Chapter 5

Background color
Font
Font size
Line height

TROY'S POV

Kulang ang salitang badtrip para sa nararamdaman ko sa babaeng yun. I'm totally pissed of her.

Pagkalabas ko ng CR ay agad akong huminga ng malalim dahil kung hindi ay baka hindi lang palo sa likod ang aabutin niya sakin. I know it was beyond my control hindi ako yun eh hindi ako nananakit ng babae pero sumobra kasi siya.

Akala ko okay na. Akala ko matatapos ang araw na yun ng hindi kami nag uusap at nag aaway. Fuck ni hindi ko alam kung bakit niya tinapon yung laman ng balde ko. Damn her. Hindi ko alam kung ilang oras pa akong nakatayo doon ng nakita ko si Ethan.

"Bro, what are you doing here? Bakit di mo tulungan si Colline?" nagtatakang tanong nito sakin.

"I'm totally pissed at her bro." sagot ko habang naka kunot pa din ang noo at lumalalim ang paghinga.

"Why? May nangyari na naman ba?"

"She's a psycho. Saan ka ba? Sasama na lang ako sayo."

"Okay, bahala ka."  sabi niya at nauna nang naglakad sa akin.

I should not be doing this. Damn. I don't deserve this. Kung hindi para sa kanya wala ako dito, pero kung hindi rin dahil sa kanya I am not who i am now. I miss her so damn much.

"Troy, binisita mo na ba siya?" biglang tanong sakin ni Ethan pagkarating namin sa designated area niya.

"Not yet. I dont know what to say to her bro."

"But you are doing this for her. Atleast you should tell her that."

"Sa tingin mo ba, matutuwa siya pag nalaman niyang para sa kanya to?"

"Of course knowing Selene bro, her happiness begins with Troy Calyx Monteverde."

"Tsh. Bilisan na nga lang natin para matapos na tayo. Malapit na mag lunch break eh."

"Umiiwas to. Bisitahin mo siya Troy seriously."

"I will"

Imbes na tumulong pa ako sa paglilinis ng CR ay tinulungan ko na lang si Ethan.

Pagdating ng lunch break ay hindi na kami pumunta ng canteen bumili na lang si Ethan ng pagkain namin at dito na lang sa ilalim ng puno kami kumain.

"Ano na naman ba kasing ginawa mo ha bruha ka?"  narinig kong sigaw ng katabi namin kaya napatingin ako doon.

'Tss. Three fucking morons'.

"Ikaw ba naman ang hambalusin sa likod sa tingin mo anong gagawin ko?"

"Malamang kumalma ka abnoy ka ba?" sigaw sa kanya nung kaibigan niyang matangkad na mahaba ang buhok na maliit ang mata. It's Icy i think.

"Eh kung hamabalusin kita ng maramdaman mo yung sakit ng paghambalos niya sakin ha?"

Tsh. Mukha talagang tomboy. I admit it was beyond limits on what i did there awhile ago but she pushed me into my limits and press the hell button of me. I want to apologize but i wont give her the satisfaction of hurting me again. Ilang beses na niya akong sinampal, sinapak, hinampas ng bag at pinatid. Yung ginawa ko kanina ay kulang pa. It's not being gay, it's about giving her back what she is doing to me. Sabi nga sa kasabihan huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sayo. It's just a little bit dose of her own medicines.

Nakatingin pa ako sa kanila ng tapikin ako ni Ethan sa balikat kaya napalingon ako sa kanya.

"Someone's calling you hindi mo ba naririnig?"

Hindi ko nga naririnig kaya dinukot ko ang cellphone ko sa aking bulsa at nakita kong tumatawag si mommy.

"Yes mom" sagot ko dito.

"I saw Jillian awhile ago. Bumisita ka na ba?" nag aalalang tanong nito.

I left out a sigh. Kelan ba ako magkakaroon ng lakas ng loob na bumisita sa kanya?

"Not yet mom. Anong ginagawa ni Jillian?"

"She is just playing, anyways binigyan ko siya ng food kanina."

Napangiti ako sa sinabing yun ni mommy. She is still indeed the best mom in the world.

"Thanks mom. I love you. Maybe bibisita ako one of this days."

"Make sure of that, hinanap ka din sakin nung bata. How is your community service there? Troy sana magtuloy tuloy na yan ha. And please that will be the last. Hindi niya magugustuhan pag nalaman niyang ganyan ka pa din. I love you too son."

"Yes mom, I will. Hindi ka naman magsusumbong ma di ba? Anyways i have to go nagpapahinga lang kami ni Ethan. Take care ma."

"I will, you too."

