Train of Love

Background color
Font
Font size
Line height

Hindi ramdam ang init sa loob ng tren. Hindi ramdam ang pagsisiksikan ng mga tao sa loob.

Hinayaan niya lang tumulo ang luha niya habang tinitignan ang lalaking ilang araw na niyang sinusundan.

"Ah Brad, ok ka lang?" tanong ng lalaki.

Patuloy niya lang tinititigan ang lalaki at hindi na nag-abalang sagutin ito.

"Brad ayos ka lang ba?" tanong ulit ng lalaki

"Nakikita mo namang putok na putok ang blush on ko, pulang pula ang labi ko at ang haba ng buhok tapos brad ka ng brad ", pinilit niyang magmukhang mataray sa harap nito kahit na nagbabadya na naman ang mga luha niyang tumulo.

Natigilan ang lalaki at napahawak sa batok

"Pasensya na hindi ko kasi alam kung ano bang dapat kong itawag sayo." nahihiyang sabi nito

"Ate? Miss? Ano bang dapat?" napangiti siya sa inasta nito parehas na parehas sa lalaking mahal niya.

"Babe. Tawagin mo na lang akong Babe." pabirong saad niya. Nginitian lang siya nito at sa ikalawang pagkakataon may luha na namang dumaloy mula sa kaniyang mata.

Naguguluhan ang lalaki sa biglaan niyang pagluha pero hindi niya rin naman gustong itanong kung bakit umiiyak ito sa harap niya.

"Miss umusog ka na lang dito sa akin." iniusog siya ng lalaki sa tabi niya. Sa sobrang lapit nila, amoy na amoy na niya ito.

Nadismaya siya, iba ang amoy na inaasahan niya. Yung pabango ng mahal niya, yung amoy na hinahanap-hanap niya.

Kunot-noo siyang tinignan nito kaya napalayo siya ng kaonti.

"Nakaharang ka kasi sa pinto ng tren baka mahulog ka pag nagbukas yan." sabi ng lalaki.

Hindi na muli sila nag-usap. Wala ng ibang sinabi ang lalaki sa kanya. Nakatingin ito sa labas habang siya ay bumalik lang sa pagtitig dito.

Ilang sandali lang ay huminto ang tren at bumukas ang pinto. Maraming tao ang sumakay, sa dami ay hindi na niya namalayang nakababa na pala ng tren ang lalaking katabi niya lang kani-kanina.

***
"Iba talaga yung pakiramdam ko, sa tingin ko siya talaga yun." ikwenento niya sa mga kaibigan niya ang nangyari kanina. Walang paglagyan ang saya niya, halos mapunit na ang labi niya kakangiti dahil lang sa pag-uusap nila ng lalaking yun kanina.

"Sis tama na. Hindi na maganda yung ginagawa mo." nawala ang ngiti niya sa sinabi ni Anne. Isa sa mga kaibigan niya, ang taong lagi siyang dinadamayan na ngayon ay kontra na sa ginagawa niya.

"Vicey naman you should stop following that guy, nagmumukha ka nang stalker niya." hindi niya inaasahan na pati si Karylle na lagi siyang naiintindihan ay hindi na rin sang-ayon sa kanya

Inakbayan siya ni Billy, ang best friend niya. Pakiramdam niya meron nang sasang-ayon sa kanya sa katauhan ni Billy

"Bestie hindi naman tayo sigurado kung siya nga talaga yun. Hindi natin alam kung si kuys Vhong talaga yung lalaking yun." nagkamali siya, pati pala si Billy ay hindi naiintindihan ang pinagdadaanan niya.

Hindi niya alam kung bakit mas bumigat ang nararamdaman niya ng muling nabanggit ang pangalan ni Vhong ang lalaking minahal at patuloy niyang minamahal.

"Sabi mo nga Ate hindi ka niya kilala. Tinawag ka pa ngang "Brad" diba?" bumalik na naman sa kanya ang nangyari kanina dahil sa sinabi ni Jugs. Aminado siyang iba talaga ang paraan ng pagtingin nito sa kanya sa paraan kung paano siya tignan ni Vhong pero parehas na parehas ang dalawa sa reaksyon, paggalaw at idagdag pa na talagang magkamukhang-magkamukha sila.

"Cutie pie alam mo namang pitong taon nang wala si kuys Vhong." dagdag ni Jhong. Natahimik sila.

Tumikhim si Teddy dahilan para maagaw niya ang atensyon ng lahat.

"Vice ayaw naman naming masaktan ka ulit pero patay na si Vhong. Wala na siya." dumagdag sa bigat na nararamdaman niya ang sinabi ni Teddy.

