CHAPTER 1

Background color
Font
Font size
Line height

Your Smile

Fighting against poverty is so damn hard. Kinakaawaan ka ng lahat. Pinagtatawanan, binubully at kung ano-ano pa ang gagawin tungkol sayo.

Ganyan ang nangyari sa akin. Dahil sa pagiging mahirap ko madali lang sa kanilang ibully ako, abusuhin ang pagkatao ko.

Dahil din sa pagiging tanga-tanga ko at slow poke minsan ay natry ko ng ma-scam 'di kase ako marunong mag-isip. Basta basta nalang akong mag-go go with the flow.

Pero alam niyo bang accident prone ako? Syempre 'di niyo alam ngayon ko pa lang sasabihin eh.

So ganito kase 'yun. Para akong pusa, may anim na buhay kumbaga. Pero hindi lang anim ang buhay ko kundi higit pa dun. Nung bata pa ako alam niyo bang nahulog ako sa hagdan? Syempre 'di niyo rin alam 'di kase tayo magkasama noon hihi. Hindi rin naman tayo magkamag-anak.

So yes, nahulog ako sa hagdan nung 3 years old ako. Nakatulog kase 'yung kuya ko noon kaya ayun muntik na akong matigok. Nung baby ako nahulog ako sa duyan, o 'di ba hindi kapani-paniwalang nabuhay pa ako? It's a miracle you know.

Nung 6 years old naman ako nasagasaan ako ng bike. Oo buti nalang at bike dahil kung truck 'yon aba ewan ko nalang kung magkakaroon pa ng himala ang buhay ko.

Nung 7 years old ako ay nawala ako ng ilang araw. Mabuti nalang at nakita ako ng kuya ko na natutulog sa gilid ng kalsada. Mabuti nalang at walang gumalaw sa akin.

Nung 11 years old naman ako ay nalunod ako sa dagat at salamat sa diyos ay nabuhay na naman ako. Mabuti nalang rin ay nakita agad ako ni mama.

Nung 13 ako ay natamaan ako ng malaking bato. Naglalaro kase nun ang mga bata sa parke at ako ang swerteng natamaan. O diba? Ang galing lang. Hindi ko kase napansin iyon dahil tulala ako ng araw na iyon.

June 16, 2012 when my Mom and Dad separated. Napagkasunduan nilang maghiwalay dahil nagsinungaling si papa sa pamilya. Sa araw rin na iyon nalaman kong pangalawang pamilya lang pala kami ni papa, na hindi kami ang tunay at legal na pamilya ni papa. Kabit lang pala si mama.

Kaya pala minsan lang kung umuwi si papa. Alam ko naman na may trabaho siya sa Maynila pero 'di ko alam na nandun rin pala ang tunay niyang pamilya.

Yun rin yung araw ng birthday ko. Sa araw rin na iyon Hunyo 16, 2012 iniwan ako.... Iniwan ako ng nag-iisa kong kakampi.

Ewan ko siguro nasaktan rin siya kaya siya naglayas. Sa murang edad ko, sa treseng edad ko natuto akong mag-isa. Mag-isang pinapakain ang sarili ko, mag-isang pumapasok sa paaralan, mag-isa sa bahay at mag-isang namumuhay. Iniwan rin ako ni Mama. Nagpakalayo-layo siya.

Ang saya ng birthday ko..... Sobrang saya. Sa sobrang saya ay naiyak ako buong araw, hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Dahil sa araw na iyon dun ko naramdaman ang labis na kalungkutan. Labis na sakit at labis labis na paghihirap.

14 years old ako nang matuto akong magnakaw, oo nagnakaw ako noon dahil sa labis na gutom. Nagawa ko lang iyon dahil nakikipaglaban ako kay kamatayan.

Ayaw ko pa naman mamatay dahil hahanapin ko pa ang nag-iisang importanteng tao sa buhay ko. Kailangan ko siyang makita, marami akong katanungan sa isip ko na gustong itanong sa kanya. Maraming bakit.

Pero nung araw na nagnakaw ako nahuli ako ng mismong may-ari. Hindi ako nakatakas dahil sa labis na panghihina. Pero nagkaroon siya ng kondisyon. Kondisyon na ayaw kong gawin. Hindi niya raw ako ikukulong kung.... kung makikipag-- alam niyo na yung ginagawa ng mag-asawa lamang.

Hindi ako pumayag, nagpumiglas ako. Sumigaw ako sa abot ng makakaya ko, nanghingi ako ng tulong pero 'di nila ako pinaniwalaan dahil rason ko lang raw iyon para pagtakpan ang kasalanan ko. Alam kase nila na isa akong batang mag-nanakaw.

Magnanakaw.

Tsk nakakatawa lang.

Kaya hindi ako nakalusot. Nakulong ako na dala-dala ang trauma ko. Dala-dala ang kalungkutan.

Ilang araw ako 'di nagsasalita, 'di kumakain. Naghihintay kase ako baka, baka kunin ako nila papa o ng kuya ko.

Pero walang ni isang bakas ng pamilya ko ang pumunta man lang dun. Siguro nga hindi na nila ako inalala pa.

