01

Background color
Font
Font size
Line height

โ–ฐโ–ฑโ–ฐโ–ฑโ–ฐโ–ฑโ–ฐโ–ฑโ–ฐโ–ฑโ–ฐโ–ฑโ–ฐโ–ฑ

-Chapter One-


"Ma! Alis na ako ah! baka ma late pa ako" Sabi mo na paalis na sa bahay.

Nagmamadali ka nang naglakad papunta sa eskwelahan niyo. Hindi naman ganon kalayo yung eskwelahan niyo dito sa bahay.

Pero bakit nalate pa rin ikaw? Or sa katamaran mo lang ba ito?

"Tanga mo talaga Y/n!" Reklamo mo sa sarili mo.

Nung papasok ka na sa gate ay nakita mo sina Mikey, Draken, at Takemitchi.

Huminga ka ng malalim at kumalma nung nalaman mo na hindi ka pa late sa klase.

Buti nga yon kaysa sa makita mo yung mataba, strict, at may eyeglass na principal niyo. Maiiyak ka nalang pag ikaw ay na late.

"Ay, Hala Y/n!? Ikaw ba yan?!" Rinig mo sigaw ni Hina sa likod mo na papunta pa sa loob ng school gate.

Kumaway ka sa kanya at lumapit. Mag best friends kasi kayong dalawa since kinder.

Naging kaibigan mo na rin sina Emma at Senju kasi classmates kayo nung grade 7.

Hindi mo man lang alam na ganito pala ka rami yung group of friends mo, pero hindi ka naman din nagreklamo.

"Hina! Kumusta?"

"Tanga, okay lang ako. Buhay pa naman" Ngumiti siya sayo at nagbigay ng 'peace sign'.

"Ah ganon ba...mamamatay na ata ako first day pa lang dito"

"Ho-"

Biglang tumunog ang bell kaya naputol ang usapan ni Hina. Hinila mo siya sa kamay at pumunta na sa classroom.

"AHHAAHAHAHHAHA BAJI ESTE BOBO!" Sigaw ni Mikey habang nakaupo sa desk sa upuan.

"Ano?! Eh Ikaw? Pandak!"

Iniintay niyo yung teacher kasi sobrang tagal ng inyong first period which is English.

"Putangina, sinong kumuha ng ballpen ko?!" Papaiyak na yung kaklase mong palaiyak.

"Nasa pwet ni Hanma" Turo ni Draken na walang emosyong pinakita.

"Hala?! Gago ka ata ah! Mandamay ng tao dito!"

Sobrang ingay ng classroom niyo, lalo na kapag wala pang teacher niyo.

Parang nasa zoo na kayo puno ng hayop na umaaway sa maliit na bagay.

Yung iba nga natutulog pero parang hindi sila naiirita sa mga sigaw ng mga kaklase namin.

Yung iba naman ay umaaykat na sa railings sa bintana na feeling siya yung gwapo sa buong campus.

"Psst! Y/n! Kilala mo ba to?" Pinakita ni Hina yung screen sa cellphone niya.

At yung nasa screen naman ay isang unfamiliar na lalake na may bola sa kamay at naka no. 7 jersey.

Agad kang umiling. Hindi mo naman talaga kilala sino yun, parang bago kasi siya dito...

Or so you thought.

"Ano?! Siya yung famous basketball player dito na ang pangalan ay si Rindo-"

Bigla kaming napatahimik dahil yung teacher namin ay nasa harapan ng pintuan.

"Care to explain kung bakit ang ingay niyo? Naabot pa sa faculty yung mga boses niyo. Ano kayo, nasa concert?" Tumingin si Ms. Reyes sa amin isa-isa.

"Wow...magic pala boses natin? Naabot pa nga sa faculty" Bulong ni Baji kay Chifuyu.

"Gago hoy!" Sinubukan ni Chifuyu na itago ang kanyang pagtawa, kasi pag once na tumawa siya.

Ewan ko nalang basta condolence sayo chifuyu.

"Bat antahimik niyo? Diba ang ingay niyo kanina?" Hinampas niya ang kanyang book recorder sa teacher's table.

