TeenFic.Net Stories that stay with you ♥

Jeep

"Jeep number two:
Antonio,Salvador,Alguno,Ejas,
Arellano,Calapin,Verde,
Banchero.Accompanied by the Grade fours':Demayo..."
Hindi ako nakikinig kay Sir maverick na nagsasalita.
Panay pa kasi ang hikab ko at nahuhulog na rin ang mga mata ko.
Siniko ako ni Audrey.
Mabuti na lang at sabay kami sa iisang jeep!









"At Wesley.Nandito na ba lahat?"













Ano?!!!













"Wala pa po si Dane Sir!"






















Dammit!





Tuluyan na akong nagising.
Humagikhik naman si Audrey sa tabi ko.
Pinadilatan ko naman siya ng mga mata.

"Sir Mave,kumpleto na ba kayo dito?"
Imbis na talakan at pagalitan si Audrey ay tinuon ko na lang ang atensyon ko sa teacher namin sa Filipino na si Teacher Lin.
Maputla siya as usual at nakikipag usap kay Sir maverick.


"Hindi pa eh.Guys,hihintayin natin si Wesley ng mga.."tumingin siya sa relong pambisig bago ulit kami tiningnan.
"Fifteen minutes. Kung sino man sainyo ang may numero ni Wesley, paki text siya na kapag Hindi pa siya dadating,iiwanan natin siya."




Agad na kinuha ni jullian ang cellphone niya.
Siguro para tawagan o i text ang abnormal niyang kaibigan.

"Sige,ikakarga na natin ang mga gamit ninyo.Iyong mga malalaking bag ay ilalagay sa itaas.So if I were you,just bring your bag with you,full of snacks or whatever you need the whole ride,okay?Para Hindi na tayo mahirapan pa."
Tumango kaming lahat kay Sir.
May tumulong naman saaming mga teachers at staffs sa pag kakarga ng mga malalaking gamit namin.



Tiningnan ko si Jullian na nasa hindi kalayuan.
Ang cellphone ay nasa tenga.



Ilang saglit lang ay kaagad bumalik si Sir maverick para I check ang mga gamit namin.
Dala ko ngayon ay isang backpack na may laman na Pathfinder Uniform namin na type B at mga pagkain at kung ano-ano pang mga personal na gamit na kakailanganin ko.

"On the way na po si Dane Sir.
Nasiraan daw po kasi ang sasakyan nila."
Si Jullian at Hindi nga siya nagkakamali dahil bumukas ang gate ng school at pumasok ang Van ng Anak ng Dilim.

So may pa-grand entrance siyang nalalaman?
Parang hindi naman yata fair na pinaghintay niya kami dito!
Kami na mas maagang dumating kaysa sakanya dito!
Oh come on...
Where's the justice in that?
Asan ang hustisya?
Pare-pareho naman kaming mga estudyante dito ah!

"Sorry Sir, I'm late.Nasiraan po kasi kami."tumango lang si Sir Maverick at tumulong sa driver nila Dane sa pagkakarga ng malaki niyang bag sa bubong ng jeep.

Agad na gumala ang mga mata niya at ng makita ako ay kaagad siyang lumapit,hindi niya alintana ang mga pag sitsit at pagtawag sakanya nila chris,na nasa kabilang jeep at ni Jullian.
Hindi niya rin pinansin ang mga nanunusok na tingin ni Sir dahil kahit mga teachers ay alam ang pagkabaliw niya saakin.

Na notice ko ang itim sa ilalaim ng mga mata niya.
Halatang nagpuyat kagabi.
Two options lang iyan!
Either sobra siyang excited at hindi naka tulog kagabi or may iba siyang pinagkakaabalahan.

"Hindi ka rin nakatulog ng maayos kagabi?"
Nagulat ako ng kausapin niya ako.
Ang mga kaklase ko ay mga halatang nakikinig sa usapan namin,mga chismosa at chismoso!


"Oo.Dahil sa sobrang excited."
Hindi ko siya tiningnan habang nagsasalita ako dahil nakikita ko sa peripheral vision ko na nasa akin lang ang buong atensyon niya.
Hindi ko lang nafefeel na tama ang pagsalubong sa mga tingin niya.