Hanggang ngayon umaasa pa rin siyang muli niyang makikita si Ferdinand, maririnig ang boses nito at makakasama ng mas matagal pa.

"Sis, seven years na nang mangyari yung accident. Isa si Vhong sa mga biktimang nadamay sa banggaan ng dalawang train. We're there nung ni-report lahat ng pangalan ng namatay at kasama siya dun. " dahil sa sinabi ni Anne naalala na naman niya yung aksidente. Yung aksidenteng dahilan kung bakit nawala sa kaniya ang pinakamamahal niya.

"Vicey come to think of it, dalawa lang yung nakaligtas sa aksidenteng yun mismong government na ang nagsabi, kaya paano naman magiging si Ferdinand yung lalaking yun?"tinignan niya lang si Karylle habang pumapasok sa utak niya na paano kung si Vhong yung isa sa mga nakaligtas

Alam niyang mali. Mali na umasa sa wala pero mas gusto niya pang panindigan na buhay pa ang mahal niya kaysa pakawalan ang mga alaala nito

"Pwede bang maging masaya na lang kayo para sa akin?"

"Bestie ilang araw mo nang sinusundan yung lalaking yun simula nung nakasabay mo siyang sumakay noon ng train pero ngayon mo lang siya nakausap and you said hindi ka niya kilala. Baka talagang magkamukha lang sila ni Vhong." sumang-ayon naman ang iba sa sinabi ni Billy

Napahampas naman sa mesa ang kanina pang tulala na si Jhong kaya sa kanya napunta ang atensyon ng lahat

"Baka naman may amnesia lang siya tapos si Vhong naman talaga siya" muli na namang nabuhay ang pag-asa niya sa sinabi ni Jhong

"Stop that nonsense Jhong.Wag mo nang bigyan ng false hope si Vice," saway ni Anne sa huli.

***
Sadya nga sigurong matigas ang ulo niya kaya 'di niya sinunod ang payo ng kaniyang mga kaibigan.

Kahit ilang istasyon na ang nadaanan nila hindi pa rin siya bumaba. Hinihintay niya pa rin ang dahil ng muli niyang pagsakay sa tren at nagtagumpay nga siya dahil sa wakas umupo na ito sa tabi niya.

"Miss nagkita na naman tayo." sabi ng lalaki habang pinupunasan ang dagaktak na pawis nito

"Coincidence lang siguro." tinignan niya ng maigi ang mukha nito

"Akala ko sasabihin mo, itinadhana." ani ng lalaki at nginitian siya.

Ang mga ngiting yun ang naging dahilan ng pagluha niya. Miss na miss na niya si Ferdinand at ang lalaking ito ang nagpapaalala sa kanya ng taong mahal niya

"Brad bakit ba tuwing nakikita mo ko naiiyak ka?" hindi niya namalayan na pinupunasan na pala ng lalaki ang kaniyang mga luha gamit ang mga hinlalaki nito

Hinayaan niya lang ang lalaki sa ginagawa nito at tinitigan pa lalo

"Nakakaiyak kasi yung pagmumukha mo." maging siya ang napangiti ng tumawa ito sa biro niya

"Ah dapat pala hindi na ko magpakita sayo para hindi ka na maiyak." bawing biro ng lalaki ngunit tila kumirot ang puso niya sa sinabi nito. Hindi niya ata kakayanin na hindi na muli ito makita

"Sira! Joke lang yun. May naalala kasi sayo." kumunot ang noo ng lalaki sa sinabi niya

"Sino naman? Gwapo ba naman yun? Kasing gwapo ko ba?" napangiti siya sa sinabi nito

"Gwapo, sobrang gwapo sa paningin ko. Jowa ko"

"Jowa mo? Bakit niloko ka?" mausisang tanong nito

"Hindi. Wala na siya."

"Condolence Brad."malungkot na ngiti lang ang iginawad niya rito

"Brad ka na naman ng brad." bulong niya. Hindi kasi siya sanay na tawagin siya nito

"Oh bakit ka tumayo?" nabigla siya sa biglaang pagtayo nito at puwesto sa harapan niya

"Kawawa kasi si lola wala siyang maupuan, ang dami pa naman niyang dala." sa sinabi nito mas lalo lang nabuhay ang pag-asa niyang si Ferdinand at ang lalaking ito ay iisa. Parehas na parehas kasi silang matulungin sa kapwa, isa sa mga minahal niya kay Ferdinand

"Oh bakit pati ikaw tumayo?" tanong nito ng tumayo rin siya sa tabi nito

"Kawawa si girl, juntis nakalunok ng pakwan." sa totoo lang gusto niya lang talagang makatabi ito dagdag na lang na gusto niyang tulungan ang babaeng yun

"Humawak ka sa akin baka matumba ka." sabi nito at inilagay ang kamay niya sa braso nito

Tinignan niya ang kamay niyang nakahawak na ngayon sa braso ng lalaki

"At least sayo maf-fall." bulong niya nang biglang nagkasiksikan sa loob ng tren at nawala ang pagkakahawak niya rito

Tinignan niya kung anong nangyari, mukhang naabutan na sila ng rush hour kaya dumagsa na ang mga pasahero ng tren.