"Tsk, diba sabi ko sa inyo na ako dapat yung class president para tahimik yung buong classroom" Sabi ni Hanma na bida-bida.

"Get one fourth sheet of paper! We will have a drill for our upcoming quiz next week"

Binigyan ni Mikey ang teacher namin ng middle finger nang hindi napapansin ng teacher namin.

"Bobo, quiz lagi nasa utak. Feeling maganda pero hindi naman." Nagmura si Baji sa teacher namin, habang nagnanakaw ng papel ni Mitsuya.

Pero, hindi pinansin ni Mitsuya ang ginawa ni Baji nung ninakaw niya yung isang piraso na papel ni Mitsuya.

"Number one!"

.......

"Grabe naman yung quiz na pinabigay ni ma'am kanina." Sabi ni Emma habang sinubo niya yung pagkain niya sa kaniyang labi.

"Kaya nga, pero wag na tayo magreklamo baka may magsumbong naman."

The four of you ay kumain na ng tanghalian.

Senju, Hina, Ikaw at si Emma.

"Huy grabe pogi naman nung basketball player oh!" Rinig mo yung ibang mga taga ibang section.

"Psst! Huy, sino ba kasi yung famous basketball player?" Bulong mo sa kanilang tatlo.

Napatawa lang si Senju at si Emma sayo habang si Hina naman ay agad-agad nang kumuha sa kanyang cellphone para e explain niya ito sa iyo.

"Pfft- Y/n para kang tanga HAHAHAHAHAHAHA Hindi mo ba alam si Rindou Haitani?" Tawa ni Senju na parang inaasar ka.

"Eh kasalanan ko ba na Hindi ko siya kila-"

Naputol ang pagsasalita mo nang magsimulang magsirit ang mga babae.

"AHH!! OWEMJIII AMPOGII!!"

"Teh, kinikilig ako ISNXIZNSIZN"

"grabe naman ang gwapo oh"

"Normalize maulol sa kanilang lahat"

May narinig kang sigawan ng mga babae sa grupo ng mga lalaki na dumaraan sa cafeteria.

"Hala, Sila na ata yun!" Sabi ni Hina at hinila ka papunta doon sa kanila na may dalang ice coffee. Si Senju naman ay nakaupo lang sa kaniyang upuan.

Habang si Emma ay sumabay sa inyo. Wala atang balak tumayo si Senju kasi alam na niya kung sino silang lahat dahil sa kaniyang kuya na si...

Sanzu Haruchiyo.

"Alright ladies, alam na namin na we're handsome so you don't need to squeal parang mga sir-"

Siniko ni Koko si Sanzu nung muntik na niyang sinabi na yung fans nila ay isang siraulo.

"Hindi kita ililibre pag ganyan ugali mo." Binalaan siya ni Koko at patuloy na silang lumakad.

"Ay gago, eto na nga oh"

Yung mga ibang varsity players naman ay pababa pa sa bus na sinakay nila kanina papuntang training para sa finals.

"Bro, you okay?" Sabi ni Ran habang nakatingin sa kanyang kapatid na walang emosyong pinakita sa mga fans niya.

"Yeah, just tired need ko lang rest." Sagot niya sa kanyang kuya.

"Mkay, pwede ka naman din magrest sa clinic mamaya." Payo ni Ran.

Naglalakad na sila papuntang canteen para bumili ng pagkain. Pero nung papasok na sila sa canteen ay napatayo lang sila dahil sa daming mga babae na nakaharang sa kanilang dalawa.

"Hindi na ata tayo makakain neto." Tumawa si Ran habang sinusubukang pumasok sa loob.

Samantalang malapit na kayo ni Hina sa harapan. Ayaw mo man lang puntahan ang sikat na basketball player na iyon pero, pilit kang hinila ni Hina nang biglaan.

Tapos yung tanga mong sarili ay nakalimutan mo na may hawak ka palang ice coffee.

"Hina, Ako na ata nahihiya sayo" Napakamot ka sa likod ng ulo mo sa kahihiyan.

"Ano ka ba, Diba gusto mong Malaman yung sikat na basketball player?" Kumapit siya sa braso mo habang patuloy ka niyang kinakaladkad hanggang sa nasa harapan na kayong dalawa.

