Hi!

Background color
Font
Font size
Line height

"Sis! Fudgeeee!" nakakabasag ng tengang sigaw ni Anne habang papatakbong lumalapit sa akin.

"Hoy Annita tigil-tigilan mo nga ako sa kakatili mo!" sambit ko nang makalapit na siya

"Sis shocks!" muli niyang sigaw habang nagtatatalon sa harap ko.

Pinagtitinginan na tukoy kami ng mga tao dito sa labas ng building namin.

Muli kong tinignan ang nababaliw ko nang kaibigan, pilit niyang pinapakalma ang sarili niya.

"Oh my gosh, take a deep breathe Anne."

Saad niya habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang kaniyang mga kamay kasabay ng paghinga niya ng malalim.

Kung di ko lang to kaibigan nginudngud ko na to!

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

Nakakatakot yung ngiti niya, para bang takas sa mental.

"Vice may mall show si Vhong Navarro dito sa atin!" muli niyang sigaw at isinama pa ako sa pagtalon-talon niya paikot.

"So?" sagot ko at pilit siyang pinapahinto sa pag talon.

Itibigil na niya ang pagtalon at binitawan ang mga kamay ko.

Sa wakas!

"Anong so?" inis niyang saad at galit akong tinignan

Sasagot na sana ako nang ipinakita niya sa akin ang wallpaper ng phone niya.

"Sis si Vhong Navarro yun! The Vhong Navarro! Ang hari ng dance floor, ang rom-com king, at ang isa sa pinakasikat at pinaka-hot na dancer sa bansa natin," nakangiti niyang saad habang ibinabalandra sa mukha ko ang phone niyang wallpaper si Vhong.

"Oh tapos?" saad ko

"Ano naman kung si 'The Vhong Navarro' yan huh?" dugtong ko bago pa siya makasagot

Sandali niyang tinignan ang phone niya bago muling tumigin sa akin.

"Sis hindi mo ba nakikita yung charisma niya? Yung charm niya? Yung kagwapuhan niya?"

Alam kong kilig na kilig na siya ngayon habang pinagpapantasyahan niya si Vhong sa harapan ko.

Nakakadiring nilalang!

"Pango yung ilong niya." pambara ko

"Ang basher mo!" saad niya kasabay ng paghampas sa akin

"Yes, hindi katangusan yung ilong niya pero aminin mo gwapo pa rin naman diba?" hindi ko nagawang masagot ang tanong niya. Napatingin lang ako sa phone niya.

"See? Hindi ka makasagot kasi totoo," muli niyang saad na may halong pang-aasar.

May itsura din naman kasi talaga yung Vhong Navarro na yun. Tsaka napanood ko na yung mga sayaw niya, magaling naman talaga siya.

Hindi ko rin naman maitatanggi na ang gwapo niya lalo na pagsumasayaw siya.

Pero syempre di ko yun aamin kay Anne. Ayokong masabunutan.

"Oh, ano naman kung may mall show siya?" pag-iiba ko ng usapan.

"Samahan mo ko," nagpa-cute pa talaga ang isang 'to. Nag-pout pa

Nagpapaawa na naman.

As if naman gagana sa akin yung eksena niya na yan

"Ayoko, may gagawin ako."

"Eh sa sunday pa naman yung mall show niya, may three days ka pa para gawin at tapusin kung ano man yung gagawin mo. Sige na please," muli niya pagmamakaawa

Hindi gagana sa akin yung pagmamakaawa niya na yan.

"Ayoko nga sabi," saad ko










"Shocks! Finally, after two months makikita ko na siya ulit!" halatang- halata na excited siya na makita si Vhong

Tumigin-tingin ako sa mall, napakaraming poster ng pagmumukha ni Vhong Navarro sa mall na 'to.

May bago ata siyang endorsement kaya may pa-mall show siya.

Kakapasok pa lang namin ng mall, dahil halos kakabukas pa lamang nito pero parang napakarami nang tao.

"Vicey iihi lang ako, promise mabilis lang," paalam ni Anne bago ako tuluyang iwan sa harap restroom.

Kahit kailan talaga, parang may sira yung pantog ng babaeng yun pag naeexcite!