"Teka ano bang pangalan mo?!" hindi man lang niya namalayan na wala na sa tabi niya yung lalaking hawak-hawak niya lang kanina. Ni hindi man lang niya naitanong kung anong pangalan nito

***

"Bakit ngayon lang ulit kita nakita dito?" diretso niyang tanong nang maupo sa tabi ng lalaking ilang araw din niyang 'di nakita.

"May inasikaso kasi ako sa probinsya." pagdadahilan nito

"Buti naman nakabalik ka na." alam naman niyang wala siyang karapatang maghimasok sa buhay nito dahil ni hindi nga niya alam ang pangalan nito pero sadyang malaking ginhawa lang para sa kanya na malaman na ayos lang ito at ang dahilan ng panandalian nitong pagkawala

"Sana nga mas inagahan ko ang pagbalik" makahulugang sabi nito kaya naman napatingin siya dito

Mula sa maputing balat, ayos ng buhok, 'di katangusan na ilong, magandang mata, at mapupulang labi  lahat ng yun kaparehas ng kay Vhong.

Kaya naman hindi niya maiwasang umasa na iisa lang ang lalaking ito at si Vhong

Sa tagal ng pagtitig niya sa mga labi nito tila ba may hipnotismong nababalot dito na pinipilit siyang halikan ang ito

"Oh titig na titig ka na naman baka matunaw na ko nyan" natigil ang pagpapantasya niya dahil sa biro nito kaya agad naman siyang umiwas ng tingin.

"Naalala ko na naman kasi siya." sabi niya nang hindi man lang ito tinitignan.

"Yung jowa mo? Ano bang pagkakapareho namin?" napalingon siya sa tanong nito at muling tinignan ang mukha nito

"Magkamukhang-magkamukha kayo." nakangiti niyang sagot

"Sabi nga nila marami daw akong kamukha. Minsan nga napagkamalan pa kong si Piolo Pascual." biro naman ng huli at kinagat pa ang ibabang bahagi ng labi

Kung alam lang nito na kanina niya pa binabalak na halikan ang mga labi niya

"Ang taas rin ng pangarap mo 'no?" bawing biro naman niya sa lalaki

"Pangarap kita" sabi nito at kinindatan pa siya

Hindi niya alam kung anong meron pero parang may nagwawalang mga paru-paro sa tyan niya dahil sa sinabi nito

"Ano?" gusto niya sanang ulitin ng lalaki ang sinabi nito pero ngiti lang nito ang natanggap niya

"Sabi ko baba na ko" sagot nito kasabay ng paghinto ng tren at tuloy-tuloy na siyang naglakad papalayo

Ayaw na niyang palagpasin ang oras na yun kaya naman hinabol niya ang lalaking buti na lang 'di pa naman nakakalayo

Hinawakan niya ang palapulsuhan nito kung kayat agad itong napalingon sa kanya

"Ano bang pangalan mo?" hingal niyang tanong

"Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin ako kilala?" pabalik na tanong ng lalaki at makahulugang ngumiti

Bigla naman siyang naguluhan sa inasal nito.

"Sabagay nung una din naman hindi ko nakilala ang sarili ko. Sabi nila dahil daw sa aksidente." nakangiti nitong sabi na kininakunot ng noo niya

"Kaya binabalik-balikan ko ang pinangyarihan nito" dagdag pa nito at tumingin-tingin sa paligid

"Tapos nakilala kita. Nakilala ulit kita. Ikaw yung dahilan kung bakit bumalik sa akin ang lahat" sa pagkakataong ito hinawakan ng lalaki ang kanyang mga kamay at hinalikan

"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan niyang tanong

Meron na siyang kutob kaso pati ang sarili niya ay 'di niya mapaniwala rito.

"Ako si Vhong" kasabay ng pagsabi ni Vhong nito ang tuloy-tuloy na pagpatak ng mga luha niya.

Hindi akalain ni Vice na totoo ang hinala niya. Hindi niya akalain na totoong buhay pa ang mahal niya, na buhay pa si Vhong.

Akala niya ay mahal na niya ang lalaking yun kanina ngunit ngayon alam na niyang kay Vhong lang paulit-ulit at 'di magsasawang titibok ang puso niya.

You are reading the story above: TeenFic.Net