WINTERINS ACADEMY
CHAPTER 2 : PAST
'They're here' I said in my mind habang tinitingnan silang mag impake.
"Papunta na sila dito! Bilisan na natin!" I said sakto namang tapos na sila at dali dali kaming nagteleport at napapunta kami sa forest.
"Bakit tayo nandito?"
"Sorry, nagmamadali na kasi talaga ako"
"Okay lang, tara na"
Tumakbo kami papunta sa loob ng gubat.
Habang natakbo kami'y inalala ko ang nangyari samin dati noong kami'y 13 years old pa lang.
3 years ago
Tumatakbo kaming apat nila Nath sa isang alley dahil naligaw kami.
"Nasaan na ba tayo? Gaga ka kasi Phia kung saan saan ka pumupunta" saad ni Jea.
"Sorry naman, may nakita kasi ako sa likod ng poste noon tapos pagtingin ko wala na kaya hinanap ko, malay ko bang susunod kayo"
"Syempre! Alangang iwanan ka namin noh" sabi naman ni Nath.
"Hindi nyo ba natandaan ang dinaanan natin? Hindi ko namarkahan yung lugar natin dahil hindi pa ako sanay sa kapangyarihan kong bago" sabi ko sa kanila.
May kapangyarihan kasi ako na magteleport, naunang mag awaken yung power ko at mga ilang araw naman silang tatlo. 10 years old kami yata kami non.
"Hey! You!" Biglang sumigaw si Phia at binilisan ang takbo nito.
"Hala! Ganito pala katibay stamina ko, now ko lang nalaman"
"Syempre! Lagi tayong nagsasanay noh"
"Tara na"
Sinundan namin si Phia at nakita naming lumiko sya kaya naman lumiko kami at sinabayan sya.
Ngunit kami yata ang nacorner dahil dead end na ito at wala man lang katao-tao dito, madilim rin.
Minarkahan ko ang tinakbuhan namin just incase na may mangyari.
Bigla na lang pinasok ni Phia ang kamay nya sa wall na ito at nagulat kami nang tumagos ito kaya nagkatinginan kami.
"Wait! Nakakahingal mga teh, wala bang pahinga?" Reklamo ni Nath.
"Tara na Nath" sabi ni Phia kaya wala namang nagawa si Nath.
Pumasok kami sa lagusan na ito at bumungad samin ang madilim pero magandang paligid. May mga bahay at castle dito.
Naglakad-lakad kami habang sinusurpress ang power namin.
Lumilingon-lingon pa kami sa paligid dahil baka may nakakita sa amin.
Habang naglalakad, may napulot akong libro na luma, as in sobrang luma at ang nakalagay dito'y "Winterins Academy" .
Sa ngayon ikikeep na muna kita.
"Pst, may tao! Tago!" Sabi ni Phia at hinila kami sa isang tabi kaya naman wala kaming nagawa.
"Wala na siguro ang sumusunod sa iyo Arthur, bumalik ka na ulit sa labas ng ating mundo at gawin ang iyong misyon"
"Oo na Kale, aalis na ako, wag mo ako mamimiss ha"
"Shut up"
Nagtawanan pa sila bago umalis ang Arthur na sinusundan ni Phia.
Papaalis na sana ang Kale kuno nang bigla syang may maramdamang kakaiba.
"Sino ang nariyan? Kayo'y lumabas na at magpakita!" Saad nito ngunit hindi namin sya sinagot.
Papalapit na sya dito kaya naman napatayo na lang ng kusa si Phia at napapikit kami.
"Sino ka? Sumama kayo sa akin ng kasama mo kung ayaw nyong mamatay na lamang dito" sabi nito at hahawakan na sana nya si Phia ngunit tinulak sya ni Jea.
"Fvck! Kung ayaw nyong sumama, edi pipilitin ko kayo!" Sabi nito at kinuha ang sandata nyang espada. Binalutan nya ito ng itim na aura at sinugod kami gamit nito.
Inaamin kong malakas ito at mabilis kaya kami'y may daplis na rin sa aming mga balat.
"Dang! Don't you dare hurt my friends!" Nath said at sinugod si Kale na syang kinabigla nito ngunit nasangga rin naman ang hawak hawak ni Nath na dagger.
"Magaling ka ngunit walang kwenta ang galing mo kung mamamatay ka na rin naman dito" sabi nito at patuloy kaming sinugod kaya naman nilabanan namin ito.
