3: Mga bisita

Background color
Font
Font size
Line height

Third person's p.o.v

May mga dumating na bisita ang pamilya. Binalak nilang ipakilala si Fhaye sa lahat pero tumaggi ito. Ayaw niyang malaman ng iba na kabilang siya sa tanyag at mayamang pamilya ng mga Micanovic.

Busy ang buong pamilya kaya naman umakyat na lamang si Fhaye sa kanyang kwarto. Kumuha ng gitara at tumugtog. Mahilig kasi siyang magitara at kumantang mag-isa. Ilang sandali pa'y napakanta na siya.

🎶Back when i was a child. Before life remove all the innocence. My father would lift me high. And dance with my mother and me and then.🎶

Sa ibaba naman, naisipan ng kaibigan ni Luijen na matulog na muna sa guestroom ng mansion.

"Luijen. Saan ba ang guestroom?" Tanong ni Kian.

"Do'n sa 2nd floor. Yung katabi ng pink door. Sa left side ah." Sagot ni Luijen sa kaibigan.

"Okay." Umakyat na si Kian sa 2nd floor. Napahinto siya ng may narinig na kumanta sa tabi ng pink room. Sa may right side.

Dahil sa curiosity niya, idinikit niya ang tainga sa brown door. Kaso di pala naka-lock ang pinto. Kaya bigla itong bumukas at napasubsob siya sa sahig. Napahinto ang babae sa pagkanta at napatingin sa kanya.

"Sorry, akala ko guestroom na." Alibi niya.

"Ah, do'n 'yon sa left side . Katabi ng pink door." Sagot ng babae ng walang emosyon.

"Ahm... Bakit di kita nakita sa labas? Relatives ka ba ng Micanovic?" Tanong niya.
    
"Hindi."

"Guest?"

"Hindi rin."

"Ha? Eh ano?"

"Maid."

"Maid?" Napataas ang kilay ni Kian. Kasi ang gara ng silid eh. May piano pa sa gilid ng kama. May guitar. Saka naka-dress din ang maid na ito at nakaayos. May maid bang ang gara na nga ng kwarto, mamahalin pa ang suot sa pagtatrabaho? O baka naman day-off na nito at galing lang sa pakikipag-date?

"Ah, PA kasi ako ni Miss Luiza, kaya kailangan ko ding mag ayos. Saka may pinakuha lang sa akin sa silid na to." Sagot ng babae mapansin ang tingin ni Kian.

"Gano'n ba. Sige salamat." Sagot ni Kian at napakamot sa batok na lumabas ng kwarto at muling isinara ang pintuan.

***
School...

"Anong pangalan no'ng PA ni Luiza?" Tanong ni Kian kay Luijen.

"Niña, bakit?" Walang ganang sagot ni Luijen. Niña naman kasi ang pangalan ng tunay na PA ni Luiza.

"Wala naman, pamilyar lang siya sa akin." Sagot ni Kian.

Maya-maya'y nakita nila sina Verse, Fhaye at Blaze.

"Si Fhaye ba yon? Infairness, gumanda." Sabi ni Rex.

"Pamilyar siya sa akin. Imposible namang siya yon?" Tanong naman ni Kian nang makita sina Fhaye, Blaze at Verse.

"Siya naman talaga yung sumapak kay Throne." Sagot naman ni Jeff.

"Buti naman di nabakla yang si Blaze kasi dating-dati pang magkasama ang mga yan. Simula nong grade 5 pa tayo sila grade 4." Sagot ni Rex.

Fhaye's P.O.V.

"Hi Xhirra." Tiningnan ko lang sila. Mga boys na walang magawa.

"Pinansin ka oh." Sabi ni Blaze.

"Trip trip lang ang mga yan." Sagot ko.

"Hi Xhirra pansin naman d'yan." Nilingon ko yung sumisigaw na yon.

"Xhirra ka ng  Xhirra. Ano, dedede ka? Sorry wala pa akong gatas." Kabadtrip naman to. Kailan ko pa pinaalam na Xhirra ang name ko? Fhaye lang naman ah.

"Tol, dedede ka ba daw. Ako oo." Sagot ng isang lalaking natatawa.

"Wag kang ganyan tol baka masapak ka. Magiging Throne de second ka na." Boy 2.

Di ko na nga lang sila pinansin.

Gym...

Nasa gym kami ngayon. May program eh. Sumayaw pa ang Azyma girls at sumunod ang KingZi. Sila ang pinakasikat na grupo sa paaralang ito.

Ang galing nga nilang sumayaw. Ang poge pa. Kung sa ugali yung Kian lang ang okay. Mabait siya at gentleman.
   
Diko pansin nakatitig na pala ako sa kanya. Sa kanya lang talaga. After nilang sumayaw, tumingin ito sa akin. Muntik pa siyang mahulog sa stage. Kasi ba naman naglakad siyang nakatingin sa akin.

Hanggang sa bumaba na sila sa stage sa kanya pa rin ako nakatingin. Trip ko lang. At kung ano man ang iniisip niya wala na akong pakialam. Ng tumingin sa akin ang mga KingZi nakatingin na ako sa phone ko. Nanonood na ako ng music video.
   
