Chapter 25

Background color
Font
Font size
Line height

Devon's PoV

Waaah! Bukas na ang birthday koooo.  yiipee!!! Ang bilis ng araw ano. Parang pagmamahal ko lang kay Calvin ang bilis.

Mage-eighteen na talaga ako bukas. Syet! Medyo kinakabahan ako. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Excited, kinakabahan, kung ano ano pa. Hindi ko ma explain.

Ang dami kong gustong gawin mag eighteen ako. Isinulat ko ito ang mga gusto kong gawin sa isang diary. Hehe! Nagsusulat din ako ng diary. Hihi!

Hmmm. Kinikilig ako.

"Oyy nak! Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang natatae kapag kinikilig." pukaw atensyon ni nanay sa akin.

Dahil sa pag-aagaw eksena niya sa pagde-daydream ko. Ayun, biglang nawala ang iniisip ko. Inggit lang yang si nanay.

"Nay naman, bakit ka ba nang iistorbo? Kung gusto mo ding mag daydream, gumawa ka din ng sayo." busangot kong reklamo sa kanya.

Tumigil sya sa pagkain. At bigla nya akong tinaasan ng kilay. Uh-huh?

"Aba ikaw bata ka. Kung ano ano na naman kasi yang iniisip mo. Baka nakakalimutan mo na may klase ka pa ngayong araw." tinaas nya ang dalawa nyang kilay.

Napakamot na lang ako ng buhok. Oo nga pala, kung ano ano kasi ang pumapasok sa isipan ko. May klase pa pala ako ngayon.

"Hehe! Pasensya na nay. Sige na po, ito na, kakain na."

Agad ko namang pinagpatuloy ang kinakain ko. Medyo malamig na pero kinain ko parin, sayang lang kung hindi ko kakainin.

"Oo nga nay. Magpapaalam po sana ako ngayon. May pupuntahan kami ng mga kaibigan ko. Wala naman po kaming klase mamayang hapon. May gagawin po ang mga teachers namin." maya mayang sabi ko sa kaniya.

Tumigil naman siya sa pagkain at kunot noong napatingin sa akin.

"Saan naman kayo pupunta? At ano ang gagawin ng mga teachers niyo para half day lang kayo ngayon?" tanong ni inay sa akin.

Napakagat ako ng labi at bumuntong hininga.

"Hindi ko po alam ang gagawin ng teachers namin nay. Pero usap usapan na may magaganap daw na okasyon. Hindi ko po alam ang buong detalye." pagsasagot ko.

Nakita ko naman na tumango tango si nanay.

"At saan naman kayo pupunta ng mga kaibigan mo?" patanong nyang sabi sa akin.

Napakamot muna ako ng ulo.

"Hindi ko po alam sa kanila e" kabit balikat kong sabi sa kaniya.

Hindi ko naman kasi natanong kung saan kami pupunta.

"Please nay, payagan mo na po ako mamaya. Ngayon lang naman po e." nakanguso kong pagmamakaawa sa kanya.

Nakita ko naman na napabuntong hininga sya. Pumayag sana sya lord.

"Sige, pagbibigay kita. Pero dapat hindi kayo magtatagal sa pupuntahan nyo. Alam mo naman kung ano bukas diba?" may kahulugan nyang sabi.

Bigla akong napatigil. Oo nga pala. Hindi dapat ako basta basta maglalabas dahil bukas na ang birthday ko. May pangitain kasi ang mga matatanda na hindi pwede ang basta bastang magga-gala kung malapit na ang birthday.

"Sige po. Mabilis lang po kami bukas." sagot ko sa kanya.

"Oh sya payag na ako. Basta wag mo lang kakalimutan ang sinabi ko sayo."

Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot at pinagpatuloy ang kumain.

****

Pagpasok ko sa room namin. Bumungad sa akin ang mga kaklase kong takas mental. Buwahaha.

