WINTERINS ACADEMY
CHAPTER 40 : KISS
Nauna na ako sa room because I thought I would see them but I didn't. Where the hell are they?
Napalingon ako sa pinto nang may pumasok and it is them.
"Hey! Where did you go?" I asked.
Nagtaka naman sila sa akin na hindi ko naman alam kung bakit.
"Huh? Ahh may tiningnan lang" sabi ni Phia.
"Meron kasing nangyaring incident sa forest" kwento naman ni Nath.
"Ahh.. oo alam ko" I said at nagpahalatang ako ang may gawa non.
"Paano mo nalaman?" Sabat ni Klaeden.
I think now nya lang ako kinausap.. or not?
"Duh bulung-bulungan dito eh, tingnan mo" sabi ko at inginuso ang mga estudyanteng mga nag uusap.
Good excuse ahihihi
Hindi naman nakasagot si Klaeden.
"Saan ka nagpunta kanina? Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Jasper.
Pahingi papel pambusal ng bibig.
"Nagcr ako diba? Tapos paglabas ko may nakasalubong akong weird na babae na sobrang kulit at gusto daw magpaautograph, celebrity ba ako? Tapos paglabas ko sumusunod sya sa akin dahil makulit pinirmahan ko papel nya pero ibang pirma tapos habang naglalakad naririnig kong bulung-bulungan, actually pagbalik ko sa cafeteria wala na kayo, hinanap ko pa kayo, nasaan ba kayo?" Nagtataka kong kunwaring tanong sa kanila.
Nagtinginan naman sila na parang nag uusap sa isip.
"Nag uusap ba kayo sa isip nyo? Teka nga, ako ba pinaghihinalaan nyong suspect?" Deretso kong tanong sa kanila na syang ikinagulat nila.
"Tss, alam kong brutal ako pero ganoon na rin ba ako kasama para doon sa nangyari sa Forest?"
"Hindi naman Ali, ano lang may injured kasi.." sabi ni Jea.
"So ako yung pinagbibintangan nyo?"
"N-No Ali! Wala kaming sinasabing ganyan, ang amin la--"
"No. Huwag na kayong magpaliwanag pa, it's okay" sabi ko at ngumiti na lang ng pilit bago umupo sa upuan ko at tumungo.
Great brains girls, but I'm hurt, gano'n na ba talaga kasama tingin nyo sa'kin? Huhu anyways sana mag improve pa sila sa pag iinvestigate, madali silang mahahalata.
Anyway, training now diba? Bakit nandito ang mga students?
"Good afternoon class, ang mga trainers ay hindi muna makakaattend ngayon because they have a meeting. So as you can see, I will just teach you some basics when it comes in tactics"
Tactics? K~
Nagsimula nanaman sya magturo and I already know it. Nath also know it, Jea is a bit struggling while Phia is just listening attentively.
Nang matapos ay agad naman kaming nagsilabasan.
'Ali, galit ka ba sa'min? Sorry ha?'
'Mga gaga ayos lang, ako lang naman malakas dito kaya ganon'
'Pero hindi naman talaga ganon kasi ang gusto naming sab--'
'Nath, It's okay, I'm fine, I'm good, I'm just tired, gusto ko ng tulog huhu'
'O-Oh! Gano'n? Sige deretso ka na sa dorm'
'Kayo ba?'
'maggagala'
Tumango naman ako sa kanila at tumango rin naman sila sa akin bago kami naghiwalay ng mga landas.
Napaisip ako, bakit meron pang foundation day kung marami nanamang nagtititinda dito? Ah! Yung palaro pala haha, ano kayang magiging pri---
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Czade at Yara sa isang tabi, walang tao dito at mukhang may pinag uusapan sila.
Ano kaya?
Lumapit ako ng konti at nakichismis.
"Czade! Please naman oh?"
"I said no, Yara."
"But Czade Mahal na ki--"
"Enough"
"Czade, kapag sinabi kong mahal kita, mahal kita"
Mukha ngang seryoso, may aminang nagaganap. Nahuli ba ni Czade si Yara na may kalandian? Malandi kasi to eh kidding.
Nagulat ako nang hawakan ni Yara ang mukha ni Czade at mabilis itong hinalikan.
P*tang--
Bakit ang sakit makita?
Mukhang nagulat naman si Czade, tumalikod na ako at tumakbo papunta sa dorm at nilock agad ang kwarto ko.
Sabi ko na si Yara eh haha. Bakit ba ako nasasaktan? Kingina, wala lang yon, normal lang iyon.
