Chapter 20

Background color
Font
Font size
Line height

Abo't hanggang langit ang ngiti ko habang nakatingin sa paring nasa harapan. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

Ang saya saya ko dahil sa wakas nakita ko na ang taong para sa akin. Ang taong tanggap ako kahit ano pa man ako. Kaya nag uunapaw ang saya sa puso ko.

Hindi ko namalayan na may luha na palang tumulo sa mata ko. Pababa sa pisngi.

Nakatingin lang kami sa paring nagsasalita sa harapan. Hawak kamay kaming dalawa ng taong mahal ko. Ang sarap sa pakiramdam na hawak hawak ko ang kamay nya.

Hanggang nagsabihan kami ng 'I do' sa isa't isa.

"You may now kiss your bride." anunsyo ng pari sa amin.

Dahan dahan akong humarap sa kanya, pero nakayuko para naman may arte. Gusto ko yung may thrill, habang dahan dahan ang pag angat ng tingin sa kanya.

Naramdaman kong dahan dahan nyang itinaas ang belo sa ulo ko. Ang laki ng ngiti sa labi ko. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Naramdaman ko din na hinawakan nya ang magkabila kong pisngi. Ang bilis bilis na naman ng tibok ng puso ko. Napapikit na lang ako ng mata dahil sa paghaplos nya sa pisngi ko.

Dahan dahan kong iniangat ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko ngayon. At dahan dahang minulat ang mga mata ko sa kanya.

Pagdilat ko.

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa wakas nakita ko na din ang mukha ng taong mahal ko.

"WAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!

"HUWAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!!!!!!

"TYANAAAKKKK!!!!!!!!"

"WAAAAAHHHHHH!!!!"

*poink!!*

"Aray koo!! huhu! ansaket!"

Napabalikwas ako sa pagkaka higa ng may biglang bumatok sa akin. Huhu. Ang sakit ng pagkaka batok.

"Jusko ko'ng bata ka, mapapatay mo ako ng maaga. Muntik na akong mahimatay sa gulat dahil sa hiyaw mong ang lakas lakas!" bulyaw ni nanay sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya. Nakita kong hawak hawak nya ang kanyang dibdib. Nakita ko syang pinapaypayan ang mukha nya gamit ang kamay.

dali dali naman akong tumakbo papunta sa kanya upang alalayan. Medyo kinabahan din ako bigla dahil sa reaction nyang medyo hinihingal.

"Okay ka lang nay? Huminga ka ng malalim. Wait lang po at kukuha ako ng tubig mo." tarantang sabi ko.

Hindi ko na sya hinintay na magsalita at dali dali akong lumabas ng kwarto namin at kumuha sa kusina ng tubig.

Abo't langit ang kaba ko ng makita ko si nanay na habol habol ang hininga.

Nang makakuha ako ng tubig agad akong nagmadali na pumasok ulit sa kwarto namin at agad syang sa kama na nakaupo.

"Ito nay oh, inumin mo para mawala ang kaba mo." nag aalala kong alok ng tubig.

Agad naman nyang tinanggap ang bigay kong tubig.

Agad ko munang inilagay ang baso sa itaas ng kabinet namin. Para hindi ako pabalik balik sa kusina.

Agad akong umupo sa tabi nya at hinuhugod hugod ang likod para mas mabilis gumaan ang pakiramdam nya.

"Okay ka na nay? Pasensya po " nag aalalang tanong ko sa kaniya maya maya.

Agad naman nya akong tinignan ng masama akala mo patalim ang tingin nya. Napasimanagot naman ako bigla.

"Ikaw bata ka, anong nangyayari sayo ha? Bakit ka ba nagsisigaw diyan? Hindi mo ba alam na nakakabulabog ka ng kapit bahay." mahabang sabi ni nanay sa akin.

Napakamot ako bigla. At biglang pumasok sa isipan ko ang napaginipan ko.

Waaaahhh! Nakakatakot ang panaginippp kooo. Ang pinakasalan ko daw ay isang tiyanakkkkkk.... Waahhh... Grabe ang panaginip kong yun.