Kung makikita mo ba naman na nagbabatuhan ng kung ano ano. May roon pang pinapaamoy ang medyas nya. Hindi lang yun, may nagpapaamoyan pa ng kili kili. Yuck. Kadiri talaga ang mga kaklase ko.

Pero wag kayo. Masaya kayang may kaklase na takas mental. Diba? Mag yes ka kung may takas mental kang kaklase.

Agad akong pumasok sa loob. Iniwasan ko na lang sila, baka isama pa nila ako sa kalokohan nila.

Masaya siguro ang mga ito dahil walang klase mamaya. Nakakagala na naman ang mga ito panigurado. 

Nakita ko sina Trisha sa kani-kanilang mga upuan at mukhang nag uusap ng masinsinan. Agad akong umupo sa upuan ko ng makarating ako sa upuan ko.

Nang makita nila ako. Lahat sila napatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanila at ganun ang ginawa nila.

"Mukhang busy kayo a? Anong pinag uusapan niyo?" mahinhin kong tanong sa kanila.

Inayos ko muna ang salamin ko sa mata at umayos sa pagka-upo. Banalik ko ulit ang tingin sa kanila.

Dahil may nararamdaman akong nakatingin. Binaling ko sa kanya ang paningin ko.

Tama nga ako, nakatitig siya sa akin. Parang wala lang sa kanya ang tingin ng mga kaibigan namin.

Naiilang ako dun. Bakit ba ito nakatitig sa akin? May dumi ba ako sa mukha para ganyan siya makatingin sa akin?

Ramdam ko ang pag init ng magkabilang pisngi ko sa tingin nyang pinipukol sa akin.

Gusto ko sana syang tanungin kung bakit nya ako tinitignan. Pero agad umurong ang dila ko. Baka mamaya ako pa ang mapahiya sa tanong ko.

At isa pa, hindi mawala wala sa isip ko ang nakita ko nung nakaraan. Bwisit. Nakaramdam na naman ako ng inis dahil dun.

Parang may kunurot nung naalala ko yun. Bakit kasi nakita ko pa yun e? Yan tuloy, mas lalo akong nasaktan. Sana, hindi ko na lang yun nakita. Ang sakit lang sa dibdib.

Iniwas ko sa kanya ang tingin ko ng mapansin kong nakakatitigan na pala kaming dalawa. Ayaw kong makita nya ang emosyon sa mata ko na nasasaktan.

"Pinag-uusapan namin ang pupuntahan natin mamaya. Yiee! Excited na kami para mamaya." pagsasagot ni Megan sa tanong ko sa kanila.

Nakangiting napailing na lang ako.

"Saan pala tayo pupunta mamaya?" biglang tanong ko.

Naguluhan naman ako ng bigla silang napangisi. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa bigla silang napangisi.

Medyo kinabahan naman ako dahil sa ngisi nila.

"Secret!"

"Psh!" inalis ko muna ang tingin sa kanila.

Tinignan ko si Calvin sa tabi ko ng makita kong nakangisi na nakatingin sa akin.

Napakunot akong tinignan sya. Problema nito? Parang baliw lang.

"Anong nginingisi ngisi mo diyan? Pinagtatawanan mo ba ako ha?" may iritang tanong ko sa kaniya. Pero pigil kilig ang nararamdaman ko sa kanya.

Napatigil naman siya saglit. Pero agad din nyang binalik ang excretion nya. Mukhang nasisiyahan ang loko sa pantrip sa akin.

Mas lalong lumapad ang ngisi sa kanyang labi. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang labi.

Syet! Bakit ba ang gwapo ng lalaking ito? Pwede ba kahit isang araw lang, maging pangit sya sa paningin ko. Ugh!

Naramdaman ko na naman na namula ang mukha ko. Syet! Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"T-tumigil ka nga sa k-kangingisi diyan. Naaalidbaran ako sa pagmumukha mo. Para kang asong ulol diyan." busangot kong pagsasaway sa kanya. Sinamahan ko naman sya ng tingin.

"Hmm! Mukha ba akong ulol kung nakangisi? Hindi naman ako mukhang asong ulol ah. Bakit ka umiiwas ng tingin sa akin? Baka naman. Ehem!" pabitin nyang pang aasar sa akin.

Ayun na naman ang ngisi nyang nakakaasar. Naningkit ang dalawa kong mata dahil sa pagbibitin sa sasabihin nya.

"Baka naman ano huh?" masama parin ang tingin kong tanong sa kaniya. Ako na naman ang nakita nyang pagtripan. Ibaon ko to sa kinakaupuan nya e.

"Ehem!! Ang ganda mo pala kung nagagalit at namumula. Hmmm!.."

Tuluyang namula ang buo kong mukha dahil sa sinabi nya sa akin. Ramdam ko din ang tainga ko na namumula na.

Waaaah! P*nyeta ka Calvin..... Pinapakilig mo akooo. Huhu!

Para akong hihimatayin sa sinabi nya. Waaah! Gusto kong nagtatalon sa kanya.

*pak*

"Hoy nerd?!  Okay ka lang? Bakit para kang napako sa kinakaupuan mo?"

Napabalik ako ng diwa ng bigla nya akong tapikin sa pisngi.

Tumingin ako sa kanya ng masama.

"Ano ba!! Bakit ka ba nananapik ng pisngi ha? Hindi mo ba alam na kinikilig ako sa sinabi mo sa akin. Istorbo ka. Tsss. Ayan tuloy, hindi ko na alam kung saan na ako. Badtrip." walang prenong sabi ko sa kaniya.

Nakita kong nanlaki ang dalawa nyang mata at medyo napanganga pa. Problema ng lalaking ito? Kung makareact.

"Pffft!!"

"Psh!"

"So cute!"

Nakarinig naman ako ng bungisngis. Kaya napatingin naman ako sa pwesto nila Tanya.

So sa kanila pala nanggaling ang bungisngis na yun. Hmp. Mang aasar na naman sila sigurado ako.

"Ayiee! Si bebe Devon kinikilig pala!!"

"Ehem! ehem! Tigilan nyo si bhes Devon. Namumula na sya e. Hayaan nyo na lang syang kiligin. Baka mamaya, himatayin sa kakiligan e."

"Ayieee!! Inlababo na yan!!"

Katyaw nilang lahat sa akin.

"Waaaah! Kainis kayo guys." agad kong nilagay ang palad ko sa mukha ko. Para takpan ang sobrang mulang mukha ko.

Bakit ba kasi may kaibigan akong ang hilig mang asar? Hmp.

"Oh tama na yan guys. Baka mas lalo pang ma-inlove si nerd sa akin kung patuloy niyo parin siyang kinakatyawan." pagsasaway ni Calvin sa kanila.

Pero ang mga loko, hindi nagpatinag kay Calvin. Mas lalo silang napangisi. Pero hindi nagtagal agad silang nagsibalikan sa kani kanilang mga pwesto. Umayos sila pagkakaupo. Pero hindi parin natatanggal ang ngisi sa kanilang labi.

Iniwas ko sa kanila ang tingin. Binalik ko ang tingin ko sa lalaki natabi ko. Hindi mawala wala ang ngisi sa kanyang labi.

"Baka matunaw ang labi ko kakatingin mo. Sige ka, walang madadampihan yang labi mo kung matutunaw ang labi ko."

Mas lalo akong namula sa sinabi nya. Ang kapal nya ha. Bwisit. Pero ano daw yung last nyang sinabi? Hindi ko kasi marinig.

"A-ang k-kapal ng m-mukha mo talaga. Anong t-tinitignan ang l-labi mo? H-hindi ko tinitignan ang labi mo ha. Yuck lang!" utal utal kong pagsisinungaling sa kanya.

Para naman akong natatae na ewan.

Parang nagrambolan naman ang mga kinain ko sa tiyan. At kung may paro paro sa tiyan ko na lumilipad.

Syet! Ngumiti sya sa akin ng napakalawak. Nasisiyahan sya sa pinapakita kong pagkahiya. Waaah! Kainis ka talaga My labs.

Oops! Nadulas. My labs ang nasabi sa isip ko. Hehe.

"Okay! Sabi mo e. Hindi ko na lang papansinin ang pamumula ng pisngi mo." kabit balikat nyang sabi. Pero nakangiti parin ang loko.

Pero, kyaaah! Ang gwapo nya pagnaka ngiti. Hindi naman talaga ako naiinis sa kanya e.

Pinagtatakpan ko ang nararamdaman ko para hindi nya mahalata. Natatakot ako baka malaman niya.

Inayos ko naman ang salamin ko at umayos din sa pakaka-upo. Agad akong humarap sa harapan.

Napahawak ako sa dibdib ko. Nandito parin ang pagbibilis ng pantig ng puso ko.

Napakunot ako ng napansin kong wala si Devin sa upuan nya. Wag mong sabihin na hindi sya pumasok?

*****

"Whoa! Sa wakas tapos na din ang lahat ng subjects natin ngayong umaga."

"Yes! makakagala na din tayo ngayon. Wuhu!"

"Party!! Party!!!!"

Para talagang takas mental sina Tristan at Ross. Isama mo na din si Megan na parang takas mental din.

Nandito kami ngayon sa parking lot. Sa isang van na ang sasakyan namin papuntang mall.

"Tumigil nga kayong tatlo dyan? Para kayong timang." pagsasaway sa kanila ni Tyron.

Pero ang mga takas mental kong mga kaibigan. Mas lalo silang nagwala. Uh-huh. Mukhang nabaliw na ang mga ito.

Para silang kabute na pasayaw sayaw pa.

"Tsk!" napa-tsk na lang si Trisha dahil sa pinaggagawa nila ngayon.

Hanggang ngayon hindi parin sila tumitigil sa pinaggagawa. Anong nakain ng mga ito?

Naramdaman ko naman na may kumalabit sa akin. Kaya napatingin ako doon.

"Lika na Devon. Hayaan mo na yang tatlo yan diyan. Mauna na tayo sa loob, bahala na silang sumunod." bulong na pagyayaya ni Tanya sa tabi.

Seryoso ba si Tanya? Hahayaan na lang namin sila dito?

"Seryoso ka? Hahayaan talaga natin sila dito?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Nakita ko naman na tumango tango siya bilang sagot. Kaya napakamot na lang ako ng ulo dahil dun.

Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng van. Ewan ko sa tatlong yun kung bakit hindi man nakadama na iiwan namin sila dito.

Napailing na lang ako at tuluyan ng pumasok sa loob.

May kanya kanya silang pwesto. Bigla akong napakamot ng ulo. Hindi alam kung saan ako uupo.

Ngayon ko lang napansin na may driver pala sila. Walang nakaupo sa harapan.

Nakita kong magkatabi sina Trisha at Tyron. Sa pangalawang upuan. Si Tanya naman ang nasa likod nila. Tapos si Calvin ang pinakalikod.

Dahil ayaw kong makatabi si Calvin dahil naiilang ako. Kaya kay Tanya ako tumabi.

Napansin ko naman na mariin akong tinignan si Calvin. Pero hindi ko yun pinansin.

Uupo na sana ako sa tabi ni Tanya ng bigla syang tumingin sa akin at nagsalita. Kaya nabitin ako sa pag upo.

"Pasensya ka na Devon. Hindi ka pwedeng umupo sa tabi ko. Hindi naman sa ayaw kitang katabi. Gusto ko lang mag isa e. Sorry talaga." pagpapaumanhin nya sa akin.

Bakas sa mukha nya ang nagsasabi ng totoo.

Wala akong nagawa kundi ang napabuntong hininga. Agad akong umayos ng pagkakatayo.

Ngumiti lang ako sa kanya. Tumalikod ako at pupunta sana sa tabi ng driver ng pigilan ako ni Trisha.