Isang buwan rin akong namalagi ron bago ako kunin ni lolo ko.

Si lolo ko.

Oo nga pala may kasama pa ako. Sinabi niya sa'kin na hindi raw niya alam ang nangyari sa pamilya. At lalong hindi rin niya alam na mag-isa nalang pala ako.

Nabalitaan lang niya nung tumawag raw si papa sa kanya. Si lolo ko ay papa ni mama. Siya nalang rin mag-isa sa buhay dahil namatay si lola sa sakit na cancer. He's from Cebu. Bisaya 'yung lahi ng mama ko. And I'm proud to have a dugong bisaya.

Dapat kase magkasama kami sa iisang bahay ang kaso 'di maiwan ni lolo ang farm dun na inalagaan niya simula nung binata pa siya.

Kaya nung nalaman niya ang nangyari sa akin ay dali-dali siyang pumunta sa kinaruruonan ko. Sa presintong kinalalagyan ko. Sa presintong naging tahanan ko sa murang edad pa lang. Oo presinto, ewan ko ba dapat kase sa dswd. Pero pinagpipilitan kase ng may-aring ninakawan ko siya ng malaki at inambaan ko raw siya ng patalim kaya nagkaroon siya ng sugat sa braso duh kung alam lang nila na ginawa ko yun para makatakas sa manyak na iyon at di naman patalim ginamit ko, matulis na kuko ko lang. Galing talaga gumawa ng kwento ng lalaking iyon, kahit alam naman ng mga pulis na bawal ako sa presinto dahil sa murang edad ko. Pero dun pa rin ang bagsak ko. Wala eh, ewan ko ba dun sa kanila tsk.

Binawi ako ni lolo. Laking pasasalamat ko, akala ko dun nako titira habang-buhay. Inamin ko naman agad na ninakaw ko lang iyon dahil sa gutom at inamin ko rin nag pagtatangkang galawin ako ng may-aring ninakawan ko. Pinalaya ako nila dahil hindi naman raw ako nababagay roon. Dapat raw sa akin ay nag-aaral sabi ng mga pulis.

Gusto talaga nila ako ilagay sa dswd mapilit lang talaga daw yung lalaki kaya ang ginawa nila, inilagay ako sa malinis na selda, na parang isang kwarto na rin hindi kagaya nung iba na karton lang sa akin pinag-abalahan pa ng mga pulis para raw maging komportable ako at hinintay lang nila na may kumuha sa aking kamag-anak at yun nga ang lolo ko. Sa araw ng pamamalagi ko ron, mababait naman pala ang mga pulis.

Nung mabawi ako ni lolo ay iniwan na niya ng tuluyan ang Cebu para sa akin. Kailangan niya kase akong bantayan at samahan. Ibinenta ni lolo ang farm niya para sa bagong buhay na tatahakin niya kasama ako.

Nakabalik ako ng pag-aaral. Tumino ako at inihinto ang pagnanakaw. Ginabayan ako ni lolo at tinuruan ng mabuting asal.

Naging masaya ako sa piling ni lolo ko. Hindi ko na inalala pa ang masasakit na nakaraan na nagbibigay sa akin ng labis na trauma.

I was 15 nung muntik na ako maharass. Pauwi na ako nun sa skwela nang may humablot sa kamay ko at dalhin ako sa isang tahimik na eskinita. Labis na kaba ang nadarama ko sa mga oras na iyon.

Iyak ako ng iyak at walang nagawa nang sirain niya ang uniform ko. Mabuti nalang at may nakakita sa amin at agad siyang nadakip. Agad rin naman dumating si lolo pero todo iyak na ako nun at di makapag-salita.

Ilang araw akong tulala at 'di makausap ng maayos. Tulala at takot akong pumapasok sa skwela. Bumagsak ang mga grades ko dahil 'di ako makapag-focus. Iyak ako ng iyak kapag uwian na.

Pero gumagawa si lolo ng paraan para mapagaan ang loob ko. Nabalitaan ni papa ang nangyari sa akin. Wala akong sama ng loob kay papa, masaya ako dahil sa ilang taong nakalipas ay kinakamusta niya ako. Palagi niya akong pinadadalhan ng regalo. Dahil nga sa nabalitaan ni papa ang masaklap na sinapit ko, kinuha niya kami at binilhan ng sariling bahay sa Maynila.

Pinalipat niya kami sa Maynila para sa bagong buhay. Para makalimutan ang mga nangyari na makakatulong sa akin para makarecover agad. Lumipas ang ilang araw, buwan taon hanggang sa makalimutan ko ang nangyari sa akin.

Wala ng nangyaring aksidente sa buhay ko nung nag-16 ako. Salamat naman. Pero hindi ako pinalampas nung nag-17 ako alam niyo bakit? Kase naman may itinanim kami ni lolo na puno ng mangga sa likuran lang ng bahay hehe. Napansin ko na may mga mangga na kaya namitas ako. At sa tawag ng malas ay nabali yung sanga na inaapakan ko kaya boom-- sabog hulog. Nagkaroon ng gasgas ang braso ko.

