{24} - Muli.

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 24 - Kung Makita ka muli.

*Annatalia Julianna Burgos y Garcia's POV*

(Song/s X Chapter: Beer (cover) by David La Sol)

-------------------------

"Ateee?." tinawag ko, habang tumitingin kung saan-saan, at sana'y makita siya.

"Attteeeeeeeee!." tinawag ko muli, at pumasok sa kanyang kwarto at umupo sa kanyang lamesa.

"Huh, ano ito?." sinabi ko, nung nakita ang papel sa kanyang lamesa.

"Sa panaginip, hinahanap ko ang pamilyar mong mukha, Nananabik sa matagal nang yakap na iyon. Sa pamamagitan ng maulap na alaala, pilit kong hinahanap Ang essence mo, napakaamo at mabait.

Sana makita kitang muli, aking mahal, Upang maramdaman ang iyong presensya na papalapit, Sa mga anino na nilipad ng papalubog na araw, Ang aming mga kaluluwa ay nagsama, ang dalawa ay naging isa.

Tulad ng mga bulong na dinadala sa simoy, Ang iyong kawalan ay nagpaluhod sa akin, Ngunit sa aking puso, isang kurap ng liwanag, Ginagabayan ako sa pinakamadilim na gabi.

Sa bawat araw na naghihintay, na may pananabik at sakit, Sa sandaling iyon, muli tayong magkikita, Sa lugar kung saan ang oras ay walang katapusan, Ang aking kasintahan, ang aking tiwala, ang aking kaibigan.

Ang iyong minahal, Carmen Epinoza."

"Oh, Talia, nandito ka pala. Sasabihin ko sana sayo na lalabas tayo dahil hahanapin natin ang iyong kuya, pero, mukhang tadhana ang naghatid sayo sa aking kwarto." biro niya.

"Sana, sana, mahanap natin si kuya." iniyak ko, habang hawak-hawak ang papel na nakasulat ang tula ng aking ate.

"Mahahanap natin siya, pangako. Kayaaaaa, bilis!, magbihis ka na doon!. Hahanapin natin siya!."

Bigla akong napatakbo ng mabilis sa aking kwarto, hindi ako tumakbo ng ganito ka bilis dati, siguro dahil gusto kong makita ang isang taong nawala sa akin, at ang aking nagiisang pamilya.

"Talia, ikaw ba ay handa na?." sinigaw ni ate Carmen.

"Opo, ate!." sinabi ko, at bumaba.

"Halika dito, aayusin ko ang iyong buhok." sinabi sakin ni ate Carmen, at ako'y lumapit.

-------------------

"Ate, ate, halika na!, halika na!." sinabi ko habang tumatalbog ako sa tuwa. 

"Oo na, ito na, halika na." Tumawa ng malambot si ate Carmen at kinuha ang aking kamay at kami'y umalis na.

----------------

*Carmen Iris Epinoza's POV*

Habang kami'y naglalakad, may nabanga akong lalaki.

"Hala, sorry po!-" nu'ng nahawakan ko ang kanyang kamay, parang bumalik ang aking hinahanap na mga alaala ko kay Jose. 

Hinanap ko sila Carmen, Padre Pelaez at Padre Gomez.

Yung una kong nakita ay si Carmen, agad-agad niya akong yinakap.

"Carmen, nasaan sila Padre Pelaez?" tinanong ko

"Ang alam ko lang ay si Padre Gomez ay tinutulungan ang ibang tao para makaalis, pero si Padre Pelaez hinde ko alam kung nasaan!" sinagot niya saakin na tumutulo ang luha at sugat-sugat.

"Tahan na, dito ka lang, hahanapin ko si Padre Pelaez." sabi ko sakanya at umalis.

.

.

.

"Kung gayon, padre. Ano nga tayo?" tinanong nya.

"Magkaibigan lang ba tayo?, pero hinde ganito kalala ang magkaibigan lang." muli siya nagtanong.

.

.

.

"Gusto nga kita, Jose Burgos." biglang sinabi ni Carmen.

"Carmen, alam kong kasalanan ito pero, mahal din kita, mi amor." aking sagot.

.

.

.

"H-Hindi maari.." aking sinabi sa aking isip..

"C-Carmen.." biglang nasabi ng lalaki, hindi, si Jose.. siya nga.. si..Jose..

"J-Jose.." aking nasabi, ang aking luha ay nahuhulog galing sa aking mga mata, parang isang ilog.

"Mahal.. tahan na..nandito na ako.." sinabi ni Jose nu'ng yinakap ko siya.

"K-Kuya?.." sinabi ni Annatalia nu'ng linapitan  niya kami. 





(THE END.... or.. is there more?..)


You are reading the story above: TeenFic.Net