Napatulo naman ang luha ko.
Luha balik! Hindi mo pa moment Kingina naman oh.
Inilapag ko ang bag ko at humiga sa kama. Napatingin ako sa computer ko at mukhang may nakidnap na silang may powers.
Kung magtutuloy-tuloy to, baka hindi na makalaban pa ang Academy.
Haha..
Naalala ko nanaman yung halikan.
Kingina mo Czade, may Yara ka na tapos tinawag mo pa akong love non! Manloloko amp.
Pero yung love na yon, doon ako umasa. Haha akala ko kasi walang sila, wala silang relasyon.
"T*ng*na moka Czade, sasapakin kita kahit one hit lang"
Umiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulog.
[JEA]
Nang magkahiwalay kami ng landas ni Ali ay agad kaming nagwindow shopping.
"Hey, hindi ba talaga si Ali ang may gawa non?" Tanong ko.
"Huy, kahit malakas si Ali, hindi sya gagawa nun, Hindi rin sya yung tipong mag iiwan ng bakas" kontra ni Nath.
"I agree" sabi naman ni Phia.
Napaisip naman ako.
Sabagay.
Nagkibit-balikat na lang ako.
"Tara doon! Bili tayo non, favorite yun ni Ali diba? Mag offer tayo non para mag apologize."
"Okay!"
Pumunta kami sa store ng cake at binilhan si Ali ng favorite nyang cake.
Kumain na rin kami sa restaurant at ipinagbalot si Ali.
6:00 na rin nang makauwi kami, ang gala kasi namin ni Nath haha.
Buti nga sumama pa samin si Phia eh.
Nang makarating kami sa building ng Higher Elites ay nakasalubong namin ang tatlo.
"Saan kayo nanggaling? Kanina pa namin kayo hinahanap, ang bilis nyong mawala" sabi ni Warren.
"Akina bag nyo, hatid na namin kayo sa dorm" sabi naman ni Hydle.
"Kaya nanamin, akyat na kayo doon"
"Kayo rin naman aakyat diba? Sabay na lang tayo"
Tumango naman kami.
Nagkwentuhan kami ni Hydle habang may sarili ring mundo ang dalawa.
Si Klaeden and Phia mukhang may chemistry na rin naks.
Nang makarating sa tapat nang dorm namin ay tiningnan namin sila at tinaasan ng kilay.
"Sinabi nang wag na ihatid tss, taas na!" Sabi ko sa kanila.
"Fine. Bye Nathalie!"
"Bye din Warren, ingat hihi"
"Can I talk to you later Phia?"
"Where?"
"In the garden, in this 8:00 o’clock"
"Okay sure!"
"Tsk, ikaw na hinatid ikaw pa masungit hmp, bye!"
"Ingat Hydle sa paglalakad! Tanga ka pa naman"
Sinamaan nya ako nang tingin kaya tinawanan ko sya.
I like this relationship, we have the same vibes. It's so comfortable.
Nang pumasok kami ay wala kaming nadatnang Allequiane.
"Nasaan yon?"
Hindi kaya sya nga ang--
"Baka nasa kwarto, saglit katukin natin"
Tumango ako kay Nath at lahat kami ay lumapit sa kwarto nya.
"Ali? Nandyan ka ba? May binili kaming pagkain" sabi ni Nath at kinatok ang pinto pero walang nasagot.
Nagkatinginan naman kami.
"Ali?"
"Hmn~"
Mukhang hindi naman haha. Bakit mo ba pinaghihinalaan Jea? Kaibigan mo yan!
"May pagkain kami, kumain na kami, ikaw? Halika na"
"N-No.. kumain na ako, kakatulog ko lang eh, ginising nyo agad ako" sabi nya na sya namang ikinaguilty namin.
Sorry Ali huhu
"Ganoon ba? Sorry, kung nagugutom ka nasa ref lang ang binili namin" sabi ni Nath.
"T-thank..s.. zzZzzZ"
Mukhang natulog na.
Natawa naman kami sa isa't isa.
"Inaantok ngang talaga si Ali, hayaan na natin, madami rin syang ginagawa this past few days"
Napatango naman kami kay Phia.
Nagsigawaan naman kami nang assignments at sa free time ay nakipag usap lang sa mga boys namin ahihihi landi.
.........
Chakit chakit non, nakita mong nakipaghalikan yung gusto mo sa babaeng hindi mo gusto HAHAHAHA, anyway, hello!!
You are reading the story above: TeenFic.Net