Binaba ko na ang tawag pagkatapos non. I think i have to face my fear now. Face the truth of visiting her. Pero ano ang mararamdaman ko kapag nakita ko na siya? Ngayon pa lang kinakabahan na ako.

"Samahan mo ako pag bumisita ako ha." kinakabahang lingon ko kay Ethan.

"Sure bro finally after two months." nakangising sabi nito. "Nagbibinata ka na talaga bro."

"Gago" sabi ko sa kanya sabay bato nung plastik na pinagkainan ko.

Napatingin ako sa katabi naming puno at nakita ko na andun pa din yung tatlo. Nakita kong hinihilot ni Abee yung likod ni Trisha and I believed I was an asshole back there.

Tumingin ako sa langit napangiti ng makita ko yung mukha niya doon.

'Selene, kunti na lang. Makikita na din kita.'

Pinagpatuloy namin ang paglilinis at hindi ko na binalikan doon si Trisha. Bahala na siya sa buhay niya. I know i am being inconsiderate but the hell with her.

Patapos na kami sa aming ginagawa nang ipatawag kami sa deans office ni Ethan. Pagpasok ko sa loob ay nakita kong andoon na yung tatlong magkakaibigan.

Halata ang pagod sa mga mukha nila lalo na si Trisha na iniwan kong mag isa pero wala na akong pakialam.

"I won't ask kung ano ang nangyari sa inyo ngayong araw na to. I just hope this will be the last time that I will see you in my office. Are we clear guys?" casual na sabi ni dean sa amin.

"Yes, dean."  sabay sabay naming sagot.

"Okay, you may now go." sabi ni dean at agad na kaming lumabas.

Pagkalabas ko ng pinto ay may nagahip akong tao na parang kilala ko.

'No. It can't be.'

Biglang nanikip ang dibdib ko at hindi ko alam ang magiging reaction ko. Bakit sa dinami dami ng tao ay siya pa ang kailangan kong makita? Now that I am moving on. Now that I am almost there, totally healed.

Aalis na sana ako ng mahagip ko ng tingin ang katabi ko. Umiiyak ito at pilit pinapakalma ng dalawa nitong kaibigan.

'What the fuck. Why is she crying?'

Bigla itong tumakbo habang umiiyak at mas lalong hindi ko inaasahan ang aking nakita.

TRISHA'S POV

Paglabas namin ng office ni daddy ay nakahinga ako ng maluwag tapos na ang community service. Tapos na ang isang araw ng parusa kahit na sumasakit pa din yung likod ko dahil sa paghambalos sakin ni Calyx kanina sa CR. Pakiramdam ko ay namamaga ito at gusto ko ng ipahinga.

Paglingon ko sa quadrangle ay may nakita akong di ko inaasahan.

'No, it can't be. Ano ang ginagawa niya dito?'

Pinilig ko ang aking ulo at pumikit pikit dahil baka namamalik mata lang ako, pero alam ko hindi. Sa tindig, porma, at galaw pa lang niya alam ko siya nga iyon. Bigla na lang lumandas ang luha sa aking mga pisngi. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon ka pa nagpakita sa akin.

Naramdaman kong nagulat din ang dalawang kasama ko kaya napatingin sila sa aking tinitignan.

"Sht anong ginagawa niya dito?" narinig kong bulong ni Icy

"Trisha tara na? Uwi na tayo?"  akay naman sakin ni Abee pero nanatili akong nakatayo sa pintuan.

Para akong sinaksak ng sampung kutsilyo. Is this the reason why tita is crying when she called me? Ito na ba ang dahilan?

"Trisha!" narinig kong sigaw sakin ni daddy pero katulad nila Abee at Icy ay hindi ko rin siya pinansin.

Unti unti kong hinakbang ang aking mga paa papunta sa kanya. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang hawakan. Gusto kong marinig ang boses niya.

'Justine'

"Trisha no." pigil sakin ni Icy.

"Trisha uwi na tayo" si Abee habang hawak pa rin ang kamay ko pero tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sakin at mas lalong binilisan ang paglalakad nung makita kong naglalakad na din ito paalis.

"Trisha ano ba" sigaw sakin nung dalawa at tuluyan ko na silang iniwan doon at patakbong pumunta sa quadrangle.

No. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi ako namamalikmata.

Pagkarating ko sa malapit sa kanya ay napatigil ako at mas lalong tinitigan ang gwapo niyang mukha.

"Justine" bulong ko sa hangin.

"Justine!!!"  sigaw ko sa kanya.

Napatigil siya sa paglalakad at tinignan ako at pagkatapos ay tumalikod ulit ito at iniwan akong umiiyak sa gitna ng quadrangle.




*****

Next chapter will be after five votes. ☺ Kamsa

You are reading the story above: TeenFic.Net