Kaya ang ending. Napagalitan ako ni lolo. Nagkaroon pa ako ng sugat.

Hayss talaga buhay.

Pero lahat ng nangyari ay matagal ko ng kinalimutan. Salamat sa diyos at wala naman nagpapaalala sa akin.

"Alexie, apo."

Nabalik ako sa katinuan nang my tumapik sa balikat ko.

"Yes po lolobells?"

"Tumawag papa mo." Mahinahong sabi niya.

"Ha? Bakit raw po lolobells?" takang tanong ko habang inaamoy ang dahon ng mangga.

Yes mahilig akong umamoy ng dahon ng mangga. Ewan ko adik yata ako.

"Kailangan mo na raw magpa-enroll, magpapasukan na raw." Tumabi si lolo sa akin.

Nakaupo kase ako rito sa labas.

"Ay kailangan pa pala 'yun lolobells? Kala ko sa bahay na ako forever." sabi ko.

Nakita kong natawa naman agad si lolo. "Ikaw talaga apo panay kalokohan ka talaga."

Kalokohan raw? Mukha ba akong nakikipaglokohan? Akala ko kase tapos na akong mag-aral. Mayroon pa pala? Waw.

"Hindi naman po ako nakikipaglokohan lolobells." nakasimangot kong tugon.

"Oo na, oo na. Pakitawagan lang pabalik 'yung papa mo mamaya. Kayo na mag-usap tungkol diyan."

"Opo lolobells, noted." saad ko bago siya bumalik sa loob.

Woah magpapasukan na pala. Muntik ko ng makalimutan na nag-aaral pa pala ako. Wews.

Bumalik na ako sa loob at tinawagan si papa.

*ring* *ring*

[Hello? Pa? Napatawag po kayo?"]

"Papa, ako po 'to si Alexie. Sabi po kase ni lolo tawagan po kita." sabi ko.

[Ay oo nga pala lexie anak. Magpapasukan na, ipapa-enroll na kita.]

Naexcite naman agad ako sa sinabi ni papa.

"Hala papa saan naman po ako na school?" tanong ko.

Syempre naman 'no bago palang kaya kami rito. Pangalawang bahay na namin ito. Kase nga sa unang school na pinasukan ko nabully ako dun. At ang malala pa ay nahampas ako ng walis sa ulo ko kaya kailangan na naman namin lumipat.

Pangalawang school ko na ito na lilipatan.

[Dun ka sa school na papasukan ng kuya Clark mo.]

Si kuya Clark ay anak ni papa sa legal wife niya. Palaging kwenikwento ni papa sa akin na si kuya Clark ay mabait na anak. Palangiti at maaalagain. Naikwento rin ako ni papa sa kaniya at naeexcite daw si kuya Clark na makita ako.

Wala raw siyang galit about sa akin dahil matagal na rin daw na gusto ni kuya Clark na makita ako. At gusto raw ni kuya Clark na magkaroon ng kapatid na babae kaya masayang masaya siya na mabalitaan na mayroon siyang kapatid. Kahit step-sister niya lang ako ay tanggap niya ako. 'Yung mama niya lang ang hindi ako tanggap.

"Pero papa malaking school po ang pinapasukan ni kuya at mahal rin po 'yung tuition. Baka pagalitan na naman kayo ni tita. Okay na po sa akin 'yung skwelahang free tuition po."

Baka kase mag-away na naman sila ni tita naku.

[Anak pera ko naman ang ginagamit ko, para sa'yo rin naman 'to. Pambawi ko sa pang-iiwan ko noon sa'yo. Pasensya sa nagawa ko ha? Nalito lang talaga ako noon. Hindi ko naman sana kayo iiwan eh pero naging tanga si papa.]

Naiyak ako sa sinabi ni papa. Nagdadrama na naman siya juskoo.

"Papa naman pinapaiyak niyo na naman po ako. Matagal na po 'yun kalimutan nalang po natin. Ang importante ay magkasama na po tayong muli." sabi ko sabay punas sa mga luhang tumutulo sa pisngi ko.

Parating dumadalaw si papa dito. Pero nung nakaraang buwan madalang nalang kung pumunta rito si papa dahil naging busy na siya sa trabaho.

Palagi niyan nirarason ang trabaho niya kahit alam ko naman na pinagbabawalan siya ni tita at tumatakas lang siya sa kanila.

Masaya ako kahit papaano ay naaalala ako ni papa pero nag-aalala ako para sa kanila ni tita.

[Oh siya anak kailangan ko pang sunduin ang tita mo okay? Ipapa-enroll na rin kita sa kuya mo. Sasabihin ko nalang sa'yo kung saang school. Tatawag ako mamaya.]

"Opo papa mag-iingat po kayo. Salamat po."

[Sige anak kayo rin mag-iingat ha. I love you.]

Pagkatapos nun ay binaba na ni papa ang tawag. Nalungkot ako dahil papasok na naman ako. Baka ano na naman ang mangyari sa bago kong paaralan. Sana naman 'wag mangyari ang nangyari sa'kin dati.

Sana lang.


You are reading the story above: TeenFic.Net