Parang mahaba-haba ata ang pila sa restroom ng mga babae. Nakakasira ba talaga ng pantog ang maging fan ni Vhong Navarro?

"Vhong anakan mo ko!" rinig kong sigaw ng ilang mga babae

Teka? Simula na ba ng show niya?

Shit wala pa si Anne.

"Vhong Navarro!" muli nilang sigaw

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang mga sigawan na yun.

Naglakad-lakad ako hanggang sa may nakabanggaan akong lalaki.

In all fairness, ang bango niya ah

Naka-cap ito at jacket.

Nakaporma naman.

Bagay naman sa kanya.

Nakayuko lang siya at natatakpan ng cap niya ang mukha niya

Shit terorista ba 'to?

Muli kong narinig ang sigawan.

"Wag kang gagalaw." saad nung lalaki at hinawakan ako sa bewang.

"Hoy, teka kung manghoholdap ka o naghahanap ka ng gagawing hostage, sinasabi ko na sayo wala akong pera hind- " hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng ilapat niya ang mga labi niya sa labi ko.


Mas lumalapit na sa amin ang mga babaeng nagsisigawan.



Gusto kong humingi ng tulong.

Mas lumapit pa ang mga babaeng nagtatakbuhan para bang may hinahabol sila.





Mas hinigpitan niya ang hawak niya sa aking bewang habang ang isang kamay niya naman ay nasa batok ko para mas mapalapit ako sa kanya.








Pinilit kong magpumiglas.








Habang nagpupumiglas ako nararamdaman kong unti-unti kaming umaatras habang sa maramdaman ko na ang malamig na pader sa aking likuran.




"Vhong Navarro!" rinig kong sigaw ng mga babae ng makalapit sila sa amin.




Gusto kong sumigaw.








Kaso nang ibuka ko ang aking bibig, nagkaroon lang siya ng paraan para mas malaliman ang halik niya sa akin.








Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong.








Pero ramdam ko ang dila niyang nakikipaglaro sa dila ko.







"Sana all may kalaplapan sa mall." rinig kong sabi ng isa sa mga fan ni Vhong na tumatakbo.

"Ganyan ko hahalikan si Vhong pag naabutan natin siya." saad naman nung kasama niya at muli silang tumakbo

Yung lalaki ata sa unahan nila ang hinahabol nila. Si Vhong ba yun?







Gusto kong humingi ng tulong.








Pero ang tanging lumabas sa bibig ko ay tunog na di ko dapat palabasin.







Nakalayo na sa amin yung grupo ng mga fan ni Vhong. Nawalan na rin ako ng lakas.








Huminto na siya.




Parehas kaming hingal na hingal at naghahabol ng hininga.








"Hi!" saad niya bago ako tignan








Tangina!








"Masarap ba?" nakangiti niyang saad



"Tingin ko naman base sa ungol at paghalik mo, nasarapan ka." muli niyang sabi bago inayos ang cap niya.



"Hindi pala magandang tawagin na ungol yun, pero diba yun naman ang ginawa mo?" napahawak siya sa kanyang batok na para bang nahihiya siya.

Medyo inangat niya sandali ang cap niya at kinindatan ko bago ito muling ibinaba.





Hindi ko alam kung anong sasabihin ko hanggang sa may mga dumating na mga lalaki sa amin.






"Sir pasensya na po hindi po namin na control yung mga tao. Masyado po kasi silang marami." saad ng lalaki na sa tingin ko ay bodyguard niya

"Ayos lang yun natakasan ko naman sila. Tsaka buti na lang magaling yung isa niyong kasama, siya na nagpahabol sa kanila." nakangiti niyang sagot sa kanila.

Nag-usap sila ng sandali bago tuluyang pumasok sa akin ang katotohanan.




"Hi!" tangi kong nasabi bago siya tuluyang umalis kasama ng mga bodyguard niya.




Lumingon siya sa akin at nginitian ako.





"Teka si Vhong ba yun?" tanong ni Anne na tulad ko hindi rin makapaniwala.















Author's Note:

Hi!

Long time no ud? HAHAHAHAHAH sorry na

Tutal naman graduation na, ito muna graduation gift ko sa inyo

Mabilisang gawa pero sana magustuhan niyo.

Love you!

You are reading the story above: TeenFic.Net