Malakas at mapanganib ngunit kaya naman namin.
Nang manghina sya'y sinaksak ko ito agad sa puso na sya namang ikinamatay nito.
Napabitaw naman ako sa hawak kong daggers.
"N-nakapatay ako.."
"Shh, masama syang tao, dapat lang iyon, wala tayong magagawa dyan"
"Tama si Phia, Ali"
"Damn it, nandito na ang iba pa humanda na kayo! Ah!" Biglang sigaw ni Nath nang makalaban ang isa sa mga ito.
Marami-rami sila kaya naman inayos ko ang pustura ko't nakipaglaban na rin dito.
'guys! Mag iingat kayo sa kanila! Gumagamit sila ng Dark Magic!' sigaw ni Jea sa isip namin kaya tumango kami.
Hindi na namin pinansin kung ilan ang aming napatay basta mabuhay lamang dito.
Ngunit ang pinakamahirap na nakalaban namin ay ang panghuli.
"Shit Dale! Malalakas ang mga ito, napatay na rin ang kakambal mong si Kale!"
"Damn you quadros!"
"Ako na ang bahala sa isang to!"
"Ako naman dito!"
Isa isa kami nitong nilabanan at itong kalaban ko ay si Dale na kakambal ni Kale.
Nakipaglaban lang sya hindi lang sa kapangyarihan at armas kundi na rin sa pisikal. Aaminin ko, pagod na ako't masakit rin ang aking sikmura dahil sa mga natamo kong sipa nila. Mga shuta sila, sikmuraan ba naman ako paulit-ulit.
"Eric!! Fvck it!" Sigaw ng isa sa kanila nang mapatay ni Phia si Eric kuno nila.
Tinulungan ni Phia si Nath dahil mukhang nahihirapan na ito.
Nadaplisan ako nitong Dale sa pisngi at balikat ngunit mas napuruhan ko sya.
Ngumiti ako sa kanya at sinaksak rin sa puso kagaya ng kanyang kakambal. Umagos naman ang dugo mula sa bibig nito.
"I'm sorry.." sabi ko dito. Ngumiti naman sya sa akin at ipinikit ang mata nya.
Ngayon ko lang napagtantong hindi lahat ng taong pumapanig sa masama ay may masama na ring kalooban.
Itinabi ko ang katawan ni Dale sa kanyang kakambal na si Kale at tinulungan si Jea na tapusin ang laban.
Lahat kaming apat ay hingal na hingal dahil sa pakikipaglaban sa apat na ito na kasing lakas ng isang elder dito.
Wala na akong sinayang pang oras at nagteleport na rin sa pinanggalingan namin at nagtanong tanong kung saan ang daan patungong San Lopez school.
Nang malaman ay nagsiuwian na kami nang may tamo tamong maraming sugat.
End of the flashback
"Nasaan na ba tayo? Bwisit kasing Dark Magicians yun eh!" Inis na reklamo ni Jea at lumilinga-linga sa paligid.
Kanina pa kami rito palakad-lakad.
Hindi namin pinababayaan ang bawat isa kung sakali mang atakihin kami ng mga Dark Magicians na ito.
"Hindi naman natin kasalanan yung nangyari dati diba? Kasalanan nila yon! Inatake nila tayo eh!" Sabi ni Nath.
"Kung sanang hindi ako pinangunahan ng curiosity ko edi sana.." Phia is blaming herself again.
"Phia, listen, walang may kasalanan ng mga nangyayaring ito at tanging experience lamang para sa atin iyon na ipinagkaloob ng tadhana, maliwanag ba?" Sabi ko dito at nginitian ito.
Tiningnan nya naman kami at ngumiti.
Alam naming tatlo na Phia is blaming herself since then. Lagi kasi kaming ginagambala ng mga Dark Magicians and it's irritating.
"Wait guys! May nakikita ako banda doon, tara!" Sabi ni Nath at tumakbo hila hila si Phia kaya hinila ni Phia si Jea at hinila naman ako ni Jea.
Napadpad kami sa isang lugar at nakita ang isang malaking wall at mukhang malawak-lawak ito sa loob. May isang gate naman doon kaya lumapit kami at nagulat sa nakasulat. Nagkatinginan naman kami before namin basahin ito.
"WINTERINS ACADEMY"
.....
You are reading the story above: TeenFic.Net