Férrox Academy

Background color
Font
Font size
Line height

Nagbibihis na ako ngayon dahil katatapos ko lang mag impake ng mga gamit. Kaunti lang ang dala ko dahil provided naman daw ng academy ang mga gamit doon. Suot ko ang puting collared croptop shirt, puting highwaist jeans at puting sneakers. Nakalugay lang din ang aking puting buhok. Maya maya pa ay may kumatok na sa pintuan. Agad akong lumabas dala ang gamit ko. Kinuha naman iyon ng isang lalaki na nakapandamit na royal guard. Ipinasok niya iyon sa kalesa. Mayroon itong dalawang kulay puting kabayo sa harap. Agad naman akong sumunod at pumasok na rin sa loob. Maganda ang loob ng kalesa at masasabi mo talagang pang maharlika ang ganitong klase ng transportasyon. Kulay asul ang loob ng kalesa  at mayroong maliit na mesa sa gitna. Tinanong muna ako ni kuyang guard kung handa na ba akong umalis at tumango lang ako sa kanya. Nagpakawala ako ng buntong hininga ng magsimula ng umandar ang kalesa.

Kung nagtataka kayo sa kung anong nangyari kahapon matapos i anunsyo na ako ang nanalo ay kinausap lang ako ng isang myembro ng council. Si Lady Yvveana ang kumausap sa akin. Sabi nya na aalis na daw agad ako bukas at may susundo daw sa akin. Binigyan nya rin ako ng papel kung saan ibibigay ko lang daw ito sa tanggapan.

"Magandang laban ang ipinakita mo kanina Bata. Hihintayin ko ang historyang gagawin mo pag tapak mo sa akademya." nakangiting saad ni Lady Yvveana. Tanging tango lang ang naging tugon ko sa kanya kahit hindi ko naintindihan ang sinabi nya.  Dahil sa ginawa ko, mas lumawak ang kanyang pagkakangiti sa hindi ko malamang dahilan.

Yon lang naman ang naging pag uusap namin kung pag uusap pa bang matatawag.
Napansin kong naging madilim ang aming dinadaanan. Puro puno ang nakikita ko sa labas ng bintana. May mga hayop ding nakatingin sa akin at biglang humuni ang mga ibon. Hindi ko maiwasang mapangiti sa mensaheng inihuni ng mga ibon. Maganda daw ako lalo na ang mga mata ko. Biglang huminto ang kalesa kaya tumingin ako sa unahan, kumunot ang noo ko ng makitang bangin na iyon.

Napa kapit naman ako sa aking inuupuan ng biglang tumakbo ang mga kabayo na syang dahilan ng pag andar ng kalesa. Akala ko mahuhulog na kami sa bangin pero imbis na pababa, pataas ang naging dereksyon nito. Dumungaw ako sa bintana at tinanaw ang gubat na kaninay kinalulugaran namin. Unti unti itong lumiit sa aking paningin hanggang sa hindi ko na ito makita. Pinagmasdan ko ang mga ulap na aming nadaanan at dinamdam ang malamig na simoy ng hangin. Hindi ko alam na nasa mga ulap pala nakatayo ang akademya. Kaya pala walang nakakaalam kung saan ang eksaktong lokasyon nito.

I closed my eyes and feel my presence. I can't help but to smile. Matutupad ko na rin sa wakas ang pangako ko sa aking mga magulang na mag-aral ako. Habang nakapikit ay nakikita ko ang mukha ng aking mga magulang, nakangiti sila. Alam kong masaya sila para sa akin.

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang pag katok ni kuyang guard. Nandito na pala kami, hindi ko man lang namalayan. Agad kong binuksan ang pinto. Kinuha naman ni kuyang guard ang aking gamit at sinabing sya na daw ang bahala doon. Tumingin ako sa harapan at di ko maiwang mamangha sa nakikita. Silver-red gate can be seen in front with unknown carvings in it. In top is the silver-white engraved name of the academy.

FÉIRROX ACADEMY

Nang mahimasmasan ay agad akong lumapit doon. Itinapat ko ang aking kamay sa isang box na nakadikit sa gilid ng gate.

"Welcome to Féirrox Academy" hindi na ako nagulat ng marinig ang mala robot na boses ng babae.