"Ah Devon, ayaw kasi ni manong driver ng may katabi diyan sa harapan e."pagpipigil sa akin ni Trisha.

Napatigil na naman ako sa paghakbang.

"Kay Calvin, Devon. Mas malawak ang upuan sa likod, sa tabi nya." suggestion ni Tyron sa akin.

"Ha?" yun na lang ang lumabas sa bibig ko.

"Oo nga bhes. Dun ka na lang sa tabi nya. Siya lang naman ang mag-isa sa likod ko." dugtong din ni Tanya sa akin.

Dahil sa mga sinasabi nila. Napakamot na lang ako ng ulo.

"Okay." pagsusuko ko.

Wala akong nagawa kundi ang naglakad patungo sa tabi ni Calvin. Hindi ko alam kung guni guni ko lang yun o ano. Nakita ko kasing napangisi at napangiti sina Trisha sa harapan ng makita nilang pumayag ako. Pero hindi ko na lang yun pinansin, baka guni guni ko lang.

Agad akong umupo sa tabi ng bintana.

"Gusto din palang umupo sa tabi ko. Ang dami pang arte. Psh."

Tinignan ko naman ang katabi ko ng masama. Pero agad akong binalik ang tingin sa bintana. Nagsimula na kasing umandar ang van.

"Psh!" hindi na sya nagsalita pa.

Inayos ko muna ang salamin ko bago sumandal sa bintana at tumingin na lang sa labas.

Habang nasa biyahe kami. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas. Naramdaman ko na lang na may bigla pumatong sa balikat ko.

Napatingin naman ako dun.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Calvin na nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Para akong hindi makagalaw sa kinakaupuan ko.

Dahil naiilang ako. Tatanggalin ko sana ang ulo nya sa balikat ko ng mapansin kong nakapikit sya. Mukhang natutulog. Hindi ko na natuloy ang pag-alis sa ulo niya sa balikat ko.

Hinayaan ko na lang sya. Pinikit ko na lang din ang mata.

*****

"Huwag nga ka ngang maingay diyan. Baka magising sila e"

*click*

"Wag mong lagyan ng sound yang cellphone mu uyy. Baka magising sila dahil diyan. Tsk!"

"Eh ganito na talaga ang cellphone ko e."

*click*

"Bahala ka nga diyan. Sige, kuhanan mo sila ng marami pala may ipadevelop natin mamaya. Hihi!"

*click*

"In fairness ang cute nilang dalawa. Kinikilig ako. Ayiee!"

*click*

"Shhh! Hinaan mo nga yang boses mo."

"Oo na, oo na. 'to naman panira talaga. Hmp!"

"Tssss!"

Napakunot ako dahil may naririnig akong mga ingay nalapit sa akin. Pero hindi ko na lang yun pinansin.

Baka si nanay lang yun.

Agad akong sumiksik sa unan na yakap yakap ko. Hmmm. Ang bango ng unan ko. Ano kaya ang gamit ni nanay na panlaba?

Ang bango. Ang sarap amuyin.

*click*

*click*

"Hihihi!!! Kyaaah! Ang sweet nilang tignan."

"Sabi ng tumahimik ka Tanya e. Papalabasin talaga kita dito sa van."

"Ang sungit mo talaga Trisha. Bakit bawal bang kiligin ha?"

"Tsk! Bahala ka nga diyan?"

"Psh!"

*click*

"N-nay naman, b-bakit ba ang ingay ingay mo? Umagang umaga ganito agad ang bungad mo sa akin." nakapikit kong reklamo kay nanay.

Mas lalo akong sumiksik sa unan ko at inamoy amoy yun. Hmmm. Ang bango talaga ng unan ko. Hindi nakakasawang amoyin.

"Pfft! Mukha ka daw si tita bhes. Haha!! Grabe si Devon. Hindi nya ba alam na natutulog sya dito sa van? Psh!"