Naramdaman ko naman na nagsitayuhan lahat ng balahibo sa katawan ko. Parang humihip ng malakas na hangin.

Akala ko mararanasan ko na ang maikasal sa tanong mahal ko. Kahit man lang sa panaginip ko maranasan ko ang bagay na yun....

Tapos.......

Tapos.

Tapos bigla na lang naging bangungot sa akin yunnn.

Waaaaahhhh.

Wala na ang pangarap kong maikasal.

Hindi ko man lang nakita ang mukha ng taong nasa panaginip ko, na yung muntik ng magkiss kami...

Huwaaaahhhh!!!! Sayang.

Pero may next pa naman. Hehe.

Pero nakakaasar talaga dahil hindi ito natuloy.

*bionk!*

Agad akong napahawak sa binatukan ni nanay. Ang sakit ha.

"Aray naman nay. Ang sakit ng batok mo sa akin. Hindi ko man lang maawa sa akin. Hindi naman cotton ang kamay mo na ang gaan gaan a. Parang bakal nga yang kamay mo e." pagrereklamo ko sa kanya at biglang bumasangot.

Binulong ko lang ang sinabi kong parang bakal ang kamay nya. Hehe. Mahirap na, baka batukan na naman nya ako wala sa oras. Ang sakit kaya ng batok nya.

"Ikaw bata ka ha. Ano ba talaga ang nangyayari sa? Naka drugs ka ba?" prangkang tanong ni nanay sa akin.

Kaya mabilis naman akong napatingin sa kanya.

"Pinagsasabi ko diyan nay? Hindi po ako nakadrugs. Kita ko naman ang mukhang ito" tinuro ko ang mukha ko. "ganyan ba ang mukhang naka-drugs?" hindi makapaniwalang tanong ko kay nanay.

Naningkit naman ang mata nya at bigla nya akong tinaasan ng kilay. Problema ng nanay kong ito?

"Tumingin ka nga sa salamin para makita mo ang mukha mo. Totoo naman e, nagmumukha kang naka-drugs sa itsura mong yan. Tumayo ka at humarap ka sa salamin para makita mo ang mukha mo." pagkasabi ni nanay ang mahaba haba nyang speech, agad syang lumabas ng kwarto.

Lah! walk out queen lang ang peg ni nanay, ganun? Psh. Yaan na nga, tinopak na naman sya. Hehe. Joke lang.

Wala naman ako sa sariling naglakad patungo sa salamin na nakasabit sa dingding. Hindi ko kaagad nakita ang pagmumukha ko sa salamin dahil nag inat inat pa ako.

Pero pagmulat ko ng mata.

O_________O

"WAAAHHH!!!!! TIYANAKKKK!!!!!!! MAYYYY TIYANAKKKK!!!!"

napahiyaw na lang ako dahil sa mukha kong parang tiyanak. Jusko. Para na talaga akong tiyanak sa itsura ko.

Ang gulo gulo ng buhok ko. Parang nagtirahan ng ibon. May panis pa akong laway sa pisngi. Yucky!!!! May muta pako. Waahhh!!! NAKAKAHIYAAAA.....

Dahil dali naman akong nagtanggal ng laway at muta. Nakakahiya talaga.

****

Paglabas ko ng kwarto, agad akong pumasok sa kusina, nakita ko doon si nanay na naghahanda ng pang almusal.

Agad akong lumapit sa kanya at inagaw sa kanya ang hawak hawak nyang kanin.

"Ako na dito nay, umupo na lang kayo sa upuan. Baka mas lalo lang kayong mapagod sa ginagawa nyo. Sige na umupo ka na diyan." pagpapaalis ko kay nanay sa ginagawa niya.

Ayoko kasing napapagod si nanay. Dahil sya ang kadalasan na naghahanda ng almusal namin kung may pasok ako. Kaya ako naman ang nagsisilbi sa kanya. Kawawa naman kasi nanay.

"Nak naman, kaya ko na ito. Dun ka na lang, umupo ka na doon. Ako na ang bahala dito." pagtatanggi nya sa akin at inagaw sa akin ang hawak ko.