"Oy! May ipapatarget ako sayo." Sabi ni Verse sa akin.

"Ano at sino?"
   
"Mamaya pag-aakyat sa stage si Throne titigan mo hanggang mapalingon. Pag mamapalingon mo siya ng tatlong beses libre kita ng ice cream."

"Geh bah. Pero titigan mo din si Blaze." Ganito kami mangtrip at magpustahan. Tititigan namin ang isang tao at kapag napapalingon sa gawi namin may one point score na kami.

"Aba bakit ako? Dapat ikaw ang tititig sa akin." Sagot naman ni Blaze.

"Di pwede, sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo." Sagot ko. Pero bigla namang nalungkot si Blaze yung tipong parang nasaktan.

"Uy joke lang, wag kang mag emote d'yan." Sabay yakap ko sa kanya pa side, kasi nasa left side ko siya eh. Pero ang lungkot pa rin ng hitsura niya.

"Hoy Blaze. Sorry na oh. Baby boy ko. Sorry na. Totoy gusto mo ng lollipop? Ililibre kita."
   
"Kino-comfort mo ba siya? Tinototoy mo naman." Sagot ni Verse.

"Eh, paano ba? Bata lang naman ang alam kong i-comfort."

"Kiss mo sa lips." Bulong niya sa akin. Muntik na akong mapaubo sa suhestiyon ni Verse na 'to.

"Blaze naman. Sorry na, alam mo namang love na love ka ni ate Fhaye mo."

"Bakit ate Fhaye?" Verse ulit.

"Di tita Fhaye nalang, alangan namang manang Fhaye. Pero kung gusto niya lola Fhaye nalang." Di pa rin umimik si Blaze.

Kaya medyo nag-alala na ako. Nasaktan ko ba talaga ang loob niya? Naku naman Fhaye, control-control naman kunti sa pang-aasar mo. Maya-maya pa'y humagalpak ng tawa si Blaze. Loko to. Naisahan ako.

"Hahaha! Epek face mo. Gano'n ka pala pag naiinis ako ha! Aray! Aray! Ano ba! Aray ko!" Pinaghahampas ko na kasi siya. Pinagtitripan lang pala ako. Loko talaga.

Iiling iling naman si Verse habang natatawa.

"Tututugtog na sina Throne!" Sabay kalabit ni Verse sa akin.

"Saan ba si Throne d'yan?" Syempre joke lang.

"Seriously, di mo matandaan?" Verse asked.

"Malay ko ba sa hitsura niya or nila. Hitsura niyo lang ni Blaze ang natatandaan ko." Sagot ko.

"Magaganda at gwapo kasi tayo Verse." Taas noong sagot ni Blaze.

"Gwapo ka? Kailan pa? Ba't di namin alam ni Fhaye?" Sagot ni Verse.

"Wag na kayo maingay. Magsisimula na ako." Sabi ko sa kanila.

Pinatong ko ang baba ko sa balikat ni Verse habang seryosong nakatingin sa vocalist ng Double band. Aywan bakit double band ang tawag sa band nila.

Nagsimula na silang kumanta. Nakayuko lang then dahan-dahang nag-angat ng tingin. Hindi pa rin napapagawi ang kanyang tingin dito. Ilang sandali, sigawan na ng mga tao dito banda sa amin kaya napatingin si Throne sa kinaroroonan namin.

Boom!

One point! Napatingin siya sa akin.

Patuloy pa rin siya sa pagkanta. Then tumingin sa ibang direksyon at kumaway sa audience then sumulyap ulit dito.

2 points!

Isa nalang. Isa nalang Throne ice cream na. Gwapo ka pala ha. Sayang nasapak pa kita. Kaw kasi manyak mo at bastus pa. After niyang kumanta napasulyap ulit siya. 3 points.

Hanggang sa pababa na sila palingon-lingon pa rin siya dito. Nabangga pa niya yung isang kabanda niya. Pati tuloy ka band niya napatingin sa akin. Deadma sila kasi kay Throne lang ako nakatingin. Pokerface nga lang.

Nagflying kiss pa yung isa sa double band sa gawi namin na ikinatili ng mga kababaihan. Ginantihan naman ni Blaze ng flying kiss. Nagmukha tuloy siyang bakla.

"Hahaha." Tawanan ng buong paligid kasi nauntog si Throne sa pader. Di kasi nakatingin sa dinadaanan.
 
"Yes ice cream!" Sambit ko na sumuntok pa sa ere.

Napatingin ako sa group nina Luijen na nakatingin sa akin. Ngiting-ngiti pa naman akong nakatingin sa kanila. Bigla ulit akong nagpokerface.

Nakatingin din dito yung Kian habang si Jeff winagayway yung kamay sa mukha ni Kian pero no epek. Binatukan nila yung Kian saka palang natauhan. Mukhang kailangan ko ng magtago mamaya. Baka akala nilang may gusto ako sa kanila.

Slight lang naman... I mean ....NEVER! AS IN NEVER!

***

{✓}

You are reading the story above: TeenFic.Net