"Okay guys!Aalis na tayo.Pumasok na kayo sa mga naka assign na jeep sainyo.
And bring your personal bags with you."
Nagsipasukan na ang mga estudyante sa mga jeep.
Tatawagin ko sana si Audrey pero nakita ko na siyang nakapwesto na sa loob.







"Akin na iyan Serena Mae."
Nilingon ko si Dane.
Medyo nakatingala na ako sakanya ngayon!
Talagang mabilis siyang tumangkad!
And I just can't believe it!
Kung dati hanggang tainga ko lang siya,tingnan mo nga naman ngayon!

"Ok lang.Kaya ko Dane."
Pero hindi niya ako pinansin at kinuha ang bag ko.
Wala na akong nagawa ng hatakin niya ako at inalalayan sa pagakyat sa jeep.
Agad siyang umupo sa tabi ni Jullian,na sobrang laki ng ngisi.


Panasadahan ko ng tingin ang buong jeep,naghahanap ng bakante pero wala ng ibang bakante kundi ang sa tabi ni Dane.


Kinindatan lang ako ni Audrey na katabi sina Shaina at faith na nagkakantahan.
Bagsak ang balikat ko na umupo sa tabi ni Dane.










I don't know why I always end up with him?











Nagsimula na kaming magbyahe.
Maiingay ang mga kasamahan namin,na nakikisabay sa tugtug na pinatugtug nila.
Pa ngisi-ngisi lang ako habang mahina ring kumakanta.


Paano kaya pag Hindi ko kasana si Dane?
Siguro mas masaya dahil makakasama ko sila Audrey, faith at shaina na mga maiingay.

Napa buntong-hininga na lang ako.
Simula ng makita ko na sobrang nasaktan si Dane dahil sa sinabi ko sakanya noong Recognition Day ay nahihirapan na akong i-turn down siya.
Gusto Kong iparealize sakanya na walang patutunguhan ang mga galawan niya saakin,simply because I don't love him.
Hindi niya ako mahal.
I'm so sure of that!
And like what I've said,he just find me amusing kaya nachachalenge siya saakin.




"Serena Mae gusto mo ng tubig?"
He offered me his blue tumbler.
Umiling lang ako at sinalpak ang earphones sa magkabilang tenga.
Matutulog na lang ako kasi kanina pa ako inaantok.

Naririnig ko na nag-uusap sila jullian at Dane.
Hindi ko naman sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila eh.

"Ang sabi niya kagabi hindi mo raw siya nerereplayan?"
Humina ang boses ni jullian.
Dapat ay wala akong pakealam sa kung sino man ang hindi niya nerereplayan kagabi,pero may kung ano talaga na nagtuturo saaking makinig.
So I pretend like I'm enjoying my music,pero ang totoo ay pinahinaan ko ang volume.

"I told you,I'm busy packing up.Saka may ginagawa ako!"
Aburido ang boses ni Dane.

"Pre, Hindi naman masamang i-entertain si Divine. She's a lost if you let the opportunity go.tsaka,I'm just saying.. Hindi naman kayo ni Serena---"
Naputol ang mahinang sabi ni jullian.


"Wag mo nga akong pakealaman!You have your own issues with Audrey Antonio!Kung natotorpe ka kay aud,wag mo akong idamay!how many times I told you that I love Serena Mae!!"







Tumahimik ang mga maiingay kong mga kaklase.
Napalakas kasi ang boses ni Dane at lalong nangibabaw noong sumigaw siya.

















Pumula aso sa kahihiyan at gustong-gusto ko ng imulat ang mga mata ko pero ayaw ko namang makita ang mga nakakalokong ngisi ng mga kasamahan namin.









































"I know you're listening Serena Mae.."
Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa may tainga ko.

























"Stop pretending you're not.And I meant what I said."
Nahihimigan ko ang ngisi niya kahit naka pikit pa ako.

You are reading stories on: TeenFic.Net

Tags: