kabanata-Ten

Background color
Font
Font size
Line height




Hindi ko po alam kong anong nangyari sa chapter
Ten at Nine huhuhu

**

Riri

    

    
   Habang tumitingin ako sa paligid ay may nahagip ang mata ko, it's a big frame na nakasabit sa dingding, familiar siya sakin pero hindi ko lang natandaan. Nawala ang tingin ko doon ng nakita ko si manang ida na paparating.

     " Sabi ni young master iho na dito kana daw magpalipas ng gabi dahil gabi na, atsaka para hindi magalala ang nanay mo ay tawagan mo nalang o i text para alam ng nanay mo na hindi ka makakauwi ngayong gabi." Sabi ni manang ida kaya tumango ako, sabagay gabi na, ayoko namang isturbohin ang tao, nakakahiya. Atsaka may kalayuan din sa'min baka makaabala pa ako.

      " Sige po manang ida."

" Halika at dadalhin kita sa guest room iho para makapagpalit kana, wag kang magalala meyron ng damit doon." Sabi ni manang at iginiya ako papunta sa guest room.

   
" Ikaw na ang bahala sa Sarili mo iho, tatawagin nalang kita kapag hapunan na. " Sabi ni manang kaya tumango ako.

" Salamat po manang. "

" Walang anuman iho, sige at akoy magluluto na. "

Kaya ngumiti ako at tumango, agad lumakad na si manang. Kaya ako naman ay pumasok na sa guest room. Pagpasok ko palang ay sobrang linis ng paligid at ang kintabkintab. Napunta ang tingin ko sa kama, pagkakita ko palang alam kong sobrang lambot nito, at ang laki. Nakita ko din ang   closet sa gilid ng kama at lampshade. May pintuan din sa left side, tingin ko doon ang cr.

    Agad akong pumunta sa closet at binuksan ito, tumambad sakin ang ang sleeveless shirt, sweatshirt,
short , underwear at kong ano ano pa. Bakit kaya mayroon na ditong mga ganito? Para sa bisita? Malamang! Tanga ko talaga!

  Pumili lang ako ng loose shirt na damit at pajama. At agad pumunta sa cr at naligo dahil ang lagkit lagkit kuna talaga, ang kati kati sa katawan! Pagkatapos kong naligo ay agad akong nagbihis ay pinatuyo ang buhok sa tuwalya. Pagkatapos kong nagpatuyo ay umupo ako sa kama at natulala, may pumasok sa isapan ko, agad kong kinuha ang cp kong luma at nagtext kay mama.

    Ma hindi na muna ako uuwi sa bahay ngayon dahil gabi na, dito nalang ako sa classmate ko matutulog, sorry po talaga nay kong hindi kita masasamahan sa hapunan.

   Pagkatapos kong i-text si mama ay agad ko itong linagay sa table sakto namang may kumatok sa pintuan. Baka si manang Ida na iyon. Agad kong binuksan ang pintuan.

    "Halikana iho, maghahapunan na." Nakangiting bungad sakin ni manang.
Kaya tumango naman ako.

      "Sige po." Sabi ko at sumunod kay manang Ida.

   Nakarating na kami sa may
dining area, namangha ako dahil sa laki ng kanilang hapagkainan, siguro 15 ka tao ang makakaupo dito tas ang lapad pa. At halata ding sobrang gara nito at matibay.

    Napadako naman ang mata ko sa lamesa, Naglaway naman yong lalamunan ko at napalunok ng makita ang nakahain sa lamesa, ang daming pagkain! At halatang napakasarap! Para namang may birthday o fiesta sa dami ng handa.

   "Umupo kana iho, at kumain kana, alam. Kong nagutom ka dahil sa nangyari ngayon. " Napakamot naman ako sa buhok at nahihiyang ngumiti kay manang. Totoo yon, gutom na talaga ako kanina pa, kaso nakakahiya naman kong sasabihin kong makikikain ako, mas lalong nakakahiya yon!.

  

   " Ah hehe, manang Ida hindi ba kayo sasabay sakin kumain? " Kahit ang kapal ng mukha ko , pero gutom na talaga ako, ang boring naman kong ako lang mag isa ang kumakain dito, nasanay kasi akong pagkumain ako ng hapunan ay sabay kami ni mama.

   Sakto namang pagkasabi ko non ay nakita ko si mister na pababa sa engranding hagdanan habang suot suot ang kanyang walang emosyong mukha, nahigit ko pa ang hininga ko dahil napunta ang tingin nito sakin, nagdalawang isip pa ako kong kakaway ba ako o ngingiti? Parang oa ko naman at sobrang close ko non. Kaya ngumiti nalang ako kaso inis-snob lang ako kaya naphiya ako! Ts sungit!