Napabuntong hininga ako.

"Nay naman, ako na diyan. Hayaan mo na ako naman ang magsilbi sayo. Naaawa na kasi ako sa inyo, ikaw na lang lagi ang naghahanda ng almusal kapag may pasok ako. Dahil wala naman akong pasok ngayon, ikaw naman ang pagsisilbihan ko. Maliwanag?" mahaba haba kong paliwanag sa kanya.

Lumapit naman sya sa akin at niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko naman na hinuhugod hugod nya ang buhok kong mabuhaghag.

Gumaan bigla ang pakiramdam ko habang ginagawa nya ang paghahaplos ng buhok ko.

Yumakap naman ako ng pabalik sa kanya. Pinatong ko naman ang baba ko sa kanyang balikat at yumakap ng mahigpit.

"Salamat sa lahat nay." maya mayang pasasalamat ko sa kanya.

"Salamat saan?" tanong nya bigla.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at pinikit ang dalawa kong mata. Yakap yakap ko parin si nanay.

"Salamat po sa lahat. Salamat dahil ginawa mo lahat para makapag aral ako. Salamat dahil nandiyan ka parati sa tabi ko. Salamat dahil ginagawa mo ang lahat para lang may makain tayo pang araw araw. Kahit na may iniinda kang sakit, hindi ka parin tumitigil sa katatrabaho. Salamat din sa pag aalaga sa akin. Kahit may pagkapasaway ako. At higit sa lahat maraming salamat dahil mahal na mahal mo ako. Mahal na mahal kita nay, salamat dahil ikaw ang naging nanay ko." buong puso kong sabi sa kaniya.

Bigla syang natahimik matapos akong nagsalita. Akala ko hindi na sya magsasalita. Pero narinig kong may sinabi sya.

"Mahal na mahal din kita anak. Masayang masaya ako dahil ikaw ang naging anak ko. Gagawin ko lahat para lang sayo. Kahit buhay ko kaya kong ibuwis. Ganun ka kahalaga sa akin. Wag mong kalilimutan na mahal na mahal ka ni nanay ha. Kahit anong pagsubok ang dumating, hindi ka nya iiwanan."

Napabuntong hininga ako at kinakagat kagat ang labi ko para pigilan na naman ang pagtulo ng luha sa mata ko. Hinuhugod hugod ang likod ni nanay.

"Wag ka ng umiyak inay." pagpapatahan ko. Agad akong kumalas sa pagyayakap sa kanya. Pinunasan ko muna ang luha sa pisngi ko bago humarap sa kanya.

Inayos ko muna ang salamin ko sa mata. Medyo hindi kasi maayos ang pagkalagay.

"Ikaw talaga inay, ang drama drama mo. Ikaw ha, imiiyak ka pala." pagbibiro ko.

Napansin ko naman na pinunasan nya ang luha sa pisngi at tumingin sa akin ng masama. Pero nakikita ko sa mata ang nag uumapaw na pagmamahal, halo halong emosyon ang bumukas na emosyon sa mata.

"Ikaw ba ka talaga. Ikaw din naman, ang drama mo. Kain na nya tayo. Kita mo na, lumamig na ang almusal natin. Sige umupo ka na at ihahanda ko na ang kakainin natin."

Napakamot ako ng ulo. Ginawa ko ang utos nya. Agad akong umupo sa isa sa umupuan sa harap ng lamesa namin.

"Heto."

Agad syang umupo ng matapos nyang ihanda ang almusal namin.

Nagpray muna kami bago kumain. Ganito na talaga kami. Kahit tuyo lang ang ulam namin. Nagpe pray kami parin. Nagpapasalamat kami kay lord dahil may nakakain kami araw araw. Hindi katulad ng iba, halos hindi na makain ng tatlo sa isang beses sa isang araw.

****

Agad kong naligpit ang pinagkainan namin ni nanay. Ako kasi ang mahuhugas ng pinagkain namin. Aagawin na naman sana ni nanay itong huhugasan ko pero agad akong nakipagtigasan.

