Chapter Two

Background color
Font
Font size
Line height

"Next time Ms. Monteasul you have to pass on time!"

"Sorry po." Sabi ko habang paulit-ulit na nag-bow sa harapan niya.

"Pa'no nalang kung ma-serialize na ang manga na ginagawa mo? You'll miss the deadline and lose many readers." Patuloy niya. Hindi ko makayanan na tumingin sa mata niya kaya nanatili akong naka-yuko. "Umalis ka na Ms. Monteasul." Napahawak si sensei sa kanyang sintido tsaka nag-gesture sakin na umalis.

"Yes sensei," Malambing na sabi ko.

Nang makalabas na ako sa faculty office, napabuntong-hinga ako.

"Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros!" I mumbled as I went to the cafeteria.

Kailangan kong kumain. Na-stress ako masyado sa mga nangyari for the past two days.

Just the other day nag-confess sa'kin ang Mr. Popular ng Monteberde Academy at dahil dun hindi ko naipasa ang manga na ginagawa ko entitled The One You Left Behind. Walanjo! First time kong late magpass ng requirement. Nerd ako eh, magaling sa acads, mabait na estudyante.

"Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros! Kuros!" Pabulong kong sabi habang namimili ng lunch.

"May paconfess-confess pa kasi yung February na yun." Sabi ko habang nag-scoop ng mango-flavored ice cream.

"Magpapagawa lang naman ng assignment may ganun-ganun pang nalalaman." Kumuha ako ng cup at humingi ng black coffee.

"Siya? In love sa'kin? Wow! End of the world na ba? Or siguro feeling niya bida kami sa isang cliche na story?" Tapos kumuha ako ng dalawang fried chicken drumsticks.

"Nakalimutan ko tuloy ipasa yung manga ko entitled The One You Left Behind." I grabbed some fries.

"Tsk!" Lastly, kumuha ako ng isang bowl ng marshmallow.

Naghanap ako ng mauupuan ng makita ko ang Mean Girls ng school, sina Eenie, Meanie, Minee Moo. Wow! Super original! Bigyan ng chicken wings!

"Look who's here girls," Sabi ni Eenie. Ang leader-leaderan nilang tatlo.

"The..."

"Nerd."

Magkasunod namang nagsalita si Minie at Minee Mo. Habang naka cross-arms, tumalon sila papunta sakin at slow-motion na bumaba sa harapan ko. With hangin blowing their hair effects pa yan.

Hay naku! Superhero Majors nga naman, kailangang dramatic ang entrance. Pero mas bagay sila pang Supervillain! Rawr!

"How dare you!" Nakita kong sasampalin niya na ako kaya umatras ako. "Huh?" Sasampalin niya nanaman sana ako pero naiwasan ko ulit. "Argh! Ano ba!? Wag ka ngang umiwas!"

"Bakit ka ba..."

"Umiiwas?"

Magkasunod na tanong ng dalawa niyang alipores.

"Di'ba nerd ka? Kasama sa cliche role mo ang magpasampal!"

Nagpalingo-lingo si Eenie tsaka kumuha nang spaghetti mula sa tray nung dumaan na studyante sa gitna namin.

"Etong sayo!"

Itatapon na sana ni Eenie ang isang serving ng spaghetti nang biglang mag tawag ng cut si direk.

"Teka!"

Napatingin kami sa kanya at sabay na nagtaka.

"Bakit po? Ano pong nangyari?" Tanong ko.

"Nalowbat yung camera." Sagot nito. "Battery! Asan na yung extra battery!" May isa sa mga studyante ang nagteleport papunta kay direk tsaka binigay sa kanya ang battery.

"Okey na. Balik tayo sa etong sayo... Rolling! In three two one."

Tumikhim muna si Eenie bago tinapon ang spaghetti, "Etong sayo!"

Lumipad ang spaghetti patungo sa'kin. At saktong lalanding ito sa mukha ko ng biglang may humila sa braso ko at naiwasan ko ang possible spaghetti shower.

I looked up to see my savior (Nerd to, magaling mag-English), pero natabunan ang mukha niya ng spaghetti.

Oh no! Siya tuloy yung nabiktima.

He tries to flip his hair para makuha ang spaghetti, but to no avail, sobrang sticky ng sauce. Kaya hinawi niya nalang ito.

I saw his face and it left me speechless.

"Your Prince Charming has arrived," Pabulong niyang sabi sabay kindat.

OH KILL ME NOW!


You are reading the story above: TeenFic.Net