   "Oh yan na pala si young master iho." Sabi ni manang at binati ni manang si mister, tumango naman ito, parang wala talaga itong emosyon sa mukha, hindi alam kong pano ngumiti. Hayts. Pagkatapos binati ni manang si mister ay lumakad na si manang, wait saan pupunta si manang? Hindi niya ako sasamahan?

     Nakatayo parin ako habang sinusundan ng tingin si mister, umupo ito sa isa sa mga upuan, at inayos niya ang kanyang magulong buhok niya, sa totoo lang kahit hindi niya ayusin ang kanyang magulong buhok sobrang gwapu niya parin at kahit simpleng galaw niya lang ay nakaka mangha dahil nagfle-flex yong muscle niya, at kita ko ito dahil naka plain white t-shirt lang ito!... Parang ang sarap- ay hindi! May sinabi ba ako? Ito talagang isip ko kong ano ano nalang ang naiisip!

      "Are you just going to stand there?" Untag niya habang mariing nakatingin sakin. Napalunok naman ako. At alanganin kong uupo ba ako o hindi?

         " uupo... Ako?" Ano ba yang tanong ko?! So stupid! Ashh!. At iniwas ko ang tingin, nakakahiya!

        " Perhaps?" Habang nakataas ang isang kilay niya.    " Ts sit beside me." Saad pa niya. Habang tinapik niya ang katabi niyang upuan, na sinasabing dito ako umupo.

     Nagulat naman ako...sa t-tabi niya? Seryoso? Walang halong biro?

     "Diyan sa t-tabi mo?"

    "Are you deaf?"

Napalunok naman ako, at hinay-hinay na lumakad papunta sa tabi niya at umupo. Nagsimula na siyang

Kumuha ng makakain, at sobrang nagulat ako ng sinandukan niya ako ng kanin at ulam, at sobrang dami pa iyon!, Okay lang naman , malakas kasi akong kumain, lalo na't gutom na gutom ako ngayon.

Tumingin ako sa kanya

"Um salamat" ngiti kong sabi. Atleast gentledog I mean gentleman man pala. Sorry pasmado hehe.

  As usual, hindi ito tumingin sakin at nagsimula ng kumain.

  "Eat now." Sabi niya habang hindi tumitingin sakin.

   "Opo." Hehe

At tahimik kaming kumain dalawa, sa sobrang tahimik ay mga kalansing ng kubyertos nalang ang naririnig ko. Pabor naman sakin, dahil gusto ko talaga pag kumain ako ay tahimik, yong walang nagsasalita. Para sakin kasi ay nakakabastos iyon.

    Malapit na akong matapos, pero si mister ay kanina pa tapos, na iilang nga ako kasi parang tinititigan niya ako.
Alam niyo yong gusto mo ng sunggaban ang pagkain pero hindi mo magawa dahil feeling mo may nakatingin sa iyo? Baka sabihan pa akong patay gutom, kaya parang mahinhin akong kumakain ngayon.

     

    "Eat more I know you eat a lot, but  you're still thin. " Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. Bakit alam niya na malakas akong kumain? Nagkibit balikat nalang ako. Baka alam niya lang, at nakakahiya dahil alam niya pa iyon! Shet na pinakbet! Huhuhu

      Napaiwas naman ako ng tingin at nahihiyang tumango, bakit itatangi ko pa? "Hindi naman ako mapayat, sadyang ganito lang talaga katawan ko eh" nakalabing sabi ko, pero napagtanto ko ang itsura ko ay agad ko itong inayos. At tumikhim. Ang sarap kutusan ang ulo ko! Ashh!

   

Tumingin ako sa kanya at may nakita akong multo ngiti sa labi niya at lumambot din ang ekspresyon niya pero agad ding nawala at bumalik sa walang emosyon na mukha, siguro namalikmata lang ako. Pinilig ko ang ulo ko. Agad akong uminom ng tubig ng tapos na akong kumain napadighay pa ako, Opss sorry hehe.

   

    "Are you done?"He asked.
Kaya tumango ako.

     " Follow me." Sabi niya pagkatapos niyang magpunas ng bibig at tumayo na siya kaya napahawak ako sa t-shirt niya. Napatingin naman siya doon kaa napabitaw naman ako.

    " Pero yong mga pinggan?"

    " Just leaved it there."
Sabi niya at tumalikod na.
Kaya dali dali naman akong sumunod sa kanya.




**

Enjoy reading 😁

Sorry po sa mga typos at wrong grammars pagpasensyahan niyo na, hindi po ako perpektong manunulat.😊

At sana nagustuhan niyo to.

Vote and comment  are highly appreciated 😘
And of course you can share it your friends.

Stay safe guys and Godbless.


You are reading the story above: TeenFic.Net