Kaya sa bandang huli, ako din ang panalo.

Nang matapos akong nahugas agad akong tumungo sa sala namin. Nakita ko doon si nanay na nakaupo. Kaya agad ko syang nilapitan at umupo sa tabi nya.

"Wala po ba kayong gagawin ngayong araw nay?" tanong ko pagkaupo ako sa tabi nya.

Tumingin naman ako sa akin at ngumiti. Hindi nya sinagot ang tanong ko. Agad syang suminyas na tumalikod ako.

Kahit naguguluhan ako, tumalikod parin ako.

Pero maya maya pa, naramdaman ko ang pagsuklay nya sa buhok kong mahaba pero buhaghag naman.

May tuwa naman sa puso ko na naramdaman ko. Parang ang gaan gaan bigla ng pakiramdam ko. Ang sarap sa pakiramdam na ginagawa ng nanay mo ang ganito.

"Ang haba na ng buhok mo nak. Pero ang buhaghag naman. Haha!!" may pang aasar ni nanay sa akin.

Dahil sa pang aasar nya sa akin, bigla akong napanguso. Ang bad ni nanay talaga. Nakakahurt ha...

"Nay naman e." nakanguso kong reklamo.

Tumawa sya. "Siyempre joke lang yun. Ikaw talaga nak, hindi ka man lang mabiro. Ikaw kaya ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Ang saya saya ko nga e dahil may maganda akong anak na kagaya mo." mahaba mahabang pamumuri ni nanay sa akin.

Medyo lumaki naman ang ulo ko dahil sa pamumuri ni nanay. Haha. Nasobrahan nya ang pagpuri sa akin.

Ok lang yun, at least maganda daw akong, siyempre anak nya ako e. Psh.

Naramdaman ko na naman ang pagsuklay nya sa buhok ko. Napapikit na lang ako ng mata, ang gaan pa ng pagkakasuklay nya sa buhok ko.

Tumahimik naman kami ng ilang sandali. Hanggang tumunog ang di keypad kong cellphone.

Napamulat ako ng wala sa oras. Naramdaman ko din na napatigil si nanay sa pagsusuklay sa buhok ko, pero hindi nagtagal agad din nyang binalik.

Nakita ko naman ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. Kaya agad ko itong kinuha. Pero bago ko sagutin ang tawag.

"Sige nak, ititigil ko muna itong pagsusuklay ko sayo. Sagutin mo muna yang tawag mo." tatayo sana si nanay pero agad ko itong pinigilan. At umiling iling.

"Ok lang po. Tuloy nyo na lang yang ginagawa mo." pag aawat ko sa kanya na umalis.

Agad naman syang umupo ulit sa kinakaupuan nya kanina. Agad kong tinignan ang cellphone ko.

Si Trisha pala ang tumatawag. Kaya dali dali ko naman na sinagot. Baka mamaya bulyawan ako nito dahil ang bagal bagal kong sinagot ang tawag nya.

"Hello Trisha, napatawag ka?" bigla kong tanong sa kaniya.

May narinig naman akong mga boses sa kabilang linya. Mukhang kasama nya sina Megan dahil narinig ko din ang boses doon ni Megan.

"Ah! Hi!! May gagawin ka ba ngayong araw Devon?" tanong nya mula sa kabilang linya.

Napakunot naman ako bigla. Wala naman ako sa sariling napatingin kay nanay sa likuran ko. Nagtaka naman sya ng makita nyang nakatingin ako sa kanya.

"Wala. bakit mo natanong?" pagtatanong ko din sa kanya pagkatapos kong sagutin ang tanong nya sa akin.

Narinig ko na naman ang mga boses sa kabila. Mukhang may mahalaga silang sasabihin.

"Yayayahin ka sana namin." sagot nya sa akin.

"Yayayahin saan?" tanong ko naman sa kanya.

Ang pinagsasabi nya?

"YAYAYAHIN KA SANA NAMIN DEVON." sigaw ng nasa kabilang linya.

