiwasan ang trahedya sa isang pamilya. Kailangan lang maging matatag at una ay magtiwala sa Dios. Alam nya kung ano ang makakabuti sa atin. At kung nagawan ka ng masama ng kapwa mo, huwag kang gaganti. Si Lord na ang bahala dun. Mas masarap matulog pag alam mo sa sarili mong wala kang inagrabyadong tao.
*Tsaka sa panahon ng trahedya dun mo mararamdaman yung pagma-mahalan at malasakit ng bawat isa sa pamilya.

P.S. Di ako naniniwala sa pamahiin pero di ko alam kung ang mga nangyari ba ng libing at kasal ay sadyang nagkataon lamang or what. Minsan palaisipan pa rin sakin yun.

Faith ❤
Pampanga





📜Spookify
▪︎2020▪︎


You are reading the story above: TeenFic.Net