"Hoy anong akala nya si tita ako. Babatukan talaga kita. Wag mo akong asarin Tanya."

"Hehe! peace bhes!"

"Pero syet, kinikilig ako sa kanilang dalawa. Magkayakap talaga silang dalawa habang natutulog. Dali Trisha, kuhanan mo pa sila ng picture para may pang blackmail."

"Oo na, oo na. Wag kang atat yun. Ipapakain ko sayo tong cellphone ko e."

"Bleeh!!!"

*click*

*click*

*click*

"Omo! Kinikilig ako! Hihi!"

Napakunot naman ako bigla.

Bakit may naririnig akong tunog ng may kinukuhanan ng picture? takang tanong ko sa aking isipan.

Nakapikit parin ako. Hindi ko pa naimulat ang dalawa kong mata.

Parang may matang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan.

May napansin pa akong kakaiba.

Bakit parang hindi ako masyadong makahinga? sa isip ko.

Parang may nakapulupot sa katawan ko.

*click*

Dahan dahan kong minulat ang dalawa kong mata.

At tumamblad sa mukha ko ang naglalakihang ngiti sa labi nina Trisha at Tanya sa harapan ko. Bumaba ang mata ko sa hawak hawak ni Trisha.

Isang cellphone. Habang nakatutok sa harapan ko.

"Waaaaaahhhh!" napahiyaw ako dahil sa gulat sa bumungad sa akin.

Nakita ko silang napatakip ng tainga nila.

*click*

*click*

Nagulat ako ng may bigla akong naramdaman na paggalaw sa tabi ko. At biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan ng may naramdaman akong mainit na hangin sa leeg ko.

Kaya mabilis akong napatingin sa tabi.

*tsup*

*click*

Sa hindi inaasahan, dumampi ang labi ko sa pisngi nya.....

*click*

*click*

Dahil sa gulat ko.

"Kyaaaahhh! Walangya kaaaa!!!" mabilis kong inalayo ang mukha sa mukha at mabilis na tinulak.

*click*

Agad kong inayos ang salamin sa mata ko.

"Nice shot!!"

"Awww! P*tsya! Ano ba! Nakikita mong natutulog yung tao e. Ugh! Sh*t!!" iritang reklamo nya at biglang ginulo ang buhok...

"Ehem! Sige guys. Mauna na kami sa inyo ha! diyan muna kayo"

"Hintayin na lang namin kayo sa labas."

Dali dali naman na umalis sina Trisha at Tanya. Pero ang lalaki naman ng ngiti na lumabas.

Ugh! Syetttt!!!!

Kinikiligggg akoooo!!!!!! :))

^_^

Ramdam ko ang pagkapula ng pisngi ko.

"Tsk! Para kang timang diyan. Akala mo naman ayaw nya ang pagkakasandal ko sa balikat mo. Eh kilig na kilig naman. Namumula ka pa nga e." nakangisi nyang tudyo sa akin.

Napatigil naman ako saglit. Tinignan ko naman sya ng sobrang sama.

"H-hoy! Hindi kaya ako k-kinikilig at n-namumula. K-kung ano ano ang na-nakikita mo. Psh!" utal utal kong magtanggi.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Waah! Mas lalo akong namula dahil sa titig nya sa akin na nakangiti ng malawak.

*tug*

*tug*

*tug*

Kalma lang heart. Wag kang nagpahalata sa kanya. Baka mamaya mahalata nya na kinikilig ako sa kanya.

Whoa! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang gusto nyang lumabas sa dibdib ko.

Ganito pala kiligin. Para kang natatae na ewan. Waaah! Para akong hindi makahinga.

"Talaga lang ha, hindi ka namumula at kinikilig. Hmm." nakangisi nyang sabi. Bakas sa mukha nya ang hindi naniniwala.

"sabing hindi ako namumula e."

Pinaningkitan ko sya ng tingin.

O____________O

Nagulat na lang ako

You are reading the story above: TeenFic.Net