"Aray ko!" napangiwi ako bigla dahil sa narinig kong sabay sabay na sabi ng nasa kabilang linya.

"Mga g*go kayo, bakit sa mismong tainga ko pa kayo sumigaw. Mga walangya talaga kayo." bigla na lang sigaw ni Trisha sa kabilang linya.

Kaya medyo napangiwi naman ako dun.

Pero maya maya, bigla akong napakunot noo. Parang malapit lang ang boses na yun a.

"Saan kayo?" biglang tanong ko sa kaniya.

Bigla naman syang tumahimik. Kaya mas lalo akong napakunot.

"NASA HARAP NG GATE NYOOOO!!!!"

Dali dali naman akong lumabas ng bahay. Nagulat ako ng makita ko ang van nila sa labas ng kahoy naming gate.

Jusko ang mga to, oo.

"Hindi ko alam na pupunta pala ang mga kaibigan mo dito. Para naman sana nakapagluto ako ng meryenda."

Napatingin naman ako ng nanay mula sa likuran ko. Medyo napaigta naman ako ng bigla bigla syang nagsasalita sa likuran ko.

"Nay naman nakakagulat ka." reklamo ko habang hawak ko ang dibdib kong ang bilis ng tibok dahil sa gulat.

Tumingin naman sya sa akin. At bigla nya akong tinaasan ng kilay. Lah!

"Di wow!!!!"

Wow!! May paganun ganun na si nanay a. Hanep. Hindi ko na lang yun pinansin.

"Hindi ko nga din alam na pupunta sila dito e. Nagulat nga ako ng biglang tumawag si Trisha na nandyan daw sila sa labas ng gate." hindi makakapaniwalang kwento ko kay nanay.

"Hay naku, iba din ang mga kaibigan mo. Parang mga kabote, pasulpot sulpot. Haha." natatawang komento ni nanay sa mga kaibigan ko.

"Tunahimik ka nay, baka marinig ng mga yan. Ang lalakas pa naman ang pandinig nila." bulong kong saway at sinabayan ng tawa.

Kaya natawa na din sya.

"Oh sya!! papasukin mo muna ang mga kaibigan mo dito sa loob ng bahay natin. Medyo mainit sa labas kahit nasa loob sila ng van." pag uutos ni nanay sa akin na papasukin sila dito sa bahay.

Medyo napanguso naman ako pero hindi ko yun pinahalata. Ang init init e, ako pa talaga ang inutusan. Bakit kasi hindi na lang sila pumasok dito sa loob kahit hindi namin sinabi?

Wala namang hiya ang mga kaibigan ko e.

De joke lang.

Agad ko namang inalis ang salamin ko sa mata. Wala lang trip ko lang na wag muna magsalamin ngayon. Medyo sabagal pa sa mata ko.

Agad ko namang binigay kay nanay.

"Paki lagay nga po muna doon ang salamin ko. Medyo sabagal kasi ito mukha ko. Hindi naman po kasi kalabuhan itong mata ko."

Tumingin naman sya sa akin. Pero pansin ko na medyo napatagal ang pagtitig nya sa mata ko at sa buong mukha ko.

Agad ko namang hinagayway ang kamay ko sa hawak ng mukha nya. Nang dahil dun, napakurap kurap sya. Parang dun sya natauhan.

Anong nangyayari kay nanay? tanong ko sa aking isipan.

Pero agad ko ding pinagsawalang bahala.

"Okay ka lang nay?" tanong ko sa kaniya.

Tumingin naman sya sa akin at umiling iling.

"Sige puntahan mo na ang mga kaibigan mo dun. Baka kanina pa sila naiinip sa kahihintay sayo dun." pag iiba nya sa usapan.

Kaya wala akong nagawa kundi ang sundin sya. Tumango muna ako bago ako tumalikod ganun din ang ginawa nya.

Habang naglalakad ako papunta sa pwesto nila. Nakita ko na may nagbukas ng bintana ng van.

"Hi Devon!!!!!!!!!"