Bumukas ang gate at ang kaninang pagkamangha ko ay walang wala sa nakikita ko ngayon. Kanina pa ako namamangha pero alam kong walang makikitang emosyon sa mukha ko. Silver and Red is the theme of this school, or should I say castle? Ang laki kasi talaga. Parang kakasya dito ang mga tao sa buong Magea eh. Fierce, that's what this place is sreaming. Mayroong fountain sa gitna ng area bago makapasok sa main entrance nitong academy. Sa ulap man ito nakatayo, sagana parin sa mga bulaklak at puno ang lugar na nakapalibot sa kastilyo.
May mga statue ng mga hybrid animals sa gilid ng fountain.

Centaurs, one of the most famous hybrid creature and commonly known as 'horse-man'

Mermaid, they have upper body of a human and lower body of a tail of a fish.

Minotaur,  a creature that is part bull, part man.

Mandrake, a rare instance in which a hybrid creature is a blend of a plant and human.

Satyr, a creature who is part goat, part man.

Ilan lang yan sa mga alam kong hybrids na naririto sa akademya. Tuluyan na akong naka pasok sa entrance. Tulad ng sa labas, silver at red din ang kulay makikita dito. Napakalawak ng lobby nila dito, ang kintab rin ng sahig at may malalaking chandeliers na nakasabit. Mayroong mga bolang apoy na nakalutang sa bawat madidilim na parte. Mayroon ding mga paintings na nakadikit sa kabilang dulo nitong lobby na sa tingin ko ay dating professora at headmaster/headmistress ng akademya. Agad akong tumungo sa harap kung saan may nakikita akong babae na nagsusulat sa mesa. Dito siguro ang tanggapan ng mga bagong estudyante. Agad kong ipinatong sa mesa papel na binigay sa akin ni Lady Yvveana.
Umangat ang tingin ng babae sa akin at kinuha ang nilagay kong papel. May kinuha sya sa likod kung saan mayroong mga folders at ilang files na naka display.

"Ito ang mapa ng paaralan at ito naman ang magiging dorm mo. Mayroon kang pitong kasama sa dorm. Sundan mo lang yan para hindi ka maligaw." Sabi ng babae at mayroon din syang ibinigay na susi sa akin.

Hindi na ako nagsalita at agad sinundan ang daan na nakasaad sa mapa. Mayamaya din akong napapahinto dahil na aamaze ako sa mga nakikita. Narating ko ang harap ng dormitory building kaya agad akong pumasok. Ang itsura nito ay katulad lang doon sa tanggapan nila. Pero mas maliit ito kumpara doon. Pumunta ako sa elevator at pinindot floor number 17. Mayroon kasing 20 floors Ang building na ito. Pag bukas ng elavator agad bumungad sa akin ang kulay puting hallway. May makikita ring paintings na nakadikit sa bawat gilid.

237, 238, 239 at ayon na nga ang tutuluyan ko, room number 240. Agad kong pinasok ang susi sa kulay pulang pintuan. Pula kasi ang mga pintuan dito. Pagbukas ay Wala akong nadatnan na mga tao. As usual kulay puti at pula parin ang kulay na naririto. Mayroong dalawang chandilier sa kulay puting cieling.  Tanging puti lang Ang makikita mo sa cieling at sahig sa unanng tingin. Pero kung titignan mo ng maayos mayroon itong thread size waves na kulay pula. Mayroong walong na pinto sa kanan at may arc naman sa kaliwa, siguro kusina. Kompleto ang gamit dito sa sala nila. Kulay puting couch at pulang mga unan. Mayroon glass table at Flat screen TV. Sa likod naman ng couch makikita ang malaking glass door para sa veranda. Grabe ang ganda naman dito. Para na itong five star hotel eh, sobrang mamahalin ng dating.

Umupo ako sa couch at pumikit. Hindi pa ako pwedeng pumunta sa kwarto ko kasi hindi ko alam kung saan. Hihintayin ko muna ang mga kasama ko rito. Ginawa kong komportable ang sarili ko kasi ako lang naman mag isa. Humiga ako sa couch, bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman may pumasok sa isipan ko na syang dahilan ng aking pag ngiti.

Dito na magsisimula ang panibagong yugto ng aking buhay.






You are reading the story above: TeenFic.Net