Pareho kayong pinagmamasdan ng mabuti ang mga mukha nila pero not until, may tumulak sa iyo.

"Pero Hindi naman sa ganto- Ah!"

Aksidenteng naitulak ka ng isang estudyante papunta sa harapan na natapon ang ice coffee sa sikat na basketball player, Rindou Haitani.

Nanlaki ang mata mo sa nangyari ngayon. Basang-basa ang damit ni Rindou sa ice coffee na natapon bago lang.

Lahat ng estudyante na galing sa iba't ibang section ay napatayo lang as they gasped at what they've just seen.

Si Ran naman ay tinitingnan yung mukha mo puno ng takot. Ngumisi siya sa iyo habang sinusubukan niyang tulungan ang kanyang kapatid ngunit, walang silbi.

Galit na galit yung nasa mukha ni Rindou ngayon, like parang gusto niya nang manipa ng tao na nasa harapan niya.

And that person was you.

"What...the..fuck?!" Sigaw niya sayo na may puno ng galit sa kaniyang boses.

"Bro, kalm-"

"Pano ko to makakalma?! Gago ka ata eh, hoy Ikaw! Pandak!" Tawag niya sa iyo, pero yung tinawag niya sayo bago lang made you mad.

"Excuse me?! Ikaw nga eh, varsity player pero yung ugali mo ay napakabastos!" Nakipagtalo ka pabalik sa kanya.

Hinawakan ni Hina ng mahigpit ang kamay mo, A warning that you should stop bago pa to lumala.

"Who are you to talk with? Huh? Sino ka ba? You are a piece of shit! Mag sorry kang gago ka, Ikaw pa yung may kasalanan tapos hindi ka magsosorry"

Naglakad si Rindou palapit sa direksyon mo. Nagpapanic si Ran na baka mapunta ang kapatid niya sa principal's office mamaya.

"...Rindou! Tama na! It's not a big deal"

Gayunpaman, hindi pinansin ni Rindou ang payo ng kanyang kapatid.

"Y/n, tama na please.." Bulong ni Hina sayo as she tried pulling you away from the crowds.

Inalis mo ang kamay ni Hina sa iyo habang palapit ka rin kay Rindou. Napakabigat ng tensyon sa inyong dalawa.

Ang iba ay nagsimulang i-record ang away sa pagitan ninyong dalawa habang ang iba ay kumukuha ng kanilang mga popcorn na parang movie lang ito.

"Oh ano? Sa tingin mo magsosorry ako? Hindi." Sabi mo sa kanya.

"So ganyanan tayo? You want to fight, huh." Nasa harapan mo na si Rindou, handang sumuntok.

Habang tumatakbo si Ran papunta sa kapatid niya. Natatakot siya na baka masaktan ka niya at mapunta ang kapatid niya sa principal's office.

"Rindou. Please let's just go, if mapunta ka sa principal's office bahala ka na diyan." Sabi niya na may bahid ng gulat at pag-aalala sa boses.

Matigas ang ulo ni Rindou. Mas matigas pa sa bato.

Ikaw naman, kalmado pero deep inside natatakot ka na baka suntukin ka niya. Pero, kalmadong mukha lang ang ipinakita mo sa kanya.

Huminga ng malalim si Rindou and examined your face, trying to remember every little details sa iyong mukha.

"Pandak, If I see you again around here at the campus...Patay ka sakin." Binalaan ka niya bago lumayo sa iyo.

"At kung makita kitang hayop ka! Humanda ka ren saken!" Sinigawan mo siya bago ka pumunta kay Hina para mag-sorry.

Napasinghap si Rindou nang marinig ang sinabi mo.

"Hm, Patay ka talaga sakin." Nakangiti siyang pumunta sa comfort room para magpalit ng 'basang damit'.

โ–ฐโ–ฑโ–ฐโ–ฑโ–ฐโ–ฑโ–ฐโ–ฑโ–ฐโ–ฑโ–ฐโ–ฑโ–ฐโ–ฑ


You are reading the story above: TeenFic.Net