Nagulat naman ako ng biglang inilabas nina Megan, Tanya at Trisha ang mga ulo nila sa bintana. Grabe ang mga ito. Ilabas ba naman ang ulo sa bintana ng van.

Gumanti naman ako ng bati sa kanila. At kumakaway kaway pa. Ang laki naman ng ngiti ko ng makarating ako sa kanila. Kahit medyo naguguluhan parin ako kung bakit nandito ngayon sila.

"Ang ganda natin ngayon a. In fairness hindi mo sinuot ngayon yung salamin mo." Bungad nilang sabi sa akin. May pang asar pa sa boses nila. Psh!!

Lagi na lang ako ang nikikita ng mga ito na biruin. Kaya nakasimangot naman ako na tinignan sila.

"Aww!! Ang kyutt ng kaibigan namin kung naka nguso." Pang aasar na naman nila sa akin. Kaya mas lalo akong napanguso.

"Binibiro nyo na naman ako e. Bakit ba ako na lang lagi ang nakikita nyong asar asarin??." Nakangusong reklamo ko.

Dahil sa sinabi ko sa kanila. Bigla silang tumawa ng malakas. Lah! Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Oh!! anong nangyari dito? bakit tumatawa Ang tatlong ito?? Parang baliw lang. haha" Takang tanong naman ni Ross na nakadungaw sa bintana.

Tumingin naman ako sa kanya ng nakapout.

Nang makita ako. Bigla lumaki ang dalawa nyang mata. Parang hindi makapaniwala na nakita nya. Para ding baliw ito no. Pfffs.

"Woah!! Ang cute kong ngumuso Devon. At hindi kita nakilala agad a. Bagay na bagay pala sayo ang walang salamin." ang lawak ng ngiti nyang papuri sa akin.

Mas lalong humaba ang nguso ko. Nakita ko din na dumung-aw sina Tristan at Tyron sa bintana. Sa harap. Buti at nagkasya sila dun. Haha.

"Wit wiw!!! Chicks na chicks ang dating a. Ang ganda mo ngayon Devon." nakangising pambobola naman ni Tristan sa akin.

Aba't, sinong niloloko nila. Hindi ako madadala ang papuri nilang ganun ha. Alam kong ang pangit pangit ko kung walang salamin sa mata.

Nakita ko din na nag thumb up lang si Tyron sa akin at ngumiti. Uyy!! Ngumiti ang lolo nyo. Haha. Minsan lang makita ang ngiti na yun.

May isang tao naman hindi ko nakita sa kanila. medyo sumilip ako sa loob pero hindi ko masyadong kita ang loob.

Hindi ko na lang yun pinansin. Medyo disappointed naman ako ng hindi ko sya nakita.

"Wag nyo nga akong pinagbibiro dyan. Baka mamaya maniwala pa ako e. Ang pangit ko kaya kung wala akong suot na salamin.." nakanguso kong panlalait sa sarili ko.

Totoo naman kasi e. Hay.

"At sino namang nagsabi sayo na ang pangit mo?" mataray na tanong ni Trisha at bigla nyang tinaas ang dalawang kilay.

"Oh chill lang babe!!!! Papangit ka nyan." pang asar ni Tyron.

Nakita ko naman na npasinghap si Trisha. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi ni Tyron na papangit sya o sa tinawag syang Babe?

May past ba ang dalawang ito?

"P*nyemas ka!! Wag mo nga akong tawaging Babe. Eww!!! Nakakadiri!!!!" nandidiring bulyaw bigla ni Trisha kay Tyron.

Bumaling naman ako kay Tyron na nakangisi.

"Asus!! Sabihin mo na lang na kinikilig ka kapag tinatawag kitang babe. Kala mo naman na hindi ganun ang tawagan natin dati e. Tss." pang aasar ulit ni Tyron.

Tama nga ang hinala ko. May past ang dalawang ito.

Pabaling baling lang ako ng tingin sa kanilang dalawa hanggang hindi na ako nakapagtiis na punagitnan. Wala naman akong maaasahan sa iba pa naming kaibigan. Eh nanonood lang naman sila sa

You are reading the story above: TeenFic.Net