Newspaper

Background color
Font
Font size
Line height

Nagising ako dahil sa huni ng mga ibon sa labas. Agad akong bumangon sa higaan at nag ayos. Kailangan kong pumunta ulit sa bundok para mahasa ang aking kapangyarihan pati na rin ang pisikal kong lakas. Nangako ako sa mga magulang ko na kakayanin kong mag-isa kaya nagpupursigi ako.

'Mama, Papa gabayan nyo po ako sa training ko ngayon.' saad ko habang nakatingin sa langit.

Isa man akong Gamma, ngunit hindi naman ako mahina. Kaya kong tapatan ang mga Omega kung kapangyarihan, pisikal na lakas at pagiging matalino lang ang pag-uusapan. Ibang klase ng training ang ginagawa ko. Hindi tulad ng normal na training kung saan ituturo sa iyo ang tamang pag hawak ng mga sandata. Ang gubat na ito mismo ang nagsisilbing training ground ko. Matapos mawala ang aking mga magulang, kinabukasan lumabas ako ng bahay at pumasok rito sa gubat. Hinarap ko ang isang beast noon kahit hindi ko pa lubosang alam ang aking kapangyarihan. Nakakatakot ang itsura nila, mga lobo sila na madudungis at triple ang laki sa normal na lobo. Pula ang mga mata at nakalabas ang mga pangil, tila ba sabik na sabik siyang ako'y kainin. Pinag-eksperimentohan ko kakayahan ko hanggang sa natalo ko ang beast. Pero halos mamatay din ako noon dahil sa dami ng sugat, isama pa ang mura kong pangangatawan. Natuto ako dahil bawat pasok ko dito sa gubat, maaaring buhay ko ang kapalit. Kaya hindi ako normal na Gamma lang.

Galit ako sa kanila, galit ako sa mga taong mas pinahahalagahan ang pera kaysa sa buhay ng tao. I hate greedy people. Nagsasaya sila sa palasyo kasi walang problema ang bayan. Pero Hindi nila nakikita ang paghihirap ng mga Gamma at Beta dito. Kasi nga, wala kaming halaga para sa kanila. May mga batang nanlilimos sa gilid ng kalye. Mga magulang na nakangiti habang nagtatarabaho pero makikita mo sa mga mata nila ang hirap at pagod. Hindi ko alam kung paano nila nasisikmurang kumain ng masasarap na pagkain samantalang halos mamatay na sa gutom ang mga tao dito.

Oo, obligasyon ng tao ang maghanap ng paraan upang mabuhay. Pero paano sila makakahanap ng paraan kung hindi sila binibigyan ng pagkakataon upang umangat?. Hindi ko maintindihan ang pamamalakad nila dito, pati sa pag-aaral tanging may pera lang ang makakapasok sa paaralan. Hindi ko masisisi ang mga Gamma dito, wala silang lakas ng loob magsalita dahil alam nila na isang buka lang ng kanilang bibig ay buhay ang kapalit. Isa din ito sa dahilan kaya napili kong manatili sa paanan ng bundok. Kasi malaya ako doon at walang nag didikta sa akin. Delikado man pero kaya ko na ang sarili ko. Ayaw kong tumira sa bayan kasi magiging katulad lang din ako ng mga Gamma na naririto.

'Sana dumating ang panahon kung saan matututo silang pahalagahan ang buhay kaysa sa pera.' saad ko sa sarili.

Matapos ang aking pag-eensayo, umuwi ako sa bahay at naligo. Kumain na din ako ng mga prutas kanina kaya nandito ako sa kwarto ko, nagbabasa ng mga libro. Actually, ang alam ng mga nakakataas ay hindi marunong mag basa at mag salita ng lingguwaheng pang maharlika ang mga katulad namin. Pero ibahin nila ako, natuto ako sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa mga maharlika na nag-uusap sa daan o sa palengke pag pumupunta ako sa bayan. Bumibili rin ako ng mga libro kasi mahilig ako mag basa Kaya mas nagiging malawak ang aking kaalaman. Hindi naman porket isa akong Gamma at ang pagiging alipin at walang alam ang nakasanayan ay magiging ganon na rin ako. Nakadepende parin iyon sa tao. If you want something, you must also do something. Hindi yung aasa ka na lang, paano ito magkakatotoo kung hindi ka kikilos?

Wala akong kaibigan, kasi tanging ako lang naman ang nakatira dito sa paanan ng bundok. Wala ring nag babalak pumunta at tumira dito kasi natatakot sila sa mga halimaw. Hindi naman ako pwedeng umalis dito kasi wala akong matitirhan at mapag-kukuhaan ng makakain at pera. Malayo kasi ito sa bayan, at kahit Isa akong Gamma hindi ako nagpapa-alipin. Kung kaya ko namang mabuhay ng hindi nagiging isang alipin bakit ko pa gagawin?. Mas malaki pa nga ang kinikita ko kaysa sa mga Beta na nagtitinda sa palengke eh. Kahit kasi maraming halimaw dito sa wild forest, marami din namang mga prutas at halamang gamot na pwedeng ibenta sa bayan. Kaya ito na rin ang pinagkakakitaan ko.

Matapos kong basahin ang libro, ibinaba ko ito at binasa ang nabili kong newspaper. Bumibili rin ako nito para naman maging aware ako sa nangyayari sa Magea. Nabasa ko ang mga kaganapan tungkol sa pitong bayan sa aming mundo. Ang Astrea, Bolosea, Casmia, Urandia, Shagartha, Desmania at ang Ishmaela. Nababalita dito ang pagsalakay ng mga 'Myago' o ang mga magi na mas piniling maging masama. Myago ang tawag sa mga Magi na tinalikuran ang sariling lahi upang makapaghiganti sa mga Omega. Kadalasan sa mga nagiging Myago ay ang mga Gamma, sila kasi ang laging inaalipusta ng mga maharlika. Hindi ko rin naman sila masisi, alam kong gusto lang nilang maging pantay ang pag trato sa kanila, pero sa maling paraan naman nila ipinapakita iyon. Nakasaad din dito na marami sa mga Gamma at Beta ang nawawala dahil sa mga 'Daemons'. Ang mga Daemons ay ang pinakamahigpit na kalaban ng mga Magi. Hindi lang sila basta basta, mayroon din silang kakampi na mga evil faires, dwarfs,nymphs, sirens at marami pang iba. Ayon sa naaalala ko, halos Isang daang taon na nananahimik ang mga ito pero hindi ko inaasahan na muli sila magpapakita ngayon.

Ang mga Daemons ay nakatira sa 'Demonica'. Ang Demonica ay isa lang din sa mga sinaunang bayan dito sa Magea ngunit naging tahanan na ito ng mga Daemons sa hindi malamang kadahilanan.

Pero sa dami ng nabasa kong balita, isa lang ang nakapukaw sa aking atensyon.
'MAGI HUNTING FOR ASPIRING FÉIRROX STUDENTS'





You are reading the story above: TeenFic.Net